Kamusta naman ang kagandahan ko? Ano namang pakiramdam ang ma-reject? Tsk.
"Eirah." Napalingon ako kay Tita nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakangiwi lang ako sa Tita ko. Hindi ko gusto ang pinapagawa niya sa akin.
"Yes..."
"You owe me one. I want you to do this," sabi nito.
Lalo lamang akong napangiwi. "Tita, I can't."
"You owe me one! Wala sa usapan natin ang pagkukulay ng buhok mo!" pasigaw na sabi niya sa akin. Pinigilan ko lang ang inis ko, kanina ko pa rin siya gustong sigawan. Can she please stop acting that she's my real mother? Because, she's not. She will never be.
"Nasa legal na edad na ho ako. I could do whatever I want to do. Besides, hindi naman against ang Daddy ko sa pagpapakulay ko ng buhok ko. Okay? Now, aalis na ako kasi late na ako," sabi ko na lang at tinalikuran siya. Wala naman akong pakialam kung naging bastos ang dating niyon sa kaniya.
Matagal na akong naiinis sa kaniya. I hate her. Hindi naman siya ang tunay kong nanay kung maka-higpit sa akin wagas. I hate it. Ayaw ko sa lahat ay iyong nasasakal ako, iyong pakiramdam ko ay naka-kadena ako. Gusto kong maging malaya ako sa lahat ng bagay.
I smirked. Sumakay na ako sa drop-top car ko. Pinangalanan ko ang sasakyan na ito. She's Lyxe.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa school. Nass last sem na ako. Makaka-graduate na ako. Umismid akong muli. Kung nandito lang ang tunay kong ina ay alam ko na magiging sobrang proud siya sa akin.
Dalawa kaming magkapatid. Ako at si Elias, sabi ay dapat daw akong maging role model sa kapatid ko. Role model naman ako sa kan'ya sabi ng sarili ko.
Mabilis naman akong nakaratiing ng university. As usual, pagbaba ko pa lang ng sasakyan ko ay pinagtitinginan at pinagbubulung-bulungan ako ng ibang estudyante roon. Alam ko naman kung ano 'yon, eh.
'Ayan na si p*kp*k.'
Okay lang. Sanay naman na ako, eh. Hindi na sa akin bago na masabihan ng p*kp*k, malandi, at kung ano-ano pang description nila sa akin. Nagpapakant*t daw kasi ako kung kanino-kanino. Hindi ko naman dinadamdam kung anong chismis pa ang ipinagkakalat nila sa akin.
First of all, they don't know me, and the whole story. I-judge nila ako hangga't gusto nila. Hindi naman no'n madadagdagan ang kagandahan ko.
Napaismid na lang akong muli. Kinuha ko ang bubble gum sa bulsa ng aking shorts ㅡ napairap naman ako nang maalala ko ang sinabi nila sa akin tungkol sa shorts ko. Ang iksi raw ng shorts ko. Malamang, maiksi talaga 'yan. Kaya nga shorts ang tawag, eh.
Isinabit ko na ang isang strap ng backpak ko sa kaliwang balikat ko. Magaan lamang ang backpack ko. Magaan lang naman talaga kasi wala naman halos laman. Habang naglalakad ako ay tinatanggal ko ang balat ng chewing gum and then sinubo ko na, sinimulan ko na ang pagnguya niyon. Ninamnam ko lang ang tamis na binibigay niyon sa akin.
Palagi naman akong may bubble gum na dala-dala kahit saan ako mapadpad. Since then, ito na ang paborito ko.
"Kailan ka ba matututong magdamit ng maayos?" tanong sa akin ng guwardiya ng paaralan na aking pinapasukan. Halos araw-araw na lang ay hinahaharang niya ako kapag papasok na ako ng gate.
"Maayos naman ang damit ko," sagot ko na lang sa kaniya habang sapa-sapa sa bibig ko ang bubble. Matamis...
"Hindi maayos."
"Sa mata mo lang siguro."
"Sa mata ng lahat Miss Callabañes," sagot nito sa akin. Dahil sa palagi akong nasisita ay alam niya na ang buong pangalan ko. I rolled my eyes.
Hindi na lang ako sa kaniya sumagot dahil baka may masabi pa akong hindi maganda sa kaniya. "Sa susunod na ganiyan ulit ang suot mo, hindi na kita papasukin," saad nito sa akin. Hinayaan niya na akong makadaan.
Ano bang problema nila sa damit ko? Palagi na lang!
Napairap lang ako habang naglalakad papasok sa campus. I even flipped my pink hair. Tungkol naman sa akin kulay pink kong buhok, nagpa-kulay lang ako ng buhok no'ng isang linggo dahil gusto ko.
Matagal ko nang gustong magpakulay, since pink is my favorite color. Ito iyong sinabi ko sa nanay ko no'n na in-aprubahan niya. In-aprubahan na magkulay ako ng buhok ko. Gano'n din si Daddy, wala naman siyang sinabi nang makita niya ang kulay ng buhok ko. As usual, wala siyang pakialam.
Dumiretso na ako kaagad sa klase ko. Tahimik lang ako, hindi ko na pinansin ang mga bulong-bulungan nila. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila. Hindi naman ako affected. Kung 'yan ang gusto nilang paniwalaan sino ba ako para tumutol? Kung diyan sila masaya, eh bakit ko sila pipigilan?
Sanay na ako, as long as hindi sila nananakit sa akin. Hinahayaan ko lang talaga sila. Hanggang bulong-bulungan at chismis lang naman.
B*tch, sl*t, wh*re. Iyan ang tatlong salita na kadalasan ay masasabi nila kapag tinanong kung ano ang first impression nila sa akin. Sa damit ko pa nga lang kasi talaga ay halatang-halata na. Isa pa raw doon ay lagi kasi akong malapit sa mga lalaki.
Malapit nga ako sa mga lalaki. They are just my friends...but sometimes, may benefits. Habang nasa klase ako ay nawalan ng lasa ang bubble gum ko. Bigla ko namang napansin na may tulog sa aking harapan. Naka-yuko pa siya sa may desk. Hindi naman siya pinpagalitan ng prof namin. Nasa amin kasi iyon kung makikinig kami sa mga lessons niya o hindi.
Dahil nga may pagka-salbahe rin talaga ako ay tinanggal ko sa bibig ko ang wala ng lasa na chewing gum at saka inilagay iyon sa buhok niya. Narinig ko ang mahinhin na tawa ng babae sa tabi ko. Malamang ay nakita niya ang ginawa ko. Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay ko.
"Anong nakakatawa?" mataray na tanong ko sa kaniya. Natahimik naman siya. Nag-iwas na siya ng tingin sa akin. Napairap na lang ako.
Nang matapos na ang klase ay nagpunta ako sa comfort room ng school. Walang tao sa comfort room na pinasukan ko. Nakita ko ang malaking salamin sa pader sa comfort room kung saan kitang-kita ko ang buong katawan ko.
Napangiti naman ako. Nakaramdam pa ako nang tuwa dahil nakikita ko na bagay na bagay talaga sa akin ang kulay-pink na buhok. Dream come true na naman 'to. Ibinaba ko ang suot kong backpack at pinagmasdan ang sarili ko. Tiningnan ko naman ang mga labi ko.
Pati ang kulay ng labi ko ay pink. Wala naman akong nilagay na kolorete sa mukha ko. Sadiyang pink na pink talaga ang labi ko.
No'ng bata ako ay madalas akong tawagin na Snow. Kasi raw ay may hawig ako sa isang character somewhere sa earth.
Iyong balat ko raw ay kasing-kulay lang ng balat niya. Hinihintay ko nga na may magbigay sa akin ng mansanas. Minsan nakakapagod din mabuhay, gusto ko nang matulog, iyong pang-matagalan sana.
Natawa naman ako sa isiping iyon. Bumaba naman ang tingin ko sa suot kong damit. Ang nipis lang ng tela ng suot kong pang-itaas wala itong sleeves at kahit ako mismo ay kita ko ang straps ng bra ko at saka ang bakat nito. Hindi naman gano'n kalaki ang hinaharap ko. Sakto lang.
Bumaba pa lalo ang tingin ko. Kita ang pusod ko, well, maganda sa paningin ko. Pakiramdam ko isa ako sa sikat at malayang modelo. Pumasok kaya ako sa modelling? Natawa na lang ako sa sarili ko. Nakasuot lang ako ng denim shorts. Kitang-kita ko ang aking hita. Kapag umuupo ako ay halos masilip ko na ang singit ko. Eh, ano naman? Wala naman akong ikinakahiya.
Nag-inat lang ako at napangiti habang pumikit. "Ang ganda ko. I have worth," bulong ko na lang sa sarili ko habang nakapikit ang mga mata ko. Habang ito'y mga nakapikit. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil naalala ko ang Mommy ko.
I sighed. Iminulat ko na lang muli ang mga mata ko. Medyo nagulat pa ako nang makita ko na sa salamin na may tao na pala sa likod ko. He's now glaring at me.
Why?
Para siyang galit kaya hindi ko maiwasan mapatanong kung bakit.
At anong ginagawa niya rito?
I raised my left eyebrow. Nakatitig lang siya sa salamin kung saan makikita roon ang repleksyon ko. Wala ring salita ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan na dalawa sa pamamagitan lamang ng salamin. Nagtataka ako habang siya ay mukhang galit na galit.
Ano bang problema niya? Matapos niya akong hindi samahan kahapon. Matagal ko na siyang kilala pero tinanong ko pa rin talaga ang pangalan niya. Wala lang, gusto ko lang subukan kung sasabihin niya sa akin. He's popular when he's studying here so kilala ko na talaga siya noon pa.
Nakita ko ang sasakyan niya kahapon na pumarada sa parking lot. Hindi gano'ng tinted ang bintana ng kotse niya kaya nakita ko rin si Mikai sa loob. Hinintay ko lamang na bumaba ito, and then, mabilis akong lumapit sa kaniya.
I was just trying if he'll come with me. Alam ko na marami nang babae ang nakatikim sa kaniya...
Ehem.
Sinusubukan ko lang naman kung sasama siya sa akin lalo na't ang ganda at nakaakit ako. Let say, lumalandi talaga ako kahapon sa kaniya pero parang walang epekto. Siguro iyong ekspresyon ko. Hindi ko naayos, eh. Akala ko maaakit siya, eh, mukhang nagulat nga siya.
Ayon kasi ang unang beses na nakita ko siya nang malapitan kaya siguro iba ang naging ekspresyon ko sa kaniya. Iba ang naging dating ko sa kaniya imbes na maging nakakaakit... kaya siguro hindi siya sumama sa akin.
Ni-reject niya ako!
"What are you doing here?" napilit ko nang magsalita ang sarili ko. Salubong na salubong lang ang kilay niya at galit pa rin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Bakit ka galit?" I asked again. Hindi pa rin siya sumagot. Nanatili lang ang mga titig niya sa akin. Well, kumukurap naman siya, ang sama lang talaga ng titig niya sa akin.
Parang... parang malaki ang kasalanang nagawa ko sa kaniya.
Hindi ko pa rin siya nililingon. Tanging salamin ang naging dahilan upang makita namin ang isa't isa.
"Nagsisisi ka ba na hindi mo 'ko sinamahan kahapon?" lakas-loob na sabi ko. I even licked my upper lip. Kung hindi gumana kahapon, edi ngayon! Tutal nandito naman siya na ipinagtataka ko talaga. Baka naman pinuntahan niya lang iyong kapatid niya.
Marahan pa akong natawa. Lalo lang kumunot ang mga noo niya.
Hindi pa rin siya sumagot kaya natigil ang mga tawa ko. Nakakainis na.
"Wala ka bang balak na sumago ㅡ"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Lumilingon kasi ako sa kaniya habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon. Mabilis siyang humakbang papalapit sa akin at kinabig niya ako papalapit sa kaniya. Hindi ko maiwasang manlaki ang mga mata pero agad din napapikit nang salubungin ako ng kaniyang mga labi.