Blaze Aurelios Blood
Kunot noo akong nakatingin sa babaeng naglalakad sa harap ko, kakagising ko pa lang pero nandito na siya. Hindi pa manlang ako nakakapag hilamos… mukang masamang ideya yata na hayaan kong mayroong siyang duplicate card ng aking kwarto.
“Tingin tingin mo diyan?bilisan mo na at mag mamall tayo, bumili ka cellphone mo,” sabi nito bago ako iniwan at lumabas ng aking silid.
Tumayo na ako mula sa aking higaan at napapailing na pumasok ng bathroom, agad kong tinapos ang pag shoshower ko. Ayaw kong magtagal dahil baka kung anong pakialaman ng babaeng ‘yon sa labas, bakit ba kasi ang agap agap niyang pumunta dito?
Paglabas na paglabas ko ay nakita ko siyang nakadekwatrong nakaupo sa single sofa at mayroong binabasa.
“Alright, mabuti at natapos ka na. Sa mall na tayo mag breakfast!” masayang sabi nito bago pinagtaklob ang kanyang binabasa at inilagay sa loob ng kanyang bag.
“Para saan yan?” tukoy ko sa binabasa niya kanina.
“Wait, comfort room lang ako, pakihawak muna!” madaling sabi nito bago ibinigay sa’kin ang kanyang sling bag. Napailing nalang ako at ng makitang nawala na ito sa paningin ko ay tiningnan ko ang ID na nakalabas sa bag niya.
‘Allison Cassandra Dawson?’ napangiti ako ng mabasa ang pangalan niya. Ang ganda naman pala ng pangalan, parang Alliya…
“Akina, tara na at hindi pa rin ako ng b-breakfast,” nabitawan ko ang ID niya ng magsalita ito mula sa likod ko. Ibinigay ko sa kanya ang kanyang bag, tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa.
“Kung hindi ko alam ang amoy mo, malamang pagpasok mo pa lang sa silid ko ay napatay na kita…” makahulogang sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti naman ito sa’kin at nag peace sign. “Kailangan ko talaga mag disguised, unless gusto mong pagkagulohan tayo sa mall hindi ba?” sabi nito at nag taas baba pa ang kilay na tila sinasabi sa’kin na magandang ideya ang kanyang naisip. Nauna na itong maglakad palabas ng hotel room ko.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kanya, bakit ba parang masamang ideya ata na magpakita sa kanya at tulongan siya? Kasalanan ‘to ng lalaking nag dala sa kanya sa silid ko, tsk.
“Oy, ano ba ang bagal mo naman, bilisan mo nga!” sigaw niya sa’kin bago lumapit sa’kin at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang mag padala sa hila niya, kababaeng tao ay napakamaton.
“Wait!” sigaw niya na ikinatigil ko. Binitawan niya ang aking kamay bago may kinuha sa kanyang bag, ito ay ang maliit na papel ngunit makapal na kanina pa niya binabasa.
“Mas okay magbasa ng script habang nag lalakad hindi ba?” nakangising sabi nito at binuklat ang kanyang binabasa at muli akong hinila.
Kung ganun ay script pala ang binabasa niya, hindi na nakakapagtaka sa tulad niyang sikat na actress, malamang ay mayroon siyang project. Napailing na lang ako ng mapansing nagbabasa nga siya habang nag lalakad, akala ko’y nagbibiro lang ito.
Akmang may makakasalubong kami at mababangga niya kaya ito’y hinila ko, napadikit ito sa’king dibdib. Ramdam ko na nagulat siya pero hindi ko ito pinansin, inakbayan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad.
“Bakit hindi mo ipagpatuloy nag pagbabasa ng script mo?” tanong ko dito habang nag lalakad kami palabas ng hotel. Napansin ko kasi na hindi na ito nagbasa pa at nanatili lang walang imik at nakahawak sa kanyang script.
“W-wala… tara bilisan na natin para makapag focus ako.” Napangisi naman ako sa napansin ko, naiilang ba siya?hindi ba siya makapag focus dahil sa ginawa ko?
“Sumakay ka na,” nakangising sabi ko bago binitawan ang kanyang balikat.
“A-ah oo!” gulat na sabi niya at nagmamadaling pumasok sa’king sasakyan.
Allison Cassandra Dawson
Naiilang na nakatingin ako kay Aurelios habang ito’y nagmamaneho. Bakit niya kasi ako niyakap, hindi niya ba alam na para akong nakukuryente kapag nadidikit ang balat ko sa balat niya?
Ano ba kasing pumasok sa isip ko at naisipan kong puntahan siya ng maagap?
FLASHBACKS
Maagap akong nagising para sana puntahan ang kaibigan kong si Khaila, kaso wala daw naman siya sa condo niya dahil may shoot sila sa Tagaytay kaya ganun na lang ang pagkadismaya ko.
Gumising pa naman ako ng maagp, hindi na ako makakatulog nito, hayst!
Biglang pumasok sa isip ko si Aurelios, wala itong cellphone at wala namana kong gagawin maghapon, nasa sa’kin pa ang kanyang card.
“Puntahan ko kaya siya?” tanong ko sa sarili ko, napangiti ako ng malaki bago tumayo at tumakbo sa bathroom upang maligo.
Mabilis akong natapos maligo at akmang aalis na ng madako ang tingin ko sa bedside table ko, nakita ko doon ang pamilyar na mga papel. Lumapit ako dito at nakitang ito ay script.
“s**t, magsisimula na pala ‘yon?” nasabi ko na lang sa sarili ko.
Natigil muna ako sandali at nag isip ng mabuting gawin, total nakapag bihiis na ako might as well tumuloy na ako sa pupuntahan ko since p’wede ko namang dalhin ang script ko para mabasa.
Masaya akong bumaba habang hawak hawak ang key ng aking sasakyan, sumakay ako dito at nag maneho patungo sa hotel kung saan naroroon si Aurelios. Siguradong gising na ‘yon sa mga oras na ito, hindi naman natutulog ang mga bampira diba?
Agad akong nakarating at nagpunta sa kwarto nito, hindi naman halatang wala akong ginagawa kaya nagawa ko pang magpunta dito? Hahaha…
Natatawang binuksan ko ang pinto, isang tahimik na lugar ang sumalubong s’akin. Nag lakad ako patungo sa silid nito, kumatok ang ng ilang beses kaso walang nagf bukas kaya binuksan ko na ito.
“Natutulog pala ang tulad niya?” nasabi ko na lang bago pumasok sa silid nito.
Tinitigan ko ito habang nakapikit ang mga mata, malamangb ay tulo pa nga ito hayst. Naupo muna ako sa upuang nasa tabi ng kanyang higaan at inilabas ang aking script. Habang nagbabasa ay naramdaman ko na gumalaw ito kaya inilipat ko ang tingin ko sa kanya, umikto lang pala ito ng tayo.
Nakita ko itong unti unting nagmulat kaya tumayo ako, nagpalakad lakad ako sa harap nito na tila naiinis dahil naghintay ako sa pag gising niya. Nakatingin ito sa’kin habang magkadugtong ang mga kilay, ang cute tingnan dahil mukang naabala ko yata ang kanyang tulog.
“Tingin tingin mo diyan?bilisan mo na at mag mamall tayo, bumili ka cellphone mo,” sabi ko dito habang pilit na itinatago ang aking tawanin.
Lumabas ako agad dahil baka mainis ito lalo sa’kin, paglabas ay naupo ako sa single seater na sofa at muling binuksan ang aking script. Binasa ko lang ito ng binasa upang magkaroon ako ng ideya at mamemorya ko ito habang ang hihintay kay Aurelios.
FLASHBACKS END
“Hindi ka ba bababa?” nabalik ako sa reyalidad ng may sumigaw sa harap ko. Napatingala ako at ankitang pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan ni Aurelios.
Mabilis kong isinuot ang abg ko at inayos ang eyeglasses na suot suot ko bilang disguised. Bumaba ako sa kanyang sasakyan.
“Oh, naiwan mo,” simpleng sabi niya pagtapos isara ang kanyang sasakyan. Ibinigay niya sa’kin ang aking script na agad ko din namang tinanggap. Nag umpisa na itong maglakad kaya sumunod lang ako sa kanya.
“Anong pumasok sa isip mo at ang agap mong mang bulabog sa’kin?” tanong niya habang nag papa-scan sa entrance. Natawa naman ako, nandito na kami sa mall at lahat pero hindi pa rin nawawal ang kanyang inis.
“Wag ka na mag reklamo, tara ilibre kita ng breakfast!” masayang sabi ko sa kanya at ito’y hinila papasok sa Jollibee, malamang ay hindi pa siya nakakakain sa ganitong klase ng fast food chain. Sa itsura pa lang nito na mukang ignorante ay sigurado na.
“Ako na oorder,” seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. “Sigurado ka?” tanong ko dito. Tumango siya sa’kin kaya ngumiti ako at ibinigay ang aking credit card. Hindi niya ito tinanggap.
“I have billions in my account, I don’t need your treat,” sabi niya bago ako tinalikuran.
Napairap na lang ako, bukod sa pagiging ignorante ay mahangin din pala ito. Tsk, imbis na tumigil lang ay iginala ko ang aking tingin, nang makakita ng maayos na mapwepwestohan ay naglakad ako papalapit doon.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa pwestong nakita ng mapansin ko ang tingin ng mga babaeng dadaanan ko para makarating doon.
‘Hindi naman kagandahan…’
‘Tama ka, kung girlfriend nga siya ng lalaking ‘yon, ang malas naman yata ni pogi sa lovelife?’
‘Su-suwertehin siya kapag ako nakarelasyon niya, hahahaa’
Napailing na lang ako, hindi naman bulongana ng ginagawa nila. Halatang sinasadyang iparinig sa’kin ang kanilang usapan, but sorry to say this, talampakan ko lang sila.
Taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad at naupo sa pwestong nakita ko, nakatingin lang ako kay Aurelios na abala sa pag order. Sino nga anmang hindi mabibihag sa kagwapohang taglay niya?
Kahit na hindi ito ngumiti at laging seryoso ay ang lakas pa rin ng dating, kahit yata tumanda ito kakasimangot ay gwapo pa rin.,
‘Tanga ka, self, paanong tatanda iyan eh, bampira ‘yan?’
“Hare, kumain ka na, pagkatapos nito ay aalis na ako,” malamig na sabi nito pagkarating na pagkarating. Napasimangot na lang ako, ibig sabihin sinamahan niya lang talaga akong mag breakfast dahil nalaman niya na hindi pa ako nag brebreakfast.
Nag umpisa na siyang kumain kaya ganun din ang ginawa ko, hindi akon ang dinner kaya gutom na gutom ako ngayon, sanay naman akong nag s-skip ng meal pero iba lang ngayon, paborito ko kasi ang Jollibee kumpara sa mga mamahaling restaurant.
“Ang amos mo,” nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko na may nagpunas ng tissue sa aking labi. Habang ginagawa niya yun ay napansin ko ang mapanghusgang tingin sa’kin ng mga babae kanina.
Napangisi ako at inirapan sila. “Huwag mo ng patulan…” makahulogang sabi ni Aurelios.
Napaiwas naman ako ng tingin bago kinuha ang tissue na hawak niya at ako na ang nagpunas, kung wala lang akong disguised ngayon ay di hamak na mas maganda ako sa kanila.
Hindi na ako ang salita at nag patuloy na lang sa pagkain, mabilis naman kaming natapos kaya agad kaming lumabas sa fast food. Nakaramdam ako ng ihiin kaya inakit ko si Aurelios sa 2nd floor dahil alam kong meron doon comfort room. Sumakay na lang kami ng elevator kahit na 2nd floor lang ‘yon, lalabas na kasi hehehe.
Third Person
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay lumabas ang dalawa, dahil malapit lang ang comfort room sa elevator ay agad na nagtungo doon si Cassnadra. Hindi alam ni Cassandra na mayroon palang nakasunod sa kanya.
Nagtataka naman ang muka ni Aurelios na nakatingin sa tatlong babae na nakangising pumasok sa comfort room na pinasukan ni Cassandra. Nakaramdam ito ng kaunting pangamba ngunit nag hintay na lang siya ng ilang sandali.
Allison Cassandra Dawson
Pagkatapos gawin ang dapat gawin ay lumabas ako ng cubicle, binuksan ko ang gripo at nag hugas ng kamay, nasa kalagitnaan ako ng pag huhugas ng kamay ng maramdaman ko na may nakatingin sa’kin. Mabilis kong inikot ang mata ko, nakita ko ang tatlong babae kanina. Kitang kita ko ang repleksyon nila sa salamin, masama ang tingin nila sakin na tila may nagawa akong masama sa kanila.
Matapos kong linisan ang kamay ko ay pinatuyo ko na ito at nag lakad na palapit sa pinto upang lumabas. Hindi ko inaasahan na haharang ang isa sa kanila, nakangisi ito sa’kin at tila may binabalak na masama.
“Anong kailangan niyo?” kalmadong tanong ko. “Wala akong pera, wala kayong mahohold up sa’kin,” dagdag ko pa. Nakita ko ang pamumula ng muka ng tatlong babae dahil sa inis.
“Ang kapal ng muka mo, ang pangit mo naman!” sigaw ng isa at akmang sasabunotan ako. Agad akong nakailag ngunit hindi ko naiwasan ang isang babae na sinampal ako.
Tumama ang malakas na sampal sa muka ko, dala ng pagkagulat ay hindi ko agad naiwasan ang mga kamay ng isa pang babae na sinabunotan ako.
“Ito ang nababagay sa’yo, masyadong mataas ang tingin mo sa’yong sarili! FYI, hindi ka maganda!” malakas na sigaw nito bago ako pabalyang binitawan. Dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya ay nawalan ng ng balance.
Sinalo ako ng isang babae na malapit sa cubicle, hinawakan nito ang buhok ko at iniharap sa kanya ang aking muka.
“Dapat sa’yo, inaalisan ng muka!” sigaw nito sa muka ko. Amoy na amoy ko pa ang mabaho nitong hininga, inumpog niya ako sa pinto ng isang cubicle.
Lumabo ang paningin ko, para akong mawawalan ng malay ngunit pinilit kong manatiling gising.
“Tapang tapangan, mahina naman, pwe!” malakas na sabi ng isa at naramdaman ko na hinila ako ng isa pa. Ipinasok nila ako sa cubicle at binuksan ang takip ng isang toilet bowl, nag laki ang mga mata ko at napahawak sa magkabilang gilid nito ng akma nila akong isusubsob doon.
“Aba’t nakakapalag ka pa pala!” sigaw ng isa bago hinampas ang likod ko.
Para akong masusuka ng dugo dahil sa ginawa nito, unti unti ng bumibigay ang mga braso ko. Anumang oras ay alam kong mawawalan na ako ng malay.
“Tama na ‘yan!” para akong nabuhayan ng marinig ang boses ng isang tao na hindi ko inaasahang darating pa rin, kahit na puro abala lang ang nadala ko sa kanya.
“Aurelios…” bulong ko bago tuloyang mawalan ng malay.