Chapter 46

1759 Words

DAHAN-DAHAN kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ang mararahang haplos ng isang kamay sa aking buhok. Unang bumungad sa paningin ko ang mga maamo at nakakaakit na mata ni Eionn. Masuyo itong nakatingin sa akin habang may multong ngiti sa kanyang labi. Napakurap ako ng ilang beses. Nakayakap pa ako kay Sasha habang pareho kaming nakahiga sa sofa. Agad akong bumangon at tiningnan ang malaking wall clock sa gitnang bahagi ng pader. Alas dies na pala ng gabi! “Kanina ka pa nakauwi?” kuryoso kong tanong. Kinusot ko ang isa kong mata at saka inayos ang aking buhok. “I just got home,” aniya sa napapaos na boses. Mula sa pagkakaluhod sa harap ng sofa ay naupo ito sa aking gilid. Pinagmasdan niya si Sasha at hinaplos ang balahibo nito nang may maliit na ngiti sa labi saka ako binalin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD