"Anong ginagawa mo dito?!" Dumagundong ang maingay na boses ni Ren sa sala ng kanilang bahay,nagmamaktol at nanlalaki ang mga mata nito habang nakaturo sa prenteng -prenteng nakaupo na si Jett... Kagagaling lang nito sa school, actually doon muna pumunta si Jett kanina, kaya lang naisip nya na hindi naman na ito sasabay sa kanya kahit anong pilit nya, kaya pumunta na lang sya sa bahay, kaysa naman, ipagpilitan nyang isabay ito, tapos hindi naman sya papasukin sa loob ng bahay. Gaya noong nakaraang harangan sya sa pinto...pinangako nya na lalampas na sya sa pintuan, kaya nga ngayon, nandito na sya sa sala, cross legs at maghihintay sa paghihimuntok ni batang kulit... Anak nya yun..paalala sa sarili...bawal maubusan ng pasensya...nagpaalam naman sya kay Clem na pupunta sya dito..yes, he g

