Kabanata 7

1123 Words
UNTI-unting nagmulat ng mga mata si Tanya, pero imbes na matigas at sa malamig na sahig niya matatagpuan ang sarili. Pakiramdam niya ngayon ay nakahiga siya sa mga alapaap sa lambot ng pinaglalagyan ng kaniyang katawan. Marahil nasa langit na siya ngayon at makakapiling na ang mga magulang. Ipinatong niya ang braso sa noo. Nagsimulang mangilid ang mga luha niya at awang-awa sa kapatid na naiwan niya. Kasalanan niya ang lahat kaya humantong sa ganoong kapait na kamatayan. Paano na lang ang kaniyang kapatid na naiwan? Tulad din ba ng kaniyang nasaksihan ang kahahantungan nito? Lalong bumuhos ang mga luha niya at hindi na mapigilang humikbi. "Pasensya na talaga..." Kaya lang natigilan siya nang may marinig na bumukas na pinto. Agad niyang nilingon ang bahaging kanan kung nasaan siya ngayon. Laking gulat niya ng may pumasok na babaeng may tulak-tulak na utility cart. Bigla siyang napamaang. Ang buong akala niya ay patay na siya at nasa langit na base sa bumungad sa kaniyang mga mata na puting-puting kisame at napakalambot na kama. "Good morning Ma'am," bati ng babaeng pumasok kani-kanina lang. Balot ng pagtataka ang buong sistema niya nang sundan ng tingin ang babae na binuksan ang isang pinto. Nakita niyang shower room iyon. Lumabas itong may bitbit na tuwalya. "Excuse me, nasaan ako ngayon?" hindi na niya mapigilan ang sariling itanong. Agad naman siyang nilingon ng babae. "Nasa Royale Hotel po kayo Ma'am," magalang na sagot nito. Napamaang siya. Royale Hotel? Hindi ba't mas maganda siyang dalhin sa isang lugar na liblib at doon patayin kaysa maraming makakakita sa kaniya. Pero wala na siyang oras upang bigyan pa ng ideya ang mga taong may hawak ngayon ng buhay niya paano siya mapapatay ng tahimik. Nagmamadaling kumilos siya at bumaba ng kama. Kalalabas lang ng kaninang babae kaya tiyak niyang bukas ang pinto. Kaya lang hindi pa man siya nakalalayo sa kanina niyang puwesto ay malalim na napasinghap siya sa matinding sakit. Sa maikling sandali na iyon damang-dama niya na animo'y nais na siyang lubayan ng sariling kaluluwa. Napaigtad siya nang subukang tumayo. Hindi niya maikilos ang buong katawan at nanatiling ganoon ang kaniyang estado nang muling bumukas ang pinto ng silid kung nasaan siya. Nilingon niya iyon at natagpuan ang bulto ng dalawang tao na may ideya na siya kung sino ang mga iyon. Mariing napapikit siya. "Please, ‘wag ninyo po akong patayin..." nagmamakaawa niyang sabi habang pilit itinatago ang sarili sa pagitan ng kaniyang mga braso na iniharang. Ilang sandali lang ay naramdaman na lang niyang umangat ang katawan. Binuhat siya ng isang lalaki na hindi niya magawang tingnan ang mukha sa sobrang takot. "What happened last night? Why is she begging for us not to kill her?" Iba ang boses na iyon sa narinig niya sa dalawang lalaki kagabi. Saka siya nag-angat ng tingin upang makita ang hindi pamilyar na mukha ng isang lalaki na ngayo'y payapang nakangiti sa kaniya. Nang marahil napansin nitong nakatingin siya rito ay agad siyang nag-iwas. "Hi, I'm Doctor Tristan. Nandito ako para tingnan ang mga pasa at sugat mo." Doon siya natigilan at pinagmasdan ang mukha ng taong bumuhat sa kaniya. Saka niya nalaman na si Isidore Lanchester iyon! Paano? Ang ibig sabihi'y hindi siya nakabalik sa dalawang lalaki na naghihintay sa kaniya kagabi. Nagsimulang manginig ang mga kamay niya at nagsimulang naging blangko ang lahat sa isip niya. Binalingan ng butihing doktor ang tahimik na si Isidore na nakamasid lamang sa babaeng hindi maipinta ang pagkabalisa. "Did you have a rough s*x with her?" tanong nito kay Isidore. "No, I haven't done anything to her. She collapsed last night so I brought her here," pumailanlang ang baritonong boses ni Isidore sa buong kuwarto. Nagising ang buong diwa ni Tanya sa narinig. Kung gayon maaaring nakita siya ng dalawang lalaki na nakabantay sa labas ng lugar na iyon. "Pumunta ka na naman ba sa Rouge Club?" biglang nagtaas ng boses ang isa na ipinagtakahan niya. "Ilang beses ko ng sinabi sa 'yo na marumi ang lugar na 'yon at lalo na ang mga babae ro'n!" Hindi umimik si Isidore. Binalingan siya ng nagngangalang Tristan base sa pakilala nito sa kaniya kanina. "So, this woman is working there?" Gusto niyang kumontra sa lahat ng sinasabi nito pero wala na siyang lakas para makipagtalo. Ilalaan niya na lang iyon para umuwi. Teka, paano siya uuwi ni hindi nga niya alam kung nasaan siya? Wala rin siya ni singko na dalang pera maliban sa damit niyang kulang na lang ay magdesisyon siyang umuwi ng nakahubad. "What's your name?" galit na tanong ng lalaking doktor sa kaniya. Sa isang iglap naglaho ang mga ngiti nito kanina sa kaniya. "Did you fool this man to bring you here in his hotel room?" Doon na nagpanting ang tainga niya. Gusto niyang tagpasin ang bibig ng lalaki at ipakain iyon sa mga asong kalye. Kung alam lang marahil nito ang dahilan baka hindi nito iyon nasabi. Pero hindi pa man niya nagagawa ang balak ay nakarinig sila ng pagtikhim sa gilid. Si Isidore iyon na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kaniya. "I called you because I wanted you to check her up and not to insult her," wika nito na walang makikitang emosyon sa mukha. Tulad kagabi, kahit madilim ang naturang lugar kung saan niya ito unang nakita, hindi pa rin nagbago ang paghanga niya sa guwapo nitong mukha. Iiling-iling si Tristan na lumapit sa kaniya. "Huling beses na 'to, sa susunod na tatawagan mo ako ‘wag ka nang umaasa na sasagutin ko pa." Nag-aaway ba ang mga ito nang dahil sa kaniya? Pero imbes na tumutol nang simulan nitong tingnan ang mga galos niya sa braso hinayaan na lamang niya ito. Marahil hindi nalalayo ang edad ng dalawang lalaki o mas tamang sabihin na magkaibigan ang mga ito at nang dahil sa kaniya ay nag-aaway na ngayon. Mayamaya lang ay may kung ano'ng kinuha ito sa dalang puting bag at sigurado siyang mga gamit nito iyon. "Do you have any allergies to antibiotics?" tanong nito. Umiling siya. Ibinaling niya ang atensyon kay Isidore na tahimik na nakamasid ngayon sa kaniya at sa ginagawa ni Tristan. Ang tao na ito ang makatutulong sa kaniya upang maisalba ang buhay niya at ng kapatid. Pero, paano niya sisimulan na ipaliwanag dito ang lahat kung ni katiting na emosyon mula rito ay wala siyang makita? Mag-aaksaya ba ito ng oras sa isang tulad niya na maliban sa katawang mayroon siya ay wala naman itong mapapakinabangan, at hindi rin kagandahan kung ikukumpara sa mga babae sa club ay napakalayo ng hitsura niya sa mga iyon. ***THIS IS FOR PROMOTIONAL PURPOSES ONLY. YOU CAN READ THE REST OF THE CHAPTERS IN GN!***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD