Kimberly Point of view
Continue.
" Wahhhhhhh omooooooo! " tili nila Bliss at Sheina.
"Dont worry iingatan kita. " dagdag n'ya pa.
Isa pang,
*LUNOK*
Anoo ba 'yann ba't ako biglang kinabahan napakurap pa ko kung tama ba naririnig ko .
" Shockkkkk iingatan ang Kim namin. " kilig na sabi ni Julia.
"Kiligggggg namannn.... "tili din ni Jera.
"Galaw galaw Kim hahahahha!"pang aasar ni Sheina sa'kin.
"Date pa lang 'yan Kim, haha!" Asar pa ni Bliss.
mga peste 'to kakahiya sila.
" Hoy, magsalita ka Kim masasayang ang laway mo!" Asar pa ni Jharlyn.
tumingin ako sa mga kaibigan ko at sinamaan ko sila ng tingin ang iingay ehhh.
"A-ah, sure why not date lang naman eh, so anong oras ba 'yan?" pagpayag ko.
"Ahh! Omo! " tili ng mga girls .
" Omo! Omo! Yieee! " tili ng malakas ni Julia.
" Woshieeeeeee diyan magsisismula na! Hahhaha " dagdag naman ni Jera.
" Trueeee woshie, hahahahha. " Yssa.
" Mga sira kayo magsitahimik nga kayo kakaltukan ko na kayo isa-isa! " sermon ko sa kanila.
'Yung boys natatawa na lang sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko.
"Sus, kilig ka lang ehh hahhahaha." Asar ni Jharlyn at hinampas pa ko.
Grabe ah may hampas pa kasama.
" Grabe ganiyan ka pala kikiligin mang kakaltuk ano Kim hahhah. " pang aasar naman ni Sheina.
Shemayyyyy sila ako na inaasar.
"Oh, oh pag ibig.... hahhahahahaha! " Bliss.
"Nakakakilig, nakakaba haha!" biglang kanta ni Sheina .
" Ewan ko sa inyo bubuhusan ko na ko kayo ng juice?! " pananakot ko .
" Kaya mo ba?! hahaha!" Sabi ni Jera at nag-iinis pa.
" Stop na 'yan girl kain na tayo baka maabutan tayo ng bell. " biglang singit ni Raven para manahimik na sila.
kaya nag si tahimik na nga sila at nagsimulang kumain .
----------------
Someone Point of view
Malapit na tayo magkita at sisiguraduhin ko 'di na kita bibitawan pa pangako 'yan .
" Ang tanga, tanga mo. Umalis ka nga sa harapan ko! " sigaw ko sa yaya ko.
Ang dali ng pinapagawa ko dipa magawa ng maayos .
kaya umakyat na lang ako sa taas para makapagpahinga.
Dahil bukas na ang alis ko ..
Naka ready na ang mga dadalhin ko para bukas wala na kong makalimutan at handa na para bumalik .
END P.O.V
-------------
Jiro Point of view
Totoo nga ang balita na babalik na siya.
handa na ba kong makita ulit siya?
kaya ko na ba maka usap ulit siya?
Matapos sa mga nagawa niya sakin babalik pa siya dito. Para magpakita sa'kin ng parang wala lang ito sa kaniya.
At ano naman naisipan nun at babalik pa siya para ano pa? Para saan pa?
Pagkakaalam ko, do'n na niya pinagpatuloy pag aaral niya kaya pinili niya ang pangarap niya kaysa pangarap naming dalawa.
At isa din kung bakit iniwan niya ko dahil sa lalaki niya mas pinili niya 'yung lalaki kuntra sakin .
Di ko pa kayang makipag usap sa kanya pagkatapos ng ginawa niya no'n sakin .
Dahil mas masaya na ko sa nung meron ako ngayon at masaya ako sa bagong mga kaibigan ko lalo na kay Kimberly.
Dahil binago niya ang pananaw ko sa buhay na no'n ay madilim na buhay.
Siya din ang nagbalik saya sa'kin ng mga panahong malungkot ako.
END P.O.V
------------------
Kimberly Point of view
FAST FORWARD
Andito na kami sa restaurant sabay-sabay kami pumunta pero nagsi uwi mo na kami para magbihis ng formal dress.
ako suot ko isang kyut na dress hanggang tuhod ko kulay blue simple but eleggant.
Sila Jharlyn gano'n din naka dress din sila iba-iba kulay pero bagay sa kanila lalo sila gumanda sa mga suot nila.
Sila Yssa naman 'di sila nag dress kasi wala naman daw silang ka date mga baliw talaga pero talagang purmahan mga suot nila silang tatlo magkakasama sa table.
At kami magkakalapit ng table din.
Jiro and me,
Jera and Raven,
Julia and Lander,
Abigail and Brix,
Jharlyn and Rome,
Ysaa & Bliss and Sheina.
Ganiyan ang style ng table at p'westo namin kaya magkakalapit lang pina reserved na pala din nila ito.
" Nagustuhan mo ba dito?" tanong ni Jiro sakin.
" Yes, ang ganda nga ehh ba't mo naisipan makipag date at kasama sila or sino naka isip ng idea na 'to?" tanong ko din sa kaniya.
" Actually si Rome nag isip ng date, total naman magkakaibigan na ang lahat i mean mag ka m.u na mga kaibigan natin gusto din nila mas makilala 'yung mga kaibigan mo kaya sumang ayon na din ako." sagot niya pa sakin ng seryoso.
" Ah, ok, sabagay hahaha nagkakalapit na 'yong mga kaibiga natin sa isat-isa, biruin mo dati mga naiinis kami sa inyo, haha kasi kung umasta kayo sa campus natin akala mo kung sino na eh? No offense ah, nagsasabi ako ng totoo 'yon pansin ko sa inyo 'yung akala mo artista lahat ng babae kinakiligan kayo. Hinahangaan kayo pero nung makilala na namin kayo at naging kaibigan masasabi naming ganiyan lang pala kayo pumorma noh, sikat kasi mga g'wapo kayo at isang band member din pala, magagaling kumanta kaya 'yun napamahal mga tao sa inyo kasi talented masyado kayo. Sana all. " mahabang salaysay ko haha.
Napakurap pa siya sa mga nasabi ko.
Speechless ba? Hahaha.
" Haha wala eh kailangan sanayan na 'yan lalo na pero salamat naging totoo ka. " manghang sabi ni Jiro.
" Tama na drama nagugutom na ko wala pa ba? haha!" pag iiba kong topic at talagang nagugutom na ko.
" Ay oo nga pala. Waiter! " tawag n'ya sa waiter na lalaki atabilis naman ito lumapit.
" Yes sir? Ipapahanda na po ba ung mga order sir? "
" Yes nagugutom na kasi kasama ko eh, haha." Biro niya pa sa waiter.
" 'Wag ka maniwala kuya. haha"
" Sige po, Ma'am and Sir wait for in 5 minutes thank you."
" Grabe sosyal dito noh?! " boses ni Sheina.
" Ignorante lang. hahaha!" Biro ni Bliss sa kaniya.
"Ba't ba? Haha! " Sheina.
" Mahiya nga kayo ang ingay niyong dalawa." saway ni Yssa.
Mga naririnig ko mga pinag uusapan nila .
" Baka may suhol 'to ah?! " rinig ko naman na sabi ni Abiigail.
Bigla ako natawa sa narinig ko.
" haha suhol ka diyan, wala basta mahalin mo lang ako ok na 'yon para sakin. " seryosong rinig ko kay Brix.
Lentek na 'yan mga nag aaminan na sila dito.
diko nakikita ang mga mukha nila kasi medyo naka talikod ako sa kanila kaya mga boses na lang ang naririnig ko.
Di ako chismosa at talagang naririnig ko lang sila.
" Tigilan mo ko. Di ka pa nanliligaw, mahalin agad kung pektussn kaya kita?! " Kahit 'di ko nakikita mukha ni Abigail ay alam kung kinikilig na 'yan.
" Grabeng pagmamahal mo amazona ka talaga? " Brix.
natatawa talaga ako grabe si Abigail ahhh iba din kiligin.
" Ok ka lang? Para ka ng nababaliw na eh. " biglang salita ni Jiro sa harapan ko.
Kaya nagulat ako kasi naman ang lapit ng mukha niya sakin at ano daw ako nabaliw?
" Huh ? Ano ba, lumayo ka nga at ang lapit bigla ng mukha mo sakin?! " sabi ko pa na nainis.
" Wala tinatawag kasi kita, kaso sa iba ka naka focus 'wag mo pakinggan mga kaibigan mo at ako ang pansinin mo muna dahil tayo nag da-date e. " biglang lambing niya.
Bigla ako kinalibutan sa action niya sa aharapan ko.
napangiwi pa ako sa inasta nya si Jiro ba 'to may sumapi na naman ata dito.
" 'Wag kang oa sinasapian ka na namn e! " kunwaring sita ko.
" Sapi agad?! " tampo n'ya naman.
" Baliw magtigil ka nga, 'di bagay sayo mukha kang sira. " sermon ko pa.
"Ouchhhh! "
" Napano ka na?"
"Sinaktan mo ko e."
"E-ehhh "
"Excuse me, Ma'am and Sir this is your order. " biglang sulpot ng waiter at inisa isa na nga ilapag mga pagkain namin.
Ganon din sa mga kasama namin.
"Enjoy your meal Ma'am and Sir. " yumuko pa siya bago umalis.
" Lets eat."
at nagsimula na kaming kumain 'yung mga kaibigan ko lalo na sila Sheina ang ingay nag uusap lang 'yan kahit saan talaga sila maiingay jusme .
nagulat ako sa paghawak ng kamay ni Jiro sa nakapatong kong kamay sa lamesa.
Ok ano meron? May ganiyang effects pa.
"Kimberly 'wag ka sana magagalit kung umamin man ako ngayon sayo, 'di ko na kayang pigilan pa 'tong nararamdam ko para sayo alam kong wala kang nararamdaman sakin, pero willing ako maghintay sayo na magustuhan mo din ako kahit gaano pa 'yan katagal 'di ako magsasawa hintayin ka seryoso ako sayo. Gusto kita Kim matagal na. " paliwanag niya sakin bigla.
Nagulat ako sa pag aamin niya na may gusto siya sakin kaya ako diko alam ang sasabihin ko dahil 'di ako makapaniwala sa sinasabi niya sobrang nabigla ako.
totoo ba 'to or nag paprank lang siya?
"Shockkk umaamin na ata si Jiro ohhh? Look!" Biglang ingay ni Sheina.
Di ako lumingon sa kanila.
Nakatitig lang ako kay Jiro na ngayon ay seryoso.
at talagang seryoso siya 'yung mga mata niya nagsasabi na totoo nga sinasabi niya .
" Prank ba 'to ?" Biglang tanong ko baka kasi isa lang 'tong prank e.
"No, no 'di ko kayang mag prank im really serious about my feelings kung 'di mo pa kaya maniwala im willing to wait na maniwala ka lang sakin. Ipaparamdam ko sayo na seryoso ako sayo maniwala ka man o hindi totoo ang sinasabi ko sayo. " mahabang paliwang nito.
" Wala ko masabi, nagulat ako sa biglang pag amin mo eh. " sabi ko pa sa kaniya na talagang nagulat ako sa biglang pag amin sakin.
" Alam ko naman na magugulat ka, pero maghihintay ako na magustuhan mo din ako Kim. Banda akong maghintay sayo."
" Thanks pero 'wag mo lang masyado akong pamadiliin na gustuhin ka agad, kasi kusa ko na lang 'to mararamdam kung may nararamdaman na ba ako sa isang tao." Sagot ko sa kaniya.
" No problema basta ikaw. " ngiti niya sakin at ngumiti na din akoo.
" Oh, tapos na ba kayo mag aminan diyan, p'wede na ba tayo umuwi? 8:30pm na kasi may mga pasok pa tayo bukas kaya " singit ni Sheina .
kaya nag si tayuan na kami at sabay na nag sisakay sa mga sasakyan namin
pero bago 'yun nag paalam na kami sa isat-isa
hatid kami ng boys.
pagdating sa bahay bumaba na ko sa kotse ni Jiro.
" Thank you bukas ulit ingat ka sa pagdrive bye good night." sabi ko pa bago bumaba.
" Welcome basta ikaw goodnight din bye." siya at nagsimula na umalis kaya pumasok na ko .
at umakyak na din nag bihis lang ako ng pantulog at humiga na at iniisip ung mga nasabi niya sakin diko alam na may gusto siya sakin ilang buwan pa lang kaming magkakakilala.
tama ba ang pagpayag ko na maghintay siya baka kasi diko din to maramdaman ayaw ko siyang saktan .
sana nga dumatiing ang araw na magustuhan ko din siya .
hanggang sa makatulog na ko .