chapter 19

1920 Words
Nabawasan ang cold atmosphere nang makarating kami sa bahay ni Jett, nakasunod lang ako sa kanya, pero nang binuksan nya na ung pinto, pinauna nya na akong pumasok. "Why?" Nakakunot ang noo nya, hindi kasi ako makahakbang papasok, confuse akong nakatingin sa kanya. Pero syempre yung confusion na yun, may halong kilig.. "Wala naman," tapos pumasok na nga ko, pano ko naman kasi ipapaliwanag na nagtataka ako diba? Baka sabihan nya pa akong napakalaking ilusyunada, simple na gesture nya lang binibigyan ko na agad ng ibang kahulugan.... "Maligo ka na," utos nya "Ha?" ako naman si engot " ha " ang nasabi ko kahit narinig ko naman talaga, ang kulit ko lang, kumunot naman ulit ang noo nya. Ang hilig nyang magkunot ng noo, "Hindi ka ba maliligo? Amoy alak at usok ka," Irita nyang sagot. Inamoy ko ang aking sarili, oo nga naman may point sya, ano ba kasing iniisip ko, ala nga namang paliguan nya ako at samahan sa loob ng banyo.? Ay ano ba yun?! Saan nanggaling yung ganong malaswang isipin? "Sige maliligo na ako," tapos tumalikod na ako sa kanya, pumunta ako sa kwarto, kumuha ng towel sala nagtuloy sa banyo. Nakakapagod ang araw na ito, naawa ako kay Mr. Z, hindi ko naman na gusto syang saktan siguro kung kaedad ko lang sya, tapos nakilala ko sya nung mga time na pinipigilan ko pa ang feelings ko kay Jett at may Amanda sya, malamang na nabaling sa kanya ang pag ibig ko... Pero nangyari na ang nagyari at wala na rin akong trabaho simula bukas, salamat sa pakikiaalam ni Jett, pero ano na ang gagawin ko ngayon? Saan ako kukuha ng pera para sa hospital, gamot ni  mommy at gastusin para sa pag-aaral ko? Hala! Siguro maghahanap na lang ulit ako sa fastfood, baka ang ayaw lang ni Jett ay yung sa mga club pero kung iba naman siguro papayag sya diba? Nang  matapos akong maligo, tinignan ko yung orasan , two in the morning na pala, ang tagal ko pala sa loob ng bathroom, medyo nakatulog kasi ako sa bath tub, ang pasaway ko lang. Binlower ko yung buhok ko, buti gumagana pa, mura ko lang kasi nabili to, kailangan kasi dahil mahaba yung buhok ko, kinuha ko yung cellphone ko, madaming text, puro sa mga kasamahan ko sa work, tinext ko silang lahat, nag thank you ako at sinabing totoo na nagresign na nga ako, may tanong pa sila pero di ko na sinagot, kaya lang ang makulit na si Pie tumawag pa, di raw sya makatulog hangga't di nya malaman ang totoong nganyari, since marami sya daw tip, naka unli call daw sya... So ayun, pinaliwanag ko sa kanya yung nangyari, simula sa pag uusap namin ni Mr. Z, hanggang sa pagdating ni Jett, at yung nangyaring konting gulo, nalaman ko pa na sya pala yung napag tanungan ni Jett kung nasaan na room ako. Tapos sinabi ko rin nung pinaalam nga ako ni Jett sa boss namin na hindi na ako papasok. Nagulat siya sa ginawa ni Jett, nagkomento pa siya na in love raw sa akin si Jett na agad ko namang pinabulaanan. I know better. Nangako naman ito na kahit wala na ako sa System ay patuloy kaming mag cocommunicate. Sinabi rin nito na ipagdarasal na sana gumising na si mommy at tuluyan nang gumaling. Si mommy, bumigat bigla ang pakiramdam ko, naalala ko na naman kasi ang kalagayan nya, hindi ko naman sinisisi si Pie na ipaalala yun, kaya lang hindi ko na maiwasan na isipin sya buong magdamag, kinuha ko yung frame sa gilid ng kama, picture namin ni mommy, kuha mula sa graduation ko noong high school, malakas pa sya nun, masigla, pero ngayon ang payat nya na, yung ngiti nya sa picture , halata mong pinipilit nya lang ikubli yung sakit. What will I do to lessen her pain? Hindi naman ako Diyos, Ayoko lang talaga syang isuko, di ko kaya mabuhay nang wala si mommy... Binalik ko na yung picture, tuyo na rin ang buhok ko, gusto ko namang mahiga.. Nakatagilid ako, nakatingin pa rin ako sa picture na nasa side table ko, paano ako makakatulog nito? Hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak, bakit kasi kami pa ni mommy ang binigyan ng ganitong problema? Sisihin ba ang nasa itaas? Nagulat ako ng biglang gumalaw yung kama, may kamay na yumakap sa beywang ko, kahit di naman ako lumingon alam kong si Jett yun, sa amoy , sa kilos at sa lakas ng kaba ko, now that magkadikit ang mga balat namin... at sino naman ang makakapasok dito sa higpit ng secutiry? "Jett," I called him, pero di ako lumilingon, kaya lang gusto ko siyang  sumagot, anong dahilan, bakit sya lumapit sa akin, bakit sya humiga sa kama, ko, at bakit yakap ako ng mga kamay nya? Gusto nya ba? Pero sa kalagayan ko ngayon, hindi ko sya kayang pagbigyan, kahit pa, mahal ko sya, "Don't think of anything, just sleep, let's just sleep together." he said in a sleepy tone, napagod din sya ngayong araw, at walang maayos na tulog, pakiramdam ko napalagay ang kalooban ko, napawi yung alinlangan ko... Para akong na rerecharge sa yakap nya, alam ko naman na gaya ng mga nakaraan, dala lang ito ng awa.. At gaya lang din ng mga nakaraan, susulitin ko na to... "Thanks Jett.," yun ang huling sinabi ko bago ako nakatulog. ...................................................................................................................... "Good morning mommy, ang ganda ng araw oh, ang ganda rin ng garden sa likod ng hospital na lagi nating pinupuntahan, namumulaklak na yung mga roses na paborito mo. Dapat makita mo yun, kaya mommy gumising ka na. " sabi ko habang inaayos yung vase,  nagdala kasi ako ng bulaklak, kumuha si Jett ng private room, mas maganda syempre kaysa dun sa dati, dito si mommy lang wala syang ka share , although alam ko, pag nagising sya, malulungkot sya kasi wala syang makakausap nasanay na sya kasi na laging may kakwentuhan. "Mommy, siguro, pamper na pamper ka ng mga nurse no?," naupo ako sa tabi nya at hinawi yung buhok na nasa mukha nya. "namimiss ko tuloy si mama Mia." naalala ko yung mayordoma namin dati, wala kaming choice kung hindi pauwiin sya sa probinysa nya, kahit gusto nya parin kaming kasama, wala na kasi kaming pampasahod ni mommy sa kanya eh. Siya yung nag alaga sa akin, kaya mahalaga sya sa akin.. "Si Jett nga pala, smooth and sailing ang friendship naming ngayon," half lie lang yun, gusto ko lang may makwento kay mommy. Pero di ko mapigilang kiligin ng maalala ko kaninang umaga, nagising ako magkaharap kami,ang sarap titigan nang gwapo nyang mukha, feeling ko talaga mag -asawa kami.... For a second. Pero bago pa man sya magising, at baka magalit, umalis ako sa pagkakayakap nya, kahit ayoko naman talaga sana, nagpunta ako sa kusina at pinagluto ko sya , pero talagang pagod sya kasi di pa sya gumising, kaya naglagay na lang ako ng note na pupunta ako kay mommy.... Kaya nga nandito ako, kinukwentuhan ng kung anu-ano si mommy.... Maya maya bumukas ang pinto, todo ngiti ako akala ko si Jett, pero di pala,, "Luke?!" lumapit ako at niyakap sya, kinuha ang basket ng prutas na bitbit nya.. "Para kay tita yan ha, di para sa'yo."  asar nito. "Kaw talaga," "Akala mo di ko napansin? Disappointed ka kasi iba ang ineexpect mong dumating no?"  dagdag pa nito, ganoon ba ako kahalata? "Hindi ah!" pagmaangmaangan ko. "Huwag na kasing ilihim," pagdating kasi sa taong to, open book ako, mas alam nya lahat kesa kay Jett, syempre mostly about kay Jett naman yung dahilan nun... Lumayo kami ng konti kay mommy, tapos nagkwentuhan kami ng masinsinan, pati yung pag reresign ko sa System, sinabi ko ang ginawa ni Jett at  binulong ko din yung kay Mr. Z. kinutusan nya  ako sa ulo. Gigil sa aking mga katangahan kaya naman napahawak ako sa ulo dahil sa sakit. Medyo nagtampo sya, kasi di ko raw sya hiningan ng tulong, dapat daw iniistalk nya ako, para alam nya lahat ng whereabouts ko. Nawala kais ito nagpunta ng Cebu sa lola nito,, ngayon lang dumating... ang tagal na pala naming nagkwentuhan kasi maglulunch na... "You know I'll always be here Clayanne, kaibigan mo na ako diba?" tumango ako sa kanya," kaya isang text o tawag mo lang para akong si wonderwoman na darating," "Wonderwoman? Talaga?!" pinandilatan ako ng mata nito.. "Kainis ka, pinapatawa lang kita eh, payakap na nga lang!" he spread his arms, kaya yumakap nga ako, nakaupo kami kaya akala mo tuloy naglalambingang magkasintahan, pero friends lang talaga kami... Si Luke pa? Kay Luke pa? "Mukhang nakakaabala ako ha?" napatingin kami sa pinto, nandoon si Jett, may dalang plastic, pagkain yun, kasi naamoy ko, ang sama ng tingin nya sa amin ni Luke... "Oh Jett?!" kinakabahan akong tumayo, ganun din si Luke, sinara nya yung pinto at tinignan si mommy.. "Dito talaga kayo naglalampungan, sa kwarto pa ng mommy mo?" "It's not what you think,  we're just." Ano nga bang sasabihin kong reason?" chatting," "Chatting," he smirk and look at Luke dangerously, napaatras si Luke. Huwag nyang sabihin na susuntukin nya rin si Luke gaya ng kay Mr. Z. kailangan ko nang paalisin si Luke kahit ayaw ko pa sana siyang pauwiin, "Luke it's nice to see you, diba may lakad ka pa?" pinadilatan ko naman sya ng mata kasi kumunot yung noo nya. "Ah oo may lakad pa ako, sige Clayanne. " yayakap pa yata ulit pero tinabig ko yung kamay nya kaya nagshake hand na  lang kami.... Para kasing laging may tension kapag magkalapit kami... "Sige pare, "sabi nya kay Jett ,"Call me,"  baling nya ulit sa akin bago tuluyang  lumabas ng pinto Mga ilang minuto pa bago nilapag ni Jett yung hawak nya sa table, bad mood? Masama siguro ang gising. "Para sa akin ba 'to?" sabi ko "Malamang, alangan namang sa nurse at doctor," he sarcastically said "Sabi ko nga." Napawi ang inis ko kasi favorite ko naman yung binili nya.... "Thank you Jett,  kakain na ako. Nagutom ako eh." sabi ko habang naglalaway sa mga pagkain. "Oo naman, nagutom ka sa pakikipaglampungan eh/" napalabi naman ako, pero di sya tumingin sa akin nang sinabi nya yun. Ang laki talaga ng inis nya kay Luke, lihim akong natutuwa kasi ang original bestfriend ko, nagseselos sa bagong friend ko. "Akin na phone mo." sabi nya maya maya. "Ha? Bakit?" nilahad nya yung kamay nya.. "Basta," nalilito naman dinukot ko yon sa bulsa ko at inabot sa kanya..... "Anong gagawin mo dyan?" "sa akin na lang to, bibilhan na lang kita ng bago." utos nya na pawang hindi tatanggap ng alibi. "Pero nandyan lahat ng mga contacts ko." dahilan ko. "Eh di babasahin ko muna bago ko sabihin sa'yo," sinabi nya yun na parang wala lang , na napakaliit lang na bagay na basahin yung messages na para sa akin.... "Sasabihin ko sa'yo yung mahalaga,  kung hindi I dedelete ko right away." "Jett!" tutol ko dahil hindi naman tama iyon. Invasion of privacy iyon eh. "Wag ka nang maingay kumain ka na lang, aalis ako, bibili ng bago mong phone, wag kang aalis dito" Pinandilatan nya ako ng mata," pag bumalik ako ng wala ka rito lagot ka sa akin!"  Banta pa nito bago umalis. Ang reaksyon ko? Nganga, para akong nasermunan ng daddy ko, pero malala dahil never naman naging ganun si dad sa akin... Nakakahighblood din yung katopakan ni Jett. "Pasalamat ka masarap 'tong pagkain na dala mo," bulong ko sa sarili habang patuloy sa pagsubo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD