“SAAN mo nakilala si Eli?” tanong ni Jackie sa lalaking nasa kanyang harapan. Abala sa paglalaba si Eli habang si Jackie naman ay abala sa pagtatanong sa lalaking abala naman sa panonood ng TV.
Kasalukuyan siyang nasa bahay ng kaibigan dahil wala silang pasok. Isang linggo na rin ang lumipas nang patuluyin ng dalaga ang estranghero sa bahay niya at wala silang ibang ginawa kung hindi ang magbangayan.
Noong nakaraang araw lamang ay tinuruang maghugas ng plato ni Eli ang lalaki ngunit tatlong pinggan na ang nababasag nito. Naalala pa nito ang sinabi ng lalaki sa kanya.
“I don’t think I am doing this sh*t in my past life,” umiiling na wika ng lalaki habang nakatingin sa ikatlong pinggan na kanyang nabasag.
“Ngayon gawin mo! Kaunti na lang talaga at ‘yang ulo mo na ang babasagin ko!” sigaw ng dalaga rito na kaagad namang natahimik at nagpatuloy sa paghuhugas. Padabog namang umalis si Eli sa kusina para kuhanin ang walis at dustpan.
“Tabi d’yan!” sigaw muli nito sa binata na awtomatikong lumihis. Nakasimangot na iniligpit ni Eli ang mga nabasag na pinggan.
Tinuruan din ng dalaga na mag-igib ng tubig ang lalaki para punuin ang drum na nasa banyo ngunit halos abutin siya ng gabi sa paggawa no’n. Halos itapon na ng dalaga ang lalaki sa dagat sa sobrang inis dito.
May isang araw na tinuruang magsaing ni Eli ang lalaki at pagdating niya ng bahay galing trabaho ay halos magwala siya nang makita ang sunog na kaldero at kanin.
“Kainin mo ‘yan,” wika niya sa lalaki habang nakatingin sa kanin na halos tutong na.
“What? Are you going to kill me?” inis na tanong ng binata habang nakakunot ang noong nakatingin sa sunog na kanin. Padabog namang pinukpok ng dalaga ang mesa dahilan para mabilis na kuhanin ng lalaki ang kutsara at walang reklamong kinain ang tutong na kanin.
Magmula noon ay hindi na hinayaan pa ng dalaga na magluto, mag-igib at maghugas ng pinggan ang lalaki. Tanging pagwawalis at paglilinis ng bahay na lamang ang ginawa nito. Hindi niya alam kung paano niya pakikisamahan ang maarteng pulubing iyon kaya naman hindi niya na lang ito kinausap.
“Hay nako, magmumukha ka lang tanga sa kakakausap mo riyan,” wika ni Eli nang makapasok ng bahay. Kinuha nito ang ilang damit pa na nasa laundry basket. Puro iyon damit ng lalaki.
“Gusto mo bang bigyan kita ng pangalan?” tanong muli ng kaibigan ng dalaga ngunit wala pa ring imik ang lalaki. Tuloy lamang ito sa panonood ng telebisyon.
“Bagay sa ‘yo ang pangalang Aiden!” Napailing na lang ang dalaga. Pangalan kasi iyon ng isa sa mga naging crush ng kaibigan kaya naman ganoon na lamang ang excitement sa boses nito.
“That sounds good. I’ll take it.” Napairap naman ang dalaga nang marinig na naman ang maarteng English ni Aiden kuno. Ipinagpatuloy nito ang paglalaba at hindi na lang pinansin ang ingay ng kanyang kaibigan.
Nang magtanghali ay sinamahan ni Jackie ang dalawa sa pagkain. Nagdala ito ng ulam na sinigang na hipon at iyon ang kinain ni Aiden imbis na ang ulam nilang itlog.
“Alam mo, Eli. Nagdududa talaga akong pulubi ‘yan, eh.” Kasalukuyang nagsasampay ng mga damit ang dalaga sa likod ng bahay. Tinulungan na siya ng kanyang kaibigan dahil dalawang malalaking laundry basket din ang kanyang nalabhan. Inabot na siya ng alas-dos sa paglalaba at hindi man lang siya tinulungan ng asungot niyang kasama sa bahay.
“Alam mo ‘yon? Ang galing niya mag-English, bihira lang magtagalog ‘te!”
“Baka naman may tililing lang siya kaya gano’n.”
“Tililing? Duh, tandaan mo, nawalan siya ng ala-ala, paano kung mayaman lang siyang talaga? Tapos na-hold-up at nabagok kaya nagpalabuy-laboy na lang sa kalye?”
Napaisip naman si Eli sa sinabi ng kaibigan. May kung ano ang nagsasabing may punto si Jackie. Hindi ito gano’n kadungis nang gabing magkita sila, makinis ang balat at tila ba alagang-alaga.
“Pero kung mayaman siya, bakit wala man lang naghahanap sa kanya na kapamilya niya?” tanong naman nito dahilan para matahimik ang kaibigan.
“Sa bagay, kung mayaman siyang talaga, mapapanood na natin siya sa TV na ipinapabalita.”
Nang matapos silang magsampay ay napagpasyahan ni Jackie na umuwi na sa kanila. May lakad daw ito. Tiningnan naman ni Eli ang binata na hayun at kumakain na naman at tila ba walang paki-alam sa presensya niya.
“Hoy,” pagtawag niya rito, “magbihis ka at may pupuntahan tayo.”
“Where to?”
“Basta! Nasa kwarto ang mga damit na ibinigay ni Jackie! Kumilos ka na!” Ang mga damit na tinutukoy niya ay ang mga damit na pinaglumaan ng mga pinsan ng kaibigan niyang si Jackie.
Pumasok na si Eli sa kanyang kwarto at nanguha ng damit. Pupunta sila ngayon ng palengke at mamimili ng stocks para sa isang linggo. Medyo malaki ang sahod niya dahil sa tatlong araw na overtime kaya naman nakapagbayad siya ng mga utang at may natira pang medyo malaki para sa supply nila ng pagkain. Ngayon lang siya ulit makakapamili ng supplies dahil sa kasama niya sa bahay.
Muli itong bumaba para maligo. Hindi na niya nakita sa kusina ang binata, marahil ay nasa taas na ito at nagbibihis. Nagtungo siya sa banyo at binuksan ang pinto no’n. Ngunit laking gulat niya nang makita ang lalaking nakahubad at tanging tuwalya lang ang nakatakip ibabang parte ng kaniyang katawan.
Sa sobrang gulat at malakas na napatili ang dalaga. Gano’n din ang lalaki at nasundan pa iyon ng pagmumura.
“Don’t you know how to f*cking knock?” sigaw ng lalaki.
Kunot noo itong naglalakad palapit sa dalaga. Nanlalaki naman ang mga matang napa-atras si Eli habang diretsong nakatingin lang sa mukha nito. Ayaw niyang kung saan pa pumunta ang kanyang mga tingin kaya pinilit niyang makipagtitigan sa lalaki.
‘Diyos ko po, ilayo n’yo sa akin ang nilalang na ito!’ Sigaw ng kanyang isipan habang iniiwasang madako ang tingin pababa sa katawan ng lalaki.
“I’m asking you, woman.” Naramdaman ni Eli na wala na siyang aatrasan pa habang patuloy pa rin sa paglapit sa kanya ang lalaking nakatapis ng tuwalya.
“T-tumigil ka nga!” nagkaroon ng lakas si Eli na itulak ito kaya naman kinuha niya ang pagkakataong iyon para makalabas sa banyo.
Hinihingal siyang umakyat at pumasok sa kanyang kwarto. Sapu-sapo pa niya ang kanyang dibdib dahil sa sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso.
“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Eli at nagiging nerbyoso ka na?” Pane-nermon ni Eli sa kanyang sarili habang nakahawak pa rin sa dibdib. Pinaypayan pa nito ang kanyang sarili dahil sa biglang init na naramdaman kanina sa banyo. Muling sumagi sa kanyang isipan ang nakalantad na pandesal ng binata kanina sa banyo.
“Oh my God, napakalandi mo talaga!” Ilang beses umiling si Eli habang iwinawaksi ang ala-alang iyon.
“Hey, tapos na ako.” Napatayo si Eli mula sa pagkakaupo sa kama atsaka binuksan ang pinto.
Nakabihis na si Aiden at gamit nito ang kulay green na polo shirt at isang itim na pants na ibinigay ni Jackie kanina. Suot na rin nito ang isang pares ng itim na sapatos na galing din sa kanyang kaibigan.
Para bang nag-slow motion sa harapan ng dalaga ang ginagawang pagpapatuyo ng buhok ni Aiden. Likas ang gandang lalaki ng binata. Hindi ito makikitaan ng anumang peklat sa balat at bakas ng mga tigidig sa mukha. Tila ba gumagamit ito ng skin care noon kaya sobrang kinis ng kanyang balat sa mukha. Nakadagdag pa sa kanyang kagwapuhan ang maliit ng nunal sa kanyang ilong na tila ba nasa pagitan ng kanyang mga mata. Ang natural na mapupulang labi na tila "ba ang sarap halikan. ‘huh? Anong halikan?’
“Done examining my face, darling?” Kaagad na nagising sa katotohanan ang dalaga nang marinig ang tinig nito. Halos aduling pa siya sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa sa isa’t isa.
“A-ano ba’ng pinagsasabi mo riyan?” nauutal na tanong ng dalaga habang pilit na inilalayo ang kanyang mukha mula sa kaharap. Lihim siyang napamura sa kanyang isipan nang mapagtanto ang ginawa nitong pagtitig sa lalaki kanina.
Pakiramdam niya ay namumula na ang kanyang mukha sa sobrang hiya. Hindi niya matingnan nang diretso ang binata sa kanyang harapan na sumobra ang kagwapuhan habang nakangisi nang malapad sa kanya.
“You go to the bathroom, hapon na.” Ito na ang umiwas ng tingin atsaka naglakad papasok ng kwarto ng kanyang mga magulang.
Napabuga naman ng malali na hininga ang dalaga atsaka dumiretso na sa banyo. Habang naliligo ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang ilang beses na pagkapahiya mula sa lalaking iyon.
“Hay nako, nakaka-stress ka Aiden.”
HAPON na nang marating nilang dalawa ang palengke. Marami pa ring tao doon kahit hapon na. Marami rin ang mga tiyangge na nakatayo sa harapan ng mismong palengke dahil sa nalalapit na kapistahan.
“Woah.” Napatingin naman si Eli sa kasama. Kitang-kita ang magkahalong gulat at paghanga sa kanyang mga mata habang nakatingin sa mga taong naroon.
“Luh, ngayon ka lang ba nakakita ng palengke?” hindi makapaniwalang tanong nito sa lalaki.
“Yes, and I didn’t know that there are such places like this.” Napanganga naman ang dalaga sa sinabi nito. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinasabi ng kasama o matatawa dahil sa paniniwalang sintu-sinto nga ito.
“Halika na nga! Marami tayong bibilhin ngayon!” Hinila na ni Eli ang binata atsaka sila naglakad papasok ng palengke.
Tahimik lamang siyang tinitingnan ang mga sariwang isda at karne. Samantalang ang lalaki naman ay tahimik lang na nakahawak sa kamay niya habang tumitingin kung saan-saan.
“Huy, bitiwan mo nga ‘yang kamay ko,” naiilang na bulong ni Eli sa binata. Kinailangan niya pang tumingkayad para lang maabot ang teinga nito.
Ngunit imbis na bitawan ay humigpit lang ang pagkakahawak nito sa kanya. “Ayoko, baka mawala ka sa paningin ko,” wika nito sa kanya.
Wala namang nagawa si Eli kung hindi ang hayaan ang binata. Iniisip siguro ng lalaki na iiwan niya ito sa palengke o di kaya’y ililigaw kaya niya ito isinama.
“Bibili kayo, ineng?” tanong ng tindera ng malalaking isda sa kanilang dalawa. “Ang gwapo naman niyang asawa mo, ineng!”
Nanlaki naman ang mga mata ni Eli sa sinabi ng tindera. Mabilis siyang umiling. “Nako, hindi ko po siya asawa---’’
“Maraming salamat po.” Napatingin naman ang dalaga sa biglang pagsasalita nito.
“Sige na, mahal, bumili na tayo, paborito ‘yan ni Junjun.” Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Eli ang binata na nakangiti ngayon sa kanyang harapan. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito ngayon.
“Oh, ano na ineng? Bumili na kayo, aba!” wika naman ng matandang tindera, “hayaan n’yo, may dagdag kapag bumili kayo.”
“N-nako, maraming salamat po!” Walang nagawa si Eli kung hindi bumili ng tulingan. Nagpasalamat pa ang tindera sa kanilang dalawa bago sila tuluyang umalis.
“Ikaw! Kung anu-ano’ng pinagsasabi mo roon! Masama iyon, aba!” mahinang sigaw ni Eli sa binata na ngayon ay para bang bagot na bagot na.
Nakalabas na sila sa palengke matapos bilhin ang mga kakailanganin para sa ulam nila mamayang gabi. Sunod na pupuntahan nila ay ang isang grocery store para bumili ng stocks sa bahay.
“God, you will kill me there! Ang baho-baho!” Pagrereklamo naman nito sabay amoy pa sa kaniyang sarili. “Mabuti na lang at hindi sumama sa akin ang amoy.”
Napairap na lang siya sa kaartehan ng kasama. Kaya naman pala ayaw nitong bitbitin ang plastic kung saan naroon ang mga isdang ipinamili nila dahil sa sobrang arte nito sa katawan.
Sa inis ay kinuha ni Eli ang kanang kamay ni Aiden at inilagay ang plastic doon. Natigilan ang binata at matalim ang tinging ibinigay sa kanya.
“Ikaw ang bumitbit n’yan! Ako ang papasok sa grocery store!” Hindi na hinintay pa ni Eli na makapagsalita ito dahil naglakad na siya papasok.
Samantala, nakakunot naman ang noong tiningnan ni Aiden ang hawak-hawak na plastic. Mas lalo pang lumukot ang kanyang mukha nang maamoy ang malansang isda na naroon. Naupo siya sa isang bench na nasa tapat ng grocery store habang hinihintay si Eli na lumabas.
“God, this smells freaking bad!” inis na inilapag ng lalaki ang plastic sa kanyang tabi. Tiningnan niya ang mga taong naglalakad sa park na katabi ng store. Maraming bata ang naroon at masayang naglalaro at marami ring magkakasintahan na naroon.
Nakaagaw ng kanyang pansin ang isang batang babae na nakaupo lang sa isang bench sa tabi ng isang puno. Tila ba umiiyak iyon habang nakatingin sa mga kasama nitong naglalaro.
“Why are you crying?” tanong niya nang makalapit siya dito. Binitawan ni binata ang dala nitong plastic at naupo para magkatapat sila ng bata.
“Uncle JC?” nangunot naman ang noo ni Aiden sa sinabi ng bata.
“A-Ahm, I’m sorry but---“
“You’re Uncle JC 2!” Nagulat naman ang binata nang yumakap sa kanya ang batang kaharap. Aiden got caught off guard. Hindi niya alam ang gagawin sa bata. Iyak lamang ito nang iyak habang nakayakap sa kanya.
“Why didn’t you tell me you’re on a vacation, Uncle?” umiiyak pang tanong nito dahilan para mas lalong magtaka si Aiden.
“Erm, my apologies, sweetheart. But I’m not your uncle,” sabi ni Aiden habang hinahaplos ang likod ng umiiyak na bata.
“But you look like him! You look like my pogi uncle!”
“I’m sorry baby, but I do not know you. Maybe I just look like him.” Huminto naman sa pag-iyak ang bata matapos niyang sabihin iyon. Sumisinghot itong tiningnan siya. Pilit ngiti naman ang iginanti niya sa bata.
“Now, tell me, darling. Why are you crying?”
“I can’t find my uncle JC number 1!” humihikbing wika ng bata habang pinupunasan ang luha sa mata.
“Where did your uncle go?”
“I don’t know, I could not find my uncle anymore!” Mas lumakas pa ang iyak ng bata kaya naman mabilis na niyakap ito ng binata.
“Sshh, don’t cry, princess, we will find your uncle, okay?” pilit na pinakakalma ni Aiden ang bata habang yakap-yakap.
“What is your name, little princess?” tanong niya nang matigil ito sa pag-iyak.
“My name is Jaycee Kaye Montenegro!” masiglang sagot naman ng bata habang nakangiti.
“Beautiful name,” nakangiting wika naman ni Aiden rito.
“My mother told me to not to talk to strangers,” inosenteng wika nito, “if you are not my uncle JC number 2, what is your name, Mister?”
“My name is Aiden,” nakangiting sagot ng binata, “your mother is right, but don’t worry, I am a good man.”
“We will find my uncle, right?”
“Yes, darling.” Habang wala pa ang kasama ay niyayang bumili ni Aiden ang bata ng ice cream. Binuhat niya ito atsaka nagtungo silang dalawa sa nagtitinda.
“What flavor do you want?”
“I want chocolate!” masiglang wika naman ng bata habang karga-karga niya. Ngumiti naman si Aiden atsaka binilhan ng ice cream ang bata. Matapos no’n ay bumalik silang dalawa sa lugar nila kanina.
Habang pinagmaasdan ang bata ay hindi mapigilang mangiti ni Aiden. Hindi niya alam ngunit, para bang pamilyar sa kanya ang ganitong pangyayari. Tila ba may mga lumitaw na mga pangyayari sa kanyang isipan ngunit sobrang labo no’n. Umiling na lamang ito nang bahagyang kumirot ang kanyang ulo.
“Jaycee!” Napatingin naman silang dalawa sa pinanggalingan ng tinig.
“Nanny!” sigaw naman ng bata atsaka tumakbo patungo sa sinasabi nitong yaya.
“Diyos ko kang bata ka! Kanina ka pa namin hinahanap! Nag-aalala na ang uncle mo sa ‘yo!”
Mula sa kinauupuan ay tumayo na si Aiden atsaka binitbit ang plastic.
“Uncle Aiden bought me an ice cream!” masiglang sabi ng bata habang buhat ito ng yaya. Tumingin naman ang babae sa binata.
“Salamat po!”
“No problem.”
“See you around Uncle. Aiden!” nginitian namang ni Aiden ang bata habang naglalakad sila palayo. Sakto namang lumabas na rin si Eli ng grocery store na maraming bitbit na plastic bags.