Epilogue
"SIGURADO ka bang sinabi ni Faustina na ang ama ko ang nag-utos na ipadala sa akin si Tanya?" mariing tanong ni Isidore sa kaibigang si Lander.
Marami itong nakalap na impormasyon matapos na dakpin ng mga pulis si Faustina. Itinimbre kasi nila ito sa tulong na rin ng ilang araw nilang pagkalap ng ebidensya na siguradong magpapatagal dito sa kulungan. Lahat na yata ng kaso na maaaring ipataw ay ikinaso na rito para talagang hindi na makalabas maging makapagpiyansa ay napakaimposible na.
Kung kinakailangan pa niyang magbayad ng malaki sa mga kukunin nitong abogado ay ayos lang sa kaniya upang mabulok lang ito sa kulungan.
Laking pasasalamat na lang siguro niya na hindi na niya kinailangan pa si Tanya upang tumestigo sa mga kasamaang ginagawa ng kaniyang step-mom. Iyon ang tiniyak niya kaya kahit napakamapanganib ay sinuong niya.
Minalas nga lang ng akala niya ay ayos na ang lahat nahuli na ang mga tao ni Faustina, saka naman may tauhan itong buhay pa na muntik ng mabaril si Lander. Pero mabuti na lamang ay agad niyang nasalag at nabaril niya pabalik ang taong iyon.
Hindi yata niya maaatim na may mangyari sa kaniyang kaibigan na masama gayong tumulong lamang ito.
"Oo, medyo nagtaka nga ako kung bakit niya iyon gagawin samantalang alam niya na maaari lalo siyang madiin."
Kahit siya ay napaisip sa dahilan kung bakit ang mismong ama niya ang nagpadala kay Tanya sa kaniya. Iniisip ba nitong ipagtatabuyan niya ang babae?
Doon siguro ito nagkamali. Kahit ama niya ito at parehong nananalaytay ang dugo nito sa kaniya. Hindi pa rin maikakailang hindi siya nito lubusang kilala.
Suwerte siya na umaayon ang tadhana na magkalapit sila ni Tanya at ngayon nga ay tiyak niyang naghihintay ito sa kanilang bahay para sa kaniyang pag-uwi. Tamang-tama miss na niya ang mga lutuin nito at matatamis nitong labi.
Gustong-gusto pa naman niyang hinihimas-himas ang tiyan nitong nagsisimula ng umumbok. Kung puwede lang lundagin palabas ang opisina ni Lander ay baka kanina pa niya ginawa kaya lang masyadong mataas at mabiyuda agad ang asawa.
Saka na, marami siyang natutunan noong makasama niya ang asawa isa na marahil doon ay magkaroon ng mahabang pasensya. Sabi nga ay ‘patience is virtue’, pero lintik lang, nawawala siya sa katinuan sa tuwing nakikita ang magandabg mukha ng asawa at nakababaliw nitong pagtawa.
"Ano na ngayon ang plano mo?" biglang tanong ni Lander.
"Umuwi," walang kagatol-gatol na sagot niya.
Sunod-sunod ang pag-iling nito. "Kaya nakatakas si Faustina sa 'yo dahil palagi mong iniisip ang asawa mo. Puwede ba pare, asikasuhin na muna natin ang dapat na ayusin. Baka bukas makalawa ang ama mo naman ang hindi mahagilap ‘tapos magwawala ka na naman at bastang susugod sa bahay nito para sabihing sumuko sa pulis. We can't just do that. Alam mo naman kung gaano katinik ang ama mo sa pagtatago ng sikreto."
Hindi naman siya nagpapabaya. Wala yata sa bokabularyo niya ang salitang iyon. Matagal na niyang naibigay kay Lyssa ang flashdrive na iniwan ni Rommel sa anak nito at ngayon nga ay nire-retrieve na ang laman niyon.
"Tumawag na ba si Yssa?" tanong niya.
"Oo, at saka nga pala may ipinadala siyang tao kanina sa opisina ko." May inibot ito sa kaniyang bagong flashdrive na marahil ipinadala lamang ni Yssa sa tao nito. "Ang sabi niya inilipat daw niya riyan ang lahat ng ipinaretrieve mong laman ng flashdrive."
Napatingin siya sa mukha ng kaibigan.
"‘Wag kang mag-alala, hindi ko tinitingnan ang laman niyan. Binanggit kasi sa akin ni Yssa na ikaw lang ang puwedeng makakita at wala ng iba."
He became skeptical on what maybe the content of the flashdrive. Pakiramdam niya hindi iyon ang mga transaction na ginawa ng ama na maaaring magdiin dito sa ano mang kaso. Kaya baka wala rin iyon na silbi para sa kaniya.
Pero tinanggap pa rin niya. Inuwestra ni Lander ang bakanteng mesa kung nasaan nakalagay ang laptop nito. Lalong nadagdagan ang pagdududa niya ng magpaalam ito na lalabas muna.
"Okay," aniya.
Naupo siya sa swivel chair at isinaksak ang flashdrive sa laptop. Humugot siya ng malalim na hininga bago pinasok ang nag-iisang folder na naroon. Napakunot-noo nga lang siya na ang pangalan niya ang nakalagay.
Mukhang balak pa yata siyang idamay ng ama. Nagulat siyang makitang isang video lang ang laman niyon na lubhang ipinagtaka niya.
Pinindot niya ang play button. Muli siyang nagulat na bumungad ang video ng ama na nakaharap sa camera. Pinagloloko ba siya nito?
Kumulo lamang ang dugo niya sa matinding inis. Ano'ng kailangan niyang personal na makita sa loob nito? Ang mukha ng ama na lubos niyang kinamumuhian.
Malutong na napamura siya nang balak na niyang pindutin ang exit.
"Isidore."
Biglang natigilan siya sa kaniyang narinig. Tila napawi sa isang iglap ang kaniyang iritasyon na nararamdaman kani-kanina lang. Napalitan iyon ng kuryosidad. Bihira lamang niyang marinig ang boses ng ama kaya lubha siyang naninibago lalo na ng bigkasin nito ang kaniyang pangalan.
"Kung napapanood mo ito ngayon sigurado na may nangyaring masama kay Rommel. Gusto kong malaman mo na hindi ako ang nagpapatay sa kaniya o ang pumatay sa kaniya. He promised me na kapag may nangyari sa kaniyang hindi maganda ay ipadala niya sa 'yo ang bagay na ito. Gusto ko rin na aminin na rin sa 'yo na hindi ako ang pumatay kay Selena. It was all Faustina's doings."
Dumilim ang anyo ng kaniyang mukha sa huling narinig. Naiyukom niya ang mga kamay hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Malutong na napamura siya habang nakangalumbaba.
Napapaisip na siya ngayon kung para saan ang video nito. Balak ba nitong idaan na naman siya sa mga kasinungalingan?
Pumalatak siya. Napahalukipkip siya matapos na ipagpatuloy iyon na panoorin. May tila nag-uudyok kasi sa kaniyang ituloy iyon.
Baka marinig na rin niya mula rito ang ilang bagay na hindi niya alam.
"Sinubukan kong pigilan si Faustina pero natakot ako para sa kaligtasan mo anak. Wala na siya sa katinuan, wala akong ideya sa plano niya na patayin si Selena, wala akong alam sa mga bagay na iyon. Batid kong narinig mo ako noon na may kausap sa telepono, mali ka ng pagkakaintindi. I didn't hire them nor ordered anyone to kill my wife, your mother. Hindi ko 'yon magagawa. Siya ang nagluwal sa 'yo na anak ko, hindi ko kahit kailan na gugustuhin na gawin 'yon."
Humugot ito ng hangin. Saka niya nakita sa unang pagkakataon na namawis ito. Balisa. Hindi alam kung paano itutuloy ang sasabihin.
"Masyado pa akong bata noon nang makilala ang mommy mo. Nadala ako ng tukso kaya nabuntis ko siya. Hindi naman ako nagsisisi ng dumating ka sa buhay ko. But I had to admit that there is something missing when I'm with Selena. Pakiramdam ko kahit ano'ng gawin namin pareho ay may kulang. Ako ang unang umiwan sa inyo, hindi iyon kasalanan ng mommy mo. It was purely my fault. Pilit ko kasing hinahanap ang makabubuo sa akin. And I thought having women around me will satisfy me. Sila ang bubuo sa kakulangan na nararamdaman ko."
"You're not fixing yourself or looking for anything that can help you to be you. You're just simply running away from your responsibility..." galit niyang usal.
"Saka ko narealize na tumatakbo lang ako sa responsibilidad ko sa 'yo."
"Yes, you're a coward."
"I'm a coward."
Animo'y kasalukuyan niya talagang kausap ang ama. But that only shows na hindi kahit kailan nawala ang nag-uugnay sa kaniya rito. They were like a mirror.
Pero lalo siyang nagulat ang mga sumunod nitong sinabi.
Napamaang siya. Nagsimula kasing bigkasin nito ang mga detalye tungkol sa kaniyang kapanganakan, mga hobby niya noong bata at mga ayaw niya.
Imposibleng alam nito iyon lalo't lumaki siya na wala ito sa kaniyang tabi. Saka niya naramdaman ang pag-iinit ng sulok ng kaniyang mga mata.
"Ginawa ko itong video nagbabakasaling mapanood mo balang araw. Marinig mo kahit sa huli kong mga sandali ang katotohanan sa lahat ng nangyari. Sinubukan kong kontrolin si Faustina ngunit sa bandang huli ako ang nakontrol niya. Tulad ng pagtakbo ko noon ng responsibilidad ko bilang asawa at ama, nanonood lang muli ako sa lahat ng nangyayari. Ayoko rin kasing iwaksi mo ang galit sa puso mo sa iyong ama. Let it be there. Hating me will give you more reason to continue."
Bumigat ang bawat paghinga niya nang bumakas ang lungkot sa mukha nito. Lalo na ang pagtulo rin ng mga luha nito. Ang makita itong umiiyak ang bumasag sa puso niyang bato para ipaintindi sa kaniya ang lahat ng mga inaamin nito ngayon.
"I have stage two colon cancer. Hindi na ako dumaan ng kahit na ano mang treatment para magamot ito. This is my punishment. Mabubuhay man ako ng ilan pang taon dahil sisiguraduhin ni Papa Germano na hindi ako mamatay but I still can't tell whether I'm willing to live anymore."
Bumagsak na ang mga malulusog niyang luha dahil sa kaniyang narinig. Kaya ba ilang taon itong nanatili sa ibang bansa?
"Mahal kita, anak. Pasensya na at nadawit kayo ng mommy mo sa problemang idinulot ko. I'm really sorry."
Mariing napapikit siya. Pilit pinapahupa ang nanaig na emosyon sa kaniyang kalooban.
You have to calm down, Isidore. You have to finish the video. You can do it. For your future children and for your own future with Tanya.
Pinagpatuloy niya ang panonood sa video saka niya unti-unti na napagtanto ang kahalagahan niyon. Isa-isa kasing inamin ng ama ang kasabwat ni Faustina sa mga ilegal nitong gawain na siguradong magiging malaki ang epekto sa kaniyang trabaho at higit sa lahat para sa kompanyang pagmamay-ari.
Hindi na iyon ang mahalaga. Ang hustisya para sa kaniyang yumaong ina ang kailangan na mauna. Agad niya namang sosolusyunan kung magkakaroon ng aberya.
Nakatatawa lang malaman na ang ibang binanggit ng ama ay mga taong habol nang habol dito para makakuha ng investment.
Kinabisado niya ang mga pangalang narinig, titiyakin kasi niyang mabubulok ang mga iyon sa kulungan kung hindi man ay maghihirap ng sobra. Hindi niya hahayaang ni isa sa mga iyon ay makatakas sa kaniya at sa kaparusahan na nararapat sa mga ito.
***
IPINIKIT ni Isidore ang mga mata saka isinara ang laptop. Tila naglahong parang bula ang ilang dekada niyang kinimkim na galit sa ama matapos niyang mapanood ang video nito.
Agad niyang tinawagan si Detective Lopez upang hanapin ang kaniyang ama na marahil ay nagtatago na ngayon matapos mahuli si Faustina.
Kung totoo man ang sinabi ng ama natitiyak niyang hindi na ito magtatagal.
***
MABILIS na pumasok ng emergency room si Isidore nang makalabas na ang bata. Excited niyang sinilip muna ang kalagayan ng asawa na mabuti na lang ay may malay pa rin hanggang ngayon.
He smiled to his wife. Hinalikan niya ito sa noo. "It was a healthy baby boy."
Hindi niya maitago ang excitement nang makita niya ang anak na inilagay na ngayon sa harap ng asawa.
"Kamukha mo," biglang wika ni Tanya.
Hindi mapalis ang ngiti sa kaniyang mga labi ng ilapit niya ang daliri sa maliit nito kamay. Lumobo ang puso niya ng hawakan iyon ng sanggol.
"He held my hand!" bulalas niya.
Napukaw ng malakas niyang boses ang mga taong naroon sa loob ng emergency room.
"Pasensya na, pasensya na," agad niyang hinging paumanhin.
Imbes na pagalitan siya o sawayin. Nginitian lang siya ng mga nurse na naroon at maging ng doktor.
Nang maramdaman muli niya ang kamay ng anak na pilit pinipiga nag daliri niya ay nagsimulang mangilid ang mga luha niya sa mata. Niyakap niya ang asawa na si Tanya.
Napakaligaya niya dahil natutupad na ang kaniyang mga pangarap. Ilang buwan niyang hinintay ang mga oras na ito kaya naging sobrang emosyonal siya.
"Umiiyak ka na naman," wika ng kaniyang asawa.
"Masanay ka na, iyakin talaga ako," aniya.
"Halata nga." Narinig niyang humagikgik ito.
"Siguradong mapapauwi ng bansa neto si Miko."
"Nabanggit nga niya sa 'kin na nag-book na siya para makauwi ngayong buwan. Kating-kati na siyang makita ang kaniyang pamangkin. Mabuti pa itong si Niles napauwi niya si Miko rito sa bansa. Noong nami-miss ko siya puro busy daw siya kaya hindi makauwi."
Natawa tuloy siya. "Nandito naman ako."
***
"HAY naku Sid, kung hindi mo rin pasakitin ulo ko. Ano'ng sabi ko sa 'yo na kapag nasa opisina ka ay trabaho ang gawin mo? Ginawa mo namang tambayan ang restaurant ko, kawawa naman si Reese na palaging bumabiyahe para lang matangay ka pabalik ng opisina."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Sino'ng walang hiya kaya ang nagsabi sa kaniyang asawa ng bagay na 'yon?
Tumalim ang mga mata niya. Pilit inaalala ang mga taong maaaring naglaglag sa kaniya.
***THIS IS FOR PROMOTIONAL PURPOSES ONLY.
YOU CAN READ THE REST OF THE CHAPTERS IN GN!***