Chapter 5

1712 Words
"KUMUSTA naman ang mga customers mo kagabi, Elle?" kuryosong tanong sa akin ni Auntie nang makauwi kami sa apartment.   Papasok na sana ako sa kwarto kaya lang ay nakakahiya naman na hindi ko sagutin si auntie. Oo, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin na ganitong trabaho pala ang ibibigay niya sa akin. Masakit din ang mga salitang binitiwan niya ngunit hindi ako makakalaban dahil wala akong maipagmamalaki sa harapan niya. Heto nga at nakikitira pa ako sa kanya.   Narinig ko ang pagkilos niya sa kusina. May mga pinamili siyang groceries bago kami umuwi dahil ipagluluto niya raw ako.   Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa hamba kung nasaan ang kusina. Sumandal ako roon at pinanood ang pag-aayos niya ng mga gulay sa counter top.   "Masaya naman po sila, auntie. Binigyan po nila ako ng tip," tugon ko sa mahinang boses.   "Hindi na ako magtataka roon! Sa ganda at sexy mo ba naman, aba'y kahit hindi mo sila kausapin at maupo lang sa table nila ay matutuwa talaga sila!" ani auntie. Bumaling ito sa akin at ngumisi. "Paano pa kaya kung makikisalamuha ka sa kanila nang husto? Kailangan mong maging friendly sa mga customers mo para mas malaki ang i-tip nila sa ‘yo!"   "P-paano ko po gagawin. . .” Hindi ko alam kung tama ba ang pagtatanong ko pero kung makikinabang ako sa payo ni auntie Levi at kikita ng malaki sa mabilisang paraan ay sisikmurain ko na lamang. "P-paano po magkaroon ng malaking tip?"   "Maging friendly ka lang, Elle. Sakyan mo ang mga sinasabi nila at makitawa ka kapag nagtatawanan sila. Matuto kang makibagay. Kung pilyo ang mga customers mo, maging pilya ka rin. Kung hinahawakan ka sa katawan, hawakan mo rin!"   Naeskandalo ang isip ko sa huli niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo.   "P-po? H-Hindi ko po yata kaya 'yong huli, auntie. . ."   Umirap si Auntie at pagkatapos ay humarap sa lababo para hugasan ang mga gulay.   "Magpapahawak ka lang naman, hindi magpapagalaw, okay? Parte 'yan ng pagiging entertainer mo, Elle. Kaya matuto ka na ngayon palang kung gusto mong makaipon agad," aniya sa malditang tono pero agad ding bumuntong-hininga.   Nilingon niya ako. Nagulat pa ako nang makita ang pamilyar na pakikisimpatya sa mga mata niya— ang mga matang katulad ng kay nanay.   "Look, I am sorry if I lied to you but this is the only way I can help your family, Elle. Ayaw ko ring nakikitang nahihirapan ang kapatid ko sa mga nangyayari kaya kung pwede lang na tatagan mo ang loob mo, please do it.”   Suminghap ako nang maalala ang nanay pati ang mga pagluha nito bago ko lisanin ang Sta. Barbara. Ayaw kong masayang ang mga luha niya nang dahil lang sa pagiging mahina ko.   Lumunok ako at tumango. Nakita ko ang malungkot na ngiti sa labi ni auntie. Bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay hindi naman niya talaga gusto 'tong ginagawa niya sa akin.   "Tatandaan ko po ang mga sinabi niyo. Susubukan ko pong ayusin ang trabaho ko para makakuha nang malalaking tip," saad ko, determinado.   "That's right, Elle. Sige, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."   "Salamat po, auntie. . ." wika ko at saka lamang dumiretso sa aking kwarto.   Sinarado ko ang pinto at huminga nang malalim. Ilang segundo akong nakasandal sa pinto at sinasaisip ang mga payo ng aking tiyahin. Susubukan kong maging friendly simula mamayang gabi.   Tama, Elle.   Lumapit ako sa kama at naupo sa gilid nito. Binuksan ko ang drawer ng side table sa gilid ng kama at nilagay doon ang tatlong libong tip sa akin ng customers ko.   "Galingan mo mamaya, Elle." saad ko sa aking sarili.   °°°°   SUMAPIT ang panibagong gabi. Hinatid ulit ni auntie sa kwarto ko ang susuotin kong damit sa trabaho. Isang kulay maroon na v-neck glittery dress at may mahahabang sleeves iyon at sinamahan pa ni niya ng mga kwintas na bumagay sa kulay ng dress.   Sinuot ko iyon pagkatapos kong maligo. Halos lamigin ang dibdib ko dahil hanggang itaas ng tiyan ang V-neck na hiwa ng dress. Kahit na hindi kalakihan ang hinaharap ko ay bumagay pa rin sa akin ang suot ko. Kinabit ko rin ang mga kwintas sa leeg ko at saka kinulot ang aking buhok. Patapos na ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi nang pasukin ni auntie ang kwarto ko.   "Oh, my gosh!" bulalas niya at mabilis na lumapit sa akin. Inikutan pa niya ako ng tingin habang nakabuka ang bibig.   "Auntie?"   "Ang ganda mo talaga, Elle! Iisang dugo lang talaga ang dumadaloy sa atin!" masaya niyang wika at pagkatapos ay hinawakan ako sa mga balikat. "For sure your customers will drool once they see you. Baka mag-request pang gawin kang escort at—"   "Entertainer lang po ang gusto ko, auntie Levi. . ."   Ngumuso ito. "Alright! If you say so, my pamangkin! Basta, ha? 'Yong mga tinuro ko sa 'yo! We need money!"   Tumango ako at ngumiti sa kanya.   °°°°   PUMASOK kami ni auntie Levi sa pamilyar na bar. Pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo agad ang sumalubong sa ilong ko habang naglalakad kami papuntang counter. Buhay na buhay ang buong paligid. May mga senswal na musikang pinapatugtog at may mga sumasayaw sa stage para aliwin ang mga parukyanong customers.   Nakasunod lamang ako kay auntie hanggang sa makapasok kami sa isang silid kung saan may mga empleyadong kagaya ko. Iyon nga lang ay iba ang suot nila kaysa sa akin. Mas lantad ang katawan sa see-through na mga damit para siguro mas malaki ang kitain nila.   "Dito ka muna, Elle. Titingnan ko pa kung saan kita pwedeng ilagay. Huwag kang aalis dito. Babalik ako." ani Auntie na tinanguhan ko lamang.   Lumabas siya at naiwan ako sa silid kasama ang mga empleyadong hindi ko kilala. Sumandal lamang ako sa gilid ng pinto at pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay. Kagat ko ang labi ko habang sinasapuso ang mga turo ni auntie.   Maging friendly, Elle. Makibagay, makitawa at magpahawak. Ni hindi ko alam kung kaya ko ang huli. Pero wala namang masama kung susubukan ko.   Magtitiis kahit mahirap. Kakapit sa patalim nang panandalian, hanggang kaya ko nang umalis sa ganitong trabaho.   Maya-maya pa ay bumalik na si auntie at hinatak ako papunta sa second floor. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan ang mga customers na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung bakit malaswa ang pagkakatingin nila sa akin. Awtomatikong dumako ang kaliwang braso ko sa aking dibdib para takpan ang dapat takpan.   Pumasok kami ni auntie sa isang VIP room. Lumunok ako at dahan-dahang nag-angat ng tingin para tingnan ang mga pagsisilbihan ko ngayong gabi.   Limang lalaki.   Limang binatang lalaki ang naroon sa table. Mas tumindi ang kaba sa dibdib ko ngayong halos kaedaran ko lamang ang mga customers ko!   Tiningnan ko sila isa-isa. Mukha namang mabait ang tatlong lalaki na nasa kanang couch. Ang isa pa nilang kasama ay nasa kaliwang couch at pilyong nakangisi sa akin.   Tumingin ako sa pinakagitnang couch kung saan ang isang lalaki ay matamang nakatitig sa akin, habang ang mga braso ay maangas na nakasandal sa sandalan ng couch, ang mga paa ay aroganteng nakade-kuatro. Ni hindi ako makahinga sa paninitig niya sa akin kaya mabilis akong napayuko.   "Oh, boys! We have Calys here. Siya ang entertainer niyo for this night. You know the rules. Hindi siya escort kaya hindi siya pwedeng ilabas sa bar na 'to." pahayag ni auntie.   "That's bad. I think I want to f**k her, Levi. What if I pay a big amount?" anang isang lalaki na lubos kong kinagulat.   Nag-angat ako ng tingin at napagtantong ang lalaki sa kaliwang couch ang nagsalita. Halos manginig ang laman ko nang magtama ang mga mata namin.   "I'm very sorry, Lance. Entertainer lang si Calys dito," mariing sagot ni auntie.   "Well, that's bullshit!" wika ng lalaki na tinawag ni auntie na Lance.   "Calm your t**s, Lance. Tinatakot mo si Calys." wika ng isang lalaki na may hanggang balikat na buhok mula sa kanang couch, ang nakagitna sa dalawa pa nilang kaibigan.   "Brett is right. Just go and get a w***e outside if you really want to have a good f**k. Calys seems innocent." tumawa ang katabing lalaki sa kaliwa no'ng lalaking nagngangalang Brett.   "Oh, nagkakaintindihan ba tayo rito?" Kinuha ni auntie Levi ang mga atensyon nila.   "Crystal clear, Levi." saad ng lalaki na nasa gitnang couch.   Halos mabitin ang paghinga ko nang ngumiti ito sa akin. Nilaro nito ang hawak na shot glass at saka sinimsiman 'yon. Sa bawat paggalaw ng lalamunan niya ay napapalunok ako.   Hindi ko maitatanggi. Siya ang pinaka-makisig sa lahat. Malapad at perpekto ang mga kilay, bahagyang singkit ang mga mata, matangos ang ilong, matikas na panga at may aroganteng ngiti ang mapupulang labi.   "That's good, Mr. Zendejas. Maiwan ko na kayo." ani auntie at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng silid.   Umawang ang labi ko nang lingunin ko ang pinto kung saan lumabas si auntie. Ang lakas ng t***k ng puso ko at tila ba hindi na ako makakagalaw mula sa kinatatayuan ko.   "Sa akin siya." wika ng pamilyar na boses noong Lance.   "Gago, umayos ka nga! Entertainer nga kasi siya, 'di ba?"   "I don't give a f**k. What I want, I get!" mayabang na wika no’ng Lance.   Kinagat ko ang labi ko. Ni hindi ko na magawang lingunin pa sila lalo na at hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig no'ng Lance.   "That’s not going to happen. What if I want her too?" wika ng lalaki sa pinakagitnang couch. Dahan-dahan ko itong nilingon. May mapaglarong ngiti sa labi nito habang diretsong nakatingin sa akin. "Come here, Elle Calys. Sit beside me. . ."   "What the f**k, Zendejas?" bulalas no'ng Lance samantalang nagtawanan naman ang tatlong lalaki sa kabilang couch.   "Nasaan na ba ang kapatid nito? He's late!" anang Brett.   Umawang ang labi ko habang nalulunod sa mga mata no'ng lalaki. Lumunok ako at binalingan pa ng tingin 'yong Lance.   "You don't need to worry about Lance. He's not going to touch you as long as I'm here.” sabi niya pa dahilan para manginig ang mga tuhod ko. “Habang nandito ako, akin ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD