Chapter 59

2546 Words

SUNOD-SUNOD na mga katok ang ginawa ko sa pinto ng apartment ni Auntie Levi. Mabibigat at basa ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Tila ba walang makakapagpaalis no’n, walang makapagpapahupa. “Auntie. . .” Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkatok. Alam kong narito siya dahil hapon pa lamang. Alas siete ng gabi ang palaging oras ng alis niya kapag pupunta sa trabaho. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. “Ano ba ‘yan! Grabe naman makakatok! Bakit ba—” lintanya ni Auntie nang buksan niya ang pinto pero agad ding natigilan nang makita ako. “Elle? A-anong nangyari sa ‘yo?” Namuong muli ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa aking tiyahin. “Auntie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD