Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa isang hindi pamilyar na lugar ka. Habang nakatingin ako sa malayo, tanaw na tanaw ko kahabaan ng skyline dito sa Singapore. Bakit ba ngayon lang ako nakita ng ganito? Gusto kong bumalik dito kapag marami na akong pera at mamasyal sa iba't ibang parte ng lugar!
Kakarating lang namin dito sa Marina Bay Sands Hotel ngayon. Nasa kabilang kwarto si Sir at andito naman ako sa kabila. Sinabihan niya akong kakatok daw siya kapag bababa na kami para kumain. Inayos ko muna iyong mga gamit ko bago naligo.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay narinig ko na kaagad ang katok mula sa pinto. Mabuti nga lang ngayon siya dumating, timing dahil natapos na ako.
"Are you done?" bungad niya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya nag iwas ng tingin. Hindi na ako sumagot at kinuha ang aking bag at lumabas.
"Hindi ko po alam 'yung schedule niyo Sir dahil hindi naman po binigay sa akin, kailan po ba 'yung meeting niyo?" nilingon ko siya habang nasa elevator kami. Totoo naman na wala talagang binigay sa akin, wala nga akong idea kung sino 'yung mga ka meeting niya, e. Basta ang alam ko lang ay dapat ko siyang samahan. Kapag may kailangan siya ay tutulungan ko siya, at bukod doon ay wala na. Hindi naman siya iyong boss ko kaya wala talaga akong alam sa kanya.
"Bukas. Aayusin mo lang 'yung susuotin ko at sasama ka sa akin. Habang nasa meeting ako sa labas ka lang dahil hindi ka pwede doon, okay na ba?"
"Noted po, Sir."
"Don't ask too much, Yvonne basta susunod ka lang sa akin ako na ang bahala."
Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon para hindi na humaba. Bukas ay maaga akong magiging para ayusin 'yung mga damit na susuotin niya. O baka dadalhin ko na lang dun sa kwarto ko para doon na lang i-plantsa para ayos na lahat.
Tahimik lang akong kumain dahil busy din si Sir sa cellphone niya. Hindi naman siguro required na kausapin siya 'diba? Nang matapos ay umakyat ulit kami sa itaas at nag pahinga na para handa na para bukas.
"See you tomorrow, Yvonne," iyon ang huling sinabi niya bago kami nag hiwalay.
"Good morning, Sir!" binati ko siya nang buksan niya ang pintuan. Naiilang akong tumingin sa kanya dahil tanging tuwalya lang 'yung suot niya. "Ah, tapos ko na po na i-plantsa iyong damit niyo, Sir." sabi ko sabay angat sa damit.
"Morning. Pwede bang paki lagay 'yan sa kama?" sabi niya at nilakihan ang pag bukas ng pintuan.
"Sige po, Sir!" walang pag dadalawang isip ko na sagot. Iwanan ko lang naman 'yung damit niya 'diba tapos aalis na kaagad ako? Hindi niya naman siguro niya ako uutusan na bihisan siya! Pinapasok niya ako at dumiretso kaagad ako sa kama, iniwan ko dun ang damit niya at lumabas na din ako.
Hindi ko na din siya nakita dahil pumasok siya kanina sa banyo para maligo. Hindi na din ako nag paalam sa kanya kaya bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at nag bihis.
Pagkatapos kong mag-ayos ay kumain kami sa baba at sumakay ng cab para pumunta sa meeting niya. Nag suot ako ng black slacks at white blouse, ang sabi sa akin ay sa labas lang daw ako kaya hindi na lang ako magsusuot ng skirt. Ngayon ko lang na appreciate si Sir ha! Habang tinitingnan ko siya na nag lakad, hindi ko mapigilan na mamangha—ang gwapo pala niya ngayon. Bagay na bagay nga sa kanya na maging CEO dahil bukod sa anak siya ng mga Gomez ay pang boss din talaga iyong tindig niya!
"Good luck, Sir Khien kaya niyo 'yan!" sinabi ko sa kanya dahil mukhang kinakabahan siya. Papasok na siya sa loob ng meeting room at maiiwan ako dito sa labas. Ngayon ko lang siya nakita na ganito 'yung itsura niya, ha. Mukhang matalino naman si Sir kaya alam kong kayang kaya niya 'to, pero shempre kailangan ko din siyang e cheer dahil para sa kompanya din naman ito. Para sa kinabukasan ko din ito dahil sa kompanya nila ako nagtatrabaho.
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at huminga siya ng malalim. "Thank you, Yvonne. Hintayin mo 'ko dito.
Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Makikita ko lang sila dito sa labas dahil salamin naman 'yung paligid pero hindi ko din sila maririnig. May apat na lalaki na nakaupo at may dumating naman na dalawa nung pumasok na si Sir. Bago sila nag salita ay sumulyap pa si Sir sa akin at ngumiti bago siya pumunta sa gitna.
Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang nag sasalita siya sa harap. Makikita ko lang dito kung paano tumango 'yung mga lalaki habang nakikinig, mukhang nagustuhan nila iyong mga sinasabi ni Sir!
Napatayo ako nang makita kong mag kamayan na sila. Malaki iyong ngiti ni Sir kaya naman napangiti na rin ako. Mukhang maganda iyong kinalalabasan dahil masaya siya, ah! Mga kalahating oras pa ang hinintay ko bago siya lumabas dahil nag-usap pa sila.
"Kumusta po, Sir?" napatayo ako nang nag bukas ang salamin na pintuan at lumabas si Sir doon.
"I did it, Yvonne!" maligayang sabi niya at niyakap ako! Para akong nawalan ng lakas dahil sa biglaan niyang pag yakap sa akin! Ang kaninang nakangiti kong labi ay unti-unting nag laho dahil sa pagka bigla! Ang mga kamay niya ay nasa akin likod, mahigpit na mahigpit ang pagka yakap sa akin.
Bahagya akong natawa nang bumitaw siya sa akin at inayos ang damit. Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa pagka-ilang.
"I'm sorry, I was just.... I was happy," aniya at ngumiti sa akin.
Napangiti naman ako habang tinitingnan siyang na-guilty. "Ayos lang po, Sir huwag po kayong mag-alala. Sure ako matutuwa ho si Ma'am kapag nalaman niya 'to."
Tumango naman siya habang seryoso akong tinitigan. "Let's celebrate, Yvonne, where do you want to go? Isang linggo tayo dito kaya pwede tayong pumunta kahit saan."
"Basta libre niyo po, Sir ha?" biro ko kaya napatawa naman siya.
Pinanliitan niya ako ng mata at pinagkrus niya ang kanyang braso, tinagilid niya ang kanyang ulo at pinagmasdan ako, mukhang nag-iisip. "Don't worry sa akin lahat. Let's go?"
"Let's go!" sagot ko at kinuha ang aking bag bago sumunod sa kanya.
Bumalik kami sa hotel para mag bihis at dinala niya ako sa isang sosyal na restaurant. Sinabi niya namang libre na kaya hindi na ako umangal pa at kumain na lang ng marami!
"Thank you, Sir." nakangiti kong sabi nang nilagyan niya ng pagkain iyong plato ko.
"You're welcome," sagot naman niya at nag patuloy sa pagkain.
Hindi ako pamilyar sa mga pagkain dahil ngayon ko lang din 'to nakita. Sinabi ko din sa kanya kanina iyong mga bawal na pagkain sa akin bago siya nag order dahil baka atakihin naman ako ng asthma wala pa naman akong dalang gamot.
"Ang galing niyo po kanina, Sir. Kung nakita ka lang ni Ma'am sigurado akong proud na proud 'yon sa'yo!"
"Talaga?" umangat ang kilay niya. "You watched me?"
"Opo, Sir. Kitang kita lang po kasi kita dahil salamin lang naman iyong nakaharang."
Napatango siya at kumuha ng tubig. "Anyway, Yvonne please don't call me Sir when we're outside. Asher na lang or Khien, wala naman tayo sa trabaho." pag bago niya ng topic.
Tumango naman ako bilang pag sang-ayon. "Okay po, Si—Khien. Sabi niyo po gusto niyo na tawagin ko kayong Khien kaya Khien na lang po,"
Napangiti siya at nag punas ng bibig habang mariin nakatitig sa akin. "That's better,"
Nag tagal kami doon nang halos isang oras mahigit. Pagkatapos ay lumabas kami at nag punta sa Merlion Park. Kinukunan niya ako ng litrato nang tumigil kami sa pag lalakad para kumuha ng litrato. Salitan kami ng kuha ng litrato bago naupo para pagmasdan ang magandang view.
"Ang ganda pala dito, Sir 'no? Ibig kong sabihin, ang ganda pala dito, Khien."
Napansin kong nilingon niya ako. Nakatingin lang ako sa kahabaan ng Skyline pero makikita ko pa rin siya sa gilid ng aking mata. "Ang ganda nga," aniya.
"Sana makabalik pa ako dito. Oo nga pala..." yumuko ako para kunin buksan ang aking bag at kinuha doon ang sobre na may pera. Nung unang linggo lang sana 'to e, pero hindi ako maka hanap ng tyempo para maka-usap siya at maibigay 'to. "Ibabalik ko na 'to sa'yo," hinarap ko siya at inabot ang sobre.
Napatingin siya doon, kumunot ang kanyang noo bago ako tiningnan. "What's that?"
"Pera!" sagot ko. Hindi ba halata? "Ibabalik ko na 'to sa'yo. 'Diba sabi ko sa'yo ibabalik ko 'yung perang binigay mo sa akin? Ayos na sa akin na humingi ka ng tawad kaya ibabalik ko na 'to sa'yo."
Mas lalong kumunot ang noo niya at nag iwas ng tingin. "Hindi ko kailangan 'yan." sabi niya.
"Ha? Hindi ko naman sinabing kailangan mo 'to, gusto ko lang talagang ibalik sa'yo dahil sa'yo naman 'to."
"I told you I won't accept that, Yvonne. Sa'yo na 'yan,"
Hindi ako nagpapigil at kusa ko nang inabot sa kanya ang sobre; kinuha ko iyong kaliwang kamay niya at nilagay doon ang sobre.
"Ibabalik ko talaga 'to sa 'yo kahit hindi mo gusto, Sir Khien." sabi ko habang inabot ang kamay niya. Napalingon siya sa akin at muntik pa na mag tama ang mukha namin—buti nga lang at naka iwas ako.
Mas lalong kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang sobre sa kanyang kamay. Naiirita siyang hinarap ako. Ang sungit-sungit nitong lalaking 'to, ha!
"I don't need this, Yvonne. Binigay ko 'to sa'yo para mapalitan iyong damit mo na nabasa dahil sa akin kaya why do you need to return this?" inangat pa niya ang sobre.
Mahina akong natawa dahil sa itsura niya. "Bumili na ako ng damit, Khien gamit 'yung pera mo. At tsaka andami ko kayang nagamit dyan 'no! Naka bayad ako ng renta at naka bili ako ng bagong sapatos kaya isusuli ko na 'yan sa'yo dahil may sahod na naman ako ngayon."
Napangiti akong nilingon siya. Nakaawang ang labi niya habang tinitingnan ako. Natamaan ng araw ang kanyang mata kaya mas lalong kitang kita ko ang kulay nito. Namumungay ang kanyang mga mata habang ang kanyang noo ay unti-unti nang bumabalik sa normal!
"Alright. Itago mo na lang 'to. Kukunin ko 'to sa'yo kapag kailangan ko na, pwede mo din 'tong gamitin kapag kailangan mo." iyon ang sinabi at nilapag ang sobre sa pagitan namin.
"Kukunin mo kapag kailangan mo na? E hindi mo naman kailangan ng pera dahil marami ka namang pera eh!" kinuha ko ang sobre at inabot ulit ang kanyang kamay! "Hindi ko din naman 'to gagamitin."
Umusog siya dahil nilalayo niya ang kanyang kamay sa akin kaya umusog din ako para abutin iyon. "Kunin mo na kasi 'to."
"Ayoko nga," pagod niyang sabi.
"Para kang bata!" sabi ko at sinubukang hulihin ang kamay niya. Umirap ako at mabilis siyang tiningnan. Lumaki ang mata ko nang sabay pala kaming napalingon sa isa't kaya naman nag tama iyong kalahating labi namin!
Kumabog iyong dibdib ko nang maramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa akin. Kahit kalahati lang 'yon ay naramdaman ko pa rin iyon! Hindi iyon nag tagal dahil mabilis akong umiwas pero ramdam na ramdam ko pa rin talaga iyong labi niya kahit wala na.
Umubo siya kaya napatingin ako. "I'm sorry," iyon lang ang sabi niya habang nakatingin sa malayo. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, hindi ko alam kung may nakakita dahil mabilis lang naman 'yon pero sa dami ng tao sa paligid sigurado akong meron 'yon.
Napakagat ako ng labi. Hindi naman siguro counted iyon na first kiss dahil aksidente lang naman 'yon 'no? Siguro nga hindi 'yon counted. "Ikaw kasi! Kung kinuha mo na lang kasi 'to!" hindi ko mapigilan na hampasin ang braso niya dahil sa inis na naiisip na wala na 'yong first kiss ko!
Gulat siyang napatingin sa akin at hinawakan ang braso niya dahil sa ginawa ko. "I... I'm sorry okay? Hindi ko naman sinadya,"
"Para ka kasing bata! Kung kinuha mo na lang 'to, hindi sana nawala iyong first kiss ko!" tumaas ang boses ko at sinaksak sa dibdib niya ang sobre kaya naman lumaki ang mata niya! "Diyan ka na uuwi na ako!" sabi ko bago tumayo at nag lakad para makalayo na sa kanya.