Chapter 1
Ano nga ba ang purpose ko sa buhay? Sawa na ako na palagi na lang nasa taas. Ano ba ang pakiramdam nang bumaba lang kahit kaunti? Hindi ako Consejo, hindi rin ako Montinelli, at mas lalong hindi naman ako Armalana pero labis talaga akong tinitingala. Hindi naman sa mahangin ako. I am just being honest here.
Isa lamang akong simple... kung wala akong taglay na kaguwapuhan. Masakit man aminin, masakit sabihin ngunit sikat talaga ako at ang kapatid ko dahil ang gagandang-tao namin. They used to call us, perfect. Am I perfect? Hindi naman.
Dahil sa ganito nga ako… you know, guwapo ay mabilis ko lang nakukuha ang kahit na sinong babae na gustuhin ko, gamitin ko. Once I dumped a girl, she would call me… pervert. Hindi naman totoo kasi unang-una sila pa ang mismong naghuhubad sa harapan ko.
"Nikolai, she's waiting downstairs," I looked at my mother when she talked. Nasa pintuan pala siya ng aking kuwarto. Hindi ko napansin.
“Who?" I asked. Sino naman ang ‘she’ na naghihintay sa akin?
"Your sister, Mikai. Sino pa ba? 'Di ba may usapan kayo na ihahatid mo siya sa Univ?" Bigla ko naman naalala na may usapan nga kami nang nakababata kong kapatid.
"Yeah, right. Susunod ako, Ma," sabi ko na lang sa aking ina. Naglakad naman na siya papalayo sa akin. Ako naman ay nag-ayos na lang ng aking sarili. May competition nga pala sila Mikai ngayon. Muntik ko nang makalimutan.
Leader ng cheerdance ang kapatid ko. Maganda, matalino, at dapat ay graduate na siya ngayon pero hindi, eh. She stopped 3 years ago because this stupid, Keith Armalana... grr! I don't want to talk about him. Naiinis lang ako.
Bago ako lumabas ng kuwarto ko ay kinuha ko na muna ang susi ng aking sasakyan at nagtungo na sa unang palapag ng aming bahay. Sinasabi nila sobrang yayaman din naming katulad ng mga Consejo, but they’re wrong. Hindi namin sila ka-pantay. Higit na mas mataas pa rin ang estado nila sa buhay kaysa sa amin.
Siguro, kami lang iyong may mga kaya. Nasa middle-class kung baga. Hindi mahirap, hindi naman masyadong mayaman.
Naabutan ko roon ang aking kapatid karga-karga ang kaniyang tatlong-taong gulang niyang anak. Nanganak siya sa ibang bansa. Desisyon ng mga magulang naming iyon. At sumang-ayon naman ako sa bagay na ‘yon.
Mabait naman talaga si Mikai. May pagka-maldita lang at kadalasan talaga ay hindi nakikinig at nag-iisip.
“Are you ready?” I asked. Tumango naman siya sa akin.
“You’re so adorable, Bob. Kamukha mo ang Tatay mo,” sabi nito sa anak habang hine-hele ito sa kaniyang braso. Napa-iling naman ako.
“So, are you saying that Keith is adorable?” I asked sarcastically. Hindi naman nakatuon ang atensyon ng nakababatang kapatid ko sa akin. Nakatuon lamang ang paningin niya sa kaniyang anak. Bakas ang saya sa mga mat ani Mikai habang nilalaro-laro niya ang kaniyanga anak.
Tama nga ang sinabi niya noon. Halata na totoo. Hindi niya pinagsisisihan na nabuntis siya, na nasira ang plano niya. Sa pagkaka-alala ko ay nabigyan siya ng opurtunidad na magingbahagi ng girl dance group sa Korea pero hindi natuloy sapagkat nalaman niya na nagdadalang-tao na siya.
“Yeah,” sagot nito sa akin. Napataas naman ang kaliwang kilay ko. “Alam mo, Kuya Niko, minahal ko naman talaga si Keith, eh. Kaya ayun, nagpa-uto ako sa kaniya. Pero, wala, eh. Sinaktan niya ako kaya kami umabot sa ganito. Hindi niya rin kaagad-agad makukuha ang anak ko. Ayaw kong malayo sa akin si Bob. Alam ko na iyon ang plano niya na ilalayo niya sa akin si Bob pagkatapos niyang makuha. I will never let that happen. I am Bob’s mother and he will stay with me,” sabi nito.
I shrugged. “Ibigay mo na si Bob kay Mama, may competition ka pa,” utos ko na lang sa kaniya. Napatingin pa ako sa wristwatch ko at ilang minuto na nga lang ay magsisimula na. Tumango-tango naman siya sa akin at saka naglakad papalayo karga-karga ang anak niya. Kinakausap pa ni Mikai ang bata habang naglalakad sila.
Bob already knows how to walk, pero mas gusto niya na kinakarga siya ng kaniyang ina.
Napangiti na lang ako. Naglakad naman na ako papunta ng garahe at saka inayos ang kotse ko na gagamitin. Inilabas ko na ito at pagkatapos ay nakita ko si Mikai na palabas na rin. Sinenyasan ko siya na pumasok na sa may passenger seat. Isinuot niya lamang ang seatbelt, after that I started the engine. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan.
Pagkalipas ng dalawang minuto ay nakarating na rin kami sa Tastotel University. Kung saan nag-aaral ang kapatid ko at kung saan din ako nagtapos. Ipin-ark ko sa parking lot ang sasakyan. Hindi muna siya bumaba ng sasakyan.
Napakunot pa ang noo ko dahil parang may tinitingnan siya at literal na nanlilisik ang mga mata ng kapatid ko.
“B*tch,” matigas na bulong niya at may halong panggigil.
“Sino na naman iyang kaaway mo?” tanong ko na lang sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya sinundan ko na lang ang direksyon kung saan siya nakatingin.
Wala naman akong nakikitang kakaiba. Puro sasakyan at mga estudyanteng naglalakad lang ang nakikita ko. Tumikhim ako. “Mikai, sino iyang tinitingnan mo?” tanong ko pa. May halong warning ang aking boses.
“That b*tch!” sabi nito at saka tinuro niya ang isang sasakyan. The car is drop-top. I saw a woman sitting on the back compartment. Unang tingin pa lang ay mapapansin ko na kaagad na ang mga kilos niya ay hindi na kilos babae.
Nakasuot ito ng sleeveless top, fit na fit pa ito sa kaniya. I could see the straps of her bra in here. Suot niya rin na pang-ibaba ang denim shorts. Hapit na hapit ito sa kaniya.
Hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo. May distansya ang layo ng sasakyan ko sa sasakyan na kung saan man ang babaeng iyon naka-upo.
Hindi lang ang revealing clothes niya ang napansin ko. Pati na rin ang kulay ng buhok niya.
Pink…
“Who is she?” tanong ko sa kapatid ko. Nakatingin pa rin ako sa babaeng may kulay pink na buhok. Nag-iisa lamang siya sa kotseng iyon at nakatingin lang sa kawalan.
May mga tanong na nabuo sa utak ko.
Ano ang iniisip niya? Tama ba ang nasa isip ko na ito na malungkot siya at may dinadalang mabigat?
Ngayon ko lamang nakita ang babaeng iyon kaya wala akong ideya kung sino siya.
“She’s my blockmates, at alam mo ba, Kuya? Siya ang pinaka-malanding babae sa buong campus. Nangongolekta kaya iyan ng lalaki! Araw-araw iba-ibang lalaki ang kasama!” nanggigil ang boses na sabi ng kapatid ko.
Doon ko lamang iniwasan ang tingin ko sa babaeng iyon. Sa kapatid ko ako bumaling.
Pinaka-malanding babae?
“Are you sure about it? Bakit naman gigil na gigil ka sa kaniya? Anong ginawa niyang kasalanan sa iyo? Why are you bothered?” tanong ko sa kaniya. Natahimik naman si Mikai. Napahalukipkip lang siya at nakasimangot. “Tell me,” I insisted.
“Fine. Iyang babae kasi na iyan, nilalandi niyan si Keith ngayon. Nakita ko sila kahapon nang magkasama sa café katapat ng Armalana building. Ayon, nainis ako,” sabi nito. Tinitigan ko lang ng mabuti si Mikai.
“Mahal mo pa rin ba si Keith hanggang ngayon?” tanong ko sa kaniya. Hindi niya naman ako sinagot. Padabog na lamang siyang lumabas sa kotse ko.
“Sunduin mo ‘ko mamaya,” may sama ng loob na sabi niya at naglakad na papalayo sa akin. Napakibit-balikat naman ako. Umayos na lang ako ng upo at akmang papaandarin nang muli ang sasakyan ko nang bigla na lang akong makaramdam ng gulat.
Halos mapa-talon pa ako nang makita ko na may tao na sa may bintana ko. “What the f**k!” mura ko pa. Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso dahil sa gulat. Ipinilig niya ang kaniyang ulo habang nakatingin siya sa akin nang diretso. Habol ko naman ang hininga ko habang binubuksan ang bintana ng kotse ko.
She’s just staring at me so straightly. Paano siya nakapunta rito? Paano niya nakapunta kaagad dito? At anong ginagawa niya rito? I didn’t expect this. “W-Why a-re you staring at me like that?” tanong ko sa kaniya. Nakapilig lamang ang kaniyang ulo habang nakatingin siya sa akin ng diretso.
“I am Eirah, and you are?” Napakunot lang ang aking noo. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na magpakilala siya. But looking at her now, parang ayaw kong maniwala sa sinabi ng kapatid ko na si Mikai na siya ang pinakamalandi sa campus. Habang tinitingnan ko siya ngayon ay masasabi ko na inosenteng tao siya. Maamo ang kaniyang mga mukha. Maputi rin ang ang kaniyang balat kaya siguro bagay sa kaniya ang kulay rosas niyang buhok.
So, Eirah ang kaniyang pangalan…
“N-Nikolai…” kahit nag-aalangan ay nagpakilala pa ako sa kaniya. Abnormal pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa gulat. Bakit nga ba ito bigla-bigla na lamang sumulpot ang babaeng ito? Kanina lamang ay naka-upo siya sa compartment ng drop-top na sasakyan at may distansya iyon sa kaniya. How could she?
“Katunog ng Mikai,” flat lang ang boses na sabi nito na para bang wala siyang gana.
“She’s my sister,” sabi ko pa sa kaniya. She purses her lips and then she nods at me.
“Okay. Puwede mo ba akong samahan?” tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Samahan?
“Look, Miss, I don’t know you, we don’t know each other. You can’t ask me just like that,” sabi ko pa sa kaniya. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kaniya pero hindi ko na lang ginawa.
“What are you saying? I know you; you are Nikolai. You already know me so why I can’t ask you to accompany me?” Napangana naman ako sa sinabi niya.
“You just know my name,” sagot ko sa kaniya. Napapalatak naman siya sa sinabi ko.
“Hindi lang pangalan mo ang alam ko. Kapatid ka rin ni Mikai Serratore,” sabi niya. Lalo lang akong napanganga. Ngayon niya lang nalaman ang bagay na iyon!
“Ang ibig kong sabihin ay hindi tayo close –”
“Kailangan ba talaga close ang dalawang tao para humingi ng pabor?”
Hindi naman ako kaagad nakasagot. Tumingin lang ako ng diretso sa kaniya. Medyo mahangin sa lugar nito kaya lumilipad din ang ibang hibla ng kaniyang kulay pink na buhok. Dahil ng sleeveless ang suot niya ay kitang-kita ko ang suot balat niya sa balikat. Her collarbones…
Hindi ko maiwasang magbaba ng unti ang aking mga mata sa kaniya. Napadapo ang aking mga mata sa kaniyang malulusog na dibdib. Malulusog nga ang kaniyang mga dibdib. Bigla naman akong nakaramdam ng bugso na parang gusto ko itong dakmain. Napakuyom lang ako nang aking mga kamao at tumingin muli sa kaniyang mukha.
“Sorry, Miss Eirah pero hindi kita masasamahan. I gotta go,” sabi ko pa. Pinilit kong ngumiti sa kaniya at dahan-dahan ko nang isinara ang bintana ng kotse ko. Nakatitig pa rin siya sa akin. Gusto ko na lang magmurang muli. Tumabi siya ngunit hindi niya naman inalis ang mga tingin niya sa akin. Pinigilan ko na lang aking sarili na huwag tumingin sa kaniya.
Nag-U turn na ako papalabas ng parking lot ng University. Nang tumingin ako sa side mirror ay sa akin pa rin siya nakatingin. Binilisan ko na lang ang aking pagmamaneho at hindi ko na siya tiningnan. Anong problema no’n?
Nikolai! Graduate ka na sa paaralang iyon. Graduate ka na rin sa pagiging babaero. Hindi lang siya ang may malulusog na dibdib. Marami pang iba riyan.