PASADO alas siete na ng gabi nang tuluyang makatulog si Ehryl. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at kinumutan siya nang maayos. Hinaplos ko ang noo niya. Mainit pa rin siya pero hindi na nanginginig ang katawan niya kagaya kanina. Sana ay bumaba na ang lagnat ng lalaking ‘to. Kung anu-ano na lang ang nasasabi niya marahil ay dala ng kanyang lagnat. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Katulad ni Eionn ay napansin kong mahaba rin ang pilikmata niya. Napansin ko rin ang bawat parte ng kanyang mukha. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Tanging ang dimples lang yata ang pinagkaiba. Huminga ako nang malalim. Kahit alam kong si Ehryl ang kaharap ko, hindi maiwasan ng puso ko na hindi maghuramentado. Dahil ba sa mukha niya? Dahil nakikita ko si Eionn sa kanya? Hindi ko al

