Chapter 4: His Whole New World

2766 Words
“HINDI mo alam ang pangalan mo, hindi mo rin alam kung saan ka nakatira.” Tiningnan ni Eli ang kabuuan ng binata. Nagmistula siyang imbestigador sa harapan ng lalaki at masinsinang tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakatayo ito sa kanyang harapan at tila ba bored na bored na sa ginagawa niya. “Hindi kaya, miyembro ka ng sindikato?” gulat na tanong ng dalaga sa kausap. Nanlalaki ang mga mata nitong tiningnan ang lalaki habang wala namang emosyon na nakatingin sa kawalan ito. “Tss. Hindi ko matandaan, okay? Hindi ko alam kung saan ako nanggaling, o kung sino ako.” Napabuntonghininga na lang ang dalaga sa tinuran ng kausap. Mukhang maging siya ay mamomroblema tungkol sa identity ng lalaking kaharap. Kung bakit naman kasi siya pa ang tumulong sa akin, eh. Nangunot naman ang noo ni Eli nang magsimulang tingnan ng binata ang kabuuan ng bahay niya na tila ba inoobserbahan iyon. “This looks so small,” wika nito, “nasaan ang master’s bedroom?” tumaas ang kanang kilay ni Eli sa sinabi ng lalaki. Nanliliit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ito. “Excuse me? Anong master’s bedroom ang sinasabi mo riyan?” “Hindi mo alam ang master’s bedroom? God, how come you live in this world?” Nanlaki ang mata ng dalaga sa tanong ng binata. Para sa isang palaboy, masyadong matabil ang dila ng isang ito, na nagdudulot ng inis sa dalaga. Napapikit na lang ito na tila ba nagtitimpi dahil sa kaartehan ng lalaking kausap. “Alam ko ang ibig sabihin no’n, kaya lang wala kaming gano’n.” “What?” “Anong what?” inis na tugon ng dalaga. “Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita? Pasalamat ka nga at pinatuloy pa kita rito, eh!” Hindi na napigilan ni Eli na magtaas ng boses sa kausap. Sadyang umiinit ang dugo niya rito at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ito umasta gayong pagala-gala lang naman siya sa lansangan. Hayst, ba’t naman kasi pinatuloy mo pa siya rito, Eli? Baka tumanda ka nang maaga sa kanya! “Okay, then,” wika naman ng lalaki atsaka nagtungo sa taas kung nasaan ang kwarto ni Eli. “Hoy! Hindi d’yan ang kwarto mo!” sigaw pa nito at hinabol ang lalaking hindi niya kilala. Hinila niya ang damit ng lalaki dahilan para matigil ito sa paglalakad. Humarap si Eli sa kanya at iniharang ang katawan sa pinto ng kwarto. “Hindi ko sinabing dito ka sa kwarto ko matutulog!” inis na sabi ni Eli, “doon ka sa baba!” Tiningnan naman ng lalaki ang itinuro ng dalaga. “Seriously? Are you kidding me? I will not sleep in that small space!” masungit na tanong naman nito. “Tigilan mo nga ang kaka-English mo sa akin!” naiinis na wika naman ni Eli rito. Sumasakit ang ulo niya sa sobrang inis sa lalaki tapos ay dadagdagan niya pa ng kaka-English niya sa kanya. “Tsh, stupid.” Pinanlakihan naman ng mata ni Eli ang lalaki atsaka inirapan. Inis na binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto at padabog na isinara iyon sa harapan ng lalaki. Hindi niya lubos maisip kung bakit niya pinatuloy ang estrangherong iyon sa bahay niya. Inisip niya rin na baka hindi maganda ang pag-uugali no’n at baka gawan siya ng masama habang natutulog. My goodness, Felisia! Ano ba naman ang kagagahang ginawa mo? Kaagad siyang kumuha ng kanyang mga damit atsaka dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit laking gulat niya nang bumungad ang lalaking may gusot-gusot at maruming kasuotan. “Bakit nandito ka pa rin? Papatayin mo ba ako sa gulat?” sigaw niya rito. Ngunit hindi naman nagsalita ang kaharap nito at dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya. Kaagad na napaatras si Eli habang patuloy naman sa pag-abante ang lalaki. Blangko ang emosyon sa kanyang mata habang nakatingin dito. Ngunit sa pakiwari ni Eli ay tila ba napakalalim tumingin ng lalaking kaharap at pakiramdam nito ay malulunod siya kung makikipaglaban ng titigan rito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi ka safe sa lalaking ito, Eli! Ano’ng gagawin ko? Mabilis na nag-panic ang buong sistema ni Eli nang maramdaman niya ang matigas na dingding sa kanyang likuran. Hindi niya malaman ang gagawin sa taong nasa harapan niya. Bumibilis ang t***k ng kanyang puso at hindi niya matagalan ang mga titig nito sa kanya. Napapikit na lamang si Eli nang lumapit ang mukha ng lalaki sa kanyang mukha. Naghintay siya kung ano ang gagawin nito sa kanya ngunit ilang sandali ang lumipas ay wala pa rin nangyayari. “I’m hungry,” wika ng lalaki kasabay ng pagtunog ng sikmura nito. Mabilis na napamulat ng mata ang dalaga at hindi makapaniwalang tiningnan ang kaharap. Nakatingin ito sa kanya gamit ang mapupungay na mata na kanina’y parang balon sa sobrang lalim ng paraan ng pagtitig. Nakahawak pa ito sa kumakalam na sikmura na para bang bata na nanghihingi ng pagkain sa kanyang ina. “Paanong nagkaroon ng pulubing ganito ka-gwapo? Pakipaliwanag nga?” sigaw ng kanyang isipan. Itinulak naman ni Eli ang lalaki atsaka dumiretso sa baba para magluto ng pagkain. Masisiraan yata siya ng bait sa lalaking iyon na hindi man lang niya alam kung saan nanggaling. Nang makapagluto ito ay kaagad siyang naghain ng kanin at ulam. Nag-gisa siya ng sardinas na may dahon ng malunggay na pinitas niya kanina sa kanilang bakuran. Inihain niya iyon sa harapan ng lalaking kanina pa siya pinagmamasdan. Pinagmasdan niya ang reaksyon ng binata pagkatapos. Nakatingin lamang ito sa mangko habang nakakunot ang noo. Tila inoobserbahan niya ang ulam na nakahain sa kaniyang harapan at sinusukat kung nakakain ba ito o hindi sa pamamagitan ng pagtitig doon. My goodness, mamumulubi pa yata ako nito sa pagkain, mukhang maarte. “What’s this?” “Huwag ka nang maingay, kainin mo na lang ‘yan.” “Are you kidding me? Paano kung may lason ang pagkain na ‘yan?” Napapikit na lamang si Eli sa labis na pagtitimpi. Iyon na nga ba ang sinasabi niya kanina pa. Hindi niya mawari kung bakit nagdesisyon siyang patuluyin ang estranghero sa bahay, gayong ganito pala ito ka-arte. Baka masigawan niya nang wala sa oras ang lalaki kaya naman siya na mismo ang naunang kumain ng pagkain. Walang emosyon niyang tiningnan ang kaharap at nginuya ang pagkain. “Maybe I’ll just wait in a moment, baka matagal bago tumalab ang lason.” Sa sobrang inis ay pabagsak na inilapag ni Eli ang kanyang kutsara sa mesa at tiningnan ng masama ang lalaking kausap. Natigilan naman ito at tila ba gulat din sa ginawa ng dalaga. Wala sa oras din na nabitawan nito ang hawak na kutsara habang parang batang inosente na nakatingin sa babae. “Hoy! Sumosobra ka na, ah? Pulubi ka ba talaga? Ang arte-arte mo!” sigaw niya rito. Kaagad namang natauhan ang lalaki atsaka nagmamadaling kinain ang nakahain sa kanyang harapan. “Tsh, kakain rin pala, kailangan pang sigawan.” Umirap ang dalaga atsaka muling kinuha ang kutsara sabay sumubo ng pagkain. Tahimik nitong inubos ang kanilang hapunan. “Give me clothes,” maya-maya’y wika ng estranghero sa kanya, “Ilang araw ko nang suot ‘to. So, give me clothes.” Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi sumunod. Matapos silang kumain ay umakyat si Eli at pumasok sa kwarto ng kanyang mga magulang. Kahit inis na inis na siya sa lalaki ay hindi niya pa rin nalimutang iniligtas siya nito mula sa mga lalaking tambay sa kabilang isla. Kumuha siya ng damit mula sa tokador ng kanyang mga magulang. Naroon ang mga pinaglumaan ng kanyang ama at ang mga bagong underwear na binili niya noon para sa namayapa niyang ama. Bumaba siya atsaka hinagis ang mga damit na iyon sa lalaking abala sa panonood ng telebisyon. Bahagya pa itong nagulat at sinamaan siya ng tingin bago naglakad patungong banyo. Habang nasa banyo ang lalaki ay sinimulan nang hugasan ni Eli ang kanilang pinagkainan. Mabuti na lamang at hindi na nagreklamo pa ang lalaki sa kinain nila kanina at mukhang nag-enjoy naman ito sa pagkain. Iniisip ng dalaga kung saan nanggaling ang lalaki. Hindi pamilyar ang mukha nito sa mga pulubing nakikita niya sa daanan. “Akalain mo nga naman, pati pulubi sa ibang lugar dumadayo pa rito.” “What are you saying?” “Ay kalabasang betlog!” Napahawak sa kanyang dibdib si Eli nang marinig ang boses ng lalaki sa kanyang likuran. Gamit ang sandok na hinuhugasan ay tinutukan niya ang lalaki. “Papatayin mo ba ako sa gulat, ha?” sigaw niya rito. Ngumisi naman ang lalaki. “Kung may balak akong patayin ka, hindi sa ganitong paraan,” wika naman nito na ikinatahimik ng dalaga, “and I’m not a bad person.” Napabuntonghininga naman si Eli matapos sabihin iyon ng lalaki. “Mabuti na ‘yong nagkakalinawan tayo.” Nang matapos maghugas si Eli ay kaagad siyang umakyat papasok ng kwarto. Hindi na niya kinausap pa ang lalaki dahil busy ito sa panonood ng T.V. Mukha itong senyoritong nakade-kwatro pa habang nakaupo sa mahabang upuan at humihigop ng mainit na kapeng ipinatimpla niya. “Hanep, naging instant yaya ako.” Tuluyan nang isinara ni Eli ang pinto ng kwarto at humiga sa kama. Doon ay napaisip siya sa nangyari ngayong araw. Hindi siya makapaniwalang isang pikit lamang ay magkakaroon siya ng kasama sa bahay. “Ano ba naman kasing sumagi sa isipan mo at pinatuloy mo pa ‘yan dito, eh,” inis na wika ng dalaga. Ilang minuto lamang ay nakatulugan na nito ang pag-iisip. UMAGA na nang magising si Eli. Hindi pa maliwanag sa labas nang lingnunin niya ang nakasarang bintana. Pumikit muli siya at nag-inat. “Good morning.” “OH MY GOD!” Mabilis pa sa alas-kwatrong napabalikwas mula sa pagkakahiga si Eli nang marinig ang boses ng lalaki. “P-paano ka nakapasok dito? Lumabas ka!” sigaw nito sa kaharap. Ngunit tila wala yatang narinig ito at humiga pa sa kama. “My back hurts, let me sleep here.” “Hoy! Bumangon ka riyan! Bawal ka rito!” sigaw niya sa lalaki, “tatawag ako ng barangay!” Padabog namang tumayo sa kama ang lalaki at tiningnan siya nang masama. “You have work, right? There’s a girl waiting on you downstairs.” Nanlaki ang mga mata ni Eli sa narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng estranghero. Nagmamadali siyang bumaba at doon ay nakita niya ang kaibigang si Jackie na tulala at pinanonood ang nakaupong lalaki. Sa hitsura ng kanyang kaibigan ay tila hindi pa ito nakakapagsalita mula nang dumating. Tutok lamang ang mga mata niya sa lalaking hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. “Oh, here she is.” Tiningnan siya ng lalaki at doon ay nakuha rin ang atensyon ng kanyang kaibigan. Unti-unting nanlaki ang mga mata nito sa kanya at siya naman ay hindi alam ang gagawin. “Sino ang lalaking ‘yon, ha?” tanong ni Jackie nang makasakay sila ng bangka. Inaasahan na ni Eli na iyon ang unang tanong na sasambitin nito. “Niligtas niya ako kagabi,” sagot nito. “Ha? Bakit, ano’ng nangyari sa ‘yo?” Ikinuwento naman ni Eli ang nangyari sa kanya kagabi. Tutok naman sa pakikinig si Jackie hanggang sa mabanggit na nito ang lalaking iyon. “Hala, totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong niya, “Kawawa naman! Ang gwapo niya ‘te!” Napailing na lang si Eli sa iwinika ng kaibigan. Kunwari pa itong nagagalit kanina pero kung tingnan naman ang lalaki kaninang umaga ay para na niyang tutunawin ito. “Oo, sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya, kahit naman i-report natin sa barangay ay hindi nila tayo paniniwalaan.” “Oo nga, ikaw na rin ang nagsabi na pulubi siya.” Pinag-usapan ng magkaibigan ang dapat gawin sa lalaki hanggang sa makarating sila sa trabaho. Hindi na muna inisip ang lalaking iyon. Ngunit kahit ano’ng gawin niyang pagtutok sa trabaho ay hindi niya maiwasang maisip ang lalaki. Hindi niya iniwanan ng pagkain iyon at baka kung ano ang gawin niya at makita siya ng mga kapit-bahay nila. “Uuwi na muna ako,” wika niya nang magtanghali. Nagtatakang tiningnan naman siya ni Jackie. “Ano ka ba, Eli? Magsasayang ka lang ng pamasahe ‘te!” “M-may nalimutan ako sa bahay, Jackie,” sabi naman ni Eli habang inaayos ang kanyang bag, “sige, kita tayo mamaya, ha? Una na ako!” Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng kaibigan. Nagmamadaling tumungo si Eli sa sakayan ng tricycle para ihatid siya sa pampang. Nang makarating ay kaagad na sumakay ng bangka ang dalaga pauwi. Nang makarating sa tapat ng bahay ay naroon ang mga magulang ni Jackie at tila ba hinihintay siya. “Eli!” sigaw ng ina ng kaibigan, “pinasok ka ng magnanakaw! Diyos ko, mabuti na lang at naitali namin!” Nanlaki ang mga mata ni Eli sa sinabi ng ginang. Kaagad niyang pinasok ang kanyang bahay at nakita ang lalaking walang malay at nakatali ang mga kamay at paa. “Hala!” Mabilis na lumapit si Eli sa kinaroroonan nito atsaka kinalagan. “Eli, anak! Ano’ng ginagawa mo? Baka saktan ka niya!” sigaw pa ng ama ni Jackie. Napapikit na lang ang dalaga dahi sa sinabi nito habang kinakalagan ang binata. “H-hindi po siya magnanakaw, Mang Joaquin.” Humarap ito sa mag-asawa na ngayon ay gulat at nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. “I-iniligtas niya po ako kagabi, kaya pinatuloy ko siya dito.” “Ano?” gulat na tanong ni Aling Esme, “Wala bang sariling bahay iyan? Bakit kailangan mo pa siyang patuluyin dito?” “Ano ka ba naman, Hija,” tila nanenermon na sabi ng kanyang asawa, “hindi ka dapat basta-basta nagpapapasok ng kung sino rito sa bahay mo, ano na lang ang mangyayari kung may gawin ang lalaking iyan?” “H-hindi naman po siya siguro gano’ng tao.” “Hay, nako. Napakabait mong bata ka!” sermon ni Aling Esme sa dalaga. “Ano’ng pangalan niyan? Saan siya nakatira?” “Hindi niya raw po alam, wala po siyang maalala,” sagot naman ng dalaga, “p-palaboy-laboy lang po siya sa labas nang iligtas niya ako.” “Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Mang Joaquin habang nakatingin sa lalaki na wala pa ring malay. “Ibig mong sabihin, pulubi ang isang iyan?” “P-parang gano’n na nga po.” “Diyos ko.” “Ako na po ang bahala sa kanya, Aling Esme,” wika naman ni Eli, “hindi naman po siguro magtatagal at makakaalala na siya.” “Wala kang kasiguraduhan d’yan, Hija,” wika naman ng matandang babae, “huwag mo sanang mamasamain, pero tingnan mo ang kalagayan mo ngayon, baka mas mapahirap pa ang buhay mo kapag kinupkop mo ang lalaking iyan.” “Hayaan na natin si Eli,” wika naman ng ama ng kaibigan niya, “basta nandito lang kami kapag kailangan mo ng tulong, ha?” “Maraming salamat po, Mang Joaquin, Aling Esme.” Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na ang mga magulang ni Jackie ay isinara ni Eli ang pinto at tiningnan ang lalaking wala pa ring malay. “Hays, sana tama ang desisyon ko.” Tiningnan niya nang mabuti ang lalaki. Mayroon itong pasa sa gilid ng labi, halatang nasuntok ni Mang Joaquin dahil na rin siguro sa gulat. “Kung saan ka ba naman kasi nanggaling, eh.” Sinubukan niyang hawakan ang pasa nito dahilan para magising ang lalaki. “What are you doing?” Mabilis na binawi ni Eli ang kanyang kamay atsaka lumayo sa binata. Bumangon ito mula sa pagkakahiga. Narinig pa ng dalaga ang mahinang pagmumura nito nang hawakan ang pasa sa mukha. “Ano ba kasing ginawa mo?” tanong ni Eli atsaka hinarap ang lalaki, “Ang sabi ko kasi sa ‘yo huwag kang lalabas, eh!” “Hindi ako lumabas,” kunot-noong sagot naman ng binata, “nagutom lang ako, wala kang iniwang pagkain, and your dog keeps on barking, so I let him get inside then I suddenly got beaten by that old man!” Nakanganga naman ang dalaga sa sinabi ng kaharap. Hindi niya inaasahan ang English na iyon ng lalaki. Hindi niya tuloy mawari kung hahanga ba siya o maiinis dahil sa paraan ng pananalita nito. “Grabe, sino ka ba talaga?” “I don’t f*cking know,” inis na wika nito, “now give me a f*cking food ‘coz I’m f*cking hungry!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD