Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos nya, noong sinubukan ko kasing ibuka ang bibig ko kanina, he gave me a death glare,
Nakakatakot talaga. Para bang utos ng hari, di dapat nababali....
Sya naman nalang kasi ang laging panalo.
Ang hirap makipag diskusyon sa may topak, oo may topak na talaga sya.
Hindi naman nya naririnig eh, nasa isip ko lang naman ito.
Pumasok ako sa kwarto at inumpisahan ilagay sa isang maleta yung mga gamit ko, di ko tuloy mapigilan yung sarili ko na mapangiti, siguro mukha na akong baliw.
Di parin kasi mawala yung sa isip ko na concern na concern talaga sya sa akin, pero I know naman na hindi sa paraang gusto ko.
Kahit paano siguro may parte na sa puso nya na napatawad ang ginawa ko.
Hay,
Nagulat talaga ako ng makita sya na sinalo yung sampal na yun para sa akin, parang bumalik sa dati.
Hay ang kulang na lang eh, bumalik sa dati yung turingan naming na nag aasaran, nagkukulitan...
Tyaga lang Clem, malay mo magising ka nalang isang araw, okay na ang lahat...
Pagkatapos kung ilagay yung ibang gamit ko sa maleta at yung mga gamit ni mama sa bag, lumabas na ako ng kwarto, ni lock ko na yun, nakita ko si Jett na nakatayo sa tabi ng bintana, hinawi nya yung kurtina at nakasilip sa labas, parang maingay..
May away na naman kaya?
"Anong problema? Anong nangyayari?" tanong ko palapit sa kanya, hila yung gamit ko..
Tumingin sya sa akin ng nakakunot noo, hayaan na , gwapo pa rin naman.
"yung mga mababait mong kapitbahay, naghahabulan ng kutsilyo," he sarcastically said..
Nakidungaw na rin ako, malay mo nagsisinungaling lang sya, pero pahiya ako doon, totoo nga, ang dami na kasing tao sa labas, starring yung mga nagiinuman kanina..
"Libangan lang nila yan," sabi ko, joke lang yun eh, sino ba namang gagawing libangan yung p*****n diba?
"nagiging utak squatter ka na rin, dapat ka na talagang lumayas sa lugar na ito, kaunti nalang baka isa ka narin sa hinahabol ng kutsilyo,"
Ouch sakit naman nun, utak squatter...
"Alis na tayo?" sabi ko nalang,
"sa tingin mo makakalabas tayo ng lagay na ito, ang daming tao at delikado ang lagay sa labas, gamitin mo nga ang utak mo?!"
Sapul na naman ako roon, tumahimik na lang ako at naupo sa sofa, ganun din ang ginawa nya pagkatapos nyang magbuntunghininga na dinig na dinig ko.
Asar na asar talaga sya, kulang na lang may lumabas na usok sa magkabilang tainga at ilong.
"Iyan na ba ang lahat ng gamit mo?" sya ang unang bumasag ng katahimikan, nginuso nya yung mga gamit ko, ilang maleta lang kasi ang dala ko, at saka ala naman talaga akong balak umalis ditp, kaya iwanan ko nalang yung iba, tatawagan ko nalang yung land lady, for the meantime hanggat di pa nakakalabas ng hospital si mommy I will stay with Jett, saka ko na iisipin yung mga dapat nyang malaman kapag nilabas ko na sya roon at tuluyan na syang gumaling.
Hindi naman siguro tama kung by that time makitira pa rin kami kay Jett, kahit di nakikialam ang lolo nya ngayon, alam kong he knew kung ano ang mga nangyayari sa apo nya, wag nga lang sana makarating yung private thing na naganap sa pagitan namin.
"Wala na naman kaming gamit, nakakahiya mang sabihin nabenta ko na lahat, akalain mo yun, ang galling ko palang mag salestalk?" biro ko, pero di man lang sya napatawa. Kung dati siguro ang isasagot nya, "Ang yabang mo na ngayon ha, kundi ko lang alam naawa lang sila sa'yo," tapos may kasama pa yung kurot..
Pero ngayon, deadma.
Deadma lang na may kahalong konting irap..
Kelan pa sya natutong umirap?
Mahigit isang oras din kaming nag hintay humupa ang gulo sa labas, tapos dumiretso kami sa bahay nya.
Pag pasok namin sa loob, di ko maiwasan maisip ang nangyari sa amin kagabi.
Feel ko talaga pulang -pula ako, hindi ko na tuloy sya matitigan nang walang malisya na naiisip.
Kasi nakatatak pa rin sa isip ko yung sexy nyang hitsura kagabi, siguro nandito na talaga to forever, wala aminado na ako na polluted na yung utak ko eh, ewan ko kung alam nya na maraming babae sa school ang pinapantasya sya, hindi nya lang yun sadyang pinapansin dahil si Amanda lang ang nakikita ng kanyang mga mata.
Parang ako lang yun eh, si Jett ang nakikita ng mga mata ko, samantalang si Jett si Amanda ang nakikita.
"Doon ka sa may bakanteng kwarto,"
"Okay," tumango ako sa kanya, may dalawa kasing kwarto itong condo nya, ang totoo kinabahan ako, na baka sa isang kwarto lang kami, kasi syempre baka di ko mapigilan ang sarili ko na gapangin sya.
Ano ba ang naiisip ng berde ko ng utak, feel ko talaga hindi na ako ito, hindi na ako nag iisip ng matino.
Sobra na ang pagkahumaling ko kay Jett, adik na ako sa one sided love na ito..
Nagpatugtog ako ng kanta sa cellphone,kailangan ko ng diversion para hindi puro iyon ang isipin ko, so nakinig ako ng music habang nililinis yung tutuluyan kong kwarto, di naman sya ganun karumi, konti lang yung alikabok, inabutan din ako ni Jett ng bedsheet at saka ng kumot at punda, yun nga lang di sya makatingin like he used to do,
Hayaan na , basta, gagawin ko ang kung ano mang makakaya ko para patawarin nya ako, o kung maari baka isang araw, makapasok na rin ako sa puso nya at mawala na si Amanda, pero kailan pa kaya yun?
Pagkatapos noon, nagpaalam ako sa kanya , kailangan ko ng pumunta ng hospital, nakaschedule ang operation ni mommy ng 7pm, tumawag na rin ako sa System na hindi muna ako makakapasok.
..................................................
Paulit ulit akong nagdadasal sa chapel, almost three hours na si mommy sa operating room, hanggang nagyon wala pa ring balita, nakakalito lalo ang mga medical terms, basta ang importante sa akin, lumabas si mommy ng ligtas.
I'm shivering, ang lamig-lamig, tapos idagdag pa ang takot ko to lose her, I can't lose my mom, she's all that I have, lahat ginagawa ko para sa kanya, di sya dapat mawala, hindi pwede , hindi pwede.
Hindi nya ako pwede iwanan, ikamamatay ko rin kapag nawala sya..
"Calm down, she'll be fine," nagulat ako sa kamay na humawak sa nanginginig kong mga kamay, at mas nagulat ako ng marealize ko na si Jett yun.
Akala ko may isang anghel na bumaba para sa akin,
Kasi biglang kumalma yung puso ko...
Si Jett,
"They're doing their very best, di nila pababayaang mawala ang mommy mo," he said calmly, he is not looking at me though, nakatingin lang sya sa harapan, sa statue ni Jesus Christ, pero yung kaliwang kamay nya , nakahawak parin sa mga kamay ko.
But him being with me, is more than enough to calm my nerves, to ease my worries, ganun kasi ako, eversince, I realized becaused I depended on him too much, sa mga kahit anong sinasabi nya, naniniwala ako, kahit napaka imposible noong mga bagay na yun, magkatotoo because he said so.
Because my heart trust his words.
Because he is Jett,
My bestfriend,
The man that I only love.
"Salamat Jett, for being here," I look at him, lumingon sya sa akin, umiiyak na ako, overwhelming with happiness, umaangat yung isa nyang kamay, but it stop mid way, siguro balak nyng punasan yung luha ko, every time I cry in front of him and carrying no handkerchief with me. Kaya ako na lang din ang pumunas noon.
"Thanks Jett for being here, i know I am a big burden to you, considering sa malaking kasalan ko sayo," I felt him tense up, sensitive talaga ang topic na yun, kaya lang I can't help but to bring it ," but can I be selfish just this once, kahit ngayon lang?" pagsusumamo ko sa kanya, I receive no answer, tanging titig nya lang, kaya nagpatuloy ako," can I hug you? Like the old times, I'm really nervous right now, paano ...." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, ayoko rin naman kasi talagang dayain ang sarili ko, para rin kasing pinaglalaruan si mommy ng tadhana, ilang operations na ang pinagdaanan nya, laging akala mo successful yun pala may lalabas na naman na problema, ang ikinakatakot ko ay yung mapagod na syang gumising, baka di nya na piliing gumising kasi ayaw na akong makitang nahihirapan,
Tuluyan akong kumalma nang magsink in sa utak ko na yakap ako ni Jett ngayon, na hinihimas na ang buhok ko, na hinahayaan nyang mabasa ng luha ako ang mamahalin nyang damit.
Sa sandaling ito na pinagdadaanan ko , bumalik kami ni Jett sa dati, okay lang na kahit panandalian lang ito, basta ang kapalit kaligtasan ni mommy.
Napag isip ko lang , dalawang beses ko ng pinipili si mommy over Jett, but thinking about it, alam kong sarili kong puso naman ang pinapatay ko.
Kasi ngayon aminado akong lunod na lunod na ako sa bestfriend ko, pangarap kong mahalin nya rin ako, kahit hindi kasing pantay ng pagmamahal ko sa kanya.
Basta's nasa tabi nya lang ako.
Handa akong pagsilbihan sya, sa dami na rin ng naitulong nya sa akin.
Handa akong magpagamit pa sa kanya, kahit pa substitute ni Amanda.
.........................................