Buti naman kahit papaano may naisagot si Clem sa examination sa kanyang last subject .Puro si Jett na kasi ang laman ng utak nya, pati yung kaunting ginawa nila sa bakanteng silid. Buti narinig nila ang mga ingay ng mga estudyante na palapit kung hindi baka saan na yun napunta. Nakakahiya mang aminin, nadala na kasi sya ng sitwasyon, gusto nya ang mga halik ni Jett, it was her dream before, ngayon she's living that dream, hindi nga lang alam kung hanggang kailan... Palabas na ang mga kaklase nya, nakita nya si Luke sa bandang likuran, inaayos nito ang gamit, malaki nga ang eye bags nito, halatang malalim ang pinagdaanan.Napansin nya rin na medyo purple ang pisngi nito at pag tinignan nang maigi, parang may cut sa lips.Apologetic syang tumingin dito, hahakbang na sana sya palapit dito na

