Chapter 9

3205 Words
Eirah’s Point of View   Sumimangot na lang ako nang makatanggap ako ng messages mula sa kapatid ko. Binigay ko na sa kaniya ang number ko kaya nako-kontak niya ako. Ang nilalaman naman ngayon ng ipinadala niyang mensahe ay hindi nakakatuwa. Pinaghahanap na raw talaga ako, sabi ni Elias sa akin ay tahimik lang siya at hindi ipinagsasabi na nagkita kami. Sabi ko nga sa kaniya, lituhin niya, iyong sasabihin niya na malaki ang posibilidad na umalis ako ng Tastotel City. Ayaw ko pa silang makaharap ngayon. Baka kaladkarin na talaga ako ni Dad pa-uwi. Napabuga ako ng malakas na hangin. Ang lungkot, bukod sa mag-isa ako ay wala talaga akong magawa rito sa loob ng apartment ko. Tatlong araw na rin nga akong hindi pumapasok sa university. Lalo na ngayon na tama ang hinala ko na may naka-abang sa akin doon. Bakit ba talaga atat na atat silang dalhin ako sa ibang bansa? Tumayo ako at saka nag-inat. Tinali ko ang may kulay kong buhok at nagpasyang maglinis na lang ng buong apartment. Nakita ko ulit iyong bag, hindi ko pa pala iyon binubuksan. Ano ba talaga ang laman nito? No’ng isang araw ko sana bubuksan kaso naman ay biglang dumating si Nikolai tapos may nangyari sa amin tapos sinabi niya na pagmamay-ari niya na raw ako. Napairap naman ako. Against ako sa sinabi niya. Hindi ako pagmamay-ari niya o kahit na kung sino. Ayaw ko rin na inuutusan ako kaya hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng inis sa kaniya. Anong karapatan niya para pagbawalan ako? Bahala siya sa buhay niya pero hindi ko siya susundin. Hindi ko na rin siya ulit nakita simula nang may mangyari sa amin. Baka busy siya sa trabaho niya. Well, may kaniya-kaniya naman talaga kaming buhay. But damn… I missed his touch… Napailing na lang ako. Ibinalik ko ang atensyon ko sa bag at dahan-dahan ko iyong binuksan. Napakunot ang noo ko nang makita ko na may box sa loob. Bakit hindi ko man lang napansin na may box pala sa loob? I mean, no’ng dala ko siya. Hindi ko man lang nahulaan kung ano ang laman? Kinuha ko ang box. Itinabi ko naman ang bag at sa box lang ako nag-focus. Ano ba ang laman nito? Binuksan ko na ito kaagad. Natigilan ako nang makita ko ang laman. Napakurap pa ako ng ilang beses, para bang hindi totoo ang mga nakikita ko ngayon. Kahit na ilang beses akong kumurap ay hindi pa rin nagbabago. Iyon talaga ang laman ng box. Ipinilig ko ang aking ulo at tinitigan ko lang ang bagay na nasa loob ng box… It’s… Hindi ko inaasahan na ito pala ang laman nito. Hindi ko napansin na nagsimula na pa lang magsituluan ang mga luha ko. Inangat ko ang nasa pinakunahan sa box, ang family picture namin. It was Dad, Mom, a fourteen-years old me and our little boy, Elias. Napasinghot na lang ako. Our smiles here are genuine. We were used to be a happy family, bago pa naming matuklasan ang sakit ni Mommy ay sobrang saya namin. Pinalaki kami nina Mommy na puno ng pagmamahal. That’s why I really love my brother so much. Pero nagbago ang lahat nang magsimula nang makaramdam si Mommy nang kung ano-anong sakit sa kaniyang katawan. Doon nagsimulang magbago ang buhay namin. Lalo nan ang tuluyan nang magpaalam ang aming ilaw ng tahanan. Her last words to me are; Be brave, always smile. Protect your brother no matter what, I love you. Patuloy lang na tumulo ang mga luha o habang pinagmamasdan ko ang larawan namin dito noon. Minabuti ko naman na hindi matutuluan ang larawan na iyon ng saili kong luha. Nagpunas ako ng aking mukha. Itinabi ko na ang family picture at tiningnan ko namn ang iba pang larawan naming na nandoon. Unang kong nakita ay iyong suot-suot ni Elias ang medal ko no’ng grumaduate ako ng elementary. Bata pa talaga rito ang kapatid ko. Karga-karga ako ni Daddy habang si Mommy naman ay karga-karga si Elias. Nakita ko rin iyong pictures ko no’ng sumali ako sa volleyball team kahit na 'di naman ako katangkaran. Lakas ng loob, eh. Iyong mga pictures ng achievements namin ni Elias ay nandito. Meron din kaming larawan dito na kandong ko si Elias sa swing kahit na medyo malaki na siya. May picture din ang parents namin dito nang sila lang. Masaya sila at punong-puno ng pagmamahal. Gusto kong tanungin muli ang aking sarili. Ano ba talaga ang nangyari sa’min? Anong kasalanan ko’t nangyari ito sa pamilya namin? Sa masaya’t buong pamilya namin? Tiningnan ko lang ang lahat ng larawan na nandoon hanggang sa isang pamilyar na papel na lang ang nandoon. It’s a colored paper, and it’s color pink. Ito naman ang huling habilin sa akin ni Mommy. Napaiyak ako. Kinuha ko iyon, nilagay ko sa dibdib ko, napahagulhol ako. “A-Akala ko ay hindi na kita makikita uli,” I sobbed, Ito iyong sulat ni Mommy na nawala sa akin. Binuksan ko uli iyon at muling binasa.   Mahal kong Eirah Bennisse, Gusto ko lang sabihin na hindi ko hawak ang oras ko, hindi ko alam kung kailan pa tatagal si Mommy. Kung ilang araw na lang ako rito… Nandito ako ngayon sa hospital bed at ang magiging death bed ko na rin. I asked one of the nurses here if she could give me a pen and a paper, nag-demand din ako, sinabi ko na colored paper na lang and I choose pink because this is your favorite color… I am crying right now, honey. I’m hurt, I am in pain, not just in physical pain but also, emotionally. Ayaw ko man sabihin ito pero kailangan. I hope you would accept your Tita Kesha as your new Mom. I heard that they’re planning to get married, alam mo na kung sino ang papakasalanan ng Tita mo, hindi ko na sasabihin. Alam mo ba kung bakit hindi ko na ipinaglaban ang pagmamahalan namin ng Daddy mo? Kasi wala na akong laban, eh, if your aunt and your father really love each other. Sino ako para pumigil? Ngayon alam ko na ang naramdaman ni Marie Salceda no’n. Kilala mo siya ‘di ba? Na-kuwento ko naman na sa iyo ang tungkol sa kaniya. WALANG PERMANENTE SA MUNDO, EIRAH. Kahit ang pag-ibig, Pero kahit na ganoon ay huwag kang matakot na magmahal. Masarap magmahal, masarap ang mahalin. If your Tita Kesha moved in to our house, huwag ka magalit. Patawarin mo siya at hayaan mo silang maging masaya. Masarap maging dahilan ng kasiyahan ng iba. I love you so much, anak. Tingnan-tingnan mo ang kapatid mo, huwag mo hayaang manakit ng babae iyan. Mumultuhin ko kayo, haha.   Nagmamahal, Mommy   Patuloy lang ako sa paghagulhol. “I miss you, Mommy. I love you so much, I wish you were here, hugging me so tightly,” sabi ko pa. Ilang minute rin siguro ang aking pag-iyak hanggang sa nagpasya na akong ibalik ang lahat sa box at ilagay muli iyon sa loob g bag.   Naghilamos lang ako at nagbihis. Tumingin ako sa salamin kaya nakita ko ang pamamaga ng aking mga mata. Parang gusto ko na naman tuloy maiyak pero pinigilan ko na ang sarili ko. Halata ang pamamaga at pamumula ng aking mga mata dahil maputi ako. Tngna.   After I get dressed, kinuha ko ang telepono ko, I called my brother. No’ng una ay pinapatayan niya ako ng tawag ngunit sinagot niya rin ito nang maka-ilang dial na sinagot niya na rin. “Hey, yes, yes, malapit ko nang matapos iyong thesis,” bungad niya sa akin. Anong pinagsasabi niya? Sigurado naman ako na na-save niya nag number ko.   “Huh?”   “Oo, bro, may family bonding kasi kami ngayon, kasama ko sila Dad. Oo, mamaya na lang tayo mag-usap, bye!” sagot niya na lang pagkatapos ay namatay ang tawag. Unti-unti ko namang naintindihan kung bakit iyon ang sinabi niya sa akin. Malamang ibig sabihin niyon ay kasama niya sila Dad. Delikado nga kapag nalaman ni Daddy na may kumonikasyon kami, siguro ay iba ang pangalan ko sa contacts niya.   Gusto ko lang naman itanong sa kaniya kung siya ba ang naging dahilan kung bakit nawala iyong letter ni Mommy. I mean, siya iyong kumuha. Pero, baka naman hindi, tinulungan niya pa nga ako na maghanap no’n dati. Kaya imposible siguro na siya ang nangialam sa mga gamit ko sa kuwarto.   Pero nakita niya na pala, eh, bait hindi niya sa akin inabot agad? Kailan niya kaya ito nahanap? Napakibit-balikat na lamang ako. Balak kong lumabas ngayon at pumunta ng groceries, ang takaw ko kasi kahapon, ang dami kong nakain, parang patay gutom lang ang peg ko. Ayon, iyong pang-one-week sana ay naubos naman. Tiningnan kong muli ang repleksyon ko sa salamin.   “Ang ganda ko,” sabi ko na naman sas sarili ko. Hindi ko na tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko.   Nagsuot ako ng shades bago ako tuluyang lumabas ng apartment ko. Naka-denim shorts lang din ako at panibagong crop top. Puro crop top and sleeveless top lang ang binili ko no’ng isang araw Nagpunta na ako kaagad sa kotse ko at saka sumakay doon. Habang nagmamaneho ako ay nagme-mental note na ako ng mga kailangan kong bilhin.   Nikolai’s Point of View   I looked at my wrist watch. “Anong oras sila uuwi?” tanong ko kay Mama nang mapadaan siya sa akin.   “Malapit na iyon,” sabi niya lang at nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad papalayo sa akin. I was waiting for Mikai and her friends to come back. Ito lang naman ulit ang araw na magha-hang-out with friends siya kaya hinayaan ko na lanng siya. Napatingin ako sa bata na nahiga sa dibdib ko. He’s peacefully sleeping. I was lying here on the sofa. Inaalagaan ko si Bob, ang pamangkin ko na anak ni Mikai at Keith. I felt annoyed again whenever I remember the name of that bastard. I hate it, I hate this feeling. I hate Eirah. What the hell did she do to me? I told myself to start avoiding her but when I saw her the other day with Keith Armalana, I got pissed. When I noticed that Keith was making her laugh, I really wanted to punch his face again.   Ilang beses ko na siyang nasuntok noon dahil nga nabuntis niya si Mikai. I hate that guy and I am hating him more now. Hindi ko itatanggi na nakaramdam ako nang galit nang makita kong magyakapan sila kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na lapitan sila at hatakain papalayo sa kaniya si Eirah. Sinabi sa akin ni Eirah nang araw na iyon na ginugulo niya raw ako. No’ng tinanong ko ang sarili ko kung ginugulo niya ba ako ay sumagot lang ito ng hindi. Hindi niya naman ako ginugulo. Ako lang talaga itong naguguluhan. Okay, fine, I am attractive to her. Hindi dahil no’ng una ko siyang nakita sa parking lot ng university, nagsimula lang talaga ito nang makita ko siya sa repleksiyon ng salamin sa comfort room ng mga babae. Iyon ang araw at oras na hindi ko na napigilan na halikan siya. I don’t know. Siguro nga tama lang ang sinabi niya na ginugulo niya ako, bakit ko ba sinasabing hindi? She’s the f**king reason why I couldn’t sleep at night without thinking at her. Her pouted lips… her sleek skin, her wet p***y. Damn, that b*tch.   I hate it.   I’ve never felt this feeling way before. Yes, I’ve slept with several woman but I don’t even care at them after I used them. Whenever I saw them on the road, I didn’t even give a damn. Habang si Eirah, makita ko lang siya ay lalapitan ko na siya. Sinusundan ko pa nga siya! Just like what happened the other day.   Sinundan ko siya. Lubos talaga akong nagtaka kung bakit siya sa isang maliit na apartment nakatira, itatanong ko sana iyon sa kaniya pero nang pinagbuksan niya ako ng pinto at magtama ang aming mga mata ay hindi ko na nagawang magtanong. Mariin ko na siya kaagad na hinalikan.   Damn, I miss those lips! I wanted to taste it again!   While I’m eating her p***y that day, a thought came to my mind. I don’t want her to see with some other boys out there because I will just get mad. Ayaw ko nang nagagalit lang ako. Ngayon-ngayon lang napapadalas nang makilala ko si Eirah.   I want her to be mine pero puro siya tanggi. Kung hindi ko lang dinakma ang kaniyang malulusog na dibdib ay hindi siya mapapa-oo sa akin. Hindi ko tatanggapin ang sinabi niya na she’s not mine. Kasi, ngayon pa lang ay sa akin na siya. Siguro, umaakto lang ako ng ganito dahil sa libog. Katawan niya lang siguro ang kailangan at gusto ko. She still has a beautiful body, kahit sino siguro riyan na makita siyang naka-maikling short ay malamang sa malamang ay gusto na sI Eirah na dalhin sa kama ng mga ito.   Thinking of Eirah… having s*x with someone else, it made me upset. Gusto ko ako lang! Gusto ko sa akin lang siya. Nagbabalak nga ako na puntahan siya ngayon. I want to have s*x with her later. I’m just waiting for my sister to come back. Hindi ko na rin siya napuntahan kahapon kahit na gusto ko dahil naging busy ako sa Consejo’s.   Maya-maya pa ay dumating na rin si Mikai. “Thank you, Kuya,” sabi nia sa akin. Kinarga niya ng tulog sa akin ang anak niya. Bumangon nman ako sa pagkakahiga sa sofa.   “Ang tagal niyo…”   “Not really, mabilis lang kaya kami,” sabi nito sa akin. Napailing na lang ako. “Thank you, ulit!” sabi niya’t hinalikan pa ako sa pisngi ko bago siya tuluyang umalis. Balak ko na rin umalis. Isang tao lang ngayon ang nasa utak ko. Eirah…   Tsk.   Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ay narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako.   “Where are you goin’, Niko?” she asked me. Tinaasan niya pa ako ng kilay.   “Somewhere…” sagot ko na lang. I looked away.   “May lalandiin ka ba sa  somewhere na iyan?” tanong niya sa akin. Hindi naman na ako sumagot. “Basta huwag ka lang mambuntis kung hindi ka sigurado sa babae,” sabi niya sa akin.   “Don't worry, hindi ako makakabuntis ng kung sino lang diyan,” sabi ko pa sa kaniya.   “Paalala lang, Nikolai. Baka matulad ka lang kay Keith, nakabuntis,” sabi niya. I furrowed. “Hindi siya aware na nakabuntis na pala siya, ikaw ba? Sigurado ka ba na wala ka pang nabubuntis? Baka naman natatakot lang na lumitaw,” pang-aasar pa sa akin ni Mama. Umiling na lang ako.   “First of all, don’t compare me to that bastard, I am more handsome and hot than him,” sagot ko. “I am sure na wala po akong nabuntis.”   Tiningnan lang ako ni Mama na para bang hindi siya kumbinsido. “Nagpapa-alala lang naman ako, Nikolai, oh siya, samahan mo ako.”   Napangiwi naman ako. May pupuntahan ako! I’m going to Eirah!   “Ma, I can’t,” sabi ko na lang sa kaniya.   “Samahan mo ako sabi ko, hindi ako sa iyo nagtatanong. Mamaya ka na lumandi,” sabi niya pa.   “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. Nauna na siyang naglakad papalabas ng bahay. Dumiretso siya sa kotse ko. Nakasunod lang din naman ako.   “Supermarket.”   “Dapat iyong maids na lang natin ang pinapunta mo ng supermarket,” sabi ko. Umiling siya sa akin.   “Bilisan mo na lang, Nikolai, huwag ka nang madaldal diyan, mabilis lang naman tayo,” sabi niya sa akin. Napangiwi na lang ako.   Mabilis naman kaming nakarating sa supermarket. Agad siyang nagsimula sa pamimili. Hindi sana ako sasama sa loob pero naningkit ang aking mga mata nang may mapansin akong pamilyar na sasakyan kaya sumunod na lang ako sa kaniya.   Naglakad-lakad lang ako sa loob hanggang sa may matanawan akong babae na maputi at may kulay pink ang buhok. D*mn, I was right. She’s here. Iyong drop-top car niya kasi ang nakita ko sa may parking. Nakatingkayad siya at may inaabot na bagay. May katabi rin siyang malaking cart. I snorted in disbelief. Buti na lang pala ay hindi ako nagmatigas kay Mama na sumama rito sa supermarket. Kung pupunta naman ako sa apartment niya ay wala rin kasi wala siya roon.   Hindi kaagad ako lumapit sa kaniya. Kahit na nakatalikod siya ay nakilala ko siya kaagad. Iyong kulay pa lang ng buhok niya… Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Ito ata ang unang beses na naaita ko siya na nakatali ang kaniyang buhok. Nakaramdam ako ng inis dahil mas lalong kita tuloy ang kaniyang balat sa leeg.   Naka-croptop siya at naka-maiksing shorts na naman. Tsinelas lamang ang suot niya sa paa. Hindi niya maabot iyong inaabot niya kaya napakamot siya ng ulo. Napaharap siya sa direksyon ko kaya nakita ko ang itsura niya. Siya nga si Eirah halata naman, ang kakaiba lang ay nakasuot siya ng shades.   Napakunot kaagad ang aking noo. Bakit siya naka-shades?  I confusedly asked myself at the back of my mind.   Nagsimula akong humakbang sa kaniya nang ngumuso siya. Tumingin siya sa may bandang kanan niya at may kinawayan. Natigil naman ako sa paglapit sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang isa sa salesman. May katangkaran ito, pero matangkad pa rin ako ng unti.   “Kuya, paabot nga no’n,” rinig kong sabi niya at tinuro niya iyong bagay na kanina pa niya inaabot. “Sige po, Ma’am, sandali lang,” sagot naman ng salesman sa kaniya. Lalo lang kumunot ang noo ko nang simula na nitong abutin ang pinapaabot ni Eirah. Ang ikinakukunot ng noo ko ay ang nakakalokong ngisi ni Eirah sa salesman. Ang landi talaga. D*mn!   Ibinigay ng salesman kay Eirah nang maabot niya na iyon. “Thank you, pogi!” sabi ni Eirah rito. Napakamot lang ng ulo ang salesman na animo’y nahihiya pa. “Baka gusto mong hingiin ang number ko, pogi, puwedeng-puwede,” sabi ni Eirah.   I gasped. Lumapit na ako sa kanila. Natigilan si Eirah nang makita ako. Pumagitna ako sa kanilang dalawa, sa lalaki ako humarap.    “Nikolai…”   SInamaan ko lang ng tingin ang salesman, nakayuko na ito sa akin ngayon. “Leave,” utos ko na agad niya namang ginawa. Ako naman ay humarap kay Eirah. She purses her lips and she looked away. “What the hell was that? I told you, you’re mine, stop flirting with other man,” I hissed. Pinanatili ko lang din ang lakas ng boses ko.   “You can’t dictate me,” sabi niya sa akin. Humawak siya sa may shopping cart niya. Tumingin siya sa akin ng diretso. “Gusto ko nang maputol ang koneksyon natin. Kalimutan mo lahat ng nangyari sa atin, kakalimutan ko rin. I told you too, hindi mo ‘ko pag-aari o nino man!” she sternly said to me before walking pass by me. Hindi ko naman matukoy ang ekspresyon ng mukha ngiya dahil may suot siyang shades. Ngunit base sa kaniyang tono ng pananalita ay seryoso siya. Napamura ako at sinundan lang siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD