Chapter 6

2095 Words
RAMDAM ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang patuloy na pinagmamasdan ng lalaking makisig na nakaupo sa gitnang couch. May kung anong dayuhang emosyon akong nararamdaman sa paninitig niya sa akin. Umawang ang aking labi at maingat na suminghap. "Ang sabi ko ay akin siya. Ako ang nauna sa kanya, Zendejas. . ." giit ng lalaking nagngangalang Lance. Naiinis nitong tinitigan ang lalaking tinawag niya sa apelyidong Zendejas, pero hindi siya pinapansin ng lalaki. Diretso at mataman lamang itong nakatingin sa akin. "Come here, Elle Calys," aniya sa malalim ngunit mahinahon na boses. Ni hindi man lang pinansin ang lalaki sa kabilang couch. "Don't be afraid of Lance, sweetheart. Wala namang bayag 'yan kapag narito ang pinuno namin," saad naman no'ng Brett, pagkatapos ay humalakhak. "f**k you, Lagdameo! Just f**k you!" gigil na mura no'ng Lance. Tumawa lamang ang tatlong lalaki sa kanang couch. Lumunok ako, nagdadalawang-isip sa gustong mangyari no'ng Zendejas. Para akong nalulunod sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Takot, kaba at pangangasim ng tiyan sa sitwasyong 'to. Ang mga 'yon ang emosyong lumulunod sa akin, na para bang unti-unti akong pinapahirapan. . . . unti-unti akong tinatanggalan ng hininga sa katawan. Naisip ko ang mga payo ni auntie Levi sa akin nitong umaga. Kailangan kong makiayon para bigyan nila ako ng malaking tip. Kailangan kong makipagsabayan sa kanila, sa inuman o tawanan pati na rin kapag hinawakan ako. Hindi dapat ako mag-inarte. . . May kung ano'ng tumusok sa dibdib ko nang maisip ang huli. Talaga bang wala na akong ibang choice sa buhay? Talaga bang hanggang dito lang ang kaya ko sa ngayon? "Calys," tawag sa akin no'ng Brett dahilan para balingan ko ito ng tingin. "Maupo ka na sa tabi ni Zendejas." Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumango. Nanginginig man ay pinilit kong maglakad palapit sa gitnang couch. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko lalo na at hindi pa rin niya ako nilulubayan ng tingin. Kinakabahan man ay nilagpasan ko lamang ang lalaki sa kaliwang couch at pagkatapos ay dahan-dahang umupo sa gitnang couch. Sa gilid no'ng Zendejas. Ipinatong ko sa mga hita ko ang aking mga kamay. Yumuko ako habang pilit na pinapakalma ang sarili. Para sa malaking tip, Elle. . . Narinig ko ang pagbubukas ng mga bote. Halos mapapitlag ako nang ilahad ng katabi ko ang isang beer sa harapan ko. "Drink," saad niya, nag-uutos. Nag-aalangan man ay tinanggap ko ang bote ng beer. Saglit akong sumulyap sa kanya ngunit agad ding nagsisi nang matanto kong mataman pa rin siyang nakatitig sa akin. "Salamat po," mahina kong wika at saka nag-iwas ng tingin. Dala nang matinding kaba ay sinimsiman ko ang bote ng beer na binigay niya sa akin. Dalawang lagok palang ay naramdaman ko na ang init sa aking lalamunan at ang pait na bumalot sa aking panlasa. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang beer. Ganito pala ang lasa nito? Hindi naman pala masarap. "Magbibigay ka rin naman lang ng aliw, sana nilubos mo na." Pamilyar na boses no'ng Lance ang nagsalita dahilan para bumaling ang mga mata ko sa kanya. "I don't understand why a w***e like you only works as an entertainer. Mangbibitin ka lang." Nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon. Mahigpit kong hinawakan ang beer habang diretsong nakatitig sa kanya. "Oh? Iiyak ka na? That's lame, Calys. Kung pera ang habol mo, sana pumayag kang maging escort. . . sa akin. I can even pay a million just to taste you. Sayang," dagdag pa niya at ininuman ang hawak na beer. "Did you even ask her if she wants to do it with you?" anang katabi ko. Tumingin ako sa lalaking tinatawag nilang Zendejas. Maangas itong nakatitig sa kaibigan niya at pagkatapos ay bumaling ang mapupusok na mata sa akin. "Well, this is interesting.” T tumawa pa ang isa nilang kaibigan. "I think even if she tries to be an escort, hindi ka niya pagbibigyan, Lance," mahina itong tumawa. "Not when I am here. Right, Calys?" Umawang ang labi ko nang makita ang malalim na dimple nito sa kaliwang pisngi. Mas lalo pa itong gumwapo sa paningin ko ngayong pilyo itong nakangiti habang tinitingnan ako. "H-Hindi po kasi ako gano'ng klase ng babae, mga sir. . ." tanging nasabi ko at sinimsiman ulit ang hawak na beer. Bakit ba ayaw kumalma nitong puso ko? Pilit kong pinapatay ang takot pero nabibigo lamang ako! "So, are you saying that a trash like you is pretending to be a saint?" wika no'ng Lance. "Lance, stop it. Why are you so harsh? Hindi ka lang napagbigyan, e." "I didn't ask you to speak, Dale." Tiningnan ng masama no’ng Lance ang kaibigang nagngangalang Dale. "Dale is right. Besides, hindi lang siya ang babae rito, pare. Can you please calm your d**k?" anang isa pa nilang kaibigan. "Noah has a point, Lance. Inom na lang tayo!" saad no'ng Brett. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang pinoproseso sa isip ko ang mga sinabi no'ng Lance. Ang sakit naman yata niyang magsalita? Sa tingin ba niya ay lahat ng mga babae ay gagawin ang gusto niya? Na magagawang ipagkaloob ang sarili para sa perang kaya niyang ibigay? Tinapunan ko ito nang masamang tingin habang pangisi-ngisi lamang siya. Nagpatuloy sila sa inuman. Hindi ko alam kung paano nila nasisikmura ang lasa ng alak. Halos gawin na nilang tubig iyon, na tila hindi man lang napapaitan. Nag-uusap ang apat patungkol sa mga negosyo, babae at kung anu-anong mga bagay pa na mukhang bisyo na ng mga mayayaman. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila at pilit na iniinom ang beer na hawak. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala 'yon, na napansin naman ng katabi ko kaya kinuha niya ang bote sa kamay ko at pinalitan ng bago. Naestatwa ako nang bahagya siyang lumapit sa akin. Ramdam ko ang matikas niyang dibdib sa gilid ng braso ko habang ang kamay niya ay nasa uluhan ko at nakasandal. Bumaba ang labi niya sa tainga ko. "Are you upset, Calys? Patayin ko na ba ang kaibigan ko para sa ‘yo?" bulong niya na nagpakaba sa akin nang husto. "Uhm. . ." Lilingunin ko sana siya kaya lang ay napagtanto ko na sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Uh, hindi po, sir. . ." "Hmm, ilang taon ka na?" Lumunok ako para patayin ang daga sa dibdib ko. Sa bawat salitang binibitiwan niya ay parang mas lalong tumitindi ang kaba ko. Sinubukan ko ulit siyang lingunin. Nagsisi ako dahil halos magtama na ang mga ilong namin. Umawang ang labi ko nang mapagmasdan ko sa mapalitan ang mukha niya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong kakisig na lalaki pala rito sa Maynila. Umangat ang gilid ng kanyang labi, dahilan para lumabas na naman ang nakakaakit niyang dimple. Napansin ko rin ang pagkinang ng hikaw sa kaliwa niyang tainga. "T-Twenty-five po," nauutal kong tugon habang tinititigan siya. Gustuhin ko mang ibaling sa iba ang tingin ko ay hindi ko magawa. Parang may kung ano sa mga mata niya na tinutukso ako, na para bang nagsasabing huwag kong alisin ang titig sa kanya. "Your face doesn't match your age though." Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko alam pero nag-init na lamang ang mga pisngi ko sa sinabi niyang 'yon. Nag-iwas ako ng tingin at ininuman ang beer na hawak. Halos makalahati ko yata ang laman no'n! Ilang beses akong kumurap nang makaramdam ng hilo. Suminghap ako nang maramdaman ang mainit na kamay sa hita ko. Nakalapat ang mainit niyang palad sa kaliwa kong hita. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Parang modelo kung inuman niya ang alak na hawak. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng lalamunan niya. Pati 'yon ay perpekto. Parang wala nga yatang pangit sa kanya. Naubos niya ang isang bote at pagkatapos ay sinulyapan akong muli. Nag-iwas akong muli ng tingin dahil kumalabog ang puso ko. Ininuman ko na lamang ulit ang beer na hawak hanggang sa maubos na ang laman nito. "So, why do you work here?" kuryoso niyang tanong. "K-Kailangan lang," sagot ko sa kabila ng ingay na ginagawa ng mga kaibigan niya. Para bang may sarili kaming mundo, o may pader na naghahati sa pagitan ng couch na kinauupuan namin at ng mesa kung nasaan ang apat pa niyang kasama. "You need money, I see." aniya. Marahan akong tumango at kinagat ang ibabang labi. Naisip ko na pera naman talaga ang dahilan ng lahat. Kung bakit ako narito at kung bakit ko 'to ginagawa. Kung bakit kumakapit ako sa patalim at isinantabi ang dignidad. Kung bakit kinalimutan ko ang prinsipyo na mamuhay nang maayos at naaayon sa batas ng dakilang Ama. Nang dahil sa pera. . . "Don't do that, please. . ." Tumigil ako sa pagkagat ng ibabang labi ko at suminghap bago siya tingnan. Namumungay ang mga mata nito habang nakaawang ang bibig at ang mga mata ay nakatuon sa aking mga labi. Malalim ang naging paghinga ko. Para akong nalulunod sa dayuhang emosyon na kumakain sa sistema ko. Nahihilo man ay hindi nakawala sa mga mata ko kung paano niya basain ang ibabang labi niya. Pati ang gawing 'yon ay perpekto. Paano siya naging ganito kaperpekto? "Tara na! Sa dance floor tayo! Maraming babae ro'n!" "Ubos na rin ang alak. We need to get some drinks." "Sama ako. I need to pee." "Lance, sumama ka!" "What the f**k!" Natuon ang atensyon ko sa mga kaibigan niya. Nagsitayuan ang mga ito samantalang hila-hila nila si Lance. Nilingon pa niya ako at bugnot na nagmura bago magpatianod sa mga kaibigan. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ngayong kaming dalawa na lamang nitong katabi ko sa room na ito. Yumuko ako at napapikit, pilit na kumakapit sa kaunting ulirat na mayro'n ako. Marahang gumalaw ang palad niyang nasa kaliwang hita ko. Ni hindi ako makahinga sa kaba habang dinadama ang bawat haplos niya sa akin. Ang sabi ni auntie Levi ay makisabay ako. Kung gano'n ay dapat ko rin ba siyang hawakan? "You are new to this kind of work," aniya na tila ba alam niya ang nararamdaman ko. Tumango ako. Hindi ko naman 'yon tinatago. "It's pretty obvious, Calys. Though you managed to slay in that sinful dress." Nag-iinit ang mga pisngi ko nang balingan ko siya ng tingin. Nagpatuloy ang nakakalunod na paninitig niya sa akin. Lumunok ako, pilit na inaalis ang panunuyo ng lalamunan. Suminghap ako nang yumuko siya sa akin. Halos magtama ulit ang mga ilong namin dahil sa ginawa niyang 'yon. Wala na rin akong ibang marinig kung hindi ang nakakabinging t***k ng puso ko. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Kusang umawang ang mga labi ko. Para bang nauuhaw sa kung ano. "Can I kiss you?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang 'yon. Saglit akong natigil sa paghinga. Hindi ko na alam ang kung paano pakakalmahin ang dibdib ko dahil sa emosyong pinaparamdam sa akin ng lalaking 'to. Kumurap ako ng ilang beses at bumalik ang titig sa mga mata niya. Siya naman ngayon ang nakatitig sa mga labi ko. Wala sa sarili akong tumango. Tila ba 'yon lang ang hinihintay niya at agad akong siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD