Third Person
“Dadating pa ba ang alaga mo, Miss Cha?” tanong ng isa sa mga reporters na ang hihintay sa pag dating ni Cassandra. Mahigit kinse minutos na itong huli kaya nakararamdam na ng pagkainip ang mga reporters, hindi naman sila maaaring umalis dahil kung sakaling dumating si Cassandra ay hindi sila maiiwanan sa balita.
“Huwag kayong mag alala, siguro’y nagkaroon lang ng kunting problema kaya ito nahuli…” paniniguro ni Miss Cha sa mga ito habang nakangiting pilit.
Kahit si Miss Cha ay naiinip at nag aalala na rin, alam nitong hindi hahayaan ni Cassandra na ito’y mahuli dahil siguradong panibagong issue na naman ‘yon ngunit ngayon ay tila wala itong balak mag punta.
‘Nag back out kaya siya?’ natanong nalang ni Miss Cha sa kanyang sarili.
Kinuha ni Miss Cha ang kanyang cellphone upang muling tawagan ang kanyang alagang si Cassandra, tulad kanina ay hindi pa rin ito sumasagot.
Kulang na lang ay mapamura si Miss Cha sa sobrang pag aalala kay Cassandra, kung sakaling malalate ito ay malamang kanina pa siya nito tinawagan ngunit hindi ginawa ni Cassandra ‘yon kaya labis labis ang pag aalalang nararamdaman ni Miss Cha, isama pa na hindi manlang ito sumasagot sa kanyang mga tawag.
Ilang sandali pa ay may pumarada sa harap mismo Miss Cha, isa itong sports car at dahil tinted ito ay wlaang ideya si Miss Cha na ang nilalaman pala ng sports car ay si Cassandra.
Bumaba ang isang napakagwapong lalaki, mayroong maputing kutis at perpektong pangangatawan, ang mga babaeng reporter ay halos matulala sa lalaki habang ang lalaking reporter naman ay nag umpisa ng kuhaan ito ng litrato. Umikot si Aurelios sa kabilang pinto ng sasakyan at binuksan ito, inaabangan ng lahat ang lalabas sa sasakyan.
Maging si Tricia na pasimpleng nagmamasid mula sa malayo ay inaabangan na bumaba ang isa pang sakay ng sports car, hindib nagtagal ay bumaba na ito.
Halos madurog ni Tricia ang hawak na camera, akala niya ay makikita niyang kasama ni Cassandra si Dave kaya nagdala siya ng camera upang kuhaan ang mga ito.
Matapos bumaba ni Cassandra ng sasakyan ay agad na pumasok si Aurelios at pinaharurot ito paalis ng lugar, hindi manlang nakapag pasalamat si Cassandra dahil sa ginawa ng lalaki kaya pilit ang ngiti siyang tumingin sa mga reporters na naghihintay sa kanya.
Allison Cassandra Dawson
“Anong oras na?” tanong ni Aurelios habang nag mamaneho.
Mabilis kong kinuha ang aking cellphon eupang tingnan ang oras ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga missed calls ni Manager Cha.
Biglang pumasok sa isip ko ang press conference, umakyat ang kaba sa dibdib ko at napatingin kay Aurelios.
“P-p’wede mo ba akong ihatid sa lugar na ‘to?” tanong ko dito bago ipinakita sa kanya ang aking cellphone kung saan nakasulat ang address kung saan gaganapin ang press conference. Inalis niya ang tingin niya sa cellphone ko, hindi ito nagsalita kaya naisipan kong ulitin ito.
“P’wede ba?” muli kong tanong, huminga ito ng malalim bago tumango. “Maraming salamat!” masayang sabi ko dito.
Nakangiti akong tumingin sa daan na tinatahak namin ng biglang pumasok sa isip ko ang cellphone number nito.
“Ano nga pa lang number mo, para sana matawagan kita?” nag aalangan na tanong ko dito, nag aalala din ako dahil baka hindi nito ibigay at isipin nitong may gusto ako sa kanya kaya kinukuha ko ang kanyang number.
“Wala akong cellphone, hindi uso sa’kin ‘yan.” Sagot nito sa’kin habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada. Napasimangot na lang ako at tumingin sa labas ng bintana, napaka-ignorante naman nito.
“Ilang taon na ba siyang nabubuhay sa mundo, bakit wala pa rin siyang cellphone hanggang ngayon?” ismid na bulong ko sa’king sarili.
“1290 years na akong nabubuhay sa mundong ito, hindi ako nag cecellphone dahil may kakayahan naman akong makipag usap sa kapwa ko gamit ang isipan.” Namamanghang napatingin ako dito, paano niya ako narinig?
Sabagay, isa nga pala siyang bampira, maabilidad na bampira ngunit hindi ko naman akalain na ganun na siya katanda.
Pasimple akong tumingin dito at sinuri ang kanyang pisikal na kaanyoan.
Hindi halata dito na ganun na siya katanda, mas’yado itong guw--- oo masyado itong guwapo, matikas, at kung susumahin ay perpekto sa isang binata. Mabuti at nagagawa nilang makatagal ng ganun katagal sa mundong magulo, puno ng lungkot at puro problema.
“Anong iniisip mo?” napatingin ako dito ng bigla niya akong tanungin. Ngumiti ako bago tumingin sa labas ng binata at nag salita. “Iniisip ko lang kung paano mo nagawang malampasan ang magulong mundo na puno ng lungkot at problema,” sabi ko rito habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Sa tinagal tagal ng buhay niyong mga bampira, siguradong sobra sobrang sakit na ang naranasan niyo, mawalan ng kaibigang tao dahil hindi naman hamak na madali lang ang aming mga buhay at ang mawala ng-” naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.
“Mawalan ng minamahal… naranasan ko na ang sakit na yan at hanggang ngayon ay nararanasana ko pa rin, nangungulila ako sa prisensya niya, sa ngiti niya, sa tawa niya, sa halik at yakap niya, at sa mismong siya, at siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nagagawa kong labanan ang aking buhay…” tumigil ito at tumingin sa’kin. “Dahil hinhintay ko siyang bumalik, hinihintay ko siyang ibalik sa’kin… hinihintay ko siya dahil nangako siya, nangako siyang babalikan niya ako.”
Halos malunok ko ang laway ko matapos marinig ang sinabi nito, wala akong masabi dahil tila ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala nito sa mga nakalipas na taon. Paano niya nagagawang lampasan ang mga bagay na ‘yon?
“Nandito na tayo,” malamig na sabi nito na nakapag pabalik sa’kin ng katinuan.
Akmang bubuksan ko na ang pinto sa tapat ko ng pigilan niya ako. “Hintayin mo ako, ipagbubukas na kita,” seryosong sabi nito bago lumabas ng sasakyan.
Nakatingin lang ako dito habang naglalakad ito paikot sa pinto kung saan ako lalabas, napansin ko rin na ang mga reporters na nag hihintay sa’kin ay nakahabol ang tingin sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya ako’y lumabas na, rinig ko ang ingay ng mga camera na nag flash.
“Aalis na ako…” sabi nito at agad na pumasok sa kanyang sasakyan.
Habol tingin lang ako sa kanyang papaalis na sasakyan, pilit akong ngumiti bago humarap sa mga reporters.
“Pasensya na kayo at kayo’y aking pinaghintay, nagkaroon lang ako ng kaunting problema,” mahinhin na sabi ko habang nakangiti sa kanila.
Narinig ko naman ang mga reply ng mga ito, ngunit hindi pa rin nag sisink in sa utak ko.
“Maupo na tayo doon,” bulong ni Manager Cha bago ako inalalayan lumakad.
Ang lakas ng reporter ay may designated seat at dahil press conference ito na ako mismo ang nagsabi, nagkaroon ako ng karapatan na maglagay ng batas at ‘yon ay huwag nila akong sisiksikin oras na ako’y dumating o oras na ako’y aalis.
Habang naglalakad ay nakatingin lang ang mga reporters sa’kin, hindi ko binigyan pansin ang mga camera ng mga ito na nakasunod sa bawat galaw ko hanggang makarating sa p’westo kung saan may nakahandang microphone na maaari kong magamit oras na ako’y sasagot na sa kanilang katanungan.
Nag umpisa ng magtanong ang mga press at sinasagot ko lang ito ng nakangiti at puno ng tiwala sa sarili.
“Kung ganun, Miss Cassandra, ang issue na ikaw ay bitter pa rin sa naging pag hihiwalay niyo ni Nathan ay hindi totoo?” natigil ako sa tanong ng isang press.
Hindi ako agad nakapag salita… bitter ba ako?
Tumikhim ako bago ngumiti ng malaki sa kanila.
“Maayos ang naging samahan namin ni Nathan at ganun din ang aming pag hihiwalay, walang dahilan para magdamdam ako sa pag hihiwalay namin kasi as far as I know, nagkaroon lang ng develop sa aming dalawa dahil nagkasama kami sa iisang drama,” nakangiting sagot ko dito.
Umingay naman ang mga press, lahat sila ay mayroong pagkakataon na mag tanong sa’kin ng isang beses bawat isa. Kaya oras na nakapagtanong na ay hindi na maaaring magtanong pa.
“Kung ganun, Miss Cassandra, ayon sa sinabi mo ay parang lumalabas na hindi mo naman minahal si Nathan at nagkaroon lang kayo ng koneksyon dahil sa isang drama na parehas niyong ginanapan?” nakangising tanong ng isang babae.
Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa ng hindi nagpapahalata, mukang hindi naman ito isa sa mga press dahil mas muka itong preso. Tsk, pilit kong itinago ang pagkairita sa muka na hinarap ang babae.
Ngumiti ako ng malaki dito at hinawakan ang microphone bago nag salita.
“Tama, nagkaroon lang kami ng koneksyon dahil nagkasama kami sa isang drama, sa drama na ‘yon lang din kami naging mag nobyo at nobya,” puno ng tiwala sa sariling sagot ko dito.
Nakita kong nadisappoint ang muka nito dahil mukang binabalak nitong igisa ako sa sarili kong mantika.
“Miss Cassandra, ang lalaking kasama mong magpunta dito at inihatid ka ay ang bago mong nobyo?” tanong ng isa sa kanila. Ngumiti muna ako dito bago nahihiyang nagsalita.
“Yes, at kung itatanong niyo kung totoong nag dadate kami ni Director Dave, ang maisasagot ko langg ay hindi, masyado kaming propesyonal sa aming mga trabaho at isa pa, hindi katulad niya ang tipo kong lalaki.” Tass noong sabi ko. “Siya ‘yong tipo ng lalaki na halos mayroon na lahat, pero ang tipo ko sa isang lalaki ay isang simple at sa’kin lang magiging mabait.” Dagdag ko pa.
Napanganga naman ang mga press, ilang minuto pa bago makabawi ang mga ito.
Nagtuloy tuloy lang ang pagtatanong nila na taas noo ko namang sinasagot.
Blaze Aurelios Blood
“Miss G!” malakas na katok ko sa pinto ng purgatoryo. Nagagawa kong makapunta dito dahil nakatali na ang kabiak ng buhay ko sa lugar na ito, kapalit ng muling pagkabuhay ng aking mahal.
“Miss G!” muling malakas na tawag ko.
Bigla namang bumukas ang malaking pinto at sumalubong sa’kin ang malamig na hangin, pumasok ako doon at diretsong nagtungo sa kanyang opisina. Naabotan ko itong abalang nagbabasa ng mga papeles ng mga taong namatay at naparusahan.
“Naparito ka?” seryosong tanong nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga papeles na nasa harapan niya.
“Nagbalik na ba siya?” seryosong tanong ko dito. Nakita kong napatigil ito, nag angat ito ng tingin sa’kin at hinubad ang kanyang salamin bago umayos ng upo. “Bakit, nahanap mo na ba siya?” seryosong tanong nito bago ako nginisian. “Huwag mo na siyang hanapin, dahil hindi mo magugustohan ang tadhanang naghihintay sa’yo, oras na magkita kayong muli.”
“Kung ganun, nagbalik na nga siya?” nakangising tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nito.
“It’s for me to know and for you to find out,” seryosong sabi nito bago nakipaglaban ng titigan sa’kin. Kailanman ay hindi ko nagustohan ang ngisi nito lalo na sa ganitong sitwasyon, para akong pinaglalaruan ng matandang nasa harap ko.
“Base sa tingin mo s’akin ay unti unti mo na akong pinapatay sa utak mo, but sad to say this… papatayin mo pa lang ako ay napatay na kita,” nakangising sabi nito.
Hindi ko mapigilang mag react sa sinabi nito, napairap ako dahil sa pagbabanta sa’kin ng isang matanda tsk.
”Oo na, oo na lang, Miss G, aalis na ako dahil wala naman akong mapapalang maayos na sagot mula sa’yo.” Pagsuko ko dito bago ito tinalikuran at naglakad na palabas ng porgatoryo.
Miss Lavender
“Honey, bakit mo naman sinabi kay Blaze ang bagay na ‘yon?” tanong sa’kin ng aking asawa ng makaalis si Blaze. Lumabas ito sa ilalim ng aking table kung saan siya nagtago kanina.
“Dahil ‘yon ang dapat, oras na magkita silang muli ay hindi lang buhay niya ang mapapahamak kundi ang buhay ng babaeng mahal niya,” seryosong sagot ko dito.
“Aish!bakit nga ba may mga hadlang sa pagmamahalan ng iba?hindi ba marunong magpaubaya ang tadhana?” malungkot na tanong nito.
Napatingin ako sa kanya, ang kanyang buhok ay halos wala ng makitang kulay itim dahil puro na ito puti dala ng katandaan, habang ako ay nanatili pa rin ang kabataan ng muka. Nakakalungkot man isipin pero kailanman, hindi nagawang magpaubaya ng tadhana sa tulad naming mga bampira.
Mabuti na lang at mayroong paraan upang makasama namin ang mga mahal namin sa buhay, at ang paraan na ‘yon ay itinuro ko kay Blaze, dahil doon… kaming dalawa ay nakatali na ang kalahati ng buhay sa porgatoryo kapalit ng muling pagkabuhay ng aming minamahal.
Napatingin ako sa lalaking aking paulit ulit na minahal, kahit bumabalik ito sa’kin ng walang naaalala ay hindi naman nawawala ang pag intindi nito sa’kin maging ang pag mamahal, kaya hindi ako nagsisising matali ang kalahati ng aking buhay sa lugar na ito.
Sa kaso naman ni Blaze, maaari itong maulit ng maulit dahil ito ang nakasulat sa kanialng tadhana. Ang paulit ulit na maagang paghiwalayin ng kamatayan.
‘History repeats itself…’