Nandito ako ngayon sa sala, habang pinagaaralan ang bagong phone na binigay sa akin ni Jett.
Hindi nga sya nagbibiro nung sinabi nya na bibilhan nya ako ng bagong cellphone, kaya after one hour may inabot sya sa akin ng box kanina sa hospital...
Flashback...
"Akin ba talaga to?"
Bigla naman dumapo yung daliri nya sa noo ko, pinitik ako kagaya ng dati, pag naiirita sya,"Engot ka talaga!" Ganoon din ang eksakto nyang sasabihin sa akin, once na mapitik nya ako sa noo.
Na gagantihan ko naman ng kurot sa tagiliran nya...nakakamiss yung ganun, kaya naman napatigil at napatitig ako sa kanya.
Gustong gusto kong itanong kung bumabalik na ba kami sa dati, noong panahong kuntento lang sya na ako ang babae sa buhay nya.
Pero parang natauhan naman sya, umayos sya ng upo dito sa sofa na inuupuan namin...
"Natural sa'yo, magpasalamat ka na lang. Stop asking and saying nonsense/" pabulong lang yun, nag- iwas na rin sya ng tingin...
Gusto ko pa naman sanang sabihin na okay pa naman yung phone ko, gusto ko rin malaman kung saan nya yun dinala,wag nyang sabihing tinapon nya talaga sa basurahan..ang swerte naman ng makakakuha noon, nilagyan ko pa naman yun ng five hundred sa loob ng case, sa likod ng battery..ginawa ko lang pitaka, for emergency use, naging baduy na talaga ako no?
Well hindi ko naman kinakahiya yun, marami rin siguro kaming gumagawa ng ganun..at isa pa, time na talaga para kalimutan ko ang dating buhay ni Clayanne, puro mga childhood memories na lang yun...
Mag bibirthday na rin pala ako, ilang linggo na lang, isipin ko na lang na early gift to sa akin ni Jett.. hahanapin ko nalang si Luke sa school, para ibigay yung number ko, hindi ko kasi saulado yung number nya eh, saka sya rin kasi yung naglagay noon sa phone ko....
"Jett, ano nga palang number nito, para mapaloadan ko?" Nakasimangot syang tumingin sa akin.
"Bahala kang hanapin dyan, kalikutin mo at isa postpaid yan hindi mo na kailangan palodan, kaya makikita ko kung kaninong number ang kokontakin mo maliban sa akin."
"Ha?"
"Uulitin ko pa ba yung nasabi ko na?" ayan, napikon ko na naman sya, kainis kasi ang salitang ha, bakit naimbento pa ng bibig ko, nadinig ko na naman sya, kaya lang nagkusang nagtanong ang bibig ko...
"Sorry na, wag ka ng magalit." sabi ko, mukha na naman kasing galit kung tutuusin maliit na bagay lang yun.
Pero mukhang pag dating talaga sa akin, madaling uminit ang ulo nya...
Halos wala na kaming kibuan, konti lang kami mag-usap, mukha kasi ayaw nyang makipag -usap, nakikiramdam na lang din ako, pero before that, tinanong ko siya baka may iba syang lakad..sabi naman nya mamaya pa naman daw, pero mga ilang oras pa, umalis na rin sya..
Nag paalam naman, at sinabi pa na mag iingat daw ako pag uwi...
"Nasaan ang goodbye kiss ko?"
Nakalabas na sya ng pinto, bago ko sabihin yun...
Asa naman ako eh, hindi nya nga ako halos pansinin...
Lumapit ako sa higaan ni mommy, pinunasan ko sya, kagagaling lang din ng nurse para i monitor siya at kuhanin ang kanyang mga vital signs, nag umpisa naman ulit ako sa mga kwento ko sa kanya...
Binalita ko rin yung touch screen na phone na hawak ko...
Lumipas pa ang ilang oras ng hindi ko namamalayan.. dumating na yung nurse na hinire ni Jett para bantayan si mommy magdamag, para makauwi at makapag pahinga naman daw ako...
Kung tutuusin talagang sobra sobra na ang binibigay nya, kaya siguro kahit anong pakikitungo ang gawin nya sa akin ngayon, maluwag kong tatanggapin...
Martir ba?
Hindi siguro, tumatanaw lang ng utang na loob...
Saka gusto ko rin naman ito, malapit ako sa kanya...
...............................................................................................................................
"Wala ka bang balak kumain?" di ko napansin si Jett na nasa tabi ko na, nakacross arm ito...masyado akong nawiwili dito sa games sa cellphone ko. Oo akin na talaga kasi sabi nya akin naman daw , kaya aangkinin ko na talaga ito totally, wala nang bawian ngayon at sobrang enjoy na enjoy ako...
Para kasi akong bumalik sa dati, napakahilig kong maglaro nang kung anu-ano sa computer, pwera lang yung mga barilan, those were not my thing...
Naamoy ko yung mabangong aroma, galing sa kusina, bigla tuloy kumalam ang aking sikmura,nagluto ito, hindi ko man lang napansin kasi sobrang engross ako sa ginagawa ko...
Nakakahiya feeling ko, ako yung may-ari ng bahay, dapat pinagsisilbihan ko sya eh...
Naglakad na sya papunta sa dining, sumunod na rin ako, masamang pag hintayin ang pagkain baka magtampo...napasabak na ako ng lamon, pag -upo ko, gutom na ako eh, saka alam nyang ganito ako kumain kapag gutom, sanay na yan...
"wala kang kaagaw sa pagkain, baka mabulunan ka," para naman syang nagdilang anghel kasi bigla nga kong nabulunan, sana hindi nalang sya nagcomment ng ganun...
Iba kasi eh, basta iba simula noong alam nyo na, kahit tinatry kong di mailang di ko mapigilan ang mapaisip ng ibang bagay, kapag nagpaparamdam sya ng concern na alam ko namang hindi naman nya sadya, o hindi lang talaga yun yung intention nya...
Pero basta...
Makulit ako eh,
Ang kulit talaga ng puso ko,, sobra kung tumibok..daig ko pa ang inaatake sa puso...
Inabutan nya ako ng tubig, tapos hinimas nya yung likod ko..
"Ang takaw kasi," ngiti lang ang isinagot ko, at yun na naman yung boltaheng kuryente, na naging side effect ng simpleng paghawak nya sa likod ko...
"Okay na ako, salamat." Tumigil sya sa paghagod sa likod ko, nagpatuloy na kami sa pagkain, dahan dahan na ngayon, parang bigla akong nabusog, kahit kanina, gusto ko lahat ubusin lahat ng hinanda nya, wala na eh, nabusog ako,
Sa simpelng haplos nya....
Ang corny ko na masyado...
Ako yung naghugas ng plato, pumasok sya sa kwarto nya after noon, I caught my breathing, tapos binabatok batukan ko pa yung sarili ko...lagi nalang ba kami ganito, awkward sa isat isa?
Binalikan ko ulit yung pagkalikot sa phone ko after kung mag -ayos sa kusina, kailangan ko ng diversion, para hindi sya isipin, di rin ako makatulog, maganda sigurong pampaantok ito. Ti-nry ko yung isang game, magandang version ng tetris, enjoy na enjoy ako kapag sumasabog yung mga napapair ko na colors.
Palevel up na ako tapos tumataas ng speed...
"Yes!" napasigaw ako kaya lang biglang nawala yung phone ko sa kamay ko, sino pa bang kukuha? Isa lang naman ang kasama ko sa bahay.
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong, ano na naman kyang problema nya at kinuha na naman nya yung phone, huwag mong sabihin na kukumpiskahin nya yun ulit, eh kabibili nya lang nun, wala pang twenty four hours na nasa mga kamay ko ang bagong cellphone,
"Kung magiging ganito ka lang ka adik sa cellphone na ito, sana hindi na kita binilhan." sabi nya, galit sya nyan, eh sino bang nagsabi na bilhan mo ako? Kuntento na kaya ako sa lumang cellphone ko...
Syempre di ko sinabi yun, baka lalong magalit si lolo Jett...
Manang- mana na sya, para na syang lolo nya, kung magalit, parang may PMS lagi, daig pa ako....
"Tignan mo nga yung oras alas onse na ng gabi, may pasok pa tayo bukas, wala kang balak pumasok sa school?" napatingin naanan ako sa relo, at nagulat,, ganun na ba katagal? Parang seven pm lang kanina, nang mayari ako maghugas ng plato ah....
Kinusot ko pa nga yung mata ko, baka namamalikmata lang ako sa oras, pero tama talaga si Jett sa sinabing oras. Anong nangyari? Bakit nalimutan ko na rin na may pasok pala ako bukas..
"Matulog ka na." oo utos yun, at sino ba naman ako para sumuway, pumasok sya sa kwarto nya ako tumayo na para maglinis ng katawan bago matulog,,
Noong nakahiga na ako at handang matulog, gumalaw muli ang kama, parang kagabi, kahit alam kong ito yung balak nya, nagulat pa rin ako noong yumakap ang mga braso ni Jett sa waist ko...nakatalikod kasi ako sa kanya...
Napakislot ako...
"Wag ka ulit mag-isip ng kung ano. I won't do anything let's just sleep like this."for the first time today ang words na yun,
Hindi utos,
Hindi pagalit,,
Kundi paki-usap...
And right then, muli nyang pinalala sa akin kung gaano kabigat ang pasan nya....kung bakit hindi na sya makangiti at makatawa gaya ng dati, kung bakit wala ng spark sa mga mata nya na hindi ko na matandaan kung kailan ko sinimulang I admire....
He is missing that person, he wanted to hold that person...
Gusto nyang isipin na ako yun, although ako yung cause of his heartache.
Unti- unti nawala yung kilig kanina, isang pakiramdam lang ang naiwan...
Torture..
His sweet torture...
I smile bitterly to myself, siguro mula ngayon yayakapin ko ang feeling na ito....
Humarap ako kay Jett, this time sya naman yung nagulat,
"I won't do anything, just embrace me , while you think and dream of her." I smile at him as I hide my tears deep within me.
Then he slowly close his eyes, mas hinigpitan nya yung yakap sa kin, while muttering his woman's name...
I guess this is my personal torture, Jett had no idea, or maybe meron kahit konti, pero mas masakit na ganti ito kaysa saktan nya ako....
Mahirap kasin kapag feelings mo na ang nasa thin line, pero wala akong magagawa because I am responsible for his pain.