CHAPTER 47:DATE

1542 Words
Kimberly Point of view Pagpasok ko wahhh malinis na so its means, nagkaklase na. Kaya tumakbo na ko paakyat sa building namin. Pagdating sa harap ng pinto hinihingal pa ko. kakatakbo shemay sumilip ako sa bintana. shock si Ma'am Ashy yare ako kasi late na ko. at dahan-dahan ko binuksan ang pintuhan sa likod na ko dadaan ayaw ko sa harapan no. at nakita ako nila Julia kumindat pa s'ya at sumenyas ako 'wag maingay. dumapa ako papunta sa upuan namin habang nakatikod pa si Ma'am kaya pabilisan ang gapang ko sa gilid shemay kakahiya 'tong ginagawa ko saktong papaharap si Ma'am na sakto din naka upo na ko. Wohhhh muntik na ko. Natawa sila Jera tinaasan ko lang sila ng kilay. " Nice one Kim, hahaha magaya nga minsan." biro pa ni Jharlyn sa'kin. " Geh try mo?" sabi ko na lang natawa ito. " Ba't late ka ?" Biglang tanong ni Abigail. " Nakalimutan mag alarm." Mahinang sagot ko at baka marinig ako ni Ma'am. " Kaya pala, nga pala nag text din ba sayo si Jiro about sa date kuno ?" Jharlyn. napatingin pa ko sa kaniya ano daw date? Ehhh 'di naman kami nun? Ba't pati ako isasama? " Huh ? Date ?" taka ko pang tanong sa kaniya. " Yes Date. " Jera. at tumingin ako sa iba tumango sila na alam na nila ang about dito so ako na lang pala ang hindi. " Pati kayo may date? Double date, as in couple ganon?" taka ko pang tanong sa kanila. " Ehh Parang ganon na nga so pumayag kami so ikaw na lang. Ano payag ka kapag inalok ka ni Jiro? " pagtatanong pa ni Julia. " Teka nga? 'Di naman kami para mag date noh." sabi ko pa. " Friendly date lang naman daw. " Abigail. " Weee friendly date lang ba sa inyo ni Brix?" asar pa ni Jera at napasimangot naman siya sa sinabi ni Jera. " Walang kami ok, kayo isip niyo kaltukan ko kaya kayo?! " inis na sabi ni Abigail sa kaniya. Nandamay pa, eh totoo naman na may something sa kanila. "Jusme kayo, ayan na naman kayo, mag-aaway kapag nakita kayo ni Ma'am nako. " sabi ko pa sa kanila. " Wait kelan ba 'yan sinasabi niyong friendly date kasama ba sila Yssa? " I ask. " Oo naman, pero hiwalay naman mga table natin sabi ng boys eh. " Jharlyn at panay tingin sa harapan. Di 'yon double date kasi sabi solong table so kayong dalawa lang gulo nila mag kwento. " Ang gulo niyo kausap kala ko ba magkakasama sa table? 'Yun pala solo. " sabi ko pa sa kanila. " Girls, nakikinig ba kayo? Kanina ko pa kayo napapansin na nabubulungan lang kayo diyan. Focus this discussion!" Biglag sigaw samin ni Ma'am at sabay Balik sa tinuturo niya. paktay nahuli nagbubulungan. " Ah sorry po Ma'am, hehe. " Abigail. Tumingin ulit siya sa'min at sabay na tinaasan ng kilay sa sinabi ni Abi. At balik sa pagsusulat sa blackborad. " kayo kasi maya na mag usap pagkatapos ng klase." sermon ko sa kanila. at nagsulat na kami para 'di na mapagalitan ulit ni Ma'am. SULAT SULAT DISCUSS DISCUSS DISCUSS KRINGGGG ( bell po 'yan para mag recess ) natapos na din kaya p'wede na kami mag recess dahil gutom na din ako wala akong almusal . Naglalakad na kami sa corridor marami student Sa paglalakad napahinto ako kasi humarang mga kaibigan ni Roselyn mga naka taas kilay pa ampapanget nila. Magsisimula na naman sila ng gulo. Yung mga kasama ko mga katabi ko na at taas kilay din sila 'di din nagpapatalo . " Ohh, speaking of b***h, there she is?! " sabi ko pa nilakasan ko ang sinabi at humarap nga siya sakin at ang sama ng tingin sakin kaya tinaasan ko din sya ng kilay . " Oh, really? If i know, sa'ting dalawa ay ikaw ang mas b***h, not me. " inis na sabi nito habang nakataas ang mga kilay na parang matatanggal na sa kinalalagyan nito. " tsk, ano naman ba kailangan mo at humarang pa kayo sa dadaanan namin?! " inis kong tanong sa kaniya. " Ohhh bakit masama ba humarang kami sa dadaanan niyo? Sana lumipad na lang kayo para maka iwas kayo sa dadaanan din namin. Right? " pang-iinis pa niya. " Wow, pa'no kami lilipad wala nga kaming pakpak , baka meron ka? Pahiramin mo kaya kami ng sinasabi mong lumipad na lang kami diba? " pang iinis pang sabi ni Abigail. " 'Wag kang epal panget!" Sigaw bigla ni Cristylyn. Ano Daw ? Panget Nahiya naman s'ya sa kaniya Maganda ba siya. " Ouch naman Cristylyn maganda ka ba? Kasi nahiya naman ako bigla sa panget ng ugali mo eh." pang iinis ni Abigail. sumama ang tingin niya kay Abigail . " Ano ba 'yan dami niyong alam, p'wede naman kasing dumaan na lang kami 'di 'yung nanghaharang kayo mga gutom kaya kami. At baka kayo na kainin namin eh." Singit naman ni Jera halatang nagugutom na. " S'yempre matatalino kami kaya marami kaming alam 'di tulad mo, at wala kaming pakealam kung mamatay kayo sa gutom no?! " Sanchi habang nanguya ng bubble gum. " Aba 'yung bibig mo pakilinis ahhh ang dumi na masyado kailangan na ipa vaccum 'yan Sanchi?! " pang iinis ni Jera kay Sanchi. " Baka ikaw kainin namin ano?! Ay kaso 'wag na lang nakakamatay ang laman loob mo kasi ugali pa lang masama na, pa'no pa kaya ang laman loob niyo diba?! " sabi ko pa na nakangisi sa kanila at lumaki mga mata pa sa sinabi ko. " Omooooo Roselyn tara na nga mga aswang ata mga 'to ehhh? I'm so scared na! " arte sabi ni Sanchi. " Trueee ayaw ko pa mamatay sa mga aswang na 'yan goshhhhh. " Cristylyn. Aarte akala mo naman magaganda. " Grrrr ano ba mag si tahimik nga kayong dalawa! " sermon n'ya sa kaibigan n'ya . at tumingin sa'kin ng masama. Oh, dukutin ko kaya 'yan ng mawala ka ng mata. " 'Wag kang masyadong magpakapante sa kanya 'di ka naman ang tunay na prinsesa, na kung umasta ka akala mo ikaw na. Tandaan mo 'to Kimberly babalik na siya at kukunin niya ang dapat sa kaniya. " biglang bulong sakin ni Roselyn. kinalibutan ako sa sinabi niya ano daw sinong tinutukoy nun? At sinong babawin peste 'yun mag iiwan na lang ng salita diko pa naintindihan . " Lets go. " sabi niya sa mga kasama niya at umalis na. ako naman nakatulala pa kasi wala ko naintindihan sa sinasabi niya. Anong babalik? Sino naman? Ahh ginulo niya utak ko. " Hey, ok ka lang? "pag-alala ni Jharlyn ng mapansin ako na natulala. " Kim tara na gutom na ko maya ka na mag emote ok." Reklamo bigla ni Jera. " tsk ikaw lang ba gutom tara na nga." sabi ko pa at kinalimutan ang mga pinagsasabi ni Roselyn sa'kin. Pagdating sa cafeteria ando'n na pala ang lahat. Lumapit na kami at nag si upo ung mga kasama ko nagsi kuha ng food at ako naman binigay ni Abigail ang para sa'kin. " Tagal niyo naman." Bliss. " Ayy nako may humarang kasi mga impakta." Sabi ni Jera wala talagang 'tong preno. "huh sila roselyn ba yan" lander " Yes ano-ano pinagsasabi samin lalo na kay Kim. " Julia. " Ano sinabi sa inyo? " tanong ni Raven. " Grabe nahiya na kami mas dinaig niyo maging chismosa eh no?! " pang aasar ni Sheina sa boys. " HAHAHAHAH " tawanan nila. " Eh, nang iinis lang sila pero may sinabi si Roselyn kay Kim na pabulong ehhh, ano nga 'yon? Ah tama 'yung tunay na prinsesa daw sino ba 'yun? Hahahhaha ano 'to kingdom? Ang dami alam ng mga 'yon." sabi pa ni Abigail habang siya ay kumakain na. At nakita kong nagulat ang mga boys sa sinabi nila lalo ni si Jiro lumulunok pa nga ehhh so kilala nila kung sino ang tinutukoy ni Roselyn sa'kin. " Sino 'yon kilala niyo ba ? " tanong ni Julia na nagtataka na din kung sino nga ba. " I think si Allyssa, tama ba ko Jiro diba babalik na siya? " tanong ni Yssa kay Jiro. Teka bakit alam ni Yssa, sabagay marami siyang alam this school. Napatingin kami sa kanila sinong Allyssa ito ba't diko kilala . " I dont know, 'wag na natin pag usapan kumain na tayo." pag iiba ni Jiro kaya nag sikain na pero ako wala kong gana parang nag iba 'yung mood ko ngayon dahil sa mga naririnig ko at sa pag iiwas sa mga tanong niya kay Yssa at halatang ayaw sabihin. " Hoy, Jiro naaya mo na ba si Kim para mamaya? " biglang tanong ni Jera. Napatingin si Jiro sa'kin. Oo nga pala may mga date kuno. Napangiti ako bigla dahil do'n pero ayaw ko ipahalata sa kanila. " Nope ngayon pa lang." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko . " Kim, p'wede ba kitang yayahin makipag date? " tanong n'ya pa sakin ng seryoso at talagang nakipag eye to eye siya na sabihin ito. napalunok pa ko sa sinabi niya. Sh*t bakit ako kinikilig sa simpleng aya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD