Chapter 4

2190 Words
Eirah's Point of View Malapit nang mag-alas sais nang biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Tinatamad man ay tumayo pa rin ako sa kinahihigaan ko at saka binuksan ang pinto. I saw my Tita there. Nag-iwas naman ako ng tingin at hindi pinahalata na gusto ko siyang irapan. "Can we talk again?" tanong niya sa akin. Nagbuga pa siya ng kaniyang hininga. I crossed my arms. "Kahit ilang beses pa tayong mag-usap, Tita Kesha, hindi mababago niyon ang desisyon ko. Ayaw ko," saad ko sa kaniya. "I want to finish my studies here," dugtong ko pa. Tinitigan niya lang ako ng matindi. "Manang-mana ka talaga sa iyong ina," sabi niya. "Of course, she's my mother. The real one, the REAL wife." Ngumiti pa ako ng nakakaloko sa kaniya. Pinaningkitan niya lang ako ng mga mata niya. Nilabanan ko lang din naman ang mga titig niya sa akin. "Puwede bang tayong dalawa ang nag-usap, Eirah Bennisse?" Sabay kaming napatingin ni Tita Kesha nang marinig namin ang boses ni Dad. Nakatayo siya sa may pader at pinagmamasdan niya lang kami. Para bang kanina pa siya nakatayo roon. Napangiwi ako. Tiningnan lang ako ni Tita bago niya kami iniwan ni Dad sa may hallway. Tinitingnan lang ako ni Dad. "Palagi mo bang binabastos ang Tita Kesha mo, Eirah?" tanong niya sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin. Mukhang tama ang konklusyon ko na kanina pa siya nakatayo riyan. "No..." sagot ko na lang sa kaniya. Tinitingnan lang ako ni Dad ng ilang minuto hanggang sa magsalita siyang muli. "Your passport is ready. Pack your things up," sabi niya sa akin. Napanganga naman ako at nanlaki ang mga mata. "No!" Hindi ko napigilan napigilan ang mapa-sigaw. "Tumanggi na ako rito, noon pa, Dad! Ayaw kong magpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa! Bakit ba gustong-gusto niyo ni Tita Kesha na dalhin ako sa ibang bansa?!" pasigaw kong sabi. Naiinis ako. Ilang buwan na naming pinagtatalunan ang tungkol sa bagay na ito. Paulit-ulit na lang at hindi talaga sila maka-intindi na AYAW KO. Ayaw ko ng ganito, bakit wala akong karapatan na magdesisyon ngayon? "Kasi hindi makakabuti sa iyo ang pananatili rito. Look at your self, tumitingin ka ba sa salamin, ha? You have changed!" Tumaas naman ang sulok ng bibig ko dahil sa sinabi niya. "Oo, Daddy. Malamang magbabago ako, ayaw kong maging masunurin at maging mabait na lang palagi habangbuhay!" I hissed. Humakbang siya papalapit sa akin. "Like it or not, you will go to States. You will finish your studies there." "Dad! Nasa legal na akong edad! May sarili na akong desisyon." "No," sabi niya sa akin. Napa-iling-iling na lang ako. Hindi ako makapaniwala na aabot sa ganito. "Legal na edad? You're still not mature. 'Wag mong pairalin Eirah ang katigasan ng ulo mo. Hindi iyan ang gusto ng Mommy mo." I gritted my teeth. "Alam mo kung anong gusto ni Mommy? Ang makita akong magtapos sa Tastotel University!" inis na sabi ko at saka pumasok sa loob ng kuwarto ko. Pabagsak kong isinara iyon. "Eirah!" narinig kong sigaw niya sa akin pero hindi ko naman siya pinansin. Kinatok niya na ang pinto ng aking kuwarto. Ako naman ay kinuha lang ang susi ng kotse ko sa may cabinet at saka inilagay iyon sa bulsa ng jacket ko. Binuksan ko muli ang pinto. Nandoon pa rin si Dad. "You need to go to States!" sigaw niya pa. "Eirah!" Hindi naman ako sumagot sa kaniya. Naglakad na ako pababa, dire-diretso lang ako. Nakasunod sa akin si Daddy at tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin. Pagdating ko sa may hagdan ay nakasalubong ko pa si Tita Kesha. "I don't know the reason why you two wanted me to leave this house. Siguro gano'n 'no? Gusto niyo lang akong mapa-alis dito sa bahay, and sige! Aalis ako rito! Tang*na!" inis na sabi ko kay Tita at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nanlaki naman ang mga mata niya. Sinigurado ko na maririnig iyon ni Dad. "Bakit ka nagmura?! Eirah! Come back here!" sigaw niya sa akin. Patakbo na akong lumalabas ngayon.  "Lock the door!" sigaw ni Papa. Buti na lamang ay nakalabas na ako ng pinto bago ito ma-lock. "The gate! Lock the gate!" narinig kong sigaw ni Papa. Nakita ko naman ang kapatid ko sa may gate. Nasa gitna siya na animo'y haharangan ako. "Elias, umalis ka riyan," matigas na utos ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin ng nakakaloko. Hindi siya sumagot. "Damn it!" sigaw ko na lang. Si Daddy naman at Tita Kesha ay naglalakad na papalapit sa akin. Galit na galit na ang mukha ni Dad. Nilingon ko ulit si Elias. "Open the gate!" utos ko sa kaniya pero nanatili lamang siyang nakangisi. Napakunot lang ang noo ko nang bigla siyang may nginuso. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakanguso. Napangiwi ako. "Safe trip," pabulong na sabi niya sa akin. "Bakit mo 'ko pinapahirapan? Hindi ka ba naaawa sa Ate mo?" tanong ko sa kapatid ko. "Kunin mo muna iyong bag then I'll open this before Dad and Tita Kesha take you. Narinig ko kanina na kung ayaw mo raw ay ikukulong ka raw nila," sabi niya. My eyes widened. The hell? Bakit ikukulong?! "Ano ba ang laman ng bag?" "You'll see! Dalhin mo 'yan sa kung saan ka man pupunta." "Damn!" sigaw ko na lang. Mabilis kong kinuha ang bag na nginuguso niya. Binuksan naman kaagad ni Elias ang gate nang kunin ko iyon. "Call me, Ate," sabi niya. Tumango naman ako. Nag-apir muna kami bago ako tuluyang lumabas. Pagdating ko roon ay nandoon na kaagad ang kotse ko. Malamang si Elias na ang naglabas niyon. Ano ba ang laman ng bag na ito? Inilagay ko na lang 'yon sa may passenger seat. Tumalon na kaagad ako sa may sasakyan mo. Hindi na ako nag-abalang buksan ang pinto. Inilabas ko na ang susi ko sa may bulsa at saka ginamit iyon para mapaandar ko na ang sasakyan ko. Bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang boses ni Dad na pinapagalitan ang kapatid ko. Bakit ba kasi siya humarang do'n? At saka anong laman ng bag na 'to? Napailing na lang ako. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan ko. Mahigpit din ang hawak ko sa steering wheel dala nang panggigil. Buti na lang ay hindi masyadong traffic. Kunot na kunot lang ang noo ko habang nagmamaneho ako. Maraming tanong pa rin sa isip ko. Bakit nila ako gustong magpatuloy ng pag-aaral sa States. Isang taon na nga lang ay magtatapos na ako. I sighed. Siguro ay talagang gusto lang akong mapa-alis sa bahay ni Tita Kesha. Pera lang naman kasi talaga ang habol niya. Sa akin nakapangalan ang lahat ng ari-arian. Pati ang bahay, bago kami iwan ni Mom ay sa akin niya ipinangalan. May karapatan nga ako na paalisin si Tita Kesha kahit na asawa niya Daddy ko pero hindi ko ginagawa. Dapat pa nga silang magpasalamat sa akin eh. I changed a lot? That's it? Matagal ko nang gustong maging ganito. Hindi naman sapat na dahilan iyon para dalhin nila ako ng ibang bansa. Saan na ako ngayon pupunta? Siguro sa taas na naman ng bundok. Gusto kong makita ang buong  Tastotel City. Maganda iyon, tutal pagabi na. Padilim na ang buong paligid. Saktong pagdating ko sa bundok na iyon ay madilim na madilim na. Ayaw ko na munang bumalik sa bahay namin. Mainit pa ang aking ulo. Pagkalabas ko ng siyudad. Wala nang masyadong sasakyan ang dumadaan kaya mas lalong naging mabilis pa ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Medyo fresh na rin 'yong hangin pero natigilan ako nang mapansin ko na may sasakyan na nakasunod sa akin. Sa side mirror ko iyong nakita. Medyo madilim na pero may liwanag sa loob ng kotse niya. Ayaw ko sanang mag-assume na sinusunda niya ako pero nakilala ko kung sino ang nasa loob. Si Nikolai. So, malamang sa malamang ay sinusundan niya ako. Kitang-kita ko rin na kunot na kunot ang noo niya. Galit na naman? Itinaas ko naman ang kamay ko. I made a shooing motion, ibig sabihin ay umalis siya. Huwag niya akong sundan. Gusto kong mapag-isa. Wala akong panahon na kausapin siya o landiin siya. Gusto ko lang mapag-isa at mag-isip-isip. Nakita ko naman sa side mirror na napa-iling lang siya. My forehead creased. Sige, bahala na siya. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa may mataas nang bahagi ng bundok. Dahil pasyalan din ito ay may kalsada nang ipinagawa rito. Ipin-ark ko lang ang aking sasakyan. Hindi nga ako nagkamali. Sinundan niya talaga ako kasi hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya sa akin at nakatigil na rin ang sasakyan niy. Nakita ko na nauna na siyang bumaba sa kotse niya. Bumaba na lang din ako. Naglakad siya papalapit sa akin. He's wearing this long sleeve polo. Siguro galing siya sa work niya. Nabalitaan ko na sa Consejo's siya nag-wo-work. I faced him. "What?" Tinaasan ko pa siya ng kaliwang kilay. Salubong na naman ang mga kilay niya! "Anong ginagawa mo rito?" "Ako dapat ang nagtatanong niyan," sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya. May mga damo sa gilid ng kalsada. May bangin. Naupo ako sa may mga damo at sa puwesto kong ito kitang-kita ang buong Tastotel City. Ang ganda ng nakikita ko ngayon. Niyakap ko lang ang tuhod ko. Natahimik siya. Hindi ko naman na siya pinansin. Nakatingin lang ako sa malalaking building na nakikita ko. Hindi ko talaga maintindihan sila Daddy. Bakit ba nila ako gustong papagtapusin ng pag-aaral do'n? Ano ba ang tunay nilang rason? Napatingin na lamang ako sa may right side ko nang may tumabi. I saw him. Tsk. "Why are you here?" tanong ko na lang sa kaniya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa view ng Tastotel City. "You know what's funny?" he asked. Nag-peke pa siya ng tawa niya. "Galit ako sa iyo nang makita kitang sakay ng sasakyan na 'yan. Ano bang problema mo?" Napatitig lang ako sa kaniya. Ipinilig ko pa ang ulo ko at sinusuri siya. "Bakit ka naman galit? Wala akong ginagawa sa iyo," sabi ko pa sa kaniya. "Babae ka, hindi ka ba informed?" tanong niya sa akin. "Alam ko na babae ako, anong problema mo sa mga babae, ha?" tanong ko sa kaniya. Bigla naman akong napangisi. Lalo na nang hindi siya sa akin makasagot. "Kung may gusto ka sa akin. Aminin mo na lang hindi iyong galit-galitan ka pa." Dahan-dahan naman niya akong nilingon. Nagtama ang mga mata namin. Salubong na naman ang mga kilay niya. Bakit ganiyan,  Nikolai? Dati-rati kapag nakikita kita sa campus ay hindi ka naman laging nakakunot ang noo. "Hindi ako magkaka-gusto sa may kulay pink na buhok," he said and he snorted. Natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Okay na rin pala na sumunod siya sa akin dito. "Ay talaga ba? Sino naman iyong may pink na buhok na hinalikan mo kanina?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Hindi ibig sabihin na hinalikan kita ay gusto na kita," sabi niya. Nag-iwas pa siya ng tingin sa akin. Ako naman ay natatawa lang. "Mr. Serratore, ginusto mo na halikan ako 'di ba?" "You asked me to do t-that..." sabi niya pa. Nahampas ko siya sa braso niya. "Hindi, ah," sabi ko na lang sa kaniya. Yakap-yakap ko pa rin ang tuhod ko. Nag-iwas na rin ako ng tingin sa kaniya. Natahimik kami ng ilang minuto. Bawat paghinga at ang pagdaan lang ng malamig na hangin ang naririnig at nararamdaman ko. Nagpasya na akong tumayo. Nagpagpag ako sa may bandang puwitan ko bago ako naglakad papunta sa may kotse ko. Sumunod naman siya sa akin. "Bakit ganiyan suot mo?" tanong niya sa akin. Natigilan naman ako at saka nilingon ko siya. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Yeah, right. Nakasuot pa rin pala ako ng jacket. But I'm still wearing a denim shorts. "Anong problema sa suot ko?" tanong ko sa kaniya. "It's unusual," sabi niya sa akin. Natawa naman ako. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya. Parang na-sense ko na medyo disappointed siya. "Are you really disappointed that I am not wearing a revealing top?" tanong ko sa kaniya. "Nonsense," sabi niya tapos ay naglakad na rin siya papunta sa kotse niya. Natawa na lang talaga ako. "Hoy!" tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Pumasok na siya sa kaniyang kotse. Ako naman ay naglakad papalapit roon. Tumayo ako sa may bintana ng kotse niya. Para bang ito rin ang nangyari kahapon. "Bakit nagwo-walk out? Iiwanan mo 'ko rito?" tanong ko sa kaniya. Binuksan niya ang bintana ng kaniyang kotse. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya. Umiling naman ako. "Umuwi ka na," sabi niya. Napatikhim pa siya. He's now fastening his seatbelt. Napanguso na lang ako. "Sige, iwan mo na ako," sabi ko at naglakad na pabalim sa may kotse ko. Nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sa akin ng diretso. Umiiling-iling. Sinamaan niya lang ako ng tingin, akala ko ay maaawa siya pero tuluyan niya nang pinaandar ang sasakyan niya at saka umalis. Napaupo naman ako sa compartment ng kotse ko at napangalumbaba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD