Chapter 6: Blurred Memories

2847 Words
“HOY! Tulungan mo naman ako rito!” singhal ni Eli sa lalaking nauna pang maglakad sa kanya. Hindi makapaglakad nang maayos ang dalaga dahil sa dami ng plastic bags na bitbit nito. Naiinis siya sa binatang ngayon ay pasipol-sipol pa habang isang hindi kalakihang plastic bag naman ang hawak nito. ‘Anak ng tokwa, mukhang nilayasan na ito ng gentleness sa katawan, dinaig pa ang prinsipe kung umasta!’ Sandaling huminto sa paglalakad si Eli. Hinihingal itong naupo sa gilid ng kalsada habang pinupunasan ang pawis. Magdidilim na ang langit at kailangan na nilang makarating sa sakayan ng bangka bago sumapit ang gabi. Ngunit imposible na yatang mangyari pa iyon dahil sa hindi pagtulong sa kanya ng kasama. “Talagang hindi na ako tinulungan ng sirang ‘yon, ah.” Pumikit nang sandali si Eli habang pilit na tinatanggal ang inis niya kay Aiden. Ngunit pagmulat niya ng kanyang mata ay wala na ang mga plastic bag na hawak niya kanina. Nanlalaki ang mga mata niyang sinundan ng tingin ang binata na buhat-buhat ang lahat ng dala niya kanina. Wala lamang ang bigat ng mga ‘yon sa lalaki at tila ba hindi man lang ito nahihirapan sa pagbubuhat, samantalang siya ay para bang mabaalian ng buto kanina habang bitbit ang mga iyon. “Wow, parang kanina, walang paki-alam sa akin ito, ah.” Tumayo siya at tinignang maigi ang naglalakad palayo na si Aiden. Tila hindi yata nito pansin ang pagsunod niya sa kanya at dire-diretso lang ito sa paglalakad. Doon ay malaya niyang natingnan ang binata. Ngayon lang niya napansin na para itong isang modelo ng mga plastic bags kung maglakad dahil sa ganda ng posture nito. Mas nakadagdag pa sa ka-gwapuhan ni Aiden ang height niya. ‘Teka, sinabi ko bang gwapo siya? Susmaryosep, gumising ka, Felisia!’ Tila napansin ng binata na walang sumusunod sa kanya kaya naman humarap ito sa nakatayo pa ring si Eli. Kunot-noo siyang tiningnan ito na tila ba may malalim na iniisip. “Come on, woman! Stop day dreaming and let’s go home!” sigaw nito sa babae. Kaagad namang natauhan si Eli at mabilis na sumunod dito. ‘Hayun at back to English na naman ang loko. Saan ba galing ang nilalang na ito at nang maibalik na?’ Habang naglalakad sila patungong sakayan ay pansin ni Eli ang ilang babaeng nakatingin sa direksyon nila. At habang naglalakad silang dalawa ay naglalakad din ito na para bang sinusundan sila. Pinasadahan niya ng tingin ang mga ito dahilan upang kumunot ang kanyang noo. Nakatingin ang mga babae sa lalaking katabi niya at kulang na lang ay mapunit ang labi ng mga ito sa sobrang lawak ng kanilang mga ngiti. Nang magawi sa kanya ang paningin ng ibang babae ay kaagad niyang tinaasan ng kilay ang mga ito dahilan para siya naman ay pukulan ng masasamang tingin. ‘Ang haharot niyo! Pero sorry kayo, hanggang tingin na lang kayo sa kanya.’ Mas lumapit pa si Eli kay Aiden upang asarin lalo ang mga babaeng iyon. Kita niya ang pagtingin sa kanya ng mga babae at kulang na lang ay bumulagta siya sa mga nakakamatay na tingin ng mga ito. Todo irap pa ang mga ito sa kanya atsaka siya pagbubulong-bulungan. “Tss. Maka-asta, akala mo ang gaganda,” mahinang sabi niya sa mga ito atsaka umirap. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad. Sige pa rin ang pagngisi ni Eli sa tuwing may mga babaeng nakatingin sa kanilang dalawa. Nang marating nila ang sakayan sa pampang ay nagmamadaling sumakay sina Aiden at Eli sa huling bangka. Inayos ng binata ang mga bitbit na plastic habang si Eli naman ay nagbabayad para sa pamasahe nila. Pumwesto ang dalawa sa pinakalikod na bahagi ng bangka. Nakasandal si Aiden sa kawayang poste habang katabi naman nito ang dalaga na abala sa pagtigin ng mga dala nila. “Don’t tell me, may nakalimutan kang bilihin?” tanong nito sa dalaga. “Wala naman na, nag-double check lang ako, pero wala na akong nalimutang bilhin.” “Well, that’s good. I’m tired already, I wanna freaking rest.” Tinapik naman ni Eli ang braso ng binata. Tila napalakas naman iyon nang marinig niya ang pag-aray nito. “What was that for?” magkahalong gulat at inis naman ni Aiden dito. Bakas ang inis sa mukha nito habang hinihimas ang tinamaang braso. Mahina namang natawa si Eli atsaka inirapan ang binata. “Ang arte nito, parang tapik lang, eh.” Nang umandar na ang bangka ay dinama ni Eli ang lamig ng hangin na tumatama sa kanyang balat. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang natitirang bahagi ng kalangitan na may kulay pula. Masayang nagk-kuwentuhan ang mga pasahero sa bangka habang nananahimik naman ang katabi nitong si Aiden. Tila may malalim na iniisip. Habang nasa tumatakbo ang bangka ay palihim na minasdan ni Eli ang seryosong mukha ng binata. Nakatingin ito sa araw na tuluyan nang lumubog sa kanluran. Nakakunot ang kanyang noo at tila na ang daming sinasabi ng kanyang mga mata. Napaisip tuloy ang dalaga kung ano ng aba ang tumatakbo sa isipan ng katabing lalaki. “Who am I?” sobrang hina, ngunit hindi nakalampas sa pandinig ni Eli ang binitawang mga salita ni Aiden. Sa kanyang pagkakatitig rito ay doon niya malinaw na nasilip ang sobrang kalungkutan sa mga mata ng binata. Daig pa niya ang isang batang naliligaw at tila ba nawawalan na ng pag-asang makauwi pa ulit. Tila ba may kung ano’ng matulis na bagay ang dumaan pansamantala sa kanyang dibdib nang makita ang ganoong hitsura ng kanyang katabi. Sa sandaling pagsasama nilang dalawa sa iisang bubong ay walang ibang ginawa ang binata kung hindi ang sungitan siya, at ito lamang ang unang beses na nagpakita ng ibang emosyon si Aiden. Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa kabilang pampang. Tahimik na binuhat ni Aiden ang dalang mga plastic bags. Nagtataka namang tiningnan ito ni Eli atsaka sinundan. Tila wala pa rin sa realidad ang binata habang naglalakad sila pauwi, tila hindi nito ramdam ang bigat ng mga plastic bags na hawak samantalang kanina lamang ay halos wala siyang bitbit na gano’n. Napailing na lang si Eli habang naglalakad silang dalawa. Gabi na ngunit marami pang tao sa labas kaya naman hindi boring maglakad. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay kataka-takang walang imik si Aiden magmula pa kanina. Nakakapanibago iyon sa dalaga, bagamat tahimik naman talaga ito pero tila ba mas naging tahimik ito. “Aray!” Sa sobrang pag-iisip ni Eli ay hindi niya namalayan ang paghinto ng binata dahilan para bumangga ito sa matigas nitong likod. “Bakit ba basta-basta ka na lang humihinto d’yan?” “We’re here.” Gulat namang tiningnan ni Eli ang binata, at doon ay napagtanto niya na nasa tapat na sila ng kanyang bahay. Dali-dali namang kinuha ni Eli ang susi atsaka binuksan ang pinto. Walang kibo naman na naunang pumasok si Aiden. Hindi man lang tumingin ito sa dalaga at dire-diretsong tinungo ang sala atsaka ibinaba ang mga plastic bag. Tahimik namang nakamasid si Eli rito. ‘Ano’ng problema nito?’ Nang maibaba lahat ng ipinamili ay kaagad na nagtungo si Aiden sa itaas papasok sa kwarto nito. Samantalang napabuntonghininga naman si Eli. “May nangyari ba kaninang wala ako?” naitanong na lamang ni Eli sa kanyang sarili. BAGSAK si Aiden sa kama habang sapu-sapo ang ulo. Napakabilis din ng t***k ng puso niya dahilan para hirap niyang hinahabol ang paghinga. Hindi niya akalaing mapipigilan niya nang ganito katagal ang pagkirot ng kanyang ulo. Pinipigilan niya ang mapasigaw sa sobrang sakit no’n kaya naman pilit niyang ikinakalma ang sarili. “F*ck.” Namimilipit sa sakit na wika niya pa. Matapos ang tagpong iyon sa parke kanina ay isa-isang pumapasok sa utak ni Aiden ang malalabong ala-ala. Tila ba isang scene iyon sa pelikula na paulit-ulit na nagp-play sa utak niya lalo na nang makausap ang maliit na batang iyon. Blurry memories are keep playing on his mind like a flashback and he didn’t even know where are those coming from. “Uncle JC buy me a Barbie house!” “Uncle JC bought me a Barbie doll so buy me a Barbie house uncle JC!” “Okay, baby. Just keep this between the two of us, okay? Mommy will be mad if she knew about this.” “Sh*t!” Pinipilit niyang gawing malinaw ang mga pangyayaring nagp-play sa utak niya ngunit mas lalong sumasakit ang ulo nito na para bang mabibiyak. Pumikit si Aiden at pilit na ikinakalma ang sarili. Nang unti-unting nawala ang sakit ng kanyang ulo ay kaagad niyang inayos ang sarili. Marahil ay nagtataka na si Eli sa ikinikilos nito kanina pa. Ayaw niyang makita siya nito sa ganoong sitwasyon kaya naman halos mamatay na siya sa kakapigil kanina. Lumabas ito sa kwarto at tiningnan ang ginagawa ng dalaga. Sa hagdanan pa lang ay naamoy na niya ang niluluto nitong ulam. Bago sa kanya ang amoy ngunit hindi niya maitatangging mabango nga iyon. Sa ilang araw niyang pamamalagi sa bahay ng dalaga ay hindi maipagkakailang masarap itong magluto. Bagamat bago sa kanya ang lahat ng pagkaing kinakain ay masarap naman iyon. Pakiramdam niya ay ngayon lang siya nakatikim ng mga niluluto ni Eli sa tanang buhay niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kusina. Tila hindi napansin ni Eli ang presensya nito at tuloy lang siya sa pagluluto. Tahimik siyang naupo sa upuan sa harapan ng hapag habang pinanonood magluto ang dalaga. Lihim siyang ngumiti habang pinanonood si Eli na sumasabay sa tugtog, kumakanta pa at sumasayaw. Ginagamit pa nitong microphone ang sandok na hawak at habang nagluluto. Masayang nagluluto si Eli habang nakikinig sa paborito nitong kanta. Wala na siyang paki-alam kung marinig pa siya ng kapit-bahay. Maingay rin naman kaya makisabay na lang din siya sa ingay. Wala rin siyang paki-alam kung marinig siya ni Aiden, sa isiping wala rin naman itong paki-alam sa mundo. Ngunit nang pumiyok siya sa parte ng kanta na may mataas na tono ay nakaramdam siya ng hiya. Sandali siyang huminto sa pagkanta at mas lalo pang nakaramdam si Eli ng hiya nang marinig ang isang tawa. Natigilan siya sa paghahalo ng nilulutong ulam at dahan-dahang lumingon sa likod. Doon ay nakita niya si Aiden na nakaupo sa mesa habang nakatingin sa kanya na tila ba pinipigil ang malakas na pagtawa. Ramdam ni Eli ang pag-init ng kanyang pisngi at nasisiguro niyang namumula na ang mukha niya ngayon. ‘Gosh, nakakahiya ka Eli! Wala ka na ngang talento sa pagkanta sige ka pa rin! Ano pahiya ka tuloy.’ Pinanlakihan niya ng mata si Aiden malapad ang ngising ibinibigay sa kanya. Ngunit imbis na mainis dito ay tila ba mas lalong natigilan ang dalaga nang makita ang ngiti ng binata. Ngayon lamang nito nakita ang ganoong mukha ng binata. Lalong nagningning ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin habang ang mga mata naman nito’y tila kumikislap rin habang suot ang mapang-asar na ngiti. ‘Wala bang nakapagsabi na napaka-gwapo ng lalaking ‘to noong nagpapalaboy-laboy siya sa bayan?’ “Didn’t know that you’re a ‘very good’ singer,” tila nang-aasar na turan pa ng binata dahilan para matauhan si Eli. Muling nag-init ang magkabila niyang pisngi dahil sa sobrang kahihiyan. Mabilis na bumalik sa pagluluto si Eli at doon ay narinig niya ang malakas na pagtawa ng binata. Mahigpit niyang hinawakan ang sandok habang hinahalo ang ginataang kalabasa. Hindi na lang niya pinansin ang maya’t mayang pagtawa ng binata. ‘Bwisit ka talaga Aiden!’ MAAGANG pumasok si Eli kasama ang kaibigang si Jackie sa trabaho kinaumagahan. Hindi na siya nag-abala pang gisingin si Aiden. Nag-iwan na lang ito ng sulat sa mesa tungkol sa mga kailangang gawin ng binata. Ipinagluto na rin niya ito ng umagahan at pananghalian. “Hoy, bakit hindi niyo ako sinama sa date niyo ni Aiden kahapon?” tanong ni Jackie habang naglalakad sila papasok ng factory. “Ano’ng date naman ang pinagsasabi mo riyan?” tanong pabalik ni Eli, “namalengke lang kami ng stocks kahapon.” “Kahit na! Inggit ako!” Napailing na lang si Eli sa sinabi ng kaibigan. Kaagad silang dumiretso sa locker nila at nagbihis. Hindi pa rin natigil sa pagsasalita si Jackie at wala itong nagawa kung hindi pakinggan ang sinasabi ng kaibigan. Nang makapagbihis ang dalawa ay nagtungo na sila sa kanilang pwesto. “Kamusta na nga pala ang lagay no’n?” biglang tanong muli ni Jackie, “Hindi ba’t wala siyang naaalala?” Nagkibit balikat naman si Eli. “Hindi ko alam, hindi naman kami close, no.” “Ano ka ba, nakatira kayo sa iisang bahay, dapat alam mo ang nangyayari sa kanya,” panenermon naman ng dalaga, “baka mamaya ay may masakit na pala sa kanya, sige ka, maabutan mong nakabulagta na lang ‘yon sa bahay.” Nanlaki naman ang mga mata ni Eli sa sinabi ng kaibigan. “Ano ka ba naman, Jackie! Kung sa’n-sa’n na umaabot ‘yang imagination mo, aba!” “Ano’ng imagination pinagsasabi mo riyan, Eli? Gano’n ‘yong mga napapanood ko sa mga teleserye!” segunda naman ni Jackie, “Na kapag unti-unting bumabalik ang ala-ala ng leading man, sumasakit nang todo ang ulo nila!” Napailing na lang si Eli sa mga naririnig sa kaibigan. “Magtrabaho ka na nga lang! Baka mahuli ka pa ng boss natin d’yan, sige ka!” Kaagad namang natahimik ang kaibigan nito sa kanyang tinuran. Seryoso na ulit itong nagtrabaho ngunit tila aligaga yata ito. ‘Huh? Ano’ng nangyari dito?’ Hindi na lamang pinansin pa ni Eli ang kaibigan. Nagpatuloy lamang ito sa pagta-trabaho hanggang sa sumapit ang tanghalian. Masaya ang lahat ng trabahador na nanananghalian sa canteen ng factory nang makarating silang magkaibigan doon. Hindi naman siksikan sa counter at marami-rami pang mga bakanteng pwesto. Mas pinili ni Eli na maupo sa bahagi ng canteen na kakaunti lamang ang tao. Dinig ng dalaga mula sa isang grupo ng mga trabahador ang usapan nila. Tungkol iyon sa bagong boss nilang ubod ng gwapo at punong-puno ng kabaitan sa katawan. Naiintindihan niya ang nararamdamang kilig ng mga ito sapagkat iyon din ang unang naramdaman niya nang makita ang bago nilang amo. Ramdam niya ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi nang muling maalala ang binata nilang amo. “Hoy, ano’ng nangyayari sa’yo, friend?” biglang tanong naman ni Jackie dahilan para mapatingin siya rito. “Ha? Wala, kumain na lang tayo.” Nagsimula nang kumain ang dalawa. nagpapasalamat naman si Eli at hindi na muling nang-intriga pa ang kanyang kaibigan. Pilit rin niyang hindi isipin ang amo habang kumakain dahil baka sa pagkakatong iyon ay mahalata na siya ni Jackie. SAMANTALA, katatapos lamang ng meeting ni Clarence sa ilang investors na nasa karatig probinsya ng Cebu. Lunch break na nang mapagdesisyunan niyang bumalik sa kanyang office sa factory. Kasama niya ang pamangking natutulog ngayon sa kanyang tabi. Mukhang napagod iyon sa kapapasyal. Mabuti na lamang at hindi umiyak nang todo ang kanyang pamangkin at hinanap ang mga magulang nito. Anak ng nakatatanda niyang kapatid na si Jiro si Jaycee. Nang malaman ng kanyang kapatid ang sinapit ng kanilang pinsan ay nagdesisyon kaagad ang mga ito na bumalik ng Pilipinas upang tumulong. Nang makauwi ang mga ito kahapon galing England ay hindi na siya binitawan ng bata kaya naman isinama na niya ito pabalik dito sa Cebu kasama ang yaya nito. Spoiled sa kanilang dalawa ni Jayden ang bata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng kanyang pamangkin ang nangyari sa pinakamamahal niyang tito. Muling bumalik ang ala-ala nilang dalawa ng kanyang pinsan na inaalagaan ang bata. They look like stupid morons after seeing the angelic face of their niece for the first time. Mas nauna pa nga silang dalawa ni Jayden na maluha kaysa sa kanyang kapaitd dahil sa nag-uumapaw na tuwa at pagkagalak. “Uncle,” nabalik naman sa ulirat si Clarence nang marinig ang maliit na boses ng pamangkin. Ngumiti siya rito atsaka kinarga paupo sa kanyang hita. “What is that, sweetheart?” Inayos pa ng binata ang buhok na humaharang sa mukha ng kanyang pamangkin atsaka hinalikan ito sa noo. “Jaycee hungry.” Natawa ang binata sa isinagot nito sa kanya. “Just wait baby, we’re almost there, hmm? We’re gonna order your favorite food, hmm?” “Alright.” Yumakap ang bata sa leeg ni Clarence. Wala naman itong nagawa kung hindi ang ngumiti na lamang at haplusin ang buhok ng pamangkin. Nang makarating sa tapat ng building ay kaagad na bumaba si Clarence buhat ang natutulog muling pamangkin. Mukhang pagod nga talaga ito sa biyahe nila. Hindi na nag-abala pang gisingin ng binata ang natutulog na bata at dumiretso na papasok ng building. Akmang papasok na siya sa main entrance ng gusali nang may makakuha sa kanyang atensyon. Sa di kalayuan ay naroon ang isang babae at lalaki na tila ba nagtatalo. Sandali siyang humakbang paatras at doon ay nakita niya si Felisia, ang babaeng nagta-trabaho sa factory na nakausap niya noong isang linggo. Bahagya siyang ngumiti at akmang kukunin na ang atensyon ng dalaga nang madako ang tingin niya sa kausap nito. “What the f**k?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD