chapter 25

2928 Words
Clem is sittings on a bench in their university gym. Hindi ganun kalayo kung saan nakaupo ang team ni Jett, naka open ang book nya sa isang chapter ng kanyang nirereview, yun ay kung may pumapasok sa utak nya. Ang ingay kasi ng dito, well practice nga naman ng basketball team , idagdag pa ang mga masusugid na tagahiyaw ng mga players na may kanya -kanyang pwesto sa loob ng gym, na kahit anong pigil ng coaching staff ay hindi mabawalan, wala nga naman daw klase, katwiran ng mga ito.. Sa kabilang side, nandoon nagpaparactice ng kanilang routine ang cheering squad na may mga twenty members, sa isang linggo na pag tambay nya rito, nasaulo nya na kung sinong player ang may girlfriend na member ng squad, kung sino yung after practice , pupunta sa sulok, magpapahiran ng pawis, maglalambingan. Ayaw nya sanng pansinin ang mga bagay na iyon, kaya lang di nya maiwasang tumingin,  para lang syang nanonood ng teenage flick... Well bakit nga naman daw ba dito nya naisipang magbasa at mag review sa maingay na lugar na 'to? Sino pa ang responsible?Sisihin si Jett, buhat kasi nang umaga na yun, lagi na lang syang nakasunod dito o kung hindi man ito yung nakasunod sa kanya, para tuloy silang buntot ng isa't isa. Hindi nya rin makausap ng sarilinan ni Luke, kasi totally wala silang chance mag- usap, feeling nya rin, may mata si Jett sa paligid nya, kahit sa loob ng room, bakit nya naiisip yun? Diba always silang magkatabi ni Luke sa mga halos klase nila together? These past days hindi nito magawang maupo sa tabi nya, dahil lagi na lang may mga sagabal na makikisingit,  kahit yung panakanaka nilang pag uusap, bigla na lang may dadaan o worst may haharang.. Noong una akala nya, unintentionally lang yun, but when she overheard those classmates of hers, talking to Jett, while the latter giving them instructions, doon nya narealize how serious he waa.Noong sinabi nito na layuan si Luke, dahil kanya sya, she just didn't see this coming... Ganito pala talaga umangkin ng pag- aari ang kanyang bestfriend.. na siguro kung free lang ang naging relasyon nito noon kay Amanda, siguro mas higit pa rito ang security na pinaranas nya... More like sinasamba? "Hey come on, the practice is over." nasa harap nya na pala ito, pawis na pawis , habang nakasampay sa kanang balikat ang towel, sa kabila naman ang sports bag nito..hindi nya napansin na tapos na practice, kasi di naman sya nanonood talaga.. "Ganoon ba? Punta muna akong library, mag review ako sa exam ko mamaya." sabi nya rito, sana pumayag, na pepreasure na rin kasi sya, lalo na sa mga tao sa paligid nila, she needed to breath...she needed some space away from him, kahit ngayon lang.. Nag- isip ito sandali, bago sumagot.."I'm hungry, i want to eat, canteen na lang tayo, tutulungan kita magreview habang kumakain tayo, what do you think?" Ngumiti ito sa kanya, di naman sya gutom, pero dinamay na rin sya nito kumain, isa lang ang ibig sabihin niyon, di ito pumayag na pumunta sya doon mag isa, na baka magkita at mag-usap lang sila ni Luke, pero seriously, mag rereview lang talaga sya...kailangan nya lang ng tahimik na lugar at hindi candidate ang canteen para doon, eh lugar pa naman ng tsisimisan yun para sa mga student. Hindi lang nila pinapakain yung mga bituka nila, binubusog din nila ang mga mata at tainga nila sa mga gossips.. However... "Okay sige.."ano nga ba naman karapatan nyang tumanggi sa demand nito..ngumiti ito at nagpapaalam na pupunta muna sa dug out, para magshower, gusto na lang sana nya itong hintayin doon, sa pwesto nya ngayon, pero sabi nito doon na lang daw sa bench sya maghintay, doon sa mas malapit syang makikita pag labas nito. So tumayo na lang sya lumakad kaunod nito at naupo doon sa wating area. "Claynn" napangiti sya nang makita sa harapan ang maamong mukha ni PJ, ang cute talaga nito, salamat magkakaroon na rin sya ng matinong kausap.. pansin nya kasi lahat halos ng babae doon iniirapan sya, "Kumusta?Ngayon lang kita nakita," naupo ito sa tabi nya, noong nag start kasi sya isama ni Jett dito, di ito umaattend ng practice.. "I got sick, actually up until now." Bakas ang lungkot at  ang tamlay sa hitsura nito...kaya pala... "Okay ka na ba ngayon?" concerned na tanong nya rito, kaibigan nya na rin naman to, siguro kaya balisa rin ang hitsura ni Luke lately kasi worried din ito kay PJ, pero at least,may time ito para alagaan ng bestfriend, yung hindi sya makakagulo.. "I don't know if I will for now..." napayuko ito,  ang kanang kamay nakahimas sa batok, kabisado nya na ang gesture nito na ganun, may mabigat na dinadala, same goes with Luke...magbestfriend nga ang dalawa... "Ha?" "Claynn, I will ask you about something and please be honest with me?" buong pagsumamong sabi nito sa kanya, PJ turn and face her... Bigla naman syang kinabahan sa nais ipahiwatig nito... "Sige ano ba yun?" magkaharap na sila, at talagang magkalapit, yung sila lang talaga ang makakarinig nang sasabihin ng isa't-isa.. parang alam nya na kung saan papunta ang usapan na ito... Kinakabahan na talaga sya just like him, parang napasa sa kanya yung pagkabalisa... "Matagal mo na bang alam that Luke is gay and he is in love with me all along?" ramdam nyang hirap itong sabihin ang mga katagang yun, hindi nya alam kung paano mag react, actually she's not in the position to, kahit pa confidante ang turing sa kanya ni Luke, since Luke trusted her with all his heart,that's why ayaw nyang pangunahan si Luke, or could it be nag-confesed na ito? Ano kayang nangyari, bigla syang nag-alala kay Luke. Paano na lang ito ngayon?Alam nyang takot din ito na dumating ang time na malaman ni PJ ang totoong sya, he knows that its impossible na matanggap nito yung bagay na yun, he will think na lahat ng pinagsamahan nila panlilinlang lang... Dahil ba kasi parehas silang lalaki? Pero kung naging babae ang isa sa kanila, particular si Luke , never siguro ito magiging ganito kakomplikado.. "How did you know?" yun ang unang lumabas sa bibig nya... "Long story,accidentally..." "How do you feel about it?" she wanted to know, sinaktan ba nito ang bestfriend nya, just like some scenarios like this that she had seen in movies? Sana hindi naman, she hope. Hindi kasalanan ni Luke na ma fall dito, kusa yung nararamdaman without us knowing... Napakunot ang noo nito at matalim na tumingin sa kanya," How do you think I will react? I felt disgusted and betrayed, i trusted him..." puno ng panunumbat ang boses nito... ito ang pilit iniiwasan ni Luke,alam nyang possibility na mandiri ito sa kanya, na daig nya pa ang may sakit na AIDS, na ang sakit lang naman nya ay mainlove. Tiklop ang mga kamao ni PJ, like he wanted to hit Luke, how she wanted to call Luke right now and comfort him. alam nyang hindi nito ugali ang mag take advantage... she knows how nice he is... never nitong naisip yun, kahit pa he is breaking Luke's heart tuwing hihingi sya ng favor kapag may nagugustuhan itong  babae or para i please ang current  girlfriend. Never ito nag complain, o kung nag complain man, sa kanya lang, never nyang sinabi yun dito. Never once that he drive his girlfriend away, lagi syang nakasuporta, even though those kills him inside... Clem sigh deeply, and said, "PJ, he is still your best friend, can you find it in your heart to forgive him? Hindi nya kasalanan na maramdaman yun sa'yo, tao lang sya, pero lahat ng mga pinakita nya sa'yo, pag-aalaga, lahat yun totoo..." "Pero may motibo.." putol nito sa sasabihin pa nya, may idadagdag pa sana sya, kaya lang nakarinig na sya ng mga yabag kasabay ng matigas na pagtawag sa pangalan nya... "Clem." si Jett, napalingon sila ni JP dito, wrong timing na naman ito, masyado silang malapit ni PJ sa isa't-isa, because they were dealing a  very sensitive issue, tapos kasunod nito ang iba pang players na mga bagong paligo rin. Napatayo silang dalawa, dumistansya na rin sya kay PJ, mahirap na... "Mukhang ang seryoso ng usapan nyo ah? Halaka nagseselos si Pareng Jett sayo P.." "Wag kasing tatapak sa teritoryo na ng iba, mapapahamak ka nyan, sayang pogi natin kapag nabangasan lang, kami nga di makalapit eh,  bawal." sabat din noong isa na nag popogi pose pa, na ikinatawa naman ng mga kapwa players... Clem wish na sana tumigil na sila, kung pwede nga lang lagyan ng plaster ang mga bibig ng mga ito, gagawin nya... "May pinag uusapan lang kami. May tinanong lang ako sa kanya." sagot ni PJ.. "About?" Usisa ni Jett dito. "I think that's none of your business." Matapang na sagot ni PJ, mainit nga kasi ang ulo, kaya, wala ito  wisyo para galangin si Jett. Nakaramdam ng tensyon ang mga player kaya sila ang nagsilbi na ice breaker, nilayo nila si PJ, at nakunsenysa rin sa pang-aasar nila... "Jett.." tawag ni Clem dito nang sila nalang dalawa ang maiwan..kung tutuusin, wala naman sya dapat ipaliwanag dahil wala naman syang ginagawang masama, pero bakit pakiramdam nya , obligado syang gawin yun? " Hindi ba pwedeng kung paano kita iniwan, ganun ka nalang ulit pag binalikan kita?" heto na naman sya sa ugali nya na ito, pero hindi na sya hinintay sumagot nito, hinawakan nito ang kamay nya at pumunta sila sa canteen. ....................................................................................... Umorder ito ng paborito nitong palabok, saka ice tea, sya strawberry shake lang, hindi pa rin ito kumikibo, magkatabi sila sa upuan kahit pa sa four seater sila nakaupo. Hindi nakatakas sa kanyang mata ang tinginan ng mga student pagkapasok nila, ganito talaga kasikat si Jett, ang alam ng lahat nagkabalikan na sila, at mas sweet na daw ang relasyon nila ngayon, tapos na daw syang magtaksil.. nabalita kasi na ang naging third party si Luke kaya sila nagkahiwalay. Wala namang nilinaw si Jett na totoo at lalong hindi rin sya nagsalita maging si Luke kaya kahit nakukunsensya sa pagdawit sa pangalan ng kaibigan, wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang mga masasakit na salita. Pasimple nya itong tinitignan habang kumakain, sunod-sunod ang subo nito, mahigpit din ang pagkakahawak sa tinidor, "Anong pinag usapan nyo?" basag nito sa katahimikan nila..alam nyang hindi ito titigil sa pagtatanong, kailangan nito ng sagot, pero sasabihin nya ba ang totoong dahilan. Syempre hindi, labas ito sa problem nina PJ at Luke. "Nangungumusta lang sya," sagot nya rito, binitawan nito yung tinidor at kinuha yung baso ng ice tea...uminom muna, nakakatawa lang dahil pinapanood ni Clem bawat kilos nito, ultimo pagtaas baba ng adams apple nito at yung pagkulay ng sauce ng palabok sa lips nito para tuloy sarap halikan.... She shook her head immediately, ano ba ang nasa isip nya, ang aga nya namang pagnasaan si Jett, ito ba yung epekto ng paminsan- minsang may nangyayari sa kanila? "Masakit ulo mo?" nakalingon na pala ito sa kanya at nakita ang kanyang pag-iling... "Hindi naman," "about kay Luke ba ang pinag usapan nyo? kinausap ba sya ni Luke para lapitan ka?" "Hindi." "Hindi?" tanong ulit nito na hindi talaga kumbinsido, paano man kasi wala naman syang maayos na kasinungalingan na napoproduce, hindi nga naman talaga sya ganun kagaling magsinungaling... "Partly, tinanong nya lang kung bakit di na kami nagkakasama ni Luke, nagtataka lang sya..." "Anong sinagot mo?" "Sabi ko busy lang ako kaya ganoon," "Bakit di mo sinabi na pinapalayo talaga kita?" tanong nito na kunot nag noo.. "Ha?"  Is she allowed to say that? Hindi niya alam. "Kapag tinanong ka nya ulit, yun ang isagot mo, para alam nya na rin kung saan sya lulugar." Tutol sya sa gusto nito, parang deprived sya sa lahat ng tao, maging bagay... She hates this feeling, parang gusto nyang maiyak... "Jett, why are you doing this to me?" "Dahil gusto ko to" hindi nya na matiis ang sasabihin pa nito, kaya tumayo na sya, kinuha ang mga gamit at dali daling umalis.. inignore nya rin ang pagtawag nito, tumulo na rin yung mga luha nya, naiinis kasi sya eh, kasi right now, alam nyang kailangan sya ni Luke pero hindi nya naman ito mapuntahan, pag naalala nya yung hitsura nito these past days, naawa siya para sa kaibigan. Noong time kasi na sya  ang  may problema ito ang nagpagaan ng loob nya, pero ngayon, wala syang magawa para rito, dahil sa kahibangan ng mga rules ni Jett, na wala naman syang option kung hindi sundin... "Clem!" nahabol na sya totally ni Jett, hawak na nito ang braso nya at pilit syang hinarap sa kanya... "I'm sorry." Wala naman syang choice kung hindi ang maunang mag sorry, kahit saan anggulo pa kasi tignan, talo pa rin sya, since she had accepted that she belongs to him."Pero kaibigan ko si Luke, and may problema sya right now, nasasaktan sya and i want to be there for him..." "Kaya ba mas pipiliin mong ako ang masaktan imbes na sya?" bakas ang paghinanakit sa boses nito, hindi na nito alintana that they are creating a scene..."kaya ba kahit sabihin ko sa'yo na wag mo syang puntahan di mo pa rin ako susundin? Dahil ngayon mas pinapahalagahan mo na sya kaysa sa akin?" Hindi yun ganun, gusto nyang sabihin,"Look Jett you don't understand, Luke is a friend, sya yung nandoon everytime na wala ka..." hindi nya dapat sabihin yun, pero yun naman talaga ang totoo, napalapit si Luke sa kanya, dahil sa pagkakaroon ng distance sa pagitan nilang dalawa... Tumawa ito ng mapakla..."So para saan pala yung sinabi mo sa kin noon na mahal mo ako? It was just a part of your wicked ways para lituhin ako? Kasi kung yun nga, congratulations you did a great job," tuya nito sa kanya... ayaw ni Clem na pinagtitinginan na sila ng mga kapwa student, it's a private matter kaya gusto nyang wag nila itong pag usapan doon hangga't maari... "Please Jett, let's talk somewhere else , wag naman dito...." tumingin naman ito sa palagid, he glared at every one who are watching them, then he turn around and ordered Clem to follow him... Nakasunod lang si Clem hanggang sa mapunta sila sa isang vacant room, pumasok si Jett doon, nakapamaywang, nakatalikod lang ito sa kanya, hindi ito kumikibo, natatakot din syang magsalita, wala syang idea how to start again the conversation that they had earlier...kahit alam nyang she will still lose, that his only decision will prevail in the end, however gusto nya pa ring manindigan for the sake of Luke, her friend. "I hated the idea of you being with him, na nag aalala ka sa kanya, na dinadamayan mo sya, ang gusto ko ako lang , sa akin lang, ayoko ng ganitong pakiramdam eh, pero hindi ko kayang kontrolin,"ito na ang nag-umpisang magsalita. She knows that he hates Luke obvious naman yun, kasi nga hindi nito susuntukin yun kung hindi naman diba? Pero is he pertaining to what she have in mind? Could it be nagseselos talaga ito kay Luke? Well kung normal lang kasi ang sitwasyon, ito talaga ang maiisip nya, pero since may di sila pinagdaanan na maganda, including all those hates the he have for jer, parang sobra naman kung iisipin nyang selos nga ang tawag doon. Hindi nga ba sinabi nito nga na pag-aari lang sya nito? Kaya bilang pag- aari, doon lang sya dapat sa nagmamay-ari sa kanya? And one more thing, Clem's protecting her heart. Alam nyang nakababad na ang puso nya, pero gusto nya paring mag-iwan ng isang maliit na space to breath, to keep her sanity...kasi panandalian lang naman ito, kasi alam nya, that Jett woman will return to claim him at kapag nangyari yun, pag nangyari yun.... Hindi nya na natuloy ang pag- iisip ng maramdaman nya si Jett sa harapan nya, he had pinned her on the wall. Napakislot sya sa pagkabigla but when her eyes lock with his, mas matindi ang bakas ng sakit na nakita nya sa mata nito... It breaks her heart, kasi sya ang dahilan noon, ang kahinaan nya, ang pagiging makasarili nya... "Wag mo rin sana  akong iwanan gaya ng ginawa nya." Sumamo nito, mahinahon na, she felt her tears in her cheek, ayaw nyang makitang ganito si Jett, mas pipiliin nya ang pagiging dominant nito. Naglaho na ang pagiging playful nito, kaya sana kahit pagiging dominant ang matira, umangat ang kamay nya pero para hindi punasan ang sariling luha, dumapo yun sa makinis na mukha nito, she caress his cheek as if telling him to calm down... Paano nya ba mapipigilan ang sarili na mahalin pa lalo ito, gayong everytime she looks at his eyes, mas lalong lumalakas ang t***k ng kanyang puso... "I won't leave you , hangga't kailangan mo pa ako." She response, then she saw him smile, pero masakit yun para sa kanya, kasi kapalit ng salitang yun ay ang pagkakaroon ng hangganan... she wish na may idugtong ito roon, lines like .i will need you forever, so stay with me forever, or till death do us part.. Pero hanggang sa isip nya lang yun, dahil hindi lang ito kayang sabihin ni Jett, mas lalong hindi nya to naiisip at hindi nya mapapanindigan.... Jett lean down to her and aim her lips, marahan lang ang halik na yun, Clem let them lingered for some seconds before she decided to go with the flow, to responds with his kisses na mas bumibilis, mas naging mapangahas, mas naging mapaghanap... Bahala na, kahit sandali susugal ako... sa isip nya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD