Chapter 1 - First day high
Chapter 1 - First day high
"Hay!! Naku eto na first day ko na nmsa bago kong eskwelahan." Sambit ko sa sarili ko habang nakatingin lamang ako sa salamin. Nagising ako ng maaga. Kumaen ng konti at agad na naligo. Medyo kinakabahan ako hindi ko alam dahil ba bago ako rito at wala akong kakilala. Sakto tapos na akong mag asikaso ng bumusina ang service ko papuntang school. Pag pasok ko sa service ako ang unang unang laman nito. Dahil inaantok ako umupo na lamang ako at natulog sa service. Sa bandang likod ako umupo. Ang sarap ng tulog ko ng maramdaman kong may tumabi sakin. Nang maramdamn ko nmang pagtabi nya ay agad akong umaayos na pagkaupo. Tinapat ang mga mata ko sa bintana ng bus.
Dumating na ang bus sa school. At bumaba isa isa. Nahuli akong bumaba dahil na tutulog si kuya na katabi ko. kuya ang tawag ko kasi narinig ko kanina na 3rd year high school na raw ito. at parang binatang binata na rin kasi ang datingan nito. Nahihiya akong kalabitin o tapikin ito mukhang masarap ang pagkatulog nito. "Kuya bangon na dalhin muna ang mga gamit ko." Ani ng tingin ko ay kapatid nya. Nag inat inat pa si Kuya umupo pa ng ilang minuto ng "Kuya padaan po kanina konpa po gusto pumasok." Ani ko rito. "Ohh im sorry." tumayo na rin ito at pinauna ako na umalis. "Gab?" "Gab" Pasigaw nito na lumingon ako. " Ako po ba kuya, ow gab ang pangalan mo, naiwan mo ang notebook mo. By the way I'm Gabrielle Lona. you can call me Gab". inabot ang kamay sakin " Gabriella Catriz po. you can call me gab rin po. " Pero hindi ko kinuha ang kamay nya imbis na kinuha ko ang notebook ko. "Thanks kuya gab" Ani ko rito. "Maka kuya ka naman" nanginitian ko lamang.
Nakapila ako sa entrance ng school para mag pachrck ng bag. Na hindi ko napansin na nasa likod ko pala si Kuya Gab. Nginitian ko lamang to. "Transferee ka? " Pagtatanong nito sakin. "Opo" Ani ko rito. Naghahanap ako ng section ko. At umupo ako sa pinakadulo. Nakikiramdam na baka may pumansin sakin. nag pakilala kami sa harapan tinawag ang mga transferee. "Hi everyone Gabriella Catriz. Hope i can meet a lot of friends here. " Pagkatapos kong magpakilala ay umupo na lamang ako. Lunch na at wala akong kasabay, buti na lang at may baon ako. Pumunta ako sa park ng school namin. Umupo sa gilid at hinanda ko ang aking pagkaen. Kasama ang librong aking binabasa. "Ohh bakit mag - isa ka?" Ani nito., "Ku-kuya Gab?" Pagkagulat kong sabi saknya. "Di di ba bawal yang ginagawa mo mag yosi." Tinapon ang sigarilyo at lumapit sakin. "Bawal kung makikita nila at susumbong mo ako. may dala ka bang alcohol." At nag hanap ako saking Bag. "Eto kuya," Ani nito ko rito. "Sabing Gab na lang." "okay po." At pinagpatuloy ko lamang ang pagbabasa. "So san ka galing school." Ani nito "Dyan lang po sa st. Francis." "E bakit ka lumipat." " i want to try something new." Sinabayan ko ng Kindat. "Wait lang po ha, nagbabasa kasi ako saglit lang ang break naten."
Gabrielle P.O.V.
Nakakatuwa naman tong batang babae na katabi ko sa bus. parang patay na bata na walang kamuang muang. Kung sisipatin ang uniform nito hindi ako nagkakamali Grade 7 na ito. Mukhang transferee rin ito. Nagulat ako ng biglang napasandal ang ulo nito sakin. Mukhang puyat na puyat ang bata. Dahil ayokong istorbohin ang pagkatulog nya hinayaan ko na lang matulog sya. ng makita kong bukas ang bag nya kumuha ako ng isang notebook kunwari ay nahulog nya ito. Dito ko rin nalaman na parehas kami ng pangalan. Gabriella Catriz. Nakikipag kamay ako pero hindi nya kinuha ang kamay ko. Medyo masungit itong batang ito. Samantalang ang ibang level ay nakikipagunahan pa para lang mahawakan ang aking kamay. Habang nasa likod ng school sa park, pumunta ako sa dilid ng puno na alam ko ay walang makakita sakin dahil yosi na yosi na ako ng mapansin kong paparating si Gabriella. Sinubukan kong kausapin at bumuo ng topic tinanong kung bakit sya lumipat ng eskwelahan. " i want to try something new." Sinabayan ko ng Kindat. Na napatulala ako "Wait lang po ha, nagbabasa kasi ako saglit lang ang break naten." pagpatuloy sa sinasabi nito. Hinayaan ko lamang syang mag basa samantalang ako ay nakaktitig lamang sa kanyang mga maamong mukha na tipong walang kamuang muang. "Mukha kang patay na bata Gab." sabay nag taas ng kilay ito. "Kuya Gab, buhay ako buhay na buhay. Ska pwde ba pumunta ka na dun nagbabasa pa ako maya maya ay babalik na rin ako samin class room." Ani nito sakin.
Sinundan ko ito pabalik ng classroom nya at dun ko nalaman kung anong section nito at kung san ang classroom nito. Hindi nya namamalayan na nasa likod nya lang ako dahil abala ito sa pag babasa lamang. Nakikita pa kaya nito ang kanyang dinadaanan na halos mabanga na ito ng mga kasabayan nya sa pag lalakad. Napahinto sa paglalakad at pagbabasa ng biglang may tumawag boses ng lalake. "Gab, Gab Gab." Parehas kaming napatingin. Hindi ko sya kilala at tinignan ko si Gab ang ganda ng mga ngiti nito. "Gio, Gio. Hindi ko alam na dito ka rin." Nakipag beso beso pa ito at yumakap. Na nagpalaki ng aking mga mata. Nasinuklian rin nito ng maigsing halik sa pisngi at saglitan yakap. "Baka may makakita saten." Sabay na pangiti si Gab na akala mo e may kumiliti rito. "Sorry Gabrielle, Si Gabriella talaga yung tinatawag ko. " Ani ni Gio na ang sarap kotongan nito. Si Gio ay classmate ko sya ang ex boy friend ng aking girlfriend na si Max. Max Tamayo. Si Max ay nasa ibang school duon sya pinasok ng kanyang mga magulang dahil duon nagtapos ng pag aaral ang kanyang mga magulang. Si Max ang pangalawa kong girlfriend. mag dadalawang taon na rin kaming magkarelasyon. Tulad namin ni Gio si Max ay Grade 9 na rin.