Walang nagawa si Jett ng hatakin papunta sa dining table ni Ran si Warren, inggit na inggit sya dahil dapat sya yun, kamay nya dapat ang hawak ng kanyang prinsesa, sa kanya dapat ito nagpapacute at hindi sa utusan ng kanyang lolo. He scoffed . Iyon naman talaga ang tawag doon eh, yun yung papel ng kanyang karibal sa buhay ng pamilya nya, napalapit lang ang lalake na ito sa kanyang mag- iina, dahil sa utos ng kanyang lolo, kung hindi sana, wala ito sa landas nya ngayon..naisip nya na rin kung sinabi na ba nito kay Clem ang tunay na papel nito sa kanila. Sa nakikita nya kasi parang hindi pa, imposible naman na hindi makaramdam ng galit si Clem dito? Magiliw pa rin si Clem dito, na ikinaiirita nya lalo, Kanina pa sila magkasama bakit ayaw nya pang umalis? Kung titignan kasi ang turing n

