Allison Cassandra Dawson Tumindig ang aking balahibo sa katawan, kitang kita ko kung paanong dukutin ng bampira ang puso ni Tricia. Ngunit, bago yun gawin ng bampira ay sinira muna nito ang muka ni Tricia, pagkalmot ng bampira kanina ay halos madala ang kabuuang balat ng muka ni Tricia. Nakakatakot. Inilipat ko ang aking tingin kay Blaze, kanina pa ako nag tataka kung bakit hindi niya masabayan ang mga bampirang kanyang kalaban, doon ko lang napansin na hindi pala siya nakaanyong bampira.Saka ko lang narealize na ang mga kasama namin ay puro tao, at hindi siya maaaring makita sa ganoong anyo dahil sa siya ay kilalang tao. “Anong nangyayare? Mukang mali pala ang sabi sabi tungkol sa’yo,” nakangiting demonyo na sabi ng isang bampira. Napansin ko naman na tumayo na ang bampirang may d

