CHAPTER 10

2310 Words
Blaze Aurelios Blood Kampante lang akong naghihintay sa labas ng CR, hanggang sa pumasok sa isip ko ang ngiti ng mga babaeng kasunod ni Allison na pumasok sa CR. Napaayos ako ng tayo, tiningnan ko ang aking relo at ilang minuto na ang nakakalipas simula ng pumasok ng CR si Allison.  Nakaramdam ako ng kaba at napatingin sa pinto ng CR, mabilis na gumana ang pagiging bampira ko at tumagos doon ang aking nakikita. Napakuyom ako ng aking kamao ng makita kung paano ihampas ng babae ang ulo ni Allison sa pinto ng isang cubicle.  Mabilis pa sa alas kwatrong nakalapit ako sa pinto at binuksan ito, hindi alintana ang kandado nito mula sa loob.  Nakita ko kung paano sapilitang isubsob si Allison sa bowl, mabuti na lang at nagagawa pa nitong makatuon sa magkabilang gilid nito. Walang pag aaksaya ng oras na nakalapit ako sa kanila.  “Tama na ‘yan!” mahina ngunit may diin kong sabi sa mga babaeng nananakit kay Allison.  “Aurelios…” mahinang sabi ni Allison ngunit sapat na para marinig ko dahil sa aking pagiging bampira. Napansin ko naman ang pagbigay ng kanyang mga braso at ng akmang ito’y matutumbas na at tatama ang muka sa bowl ay agad ko siyang sinalo. Unti unti ko siyang binuhat, maingat at maayos para siguradohin na hindi siya makikitaan.  Naglakad na ako papalabas ng CR. “Huwag kang makialam dito, pogi, ayaw mo bang makawala sa pangit na ‘yan?” maarteng sabi ng isang babae na nakapagpatigil sa’kin sa paglalakad.  Hindi ako nagsalita, dahan dahan akong humarap sa kanila habang seryoso ang muka. “Kayo ay mag dudusa, kakainin ng inyong mga konsensya, at hindi hahayaang sumaya… habang buhay.” Nakatitig sa mga mata nila na sabi ko, ramdam ko ang pagpula ng aking mga mata at ang bahagyang paglabas ng aking mga pangil.  Naestatwa lang ang mga babae kaya ako’y muling tumalikod at naglakad na paalis, dahil nararamdmaan ko na ang maraming yabag ng tao na papalapit sa gawi namin.  Napatingin ako sa maraming tao na papalapit sa’min at makakasalubong namin, huminga ako ng malalim bago pumikit ng mariin upang muling mawala ang bakas ng aking pagiging bampira, nang maramdaman ko na okay na ay marahan akong nagbukas mata at umakto ng simple.  “Anong nangyare?” tanong ng guard na kasama sa maraming tao na dumating. “Walang nangyare, nagkaroon lang ng problema at maayos na ito ngayon,” kalmadong sabi ko. Nakita ko naman na bumaling ang tingin nito sa babaeng ngayon ay buhat buhat ko. “Hindi mo gugustohin ang magagawa ko kung pananatilihin mo ang ganyang titig sa kan’ya,” banta ko sa guard ng mapansin na kakaiba ang titig niya kay Allison.  “S-sorry Sir,” naiilang na sabi nito ngunit nakita ko ang muling bahagyang pagbaling niya ng tingin kay Allison, dahil doon ay tuluyan ng kumunot ang aking noo at masama itong tiningnan.  “May problema ba sa kanya?” seryosong tanong ko bago tumingin sa mga taong nakikiusyoso sa nangyare doon sa tatlong babae. Nakita ko pa ang tatlong guard na inilabas ang tatlo mula sa CR, nanatiling tulala ang mga ito kaya walang nagawa ang mga guard at sinamahan na lang ang mga babae.  “W-wala naman ho, Sir, n-med’yo pamilyar po kasi ang kanyang muka, parang siya ‘yong babaeng nasa poster na nakalagay sa kwarto ng anak kong babae. Kamuka ni Maam si Miss Cassandra, idol na idol niya si Miss Cassandra at gustong gusto ng anak ko ang buhok nito. Iyong anak ko kasi ay mayroong cancer…” nakita ko ang bahagyang paglungkot ng kanyang muka. Hindi niya na nagawa pang ituloy ang kanyang k’wento. Lumambot naman ang aking ekspresyon, nakakahiya naman na bilang bampira ay hindi ko pa rin magawang bumasa ng ekspresyon ng ibang tao. Pero, sana pala binasa ko na lang ang laman ng kanyang isip. Tumikhim ako bago nagsalita. “Saan ba kayo nakatira?malapit sa’kin si Cassandra kaya baka maaari ko siyang hingan ng pabor na puntahan ang anak mo…” tanong ko dito. “Talaga po, Sir?sige po, ito po ang address namin!” masayang sabi ni Manong Guard at kumuha ng papel at ballpen, may isinulat siya doon at ibinigay sa’kin.  “Ito po, Sir, tara po at iaassisst ko na kayo puntang clinic,” sabi ni Manong Guard at inabot sa’kin ang papel. Tiningnan ko ito sandali at inilagay sa bulsa ng coat ko, tumango ako sa kanya bilang pahiwatig na mag umpisa na siyang maglakad dahil susunod na ako.  Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin, nag umpisa ng maglakad si Manong Guard, hindi kami dumaan sa mataong lugar, maraming pasikot sikot pero mas okay na rin ito dahil ayaw kong makaagaw pansin ang dala dala ko. Dahil alam ko na malamang ay kalat na rin ang muka ko sa media, dahil sa babaeng ngayon ay buhat buhat ko. “Nandito na po tayo,” sabi ng Guard at ipinagbukas ako ng pinto. Diretso akong naglakad at may sumalubong naman sa’kin na mukang nurse o doctor?basta babae. Babaeng nakaputi. “Ano pong nangyare sa inyo, Sir?” tanong ng babae at agad akong sinuri. “Hindi siya, Maam, ‘yong babae pong buhat niya,” sangat naman ng Guard. Nakita ko naman na napahiya ‘yong babae.  “A-ah pakilagay na lang diyan,” naiilang na sabi nito at itinuro ang isang higaan na may kubreng puti. Lumapit naman ako doon at dahan dahan ibinaba ang katawan ni Allison, inayos ko rin ang unan nito upang hindi sumakit ang kanyang leeg dahil baka mamaya oras na magising ito ay mag reklamo.  “P’wede ka na umalis, Manong,” rinig kong sabi ng babae. Wala namana kong narinig na tugon mula sa Guard, malamang ay lumabas na ito. Narinig ko pa ang pag sara ng pinto at maging ang pag lock ng kandado nito.  “Alin ba ang masakit sa’yo, Ser?” napatingin ako agad sa babae ng mapansin ang tono ng kanyang pagtatanong.  ‘Nilalandi ba ako ng potang ito?’ natanong ko na lang sa sarili ko.  Hindi ako sumagot sa kanya, bumaling ang tingin ko sa babae at nakangiti ito ng tila nang aakit. Dahan dahan at malandi itong lumapit sa’kin habang dahan dahan hinuhubad ang kanyang coat.  Kunot noo ko itong tinitigan sa muka, parang may mali. Bakit hindi ko naaamoy ang pagiging tao niya? Unti unti akong napangisi, mukang may iuuwi na naman akong nilalang na makasalanan kay Miss G.  Habang unti unting lumalapit sa’kin ay kitang kita ko ang pagpula ng kanyang mga mata, maging ang paglabas ng kanyang mga pangil. Dahan dahan kong inilagay sa likod ang aking kamay, in just a snap ay hawak hawak ko na ang aking itim na payong.  Mas’yado na itong nahigop na kaluluwa ng makakasalanang nilalang, at muli na naman itong hihigop ngayon.  “RAAAAWR!” mabangis na sabi ng babae na ngayon ay hindi na maitsurahan. Ang kaninang makinis na muka ay napunong itim na ugat, lumabas ang maiitim na kuko, at higit sa lahat na nakapagpapangit sa kanya lalo, lumabas ang mahaba niyang nguso.  “Sawang sawa na ako sa tira tira, kaya ngayon jackpot ako dahil wala si Dra. Masosolo ko kayong dalawa,” malagong na sabi nito bago mabilis na tumalon at sumugod sa’min.  Agad kong inilabas ang payong na itim, pinang sangga ko ito sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkapaso. Agad na napaatras ang daga na nag anyong tao, nanlalaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwalang nakatingin sa payong na hawak ko.  “Y-yan a-ang…” ramdam ko ang kaba sa pananalita nito. Tumayo ako at ngumisi sa kanya, unti unting lumabas ang aking pangil at ang aking mga mata naman ay unti unting pumula.  “Ngayon ako naman,” nakangising sabi ko dito at dahan dahan naglakad papalapit sa daga. “H-huwag!hindi mo ako p’wedeng patayin dahil mamamatay ang babaeng iyan oras na hindi agad magamot ang nangyare sa ulo niya!” sigaw nito habang itinuturo si Allison na ngayon ay nakahiga sa clinic bed at walang malay.  Napatigil naman ako at kumunot ang noo, tiningnan ko si Allison, mukang wala namang nangyareng kakaiba sa kanya bukod sa nawalan ng malay dahil sa pagkakauntog niya sa pinto ng cubicle.  “Oras na hindi maagapan ang nangyare sa kanyang noo, maaari niyang ikamatay ito. Kapag hindi naagapan at natingnan ang nangyare sa ulo niya ay maari itong mag duloy mg brain injury!” mabilis na paliwanag ng Daga.  Third Person “Oras na hindi maagapan ang nangyare sa kanyang noo, maaari niyang ikamatay ito. Kapag hindi naagapan at natingnan ang nangyare sa ulo niya ay maari itong mag duloy mg brain injury!” mabilis na paliwanag ng Daga kay Aurelios.  Sumeryoso naman ang lalaki at muling naglakad papalapit kay Allison at dahil sa ginawa niya, napangisi ang Daga bago umaktong sussgod sa nakatalikod na si Aurelios.  Unti unting napangisi si Aurelios habang nakatalikod parin, ramdam niya ang ginawang pagsugod sa kanya ng Daga. Dahan dahan at pulido niyang itinusok sa Daga ang payong ng ito’y makalapit kay Aurelios. “AHHHHHHHHHH!” sigaw ng Daga habang unti unting hinihigop ng payong ang kanyang kaluluwa.  Seryoso lang nakatingin si Aurelios sa Dagang naghihirap, unti unti na rin nawawala ang presensya ng Daga at humihina ang daing nito dahil sa sakit na nararanasan.  “Tss,” sabi ng bampirang si Aurelios bago muling naglaho ang payong.  Mabilis na nakalapit si Aurelios kay Allison at agad itong binuhat, nawala ito ng parang bula kasabay ng pagdating ng Dra. na tinutukoy ng Daga kanina.  “A-anong nangyare?” nanghihinang tanong nito habang nakatingin sa naiwang damit ng babaeng Daga kanina. Napadako ang tingin niya sa bintana na nakabukas at hinahangin pa ang kurtina, mabilis siyang lumapit doon.  “Bampira?” mahinang sabi niya sa hangin habang nakatingin sa baba at pilit na kinikilala ang amoy ng dumaan sa bintana.  Napakuyom ang kamao nito bago inayos ang damit ng babaeng Daga, itinupi niya ito ng maayos at agad na nag impake upang umalis. Allison Cassandra Dawson “Hmm…” mahinang daing ko habang unti unting binuksan ang aking mga mata. Agad na bumungad sa’king paningin ang puting ceiling, dahan dahan akong tumingin sa tabi ko. “Mabuti naman at gising ka na, makakauwi na tayo,” seryosong sabi ng taong nakaupo sa tabi ko at seryosong nakatingin sa’kin. “Anong nangyare?” mahinang tanong ko kay Aurelios dahil hindi ko magawang laksan ang boses ko dahil sumasakit ang ulo ko.  “You collapsed after being hit by those crazy bitches,” simpleng sagot niya sa’kin.  Nag iwas naman ako ng tingin, napabaling ang tingin ko sa aking tapat at nakita doon ang isang salamin. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang hindi na nakasuot sa’kin ang wig na ginamit ko pang disguised.  “B-baka pagkagulohan tayo dito, bakit mo hinayaang alisin ang wig ko?” tarantang tanong ko sa kanya na tila wala akong dinadamdam na sakit sa’king ulo. Tumayo ito at nagsalin ng tubig. “Huwag kang mag alala, kaibigan ko ang tumingin sa’yo at walang ibang nakakita, tanging ako at siya lang,” seryosong sabi niya bago ibinigay sa’kin ang isang baso ng tubig na agad kong inabot, ininum ko ito habang nakatingin sa kanya.  “Kung ganun, ang kaibigan mo ba… bampira din?” tanong ko dito matapos uminum.  Nang sasagot na sana siya ay bigla namang may pumasok.  “Yow!mabuti naman at gising ka na, Miss Cassnadra!” hyper na sabi ng bagong pasok. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan ito mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng Doctor’s Coat, mayroong nakasabit na stethoscope sa leeg nito at muka naman itong pormal at professional, minus na lang ang attitude nito.  “Natural sa kanya ‘yan, hindi ka na kasi iba-”  “Hindi ka na kasi iba sa’kin dahil madalas ka niyang ikwento sa’kin!” masayang sabi ng bagong pasok. Nanlalaki naman ang aking mga mata na naaptingin kay Aurelios na kasalukuyang masama ang tingin sa Doctor.  “Hehehe, anyway, kamusta na ang pakiramdam mo?sobra bang masakit ‘yong nasa ulo mo?” biglang pagbabago ng topic ng Doctor at lumapit sa’kin. May kinuha ito sa kanyang bulsa at akmang hahawakan ang aking muka ng ako’y umiwas dito. “Kalma, titingnan ko lang kung maayos ka na ba dahil hindi ka nasagot,” natatawang sabi ng Doctor bago binuksan ang flashlight na kinuha niya sa buls ang kanyang coat.  “Kaya mo namang malaman ng hindi dumidikit sa kanya, kaya ano pang purpose ng ginagawa mo?” rinig kong malamig na tanong ni Aurelios. “Hahaha, eto na eto na, hindi ko na nga siya hahawakan, ito naman,napakapossessive!” tumatawang sabi ng Doctor at lumayo sa’kin.  Tinitigan niya ako sa’king mga mata, kahit na gusto kong alisin ang titig ko sa kanya ay tila may kumokontrol sa’kin at nanatili akong nakikipag labanan sa kanya ng tingin.  “Mukang ayos ka na, p’wede na kayong lumabas mamaya,” nakangiting sabi nito bago bumaling kay Aurelios na seryosong nakatingin sa kanya. Kita ko naman na sinungitan ito ni Aurelios kaya hindi ko mapigilang matawa, parang bakla ito dahil sa ginawa niyang pag irap sa Doctor.  Nakangiting bumaling ang tingin ko sa salamin. Hindi lang siya ang makakasalamuha kong bampira… mahirap man tanggapin, pero kailangan ko siya… kailangan ko si Aurelios upang mahanap ang aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD