Ang tagal ng operation na ginawa kay mommy, sinikap kong wag matulog para once na magising sya, ako ang una nyang makita..
Gusto kong malaman nya na lagi akong naghihintay sa pagdilat ng kanyang nga mata.
That I will never give her up...
Gusto kong malaman nya lagi na,
She's the source of my strength...
Katabi ko si Jett, though hindi na sya nakayakap sa akin, nakaupo kami malapit sa O.R. , but his presence sooths me, sya naman ang nagsisilbing lakas ko, to trust the doctors na lalabas si mommy ng ligtas, na sasabihin nila na okay na sya ulit...
Kahit na lagi naman na iyon ang bukambibig nila, pero after ng ilang buwan, babalik na naman ang sakit nya, ang masakit pa nadadagdagan,,,
Sa dami ng medicines na tinitake nya, na kahit ako nahihirapan sauluhin, na kung ako nasa position ni mommy, tatamarin na rin akong uminom...
Pero ayoko syang tamaring mabuhay, somehow kailangan ko laging maging energetic and happy around her, ayokong magpakita ng kung ano mang pagkapagod, kasi once na ginawa ko yun, baka iba ang isipin nya, baka mapagod sya ng tuluyan, at hindi na nya idilat ang kanyang mga mata...
"Umuwi ka muna, I know you're tired ,it's close to midnight." sabi ko kay Jett, nakatatlong coffee na sya para hindi makatulog...
Ako kahit ano sigurong pilit ko sa sarili ko, hinding hindi ako dadalawin ng antok ngayon...
"Mukha lang akong inaantok, but i am not."
"yeah right, kaya nga nakatatlong kape ka na." I tried to sound jolly however I failed
Epic failure...
"She will be okay Clem,"
"I know," alam ko nga ba, she have no choice but to be okay, ang dami ko ng nagawa for her, even losing you, kaya she have no choice but to be okay or else I might die as well...
I can't voiced that out, sa isip ko lang.
Kapag nawala si mommy, mas pipiliin ko na ring mamatay..
Yes I am like that...
Mahina talaga akong tao.
I'm too weak when it's comes to problem, lagi kasi akong nakadepend sa mga tao around me, si daddy, kay mommy, at kay Jett, na pilit ko namang inaalis sa sistema ko pero di mawala, idadag mo pa ang nangyari sa amin nitong mga nagdaang araw.
Kayo nga sabihin nyo kung paano nyo aalisin sa sistema nyo ang lahat if you're in my position....
Then there's silence again, saan-saan na ako tumitingin para mapawi yung awkwardness and yung kaba. Lahat din halos ng dasal nagawa ko na.
"Ms. Martinez?" at long last lumabas na rin ang doctor...
Tomayo ako at lumapit sa kanya....wishing na good news ang kanyang sasabihin...
................................................................................
"Kara, I miss you, ngayon lang ulit kita nakita!" sabi ng isang customer na hindi ko naman alam ang pangalan, ngumiti lang ako sa kanya ang give their orders, nakipagchikahan ako ng kaunti.
Tama ang narinig nyo balik System ako, kailangan ko to para hindi ako gaanong magisip..
Kung itatanong nyo kung anong nangyari kay mommy?
She's in coma, sobra ang iyak ko kanina, nung sabihin sa akin yun ng doctor, glad that Jett was with me, inalalayan nya ako, di nya ako tinuring na kaaway kanina..
He knew na kailangan ko ng kaibigan, nang matransfer si mommy sa isang ICU, awang- awa ako sa itsura nya, alam kong nahihirapan na sya, but I can't let her go. Iniwan ko muna sya roon, umuwi muna kasi si Jett, pinatawag sya ng kanyang lolo, hindi ko kayang makita si mommy na ganun, kaya gusto kong isipin na okay na sya pag- uwi ko galing trabaho, kaya ako pumasok ngayon ulit dito.
For the mean time nagiging abala ako, I am Kara na carefree, masayahin, madiskarte walang problema....
"Are you sure okay ka lang?" si Pie, kasasabi ko lang na gusto ko muna.g makalimot ng mga alalahanin ko yet heto sya pinapaalala kung okay lang ba ako.
"Okay lang, don't worry."
"Alam kong okay si Kara pero hindi si Clayann, hindi mo naman kailangang magpanggap na masaya, you can stop alam mo?"
"I can't. Ayokong tumigil, kapag ginawa ko yun-" nag- uusap kami sa dressing room ni Pie nang dumating si Mitcha.
"Hoy nabuhay ka?! Anong nangyari, I heard the news from Z.." binulong nya lang yun kasi kami lang ang nakakaalam na lalabas nga ako with Mr. Z noong gabi na kinuha ako ni Jett.
"Sorry Mitcha, ano kasi may nangyari..."nahihiya kong sabi sa kanya...
"He told me na kinuha ka raw ng isang lalakeng nagngangalang Something Romualdez, yun lang natandaan ko sa sinabi nya, nag-aalala nga sya sa'yo baka kung ano raw ang gawin sayo nun kasi sapilitan ka raw na kinuha sa kanya." Nanlaki ang mga mata nito, si Pie naman, pabalik-balik lang nang tingin sa akin at kay Mitcha.
"Tell me boyfriend mo ba yun?Syempre magagalit yun kung malaman na sasama ka sa iba!"
"No he's not, he's my friend and nag-alala lang sya sa akin, galit sya sa decision ko and sya na rin yung nagpahiram sa akin ng pera. "yes I am lying, hindi ko kayang sabihin ang story behind that.
"Hindi ka nya sinaktan?" si Pie na nakuha na ang aming pinag-uusapan.
"Hin- hindi..."
Hindi naman talaga diba?
"Okay mabuti naman kung ganun, but Z is here, nakita ka nya kanina and gusto ka nyang kausapin, todo pakiusap nga sa akin. Ano pupuntahan mo ba?" si Mitcha
"Oo, gusto ko ring mag sorry sa kanya," sabi ko.
"Kara, huwag nalang kaya, baka mag-expect pa yun, alam mo naman na gustong gusto ka nun, baka sya naman ang manghila sa'yo."Warning ni Pie.
"Hindi naman siguro, nakausap ko na sya kaya alam kong mabuti syang tao." I assured them na akala mo magaling akong magbasa ng personality.
Makalipas ang ilang minuto pumunta ako kay Z, isang private room ang inarkila nya ngayon, kahit kinakabahan pumasok ako sa loob, ngumiti ako pagtama ng mga mata naman, mag-isa lang syang umiinom. He smile at me at inaya nya akong umupo sa couch malapit sa kanya.
"I'm sorry Mr. Z ,about what happened and sa ginawa ng kaibigan ko, magulo lang kasi ang utak ko noon pero ngayon okay na ako." umpisang paliwanag ko.
Tumawa sya ng mapakla...
Mali yata ang pagkakasabi ko...
"Nasa tama ka nang pag-iisip kaya hindi ka na papatol sa isang tulad ko tama ba?" puno ng bitternes ang boses nya, hindi ko sya pinaasa sa ibang bagay bukod sa isang gabing napag usapan, pero bakit parang lumalabas na sinaktan ko sya ng sobra?
"Anong relasyon mo kay Mr. Romualdez?" he looked at me, I gulped and answered,
"He's my friend," he smirked at tumungga ulit , sa tingin ko napakapait ng alak na yun, kasi bakas sa mukha nya ang pait nito..
"Iyon lang din ba ang tingin mo sa kanya?" kumunot ang noo ko, anong gusto nyang palabasin, gusto ko lang naman mag sorry, pero dapat rin ba na sabihin ko ang mga bagay na pribado?
"Mali pala ang tanong, sa hisura mo kasi, kitang- kita kung ano sya para sayo " then he stop ang drink again,napansin ko na marami na rin syang naubos na bote, lasing na nga sya, kasi iba na ang tingin nya and hindi na sya magtanong gaya ng dati.
Naging mapang- usisa na sya
Masama ang kutob ko dito, sana naniwala ako kay Pie kanina, hindi na lang sana ako pumunta.
"Now I want to ask, ano ka para sa kanya?" para akong sinaksak sa tanong na iyon.
Galit ako, hindi dahil naiirita ako sa mga tanong nya,oo parte yun, pero mas malaki yung dahilan na hindi ko na rin alam sa sarili ko kung ano ako sa kanya.
"I think problema ko na yun, kung ano ako sa kanya." tumayo na ako at paalis na sana ng bigla syang magsalita...
"Matagal na kayong magbestfriend, bago pa malugi ang company nyo, everyone thought na kayo, until Jett fell in love sa isang babae na mas matanda sa kanya, he even proposed to her, pero nawawala yung babae, at kahit na ganun hindi nya pa rin nakakalimutan yung babae, ang he is blaming his only bestfriend for that lost."
"How dare you, paano mo!" gigil kong sabi sa kanya. Paano nito nalaman ang kwento? Sino ang nagsabi?
"I have my ways," nakalimutan ko nga pala, mayaman sya and nagagawa ng pera ang lahat. "Ginagamit ka nya habang hinihintay nya yung babaeng bumalik."
"Wala kang alam," ayokong mawala ang konting pasensya ko, kaya gusto ko na sanang tumakbo palabas, pero bago ko magawa yun nahawakan nya na ako sa braso at hinarap sa kanya, ...
"Let me go!" Gigil kong sab
"I can't, ayoko kasi alam ko pag binitiwan kita masasaktan ka lang, sasaktan ka lang nya, may mahal siyang iba , kaya ako na lang ang mahalin mo please? Kahit naman ganito ako, gagawin ko ang lahat for you, papasayahin kita in everyway, please ako nalang? "pag mamakaawa nitong sabi.
I can't believe that he cried in front of me? Ganun ba ako naging kahalaga sa kanya? Kung tutuusin konting panahon nya lang ako nakilala, pero bakit ganito na ang impact ko sa kanya?
Kung iba sana ang sitwasyon, kung iba sana ang nasa puso ko.
Baka nahulog na ako sa kanya...
Bihira ang mga lalakeng katulad nya, na sasagipin ka sa pagkalunod.....
"I love you Clayanne Martinez" he said sincerely, tumulo na rin ang luha ko, kahit masakit I need top break his heart, kailangan malaman at intindihin ang katotohanan.
"I'm sorry, I can't love you back.... So please let me go." Muli kong pakiusap na ayaw pa rin niyang pagbigyan.
"Diba sabi nya pakawalan mo sya!" nagulat kaming parehas nang marinig namin ang dagundong ng boses ni Jett sa may pintuan. Sobrang galit nito.
"Jett!" Nag-alala kong tawag, lumapit sya at inalis ang pagkakakapit sa akin ni Mr. Z, hinawakan ko ang braso nya, pinigilan sya sa kung ano man ang balak nyang gawin, ayoko rin naman sya na manuntok ulit.
"Let's go. "
"Stay away from her!" sabi ni Jett..
"Why will I? I lover her!" giit ni Z, tumawa nang mapakla si Jett sa narinig na sagot.
"Para mo na syang anak? Ang tanda mo sa kanya!"
"Kung magsalita ka parang di ka inlove sa mas matanda sa'yo or let me rephrase that hinihintay mo pa rin syang bumalik."
"Shut up!" Galit na si Jett, nabanggit na kasi ang tungkol doon.
"I won't. Alam kong hinihintay mo pa rin sya, kaya habang ginagawa mo yun, you're keeping Clayanne with you, kasi alam mo that she will stay, tapos pag bumalik na yun,iiwan mo na si Clayanne, ang selfish mo!"
"Shut the f**k up!" susugurin sya ni Jett, but I hug him, keeping him in place.
"Stop it na Jett, he's drunk wag mo na syang patulan please, alis na tayo." I begged, hinila ko si Jett, binuksan ko yung pinto nang magsalita ulit si MR. Z." I'm really curios Mr. Romualdez, ano ba para sayo si Clayanne?"
I felt Jett tense up, hawak ko kasi sya, tumigil din ako, kasi interesado din akong malaman kung sa ngayon, ano ako para sa kanya.
Hinihintay din ni Z kung ano ang sagot nya....
"Kung ano man sya sa akin, wala ka ng pakialam doon!"
Aray!
Basta masakit, masakit pala kapag ganun ang sinagot kung ano ka para sa isang tao na mahalaga sa'yo...
"Nasaan ang office ng boss nyo?" itinuro ko nalang, mahirap salubungin ang galit nya....
Pagpasok nya sa office, nagulat ang mga nandoon at walang alinlangan nyang sinabi na magreresign na ako, nagtatanong pa sana sila, pero anong masasagot ko? Nagulat din ako sa decision nya, lumabas na kami, sya na ngayon ang humihila sa akin, tinatawag ako, pero di ko sila makausap dahil sa galit na lalakeng may hawak sa aking kamay.
Nagpunta kami sa parking at marahas nya akong binitawan.....
Nakapameywang syang nakaharap sa akin....
"Kanina lang nasa hospital ka when I left you, tapos ngayon nandito ka na naman at kausap mo pa yung maniac na lalake na yun! Ganyan ka ba talaga ka desperada na magkaroon ng pera, papatulan mo na sya kasi hindi na ako nakatingin? Clem mag isip ka nga ang mommy mo nasa hospital nasa coma, fighting for her life, pero ikaw nandito sa magulong lugar na ito,, lumaki ka na ba talagang stupid Clem!" buti nalang walang tao dito, walang nakakarinig ng mga sigaw at insulto nya.
"Pumunta ako doon para mag sorry sa kanya." paliwanag ko, huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy." At hindi ako sasama sa kanya."
"Talaga lang?" di pa rin sya kumbinsido.
" Sige, aaminin ko, takot akong tumigil sa hospital, takot akong makita ulit si mommy sa ganung stage, paano kung di na sya magising, paaano ako? Paano kung mawala sya, sa tingin mo ba gugustuhin ko pa ring mabuhay kung mawawala sya? Kaya niloloko ko ang sarili ko, inaaliw ko sa trabaho, para di ko maiisip ang kalagayan nya, na parang noong mga nakaraang buwan lang na kahit past midnight na ako dumating, gising pa rin sya at hinihintay ako." Pag-akin ko sa mga takot sa puso ko, kung maniwala man sya or hindi , wala na akong magagawa. Nagbago ang hitsura ni Jett, kumalma, lumapit sya sa akin, hinawakan ang pisngi ko.
"Tahan na ," pinahid nya ang luha ko, tumulo na pala, hindi ko napansin." Uwi na tayo, pagod ka lang, magpahinga ka muna saka tayo babalik sa hospital."
Tumango ako at sumakay na kami sa kotse.
Ano ako sa buhay ni Jett ngayon?
Malabo pa rin, kasi alam ko, ramdam ko, hinihintay nya lang siya bumalik.
Kaya kung itatanong nyo sa akin, kung ano ako sa buhay ni Jett ngayon?
Ang maisasagot ko.
Isang babaeng kailangan nyang pahiran ng luha.
Hanggang doon lang muna.
Kaya siguro gusto kong ipakita ang kahinaan ko para dumating say at pahiran iyon.
Ang labo ko no?
Ganun lang talaga siguro, pag nagmahal ng taong.....
Hindi ka naman kayang mahalin pabalik sa paraang gusto mo.