Siguro nga may rason kung bakit dumaan 'yong sasakyan na 'yon at mabasa ako. Ngayon, nakakuha ako ng isang kwarto para magiging tuluyan ko hanggang sa makahanap ako ng trabaho.
Five hundred 'yong buwan ng bahay at nagamit ko 'yung binigay sa akin para makabayad ako. Hindi ko naman din 'yun makikita ulit kaya hindi ko na 'to maibabalik.
Ano? Sasabihin ko bang thank you dahil binasa niyo ako? Hindi 'no! Buti na lang at hindi nabasa 'yung mga papel ko sa bag dahil kung nabasa—ewan ko na lang kung anong mangyayari. Uulit na naman ako?
"Magandang umaga po, Aling Eva!" bati ko sa may ari ng bahay.
"Magandang umaga, Yvonne, ano may lakad ka ba ngayon at nakabihis ka?"
"Hehe. Meron po, hahanap po ako ng trabaho, baka po wala na akong magiging pambayad sa inyo baka paalisin niyo ako!"
"Hay, nako iba ako! Hindi ako naniningil ng maaga basta bumayad ka lang nang hindi lampas sa sampung araw ayos na sa akin 'yon."
"Sige po, salamat po Aling Eva mauna na po ako!" kumaway ako sa kanya at nag lakad na dala ang folder sa kamay.
Bago ako sumakay ng tricycle ay bumili muna ako ng payong. Baka mamaya ay uulan pa mabasa na naman ako. Sumakay ako ng tricycle papunta sa isa pang kompanya na in-aplyan ko. Baka hindi ako pumasa doon sa iba may mapupuntahan pa ako. Blessing talaga 'yong kahapon e 'no, ngayon ay ginagamit ko na 'yung binigay—binayad sa akin para sa paghahanap ng trabaho. Pero hindi ko pa din talaga 'yun makakalimutan!
"Hi, good morning! May bakanteng trabaho po ba dito, Kuya?" tanong ko sa guard. Hindi ako sigurado kung may bakante pero sa tingin ko ay meron naman dahil sobrang laki nitong building na 'to 'no!
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mag-aaply ka ba? May dala kang resume?"
"Meron naman po, Kuya kayo talaga, shempre hindi naman ako pupunta dito kung wala." idinaan ko 'yon sa tawa at ngumiti sa kanya pagkatapos.
Nakisabay siya sa tawa sa akin at tumango tango siya. "Ah, sige po ma'am pasok po kayo mukhang may pinag-aralan naman po kayo baka qualified po kayo doon sa bakanteng posisyon. Try niyo lang po!"
So may tao bang mukhang walang pinag-aralan, Kuya? Grabe naman si Kuya! Nag pasalamat na lang ako at hinanap ang information desk para mag tanong.
"Hello po, good morning sa inyo! Saan po dito pwedeng mag pasa ng application para mag apply ng trabaho?"
"Hello, Ma'am good morning, uh straight lang po kayo tapos liko po pakaliwa tapos pag nakita niyo po ang asul na pinto kumatok po kayo dun—hanapin niyo si Jobert Manalasa po."
Nakikinig ako sa kanya habang nag sasalita siya. Jobert Manalasa, sana tanggapin mo naman ako kahit ngayon interview agad—sayang na 'yung pamasahe ko kapag bumalik pa ako dito bukas!
Tumigil ako sa asul na pintuan. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Tumama kaagad ang mga mata ko sa isang lamesa na may nakaupong lalaki. Sa palagay ko nasa kwarenta na siya?
Kalbo pala si Jobert Manalasa.
"Good morning po! Kayo po ba si Jobert Manalasa?"
Nag angat siya ng kilay at ngumiti sa akin. "Yes, hello! Ako nga si Jobert Manalasa anong kailangan natin?"
Pinilit kong ngumiti sa kanya at inabot ang resume na dala ko. "Mag-aaply po ako ng trabaho. Sinabi po kasi sa akin ng guard na may bakante po kayo—"
"Pwede ka nang mag simula ngayon." pinutol niya ako at nilapag ang folder na binigay ko sa kanya sa kanyang lamesa kahit hindi niya pa ito na tingan.
"Po?" lumaki ang mata ko, hindi makapaniwala.
Anong trabaho ba ang available dito bakit pwede na agad akong mag simula kahit hindi niya naman tiningnan ang resume ko.
"Mag-aaply ka bilang Janitress 'diba? Pwede ka nang mag simula ngayon, duty mo 6AM hanggang 8PM, hindi libre ang pagkain, 150 'yung araw. May day off? Oo, meron isang beses sa isang buwan."
Napaawang ang labi ko hindi nakasagot. Tama na ang narinig ko? Janitress? Nag aral ako ng apat na taon kahit nag working student tapos Janitress 'yung ibibigay na trabaho sa akin? Excuse me! Kaya nga nag aral ako para may pag pipilian ako ng trabaho!
"Excuse me? Janitress? Ibig kong sabihin hindi naman masama ang pagiging Janitress pero kasi—" napatigil ako sa tunog ng aking cellphone kaya tumigil muna ako sa pag sasalita.
Pinagmasdan lang ako ni Jobert Manalasa, wala akong pakialam kung marinig man niya ang tawag o baka maingayan siya.
"Hello?" pag sagot ko.
"Hello, is this Yvonne Astrid Torculas?"
"Yes, Miss."
"If you're available this afternoon please visit ChuFi Building, second floor, 1PM thank you."
Binabasa ni Jobert Manalasa ang aking mukha habang nakikinig ako sa sinasabi ng babae. Pagkatapos mamatay ng tawag ay mabilis kong kinuha ang folder na binigay ko sa kanya.
"Thank you, Sir sa offer. Mauna na po ako dahil hindi po ako intresado sa offer niyo. Pwede niyo naman pong tingnan ang aking resume para makita niyo kung saan ako bagay at hindi lang sa panlabas na anyo ko naka base, alam ko pong hindi po maganda ang pananamit ko at mapagkamalan niyo po akong mag-aaply ng Janitress pero hindi po ako intresado. At isa pa, 150 lang tapos 14 hours? Sobrang baba naman po niyan para sa isang taong may pamilya na pinapakain kung mag-aaply. Thank you na lang po."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya lumabas na ako. Siraulo ba siya, 150 'yung sahod sa loob ng fourteen hours na magtatrabaho?
"Ano, ma'am kumusta po?" bungad sa akin ng guard nang palabas na ako ng kompanya.
"Nako, Kuya hindi niyo naman po sinabing Janitress pala 'yung a-aplyan ko, ayos lang sana kung minimum 'yung sahod pero 150 lang? Paano na ako kakain nun tapos mag papadala pa ako sa pamilya ko? Sige ho, thank you na lang ingat po kayo!"
Hindi na siya sumagot at tiningnan lang ako. Umuwi na lang ako sa inupahan ko at bumili ng pagkain. Baka hired na ako dahil pinabalik ko kasi bakit naman ako pababalikin kung hindi 'diba?
"Hello po, Kuya bumalik ulit ako!" salubong ko sa guard nang makarating ako sa kompanya ng mga Gomez.
"Uy, ma'am welcome back!" ngumiti siya at pinag buksan ako ng pintuan. "Baka tanggap ka na, maam. Magiging sekretarya ka na dito— araw-araw na kitang makikita."
"Nako, Kuya salamat." iyon lang ang sagot ko at pumasok na sa loob. Busog na busog ako dahil madami akong kinain kanina, malakas kasi ang pakiramdam ko na matatanggap ako ngayon kaya dinamihan ko na 'yung pagkain ko tutal, mababawi ko din naman 'yon kapag may sahod na ako dito!
"You are hired as a secretary of Mrs. Gomez, ma'am you can start on Monday."
Iyon ang dahilan kung bakit palagi akong nakangiti habang naka sakay ako ng tricycle. Hired na daw ako? Grabe naman, andami kong blessings ngayon, ah.
"Aling Eva, nako tanggap na po ako sa trabaho sa wakas!" iyon ang bungad ko sa kanya nang makarating ako sa inupahan ko.
Tumayo siya at pumalakpak. "Nako, sinabi ko sa'yo, sinabi ko sa'yo 'diba? Alam kong matatanggap ka talaga kaya, hindi ka na aalis dito, Yvonne?"
"Shempre naman po, Aling Eva hindi ako aalis. May sahod na ako sa susunod na buwan kaya makaka bayad na ako inyo."
Tumatawa kami habang kwenento ko sa kanya ang nangyari sa akin kaninang umaga. Gusto ko talaga siyang kausap e kahit kasi kahapon ko pa lang siya nakilala e parang kilala ko na siya dati pa dahil hindi niya pinaramdam sa akin na boarders niya ako.
Tiningnan ko ang natirang pera ko na binayad sa akin kahapon. May thirteen thousand pa akong natira at may mga barya. Nag bayad kasi ako ng advance kay Aling Eva para sa susunod na buwan dahil baka makalimutan ko.
Siguro bibili ako ng mga damit ko? Tapos ipapadala ko na lang ang natira sa pamilya ko? Siguro mag tataka sila kung bakit may pera kaagad ako e kahapon pa nga ako umalis. Huwag na lang kaya, ibabalik ko na lang 'to may-ari tutal may trabaho naman ako. Pero paano ko naman 'to ibabalik e hindi ko naman 'yon kilala!
Kahit papaano ay nakatulong iyon sa akin kahit na sa ganung paraan ko 'yon nakuha. Hindi ko naman 'to ninakaw para hindi ko gagamitin 'diba? Kukuha na lang ako ng kaunti para ibili ng mga damit na gagamitin sa trabaho tapos bigay ko na lang 'to sa simbahan. Pwede kaya 'yon? Hindi ko maibalik ng buo? Kahit hindi naman sa may-ari ko 'yun maibalik ay sigurado naman akong gagamitin naman 'yon ng simbahan. Iyon na lang siguro dahil wala din namang pakialam 'yong taong nag bigay nun!
Bumili ako ng mga damit mga limang skirt at mga blouse, long sleeve at iba pa. Bumili din ako ng bagong bag at sapatos para may susuotin ako kapag pumasok. Bago ako umuwi ay bumili muna ako ng kaunting grocery na kasya sa loob ng isang buwan. Ayos lang naman siguro 'to 'diba? At least hindi ko mauubos 'yung binigay na pera ng may-ari.
Siguro nga ginamit 'yun ni Lord para bigyan ako ng pera? Siguro nga dahil hindi ko talaga alam kung paano ako kakainin ngayon at matutulog kung wala ito.
Nag iwan din ako ng five hundred dahil baka may emergency lalo na sa aking sakit. Baka magka asthma na naman ako ng wala sa oras mahirap na wala pa akong sahod. Bumili na rin ako ng bagong inhaler dahil luma na 'yung sa akin e.
Three thousand na lang 'yong natira, buti nga lang may natira pa e. Mura lang naman 'yong mga pinambili kong damit at sapatos para hindi ko mauubos 'tong pera at may maibigay pa sa simbahan.
"Ang dami mo namang pinambili, Yvonne may sahod ka na ba agad?" salubong ni Aling Eva sa akin nang makarating ako.
"Nako, wala pa po. Ginamit ko lang 'yong pera na binayad sa akin nung sasakyan na natalsikan ako ng tubig,"
Nakapamewang siya habang suot ang kanyang mataas na duster. "Natalsikan? Binayad? Anong ibig mong sabihin?" kuryuso niyang tanong, naka angat pa ang kilay.
Kwenento ko sa kanya ang nangyari kahapon at 'yung naisip ko sa natirang pera. "Kung ganun binayaran ka ng may-ari ng sasakyan?"
"Ganun na nga," tumango ako.
"Nako, buti nga huminto pa 'yon! 'Yong ibang mga sasakyan na ganun hindi talaga dahil alam mo na, sobrang yaman nila para lang balikan ang mga tulad natin."
Tama naman siya, pero pakiramdam ko talaga na konsensya lang 'yung may-ari ng sasakyan kaya bumalik sa akin. Sino ba naman ako para balikan niya at bigyan ng pera e sinabi ng driver
nagmamadali daw 'yun dahil may meeting.
Pwede din mabait lang talaga siya kaya bumalik. Baka natakot lang din na isumpa kung hindi siya bumalik!
"Oo nga po. Sinigawan ko din po kasi kaya siguro bumalik. At mukhang mabait naman po 'yung driver at mukhang ayaw nang humingi pa ng sorry sa akin 'yung may-ari ng sasakyan kaya binigyan na lang ako ng pera," sabi ko.
"Pwede naman 'yon. Hay, nako, Yvonne 'yung mga mayayaman masasama talaga ang ugali, lalo na ang mga anak nila nako sobrang mga spoiled 'yang mga 'yan. Ma suwerte ka nga dahil nakasalubong ka ng ganung mga tao. Nako kapag nag asawa ka huwag 'yang mayaman na masama ang ugali, ha? 'Yung mayayamang gwapo na, maganda pa ang ugali!"
Tumawa ako sa kanya. "Wala naman po akong planong mag asawa lalo na sa mga mayayaman. Hindi ko talaga 'yan iniisip, Aling Eva dahil nag pokus lang ako ngayon sa pamilya ko para maka bawi."
"Mabuti 'yan. Sobrang bait mong bata, Yvonne ma suwerte 'yung mga magulang mo sa'yo. Baka 'yung mayaman na may-ari pa ng pera 'yan ang para sa'yo dahil mabait ka, Yvonne! Nako, baka siya na ang prince charming mo na hinahanap mo talaga!"
"Si Aling Eva talaga. Kaya ayoko kay Cinderella e, tinuturuan niyang umasa sa wala ang mga mahihirap na tao. Wala naman pong magkakagusto sa aking mayaman Aling Eva, lalo na 'yung may-ari ng sasakyan na hindi ko pa nakita at hindi ko kailanman makikita. At tsaka kahit makita ko 'yun, ayaw ko pa rin sa kanya dahil sigurado akong masama ang ugali nun."
"Oo nga naman 'no? Pero sa tingin ko hindi imposibleng walang magkakagusto sa 'yong mayaman. Sa ganda mo ba naman, nako! Aayusan ka lang kaunti para ka nang anak ng presidente, Yvonne! Unang kita ko nga sa'yo akalain kong model ka dahil sa ganda ng iyong mukha at katawan!"
Tumawa ako ng malakas. Si Aling Eva talaga grabe magbiro. "Grabe naman po 'yang papuri, Aling Eva! Sige po pasok muna ako pupunta pa akong simbahan mamaya e."