Kabanata 8

1037 Words
BINIGYAN muna ng pamalit na damit si Tanya kaya lubos-lubos ang pasasalamat niyang maitatapon at hindi na muling makikita ang kasuklam-suklam na bodycon dress na ipinasuot sa kaniya. Iginagaya niya ang paningin sa mga nadaraanan sa loob ng hotel hallway papuntang elevator. May ipinadala na tao sa kaniya kanina upang samahan siya sa baba na wala siyang ideya kung saan ngayon siya dadalhin. Ngunit tamang-tamang pagkakataon iyon para makatakas siya at makaalis sa naturang lugar na iyon. Lumaki ang pagdududa niya na may problema yata sa pag-iisip ang binata kanina nang basta na lamang itong maniwala na ama ito ng umano'y bata sa kaniyang sinapupunan. Wala man lang ba muna itong gagawin upang malaman kung sakaling nagsisinungaling siya? Bakit napakabilis nitong maniwala sa kaniya? May saltik ba ito o problema sa pag-iisip? Duda naman siya na mabait itong tao na may concern lamang sa kaniya lalo't sa ginawa nito sa kaniya nang nagdaang gabi ay tumatak na sa buong sistema niya kamuhian ito. Siguro'y wala na rin siyang oras para magreklamo. Bago ito umalis ay tiniyak nitong nakakain na muna siya at nakapagpalit ng damit. Naulingan na niya sa hindi kalayuan kung saan siya dadalhin ng taong sumundo sa kaniya. "This way, Ma'am," anito at bahagyang yumuko. Pumasok naman siya sa naturang bilihan ng damit. "Good morning, Ma'am." Isa-isa siyang binati ng mga taong naroon sa loob. Mayamaya lang ay lumapit ang isa sa kaniya. "Halika, dito po tayo Ma'am." Iginaya siya sa isang malaking silid doon sa loob makikita naman ang napakaraming mga naggagandahang damit na hindi niya kahit kailan pinangarap sa buhay, nakikita lang niya sa magazine ng kaibigan na si Anne. May isang babae na marahil kasing edad niya lang ang lumapit sa kaniya at kinuha ang size ng katawan niya. Binalot ng pagtataka ang mukha niya. Iyon bang mga damit ang ipasusuot sa kaniya? "Excuse me, wala ba kayong t-shirt at jeans?" anang niya nang ilibot ang mga mata sa buong silid. "Po?" nagtatakang tanong nito. "Okay lang sa akin kahit t-shirt lang at saka simpleng pantalon," magalang niyang sabi. Hindi mahalaga sa kaniya ang susuotin at saka baka hindi na rin sila magkita ni Sid pagkatapos nito. Masyado ng maraming nangyari sa loob lamang ng dalawang araw, at natatakot na siya para sa kapatid na naiwan sa ospital. Nagpalitan ng tingin ang dalawang babae na kasama niya sa loob. Nahagip ng paningin niya ang pangalan ng babaeng nasa kaniyang tabi na si Janice at ang isa naman ay si Ruby. "Hindi po pwede 'yon Ma'am. Mahigpit pong bilin sa amin na masukatan kayo at pumili ng damit na babagay sa inyo lalo na habang kayo ay nagbubuntis," paliwanag ng nagngangalang Ruby. Napamaang siya. Hindi niya magawang magsalita. Kaya niya tinatamasa ang ganitong espesyal na atensyon ay dahil inaakala ng lahat na buntis siya at Isidore ang ama niyon. "Gusto n'yo bang tawagan mo namin siya para masamahan kayong magsukat Ma'am?" suhestyon ni Janice. Sunod-sunod ang pag-iling niya. "Hindi na," mabilis na tanggi niya. Ayaw niyang makita ang lalaki at sa totoo lang, kung maaari siyang mamili tatakbo na lamang siya palayo. Tama na ang binigay nitong masamang alaala sa kaniya. Saka niya muntik na masampal ang sarili, maaari kasi siya nitong matulungan. Ngunit isa pang dagok at problema niya ngayon ay ano na lang gagawin niya kung malaman nitong nagsisinungaling lang siya. Habang abala ang lahat, inilaan niya ang oras na iyon sa pag-iisip. Tulad ng mga salitang angkop na sabihin para hindi agad magalit ang isang tao, at saka lang din niya naalala ang sinabi ni Senyora Faustina sa kaniya. May mga tao na nais patayin ang binata, kung sabihin kaya niyang pinadala siya ng mga tao na nais itong patayin. Hindi. Baka lalo lang lumala ang lahat. Hinayaan niya ang dalawang babae na tanggalin ang suot niya at agad bumungad sa mga ito ang mga pasa niya. Ngunit naging propesyunal ang mga ito at hindi siya tinanong kung saan iyon galing. Hindi na niya mabilang ang mga dress na sinukat at inilagay din agad sa mga paper bag na ngayon ay nakaayos na. Nagpalit na rin siya ng damit at bumagay naman iyon sa kaniya. Ngunit bago pa man mawala sa isip niya ang nais itanong kay Janice. "Puwede ba'ng gumamit ng telepono n'yo?" tanong niya nang palabas na ito ng silid. Tumango naman ito. "Dito po Ma'am," anito. Mabilis na sumunod siya. Agad niyang inalala ang numero ng kaibigan na si Anne. Laking pasasalamat niya ng sumagot naman ang kaibigan. "Sino po sila?" bungad na tanong nito. "Ane," aniya sa mahinang boses. "Ate Tanya!" halos pasigaw na wika nito. Wala na siyang sinayang na oras. "Ane, kumusta si Miko?" "Nasa ospital pa rin po. Bakit po? Hindi ba't naroon ka lang Ate?" "Hindi, wala ako roon." Mariing napapikit siya. Ano ba'ng plano niya at tumawag siya sa kaibigan? Maaari itong mapahamak kung sakaling malaman nito ang katotohanan. Umurong ang dila niya sa balak na sabihin. Maaatim ba niyang idamay ito gayong ang bata pa ni Anne at may sanggol pa na anak? Gusto niyang magmura pero ibinaba niya lang ang telepono na hindi man lang nagpapaalam ng maayos sa kaibigan. Mabuti na iyon, para na rin sa kaligtasan ng pamilya nito. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niya ang mga saleslady ng boutique na magsimulang mag-ingay. Saka niya napansin si Isidore na papasok sa naturang shop. Agad siyang nilapitan nito at hinapit sa beywang, sa isang iglap ay muling sinakop nito ang mga labi niya sa ikalawang pagkakataon. Hindi naman ganito ito kanina nang maghiwalay silang dalawa. Takang-taka siya na matapos siyang siilin ng matagal na halik sa mga labi ay sandaling hinawakan pa nito iyon. Nabasa niya sa mga mata nito ang matinding pagnanais na hindi lamang iyon ang makuha mula sa kaniya. Bakit ganoon na lamang siya nitong tingnan sa mga mata na animo'y nangungusap ang mga iyon sa kaniya? Naramdaman niya ang mga kamay nitong gumala na sa kaniyang katawan. Hinahaplos ang balat niya pababa sa lugar na hindi na niya hahayaan pang tunguhin nito. ***THIS IS FOR PROMOTIONAL PURPOSES ONLY. YOU CAN READ THE REST OF THE CHAPTERS IN GN!***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD