Third Person Nakaramdam ng ilang si Cassandra dahil sa kapansin pansin na ang lahat ng nasa loob ng yate ay halos nasa kanialng dalawa ni Blaze ang atensyon. Hindi pa man nag uumpisa ang auction ay bigla nang nawala ang mga ilaw, lahat ay napasinghap habang si Blaze naman ay hinigpitan ang hawak sa kamay ni Cassandra. Nakiramdam sila sa paligid. “AHHHHHHHHHHHHHHHHH!” isang malakas na sigaw mula sa stage bago nag bukas ang mga ilaw. Ang lahat ay nagulantang dahil sa kanilang nakitang isang babaeng nakasabit sa stage, warak ang tiyan at nakalabas ang lahat ng lamang loob, nakabukas pa ang mga mata nito at kitang kita sa leeg nito ang isang marka na tila isang kagat ng hayop. “AHHHHHHHHHHHHHH!” sigawan ng lahat ng marealize kung ano ang nasa harapan nila ngayon. Halos maduwal si

