Eirah's Point of View
I bit my lower lip as I felt his hand palming my left breast. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa beywang ko. His lips are crashing on my lips. Nang palalim na ang bawat halik ay inilayo niya na ang labi niya sa akin. Agad niyang tinanggal ang kamay niya sa isa sa mga dibidib ko. I feel bad, he just palmed it! Wala man lamang bang kahit massage diyan?
Inihawak niya ang iyon sa kabilang beywang ko. Hindi ako umangal nang dahan-dahan niya akong i-angat at pinaupo niya ako sa may sink. Naramdaman ko ang lamig ng tiles sa hita ko. That give me electricity too. Nagtama ang mga paningin namin ni Nikolai. Napalunok ako, nanlilisik pa rin ang mga mata nito.
“Is this what you wanted?” matigas na tanong niya sa akin. He’s now clenching his jaw.
“D-Do you want to do it?” I asked seductively. Dahan-dahan ko lamang kinagat ang pang-ibabang labi ko. Diretso lang ang mga tingin niya sa akin habang ginagawa ko ang bagay na iyon.
“So, my sister is right,” sabi niya sa akin. Napataas naman ang kaliwang kilay ko. Ano naman ang sinabi sa kaniya ni Mikai Serratore?
“About what?” tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin nang diretso.
“About you, being a whore.” Lalo lang tumaas ang kaliwang kilay ko sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba’t may sama ng loob talaga sa akin si Mikai. Kapag kasi magkakasalubong ko ay sama ng tingin niya kaagad ang nakikita ko. Para bang pinapatay niya ako sa utak niya.
“I don’t care,” taas-noong sabi ko sa kaniya. Dahan-dahan kong inalis ang dalawang kamay niya sa beywang ko. Napa-atras naman siya nang bumaba na ako sa may sink. Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniya. Salubong na salubong lang ang kilay niya habang nakatingin lang din sa akin.
Lumapit naman ako sa kaniya. Bahagya pa akong tumingkayad. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya. I looked straightly at his eyes. “Do you believe that I am w***e?” pabulong na tanong ko sa kaniya.
“Isn’t it obvious?” Napangiti naman ako sa sinagot niya sa akin.
“I know myself so I don’t believe them,” sabi ko na lang sa kaniya. Binigyan ko siya ng mabilis at matunog na halik sa kaniyang labi. Lumayo na ako sa kaniya. Nakita ko na nahulog pala sa sahig ang backpack ko. Mabilis ko na lang na pinulot iyon at saka tinalikuran siya. Balak ko pa naman sana na dahan-dahan ang gawin kong pagpulot doon tapos pakita ko sa kaniya puwet ko. Natawa na lang ako sa kaisipan na iyon.
Buti na lang ay walang pumasok sa comfort room na iyon at hindi kami naabutan ni Nikolai roon. Madadagdan kaagad ang issue ko kapag nangyari iyon.
Wala na akong pakialam kung ano ang ginagawa ni Nikolai sa comfort room ng mga babae. Basta ang ikinalalawak na aking mga ngiti ay iyong hinalikan niya ako. Nag-flashback naman sa utak ko ang ginawa niyang paghapit sa beywang ko. Ugh! Iyon lang ang nasa isip ko ngayon hanggang sa makarating ako sa drop-top car ko. Dumiretso na kaagad ako sa bahay dahil wala naman akong lakad ngayon ay uuwi na lang ako. Magkukulong sa kuwarto ko at maglalaro ng mga video games. Kung nasa bahay ang nakababata kong kapatid na si Elias, eh, may kasama akong maglaro. Pero mukhang imposible. Bihira lamang siyang magpirmi dito sa bahay.
Pagpasok ko kaagad ng aming bahay ay hindi ko maiwasang mapatili dahil sa bumungad sa akin. Si Tita Kesha. Hinarang niya kaagad ako sa may pinto. She’s crossing my arms and she’s looking sharp at me. “Look, Tita, hindi ko talaga gagawin iyang gusto mong mangyari,” sabi ko sa kaniya.
“It’s for your own sake, Eirah! Come on! Stop being stubborn!” sigaw niya sa akin. Pinigilan ko naman ang aking sarili na huwag siyang masigawan. Matagal na talaga akong nagtitimpi sa kaniya. Hindi ko alam sa kaniya. Hindi niya ba napapansin na hindi ko siya gusto? Na ayaw ko sa kaniya?
“I am not stubborn. You should be stop acting like you’re concerned with me because you’re not,” sabi ko na lang sa kaniya. Nilagpasan ko na siya. Pumasok na ako sa loob at agad na dumiretso sa kuwarto ko. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi siya tunay na concerned sa akin. Nandito lang siya dahil kabit siya ng Daddy ko. Pinakasalan siya ni Daddy para alagaan kami. I don’t think that my father loves her.
Pera lang naman ang habol niya sa amin. At kahit na kailan ay hindi niya mapapalitan si Mommy sa mga puso namin. Tita ko talaga siya, kapatid siya ni Mommy, akalain mo iyon? Hindi ko alam kung ano ang buong nangyari sa kanila ni Mommy noon pero isa lang naman ang alam ko, tinraydor ni Tita Kesha si Mommy.
Parang katulad lang ng nangyari sa pamilya Montinelli noon. My mother used to tell me this story before that Harry Montinelli married Marie Salceda but Marie’s sister betrayed her. Ayon, naging kabit daw ni Harry ang kapatid ni Marie na si Tanya. Parang gano’n lang din ang nangyari sa sa Mommy ko at Tita ko.
Pero matagal na raw na nangyari iyon. Malaki na nga iyong mga apo niya, eh. Si Achilliance Montinelli lang talaga ang nakita ko nang apo ni Harry. Sa lahi raw sila ni Tanya. Iyong anak daw ni Harry at Marie ay hindi na alam kung nasaan.
Bakit ba ako napa-kuwento tungkol sa pamilyang Montinelli na iyan? Kuwento lang naman sa akin ni Mommy iyon. Actually, wala naman sa mga pahayagan or sa history nila ang bagay na iyon. Sa internet, ang sinasabing legal ay si Tanya Salceda – Montinelli. Nanay ni Steven at Achiles. Si Achiles ay tatay ni Achilliance at Fe? Fe ba pangalan no’n or Faith? ‘Di ko sure! Basta nakikita ko rin siya sa campus.
Napatingin naman ako namin ni Mommy na nakalagay sa may bedside table ko. Napangiti na lang ako.
Kung nasaan man ngayon si Mommy ko ay sana masaya siya. Malapit na rin kaming magkita-kita. Nagbihis na lang ako. Nagsuot ako ng cotton, pink jacket, pabagsak akong humiga sa malambot kong kama. Nagsimula na kaagad akong maglaro ng video games.
Nikolai’s Point of View
“So, you’re saying that we have no ability to make things right…”
“No, that’s not what I meant…” nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita. Napatingin naman ako sa cellphone ko, malapit nang mag-alas sais ng gabi. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pagkatapos ay lumabas na ako ng conference room. It’s not that important, besides, kanina pa ang meeting an iyon at nasabi na ang lahat ng agenda hindi naman na ako sinita nang tumayo ako.
I should get going. Hinubad ko ang suot kong suit coat at lumabas na ako ng opisina. I’m working with The Consejo's which is Misael Consejo’s family business. Marami naman kasi talaga akong kompanya na puwedeng apply-an sa Tastotel City but I choose Consejo since my father worked here before and he has the best experience, that’s what my father has told me.
Nakasabit lang ang suit coat ko sa braso ko habang naglalakad ako papunta sa parking lot. When I got there, I saw my car and I immediately went in. Natigilan pa ako nang kaunti nang may makita akong kulay pink na laso na nasa may passenger’s seat.
May imahe ng babae ang agad na nag-flash sa utak ko. Those seductive body!
Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko nang maalala ko na naman ang nangyari kanina. Napunta ako sa comfort room ng mga babae dahil hinahanap ko si Mikai. She sent me a message to come for her because she’s crying, she’s broke. Na-alarma ako kaya nagmadali akong nagpunta sa Tastotel University pero nahirapan pa akong hanapin ang kapatid ko. I know Mikai, she could do things that you can’t never imagined. Iba rin mag-isip si Mikai, I’m being protective to her since I caught her cutting her wrist back then.
Yeah, I was just afraid that he might do it again.
And I was stunned when I saw this pink-haired girl, standing in front of the mirror. Her eyes were closed. 'Ang ganda ko... I have worth'. Narinig ko pang sabi niya habang nakapikit. Kinakausap niya ba talaga ang sarili niya bago ako dumating kanina? Mataas ba ang tingin niya sa kaniyang sarili?
Masasabi ko lang na maaaring nagsasabi siya ng totoo. Katulad ko… alam ko na may angking kaguwapuhan di talaga ako. Hindi ako nagiging mahangin, nagsasabi lang ng totoo.
Habang nakatingin ako sa repleksyon niya kanina, I couldn’t help but to get annoyed. Really? Wala ba siyang iba or bagong style? It looks like she always wears sleeveless top and a denim shorts. When she opened his eyes, she caught my glares. I noticed her confusion when she saw me. Hindi na ako magtataka.
I suddenly felt the urge to kiss her when she asked me this… Nagsisisi ka ba na hindi mo ako sinamahan kahapon?’ she laughed after that. I have no idea why she’s asking me to come with her. I couldn’t read her mind. I am not good with that.
I get fascinated, hindi ko itatanggi.
Napansin ko ang mga ngipin niya na mapuputi at pantay-pantay. Kasing-puti ito ng kaniyang balat. Kaunti na lamang ay ma-ikukumpara ko na siya kay Alessia, ‘yung kakilala ko na medical student.
I kissed Eirah when she turned around. I was expecting that she’s going to push me but I was wrong. Nilabanan niya ang bawat halik ko.
Binabawi ko na ang sinabi ko na mukha siyang inosente, because she isn’t! She really knows how to kiss someone’s lips. I wanted to touch her on the comfort room earlier but I stopped myself. While looking at her, thoughts came up on my mind. Sa tingin ko’y malaki ang tanda ko sa kaniya. I don’t want to claim her.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Hindi ko na lang pinansin ang lasong iyon. Hindi ko ginalaw sa upuan. Marahil ay pagma-may-ari iyon ni Mikai. Uuwi na ako sa bahay. I already found Mikai before leaving the campus kaya panatag ang dibdib ko na nakabalik sa Consejo building. Maliban na lamang sa babaeng iyon. Sa babaeng may kulay pink na buhok. I wished that I won’t see her again. I don’t want to. Kahit na gustong-gusto ko nang tanggalin ang damit niya kanina. Pinigilan ko lamang talaga ang aking sarili.
Habang nagmamaneho ako’y natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar na sasakyan.
Drop-top…
I was thinking about that pink-haired girl again. Eirah ang pangalan niya, I guess, ayon ang natatandaan ko. About her car… if she likes pink then why is the color of his car is black?
I don’t know.
Anyway, malakas ang kutob ko na pagmamay-ari niya iyon. Nakita ko lang ito sa side mirror, mabilis ang takbo ng sasakyan at nagawa ako nitong lagpasan.
“F*ck,” napamura ako. Nang malagpasan niya ang sasakyan ko ay nakita ko ang kulay pink na buhok. Nililipad ito ng hangin. Padilim na pero halatang-halata pa rin ang kulay nito. Tama ang kutob ko.
It was Eirah!
Umigting ang aking panga at wala sa sariling sinundan din siya. Nakaramdam ako ng matinding inis. Why the hell is wrong with this woman? Bakit gano’n siya magpa-takbo ng sasakyan niya?
And what the hell is wrong with me? Why am I following this pink-haired woman? F*ck!