Chapter 7

1427 Words
Mas lalong naging depina ang nakakabinging t***k ng puso ko. Napapikit ako at pinili na lamang sumabay sa agos— sa agos ng mainit na emosyong kumakain sa buong sistema ko. Bawat halik niya sa akin ay mapusok. Sa una ay hindi ko masabayan dahil ito ang unang beses na nahalikan ako sa labi ngunit nang makuha ang pamilyar na paggalaw ay tinugunan ko na ang kanyang halik. Malambot ang mga labi niya at animo'y bihasa sa ganitong bagay. Hindi ko alam kung kaya ko pang kumapit sa katiting na wisyo ko gayong binabaliw ako ng lalaking 'to. Mas lalo akong nahihilo dahil sa paghalik niya sa akin! Kinagat niya ang ibabang labi ko dahilan para magpakawala ako ng mahinang pagdaing hanggang sa maramdaman ko na lang ang dila niya sa loob ng bibig ko, tinitikman ako sa paraang mas lalong nagpainit pa ng nararamdaman ko. Napaungol ako. Ni hindi ko nakilala ang sarili kong boses at mas lalo pang nalunod sa dayuhang emosyon nang maglandas ang bihasa at mainit niyang kamay sa aking panga. . . pababa sa aking leeg. . . pababa sa aking dibdib. Bumaba ang mga labi niya sa aking leeg. Ramdam ko ang sensasyon sa aking katawan habang pinapaulanan niya ako ng maiinit na mga halik doon. Napahawak ako sa kanyang buhok samantalang marahan niyang sinisipsip ang balat ko, hanggang sa bumaba pa ang mga labi niya sa pagitan ng aking dibdib. Hinalikan niya rin ako roon at sensuwal na dinilaan ang balat ko dahilan para mapaliyad ako at mapaungol. Suminghap ako at bumaba ang tingin sa kanyang ginagawa. Patuloy ang paghalik niya sa pagitan ng dibdib ko habang ang isang kamay marahang minamasahe ang kanang dibdib ko. "S-Sir. . ." Napaliyad ako lalo dahil sa init na nararamdaman. Para akong nililiyaban sa kakaibang paraan. Sa paraang hindi ko kayang hindian. Tumigil siya sa ginagawa at pagkatapos ay tumitig sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Halika,” aniya sa napapaos na boses. Nanginginig ang mga tuhod ko nang hilain niya ako patayo mula sa couch. Doon ko naramdaman ang matinding pagkahilo marahil ay dahil sa beer na naubos ko. Nagpatianod ako sa kanya, nalulunod pa rin sa samu’t-saring emosyon na kumakain sa akin. May isang pinto sa bandang kanan ng room na ito na dali-dali niyang binuksan. Pumasok kami roon at saka ko lang napagtanto na malawak na bathroom pala iyon. Ni-lock niya ang pinto habang patuloy ang pag-ikot ng mga mata ko sa mga bagay na narito. Nanumbalik lang ang pag-iisip ko sa kanya nang agresibo niya akong itulak sa malamig na pader. Magpo-protesta pa sana ako kaya lang ay siniil niya agad ng halik ang leeg ko. Napapikit ako at dala siguro marahil ng kalasingan ay nagpaubaya ako. Lumandas ang kamay ko sa kanyang batok. Pumikit ako at dinama ang sarap ng bawat halik at bawat pagsipsip niya sa balat ko. "s**t, Elle. . ." napapaos niyang bulong at tawag sa pamilyar kong pangalan hanggang sa binalikan niya ang mga labi ko. Naghalikan kami. Sa bawat marahas na galaw ng labi niya ay napapaungol ako. Ni hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Alam kong mali ito. . . Maling-mali dahil hindi ako escort. . . pero may kung anong emosyon ang nagpapabaliw sa akin. . . na kahit alam kong mali ito ay mas lalo ko pang nagugustuhan. Suminghap ako nang maramdaman ang kamay niya sa pribadong parte ng aking katawan. . . doon sa ibaba. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko. Sa mga labi ba niya o sa bihasa niyang kamay na humahaplos sa akin doon. Tila ba sobrang makasalanan ng suot kong dress at panty dahil hindi ko maabot ang pinakarurok ng sensasyong pumapatay sa akin. Sa bawat paghalos niya sa akin doon ay mas lalo lamang akong nililiyaban at hindi makuntento. "Ahh. . ." Napaungol ako nang bumilis ang paggalaw ng kamay niya. Napahawak ako sa kanyang braso dahil halos manghina na ang mga tuhod ko. Kaunti na lang ay mabubuwal na ako sa kinatatayuan ko kung hindi niya lang din ako hawak sa baywang. Ramdam ko ang hapdi nang atakihin ng mga daliri niya ang p********e ko sa ilalim ng suot kong panty, ngunit mas matimbang pa rin ang kakaibang sarap at sensasyong binibigay no'n sa akin. "S-sir, ahh. . ." Halos bumaon ang mga kuko ko sa braso niya nang mas lalong bumilis ang paggalaw ng mga daliri niya. Ni hindi na ako makahinga nang maayos at tanging pag-ungol na lamang ang kaya kong gawin, na tila ba mas nagpapa-enganyo pa sa kanya para galingan ang bawat pag-atake. "c*m. I want you to c*m for me, Elle," bulong niya sa akin. Mabibilis na paghinga ang ginawa ko at hinayaan ang sarili na magpaubaya hanggang sa mapaungol ako nang malakas nang marating ang sukdulan ng sensasyong kanina pang kumakain sa akin. Habol-habol ko ang paghinga ko sa nangyari habang naroon pa rin ang kamay niya sa ibaba ko, marahan humahaplos para patapusin ako. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Gustuhin ko mang magsalita ay nanghihina ako dahil sa nangyari. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang isandal ang sarili sa pader, nanghihina at wala sa sarili. Ano 'yon? Gano'n ba ang pakiramdam no'n? Hindi naman niya ako ginalaw nang katulad sa mga napapanood ko noon pero kakaibang sarap at pagod ang naramdaman ko. Pinatakan niya ako ng halik sa noo, sa ilong at sa labi. Nag-iinit ang mga pisngi ko nang maramdaman ang kanyang umbok sa bandang tiyan ko. Pinatapos niya ako samantalang ni hindi ko man lang nagawa na patapusin siya. . . "Don't be an escort. Kahit magkano pa ang ialok sa ‘yo, huwag kang papayag," saad niya sa malalim na boses. Kita ko rin kung paano umigting ang kanyang panga. "Is this your first time?" Nahihiya man ay tumango na lamang ako. Ano pang saysay ng pagede-deny kung halata naman na unang beses kong ma-experience ang gano'ng bagay. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Then good,” aniya at ngumiti dahilan para lumitaw muli ang kanyang dimple. Nanatili kami sa gano'ng posisyon. Ilang saglit lang din ay naging normal na ang paghinga ko ngunit ramdam ko pa rin ang pagod at pangangatog ng mga paa ko. Bumaba ang tingin ko at nakitang kalmado na rin siya. . . doon sa ibaba. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin pero huli na rin dahil narinig ko na naman ang marahan na pagtawa niya. Tuwang-tuwa ba siya sa ginawa namin? Bakit gano'n ang dating sa akin? "You should go home and rest, Elle. I'll let you go this time because if we stay here for another minute, I might end up losing control and you won't like it for sure," saad niya na mas lalong nagpainit ng mukha ko. Bahagya siyang lumayo kaya naman bumaling ako sa kanya. Dinukot niya ang wallet sa likod ng kanyang pantalon at pagkatapos ay kumuha ng malaking halaga ng pera mula roon. Parang may kung anong bukol akong naramdaman sa aking lalamunan. Ito na ba 'yon? Malaking tip bilang kabayaran sa kaunting aliw na binigay ko? Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang pera na hindi ko magawang bilangin. Ang alam ko lang ay mas malaki iyon sa tatlong libong nakuha ko kagabi. "Don't get me wrong. I just want to give you the money you need for your expenses. Hindi dahil sa hinayaan mo akong hawakan ka," aniya na para bang gusto niyang itama ang pag-iisip ko sa bagay na 'to. "S-salamat po," tanging tugon ko. Saglit akong nabaon sa pagkakatitig sa kanya. Kung hindi ko lang narinig ang mga boses ng kaibigan niya ay hindi pa ako makakabalik sa realidad. Nag-iwas ako ng tingin at pinili na lamang ayusin ang damit at buhok ko. "I'm letting you go for now," marahan niyang wika na hindi ko na pinansin. Mabilis akong lumabas ng bathroom. Nakuha ko ang atensyon ng mga kaibigan niya. Lahat sila ay halos nagtataka akong tinitigan pero hindi ko na pinansin ang mga 'yon. Mahigpit kong kinuyom ang kamay ko, dahilan para malukot ang perang tinanggap ko. Lumapit ako sa pinto palabas ng room at pinihit iyon. Nahihilo man ay pinilit kong maglakad ng diretso para makalayo sa kanila. Sa kanya. . . Sa Zendejas na 'yon. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD