bc

THE LOVE LEFT UNSPOKEN

book_age18+
206
FOLLOW
2.3K
READ
HE
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
office/work place
friends with benefits
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

After she graduated, she left her province for a City to find an opportunity. Opportunity knocks and she was accepted as a secretary of an investment company. She thought her life would follow as she imagined—not until Asher, her boss' son, entered her life.

But what if she wouldn't allow him to enter and just let her love be left unspoken?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"In the next five years, where do you want to see yourself?" Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang tanong na 'yon hanggang makalabas ako ng building. Tumingala ako. Ang taas! Kitang kita ko ang matayog na tayo ng building mula dito sa baba. Naisip ko lang, dito ko ba makikita an sarili ko limang taon mula ngayon? Kung matanggap man ako dito—hindi din ako sigurado kung mag tatagal ba ako. At kung hindi naman, hindi ko din alam kung saan ako dadalhin ng tadhana limang taon mula ngayon. Iniisip ko pa lang ang magiging buhay ko ngayon, kakayanin ko kayang mabuhay sa loob ng limang taon? Hindi ako sigurado. Siguro oo? Hindi naman ako nawalan ng pag-asa lalo na't palagi akong pinaaalahanan ni Mama na may tiwala siya sa akin na aasenso din ako sa buhay. Lumuwas ako dito sa syudad para mag hanap ng trabaho pagkatapos kong makapagtapos ng pag-aaral. Kakayanin ko ba na malayo sa aking pamilya? Lumaki ako na puno ng pagmamahal, kahit sa hirap ng buhay ay natapos ako sa aking pag-aaral dahil nag pursigi ko. Nag trabaho ako bilang isang Cashier sa isang Convenience Store sa umaga, at pumapasok naman ako sa paaralan tuwing gabi. Narinig kong kumulo ang aking tiyan. Napahawak ako doon. Paano ba 'yan, 500 lang 'yong dala ko para mag hanap ng trabaho kaya hindi ko alam kung paano ko 'to pagkakasyahin. Nabawasan na nga ito ng byente kanina dahil sa pamasahe ko papunta doon sa kompanyang hindi ko alam kung matatanggap ba ako bilang isang sekretarya. Bahala na. Kakainin na lang siguro ako ng isang beses sa isang araw. Kaya ko naman siguro 'yon lalo na't sanay naman ako. Nag hanap ako ng karinderya. Ilang metro lang din ito sa kompanya na in-aplyan ko. Sa dami kong problema pakiramdam ko kwarenta anyos na ako! Paano ko naman pag kasyahin 'tong 500 pesos sa pagkain ko, mag hahanap pa ako ng mauupahan at paano na lang ang pagkain ko sa loob ng isang buwan? Kapag hindi pa din ako natanggap ay siguradong uuwi na lang muna ako sa probinsya at mag-iipon muna para may magagamit ako para mag hanap ng trabaho! Sinubo ko ang huling kanin sa aking bibig at uminom ng tubig. Sayang kaya ang sampung pesong kanin kung hindi ko mauubos kahit wala nang ulam! Hinawakan ko ang aking bag nang makita kong umitim na 'yong kalangitan. Ang malas naman! Wala pa naman akong dalang payong! Nag hanap ako ng masisilungan dahil bumuhos na 'yong malakas na ulan. Paano na lang ako ngayon wala pa akong nakitang mauupahan. 'Yung mura lang sana para may pambili pa ako ng pagkain kahit umabot man lang ng isang linggo. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig. Mukhang sinusubukan talaga ako ng panahon ngayon, ah! Ulan lang 'yan, hindi naman 'yan nakakamatay. Kapag inatake nga ako ng asthma—pakiramdam ko katapusan ko na dahil ubos na ubos na 'yung hininga ko, ito pa kaya? Sa wakas, humina na rin ang ulan pagkatapos ng halos isang oras. Nag lakad-lakad ako para makarating sa kanto at mag tanong-tanong doon kung saan ang pwedeng maupahan. Basang basa na 'yong kalsada dahil sa pag buhos ng malakas na ulan. Tatawid sana ako para makarating sa kabilang kalsada dahil andun daw ang maraming paupahan—kapag pumasok ka sa eskenita. Nag lakad ako sa gilid ng kalsada habang tinitingnan ang paligid. Bakit walang taong lumabas? Takot yata sa ulan—wala naming bagyo, ah! "Ah!!" halos mapatalon ako sa gulat nang tumalsik ang tubig na mula sa kalsada sa akin dahil sa sasakyan na dumaan. Pinunasan ko ang aking mukha dahil hindi ako makakita ng maayos. Basang basa ang palda ko, ganun din ang long sleeve na suot ko. Bumuntong hininga ako nang makita ko ang papaatras na sasakyan! Patay ka ngayon sa akin. Nakasalubong ang kilay ko na sinalubong ang paatras na sasakyan. Mabuti nga at bumalik ka! Kapag hindi, baka isumpa kita habang buhay! Porke't mayaman, hindi na tumingin sa dinadaan kung may masasagasan ba o ano. Paano kung nasagasan ako? Mamamatay akong mahirap? Nako, 'pag namatay ako dahil sa tangang driver na 'yan, magiging multo ako at tatabi ako sa front seat habang nag mamaneho siya! "Buti bumalik ka! Akala mo naman sa'yo 'tong kalsada para mag drive ka ng mabilis! Bumaba ka nga diyan at maturuan—" napatigil ako nang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang isang lalaking malaki ang tiyan na nakasuot ng uniform ng driver. "Ma'am, pasensya na po nagmamadali kasi si Sir baka ma late po siya sa meeting niya. Pinabigay niya po sa'yo, pasensya na po talaga," Hindi ako nakagalaw sa mabilis na pangyayari. Hawak ko ang makapal na pera sa aking kamay at umandar na ang sasakyan para umalis. "Hoy! Teka lang hindi ko kailangan ng pera bumalik ka dito mag-uusap tayo! Hoy! Hoy!" Wala akong pakialam kung may makakita man sa akin dito na nagsisigaw. Kailangan niyang matuto para wala na siyang ma biktima pang iba! At... pera? Talaga namang! Napatingin ako sa aking kamay na may makapal na pera. Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko ang sarili kong halos basa na lahat. Kailangan ko ba talaga ng pera sa ganitong paraan pa? Pera ba talaga ang solusyon sa lahat ng problema? Siguro nga... Ang totoo kasi niyan ay kailangan ko naman talaga ng pera ngayon. Hindi ko naman naisip na bibigyan niya ako ng pera. Hindi ko nga naisip na babalik pa 'yon e, ma swerte na lang ako dahil bumalik siya—tururuan ko sana ng leksyon dahil hindi naman siya ang may ari ng kalsada, kahit late na late pa siya sa meeting dapat tumingin pa din sila sa daan. Hindi ko din masisisi ang driver na 'yon dahil nagtatrabaho lang siya—inutusan lang siya kaya naman... "One, two, three, four, five," binilang ko ang tig one thousand na pera aking kamay na binigay ng driver. Suminghap ako. "Fifteen." Fifteen thousand ang binigay niya sa akin at kapalit nun ay ang aksidenteng pag talsik ng tubig sa akin dahil sa bilis nilang mag patakbo. Hindi man lang nag sorry. Itong pera ba ang sorry niya sa akin? Mukhang ganun nga ang mayayaman. Tumingala ako sa langit. Unti-unti nang sumilay ang liwanag, bumalik na din 'yung araw. "Kailangan ko nga 'to," sabi ko at nag patuloy sa paglalakad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.2K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
14.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook