CHAPTER 14

1814 Words
Blade Aeroll Blood “Walang kwenta ang kanang kamay mo,” sabi ko sa makasalanang hayop na nasa harapan ko. Nakayakap siya ngayon sa tela na siguro’y suot suot ng kanyang kanang kamay bago naglaho.  “Kung hindi niyo magagawang takotin si Blaze ay ako na lang ang gagawa…” sabi ko bago tumayo sa’king kinauupuan. “…total wala ka namang kwenta, dapat ka na rin mawala,” sabi ko bago tumingin kay Madelyn at tinanguan ito. Ngumisi naman siya ng malaki sa’kin kaya tinalikuran ko na ito.  Lumabas ako ng aking opisina bago kinuha ang cellphone ko, agad kong idinial ang numero ng guard na ‘yon. “Nagpunta na ba sila diyan?” tanong ko habang mayroong mapaglarong ngisi sa’kin labi. “Hindi pa rin po, pero sigurado ako na dadating sila dito mamaya o bukas,” sagot niya sa’kin na mas lalong ikinalaki ng ngisi ko. Ibinaba ko agad ang tawag at tumingin kay Madelyn na nakangiting malaki na papalabas sa aking opisina.  “Done?” nakangising tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin ako ay magiliw itong tumango tango.  “Tara, naiinip ako, balita ko may magaganap na taping na malapit dito mamaya,” nakangising akit ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagdaan ng excitement sa kanyang mga mata. “Mukang makakapag laro ako,” masayang sabi niya bago naunang maglakad papalapit sa’kin sasakyan.  “Ako na mag dri-drive, Master,”sabi niya sa’kin na tinanguan ko lang. Pumasok siya sa driver’s seat habang ako naman ay pumasok sa passenger seat. “Masarap manuod mula sa malayo habang kumakain ng pop corn,” nakangising sabi ko sa kanya. Tumango tango naman siya at nag umpisa ng mag maneho. “Bibili muna tayo, total mamayang gabi pa naman ang taping diyan, Master,” sabi niya sa’kin na tinanguan ko lang.  Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana, nawala ang aking ngiti ng makita ko ang sasakyan ni Blaze. Kitang kita ko kung sinong sakay nito dahil sa linaw ng aking mata.  ‘Hibang na talaga,’ nasabi ko na lang sa’king sarili bago inalis ang tingin sa kanila.  “Kuya… Kuya Blaze, t-tulongan mo a-ako…” bulong ko habang inililibot ang aking tingin sa nasusunog na paligid. Unti unting sinusunog ng ibang nilalang ang aming pook… ang aming tagong pook.  “Mama… Papa… Kuya, nasaan na kayo…” umiiyak na sabi ko bago tumingin sa’king likod. Doon ay nakita ko ang mga panang lumilipad patungo sa’kin, wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang.  Hinihintay ko ang pagtama ng mga pana ngunit ang naramdaman ko ay ang mainit na yakap ng dalwang tao, mabilis akong nagbukas ng aking mga mata at doon nakita ko sila Mama at Papa na nakangiti habang nakayakap sa’kin. “U-ugh!” daing nila ng tumama sa kanila ang mga pana na dapat ay sa’kin tatama.  “MAAAAA… PAAA…” malakas na sigaw ko ng makita ang unti unting paglalaho ng kanilang katawan. Unti unting nawala ang aking pakiramdam sa kanilang yakap. “Mahal na mahal namin kayo…” nakangiting bulong ni Mama bago tuloyang mawala ang kanilang mga abo at liparin ng hangin papalayo sa’kin.  “Kuya… nasaan ka ba?” “MASTER!” agad akong nabalik sa reyalidad ng sumigaw si Madelyn. Ibinaling ko sa kanya ang aking tingin, nakita kong nakasimangot ito at halata sa muka niya ang lungkot. “Bakit?” tanong ko sa kanya.  “K-kanina pa pumapatak ang luha mo, w-wala akong magawa sa sakit na nararamdaman mo…” malungkot na sabi niya kaya wala sa sariling napahawak ako sa aking pisnge. Basa nga ito. Agad ko itong pinunas upang matuyo at lumabas ng sasakyan. Dinala ako ni Madelyn sa Mall at hindi na nakakagulat na makikita ko dito ang aking kakambal.  “Gusto mo bang lumipat na lang tayo ng bibilhan?” tanong sa’kin ni Madelyn habang mayroong pag aalala sa mga mata nito. Imbis na sagutin ito ay naglakad na lang ako ng diretso patungo sa entrance ng mall, kailanman ay hindi ko kakailanganin na mag adjust.  “Master, hintay!” sigaw ni Madelyn kaya binagalan ko ang pag lalakad hanggang sa maramdaman ko na nakakasabay na siya sa’kin. “Anong gusto mong kainin para sa lunch?” tanong ko sa kaniya habang nakatuon ang pansin kay Blaze, sa aking kakambal.  “Gusto ko sana matikman ang narinig ko sa mga bata nitong nakaraan araw, Jollibee ata ‘yon?” tila nag iisip na sabi niya.Tumango na lang ako dito bago magpatuloy sa paglalakad.  Blaze Aurelios Blood “Ano bang pakay natin sa mall?” tanong ko kay Allison na hanggang sa loob ng mall ay hila hila parin ako. “Bibili nga tayo ng cellphone mo, paulit ulit ka rin bampira ka ‘no?” ramdam ko ang pagkairita sa boses niya habang sinasabi ‘yon habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata dahil sa tuloy tuloy at walang pakundangan nitong pagsasalita.  “Mag ingat ka nga, baka may ibang makarinig… gusto mo ba ng mapahamak?” inis na sabi ko sa kanya at tila nabaliktad ang sitwasyon dahil hinawakan ko ang kanyang kamay at ako na ang humila sa kanya.  “Umalis agad tayo dito pagtapos bumili ng cellphone, hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na’to,” dire-diretsong sabi ko sa kanya bago siya itinulak papasok sa elevator at sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa sa elevator, akala ko ay hindi na ito magsasalita ngunit ng akmang bababa na ako ng elevator ay bigla itong may itinanong.  “Kung may makakaalam ba na iba… anong mangyayare sa’kin?” napatingin ako sa kanya ng diretso. Ramdam ko ang takot sa kanyang boses at sa tono nito at dahil nakalabas na ako ng elevator at nasa loob pa siya mag sasara na sana ang elevato, ngunit agad ko siyang hinila kaya napasandal siya sa dibdib ko.  “Huwag kang mag alala, kung sakaling may magawa ka man na labag sa batas namin, proprotektahan kita,” mahinang bulong ko sa kanya habang magkadikit ang aming katawan at nakayakap ako sa kanya. Ramdam ko ang bahagyang pagtango niya kaya unti unti ko na siyang binitawan.  “Tara na?” nakangiting tanong ko kay Allison na mukang naalis na ang takot. “Tara!” masiglang sagot niya at nauna pang maglakad.  ‘Kailangan ba mangyakap?’  Pinigilan kong matawa ng marinig ko ang bulong niya, minsan nakakainis ang galaw niya pero madalas ay nakakaaliw. Sinundan ko na lang siya at nakita ko siyang pumasok sa isang store ng cellphones.  “Anong gusto mo dito?” tanong niya habang pinadadausdos sa ibabaw ng bubog na lalagyan ang kanyang daliri. Tiningnan ko naman ang itinuturo niyang cellphone, napangiti ako ng makita ko ang isang touchscreen na kulay ginto.  “Ito,” sabi ko sa kanya bago itinuro ang cellphone na ‘yon. Nagustohan ko ‘yon dahil kapareho ito ng cellphone niya, siguro mas madali akong matutoto kung parehas kami ng cellphone ng kasama ko.  “Sige,” sabi niya bago tumingin sa mga sales lady na abalang nakatingin sa’kin. “Miss, pwedeng pakibigyan ako ng ganito?” tanong niya. “Wait lang po, Maam, kukuha lang po ako ng stock,” sabi ng isang sales lady at umalis sa harapan namin.  “Ang galing mong pumili, alam mo bang ito ang pinaka-latest nila?ganito ‘yong ginagamit ko kasi maganda talaga pati ‘yong camera,” nakangiting pag ku-kuwento niya at inilabas pa ang kanyang cellphone.  “Ito oh, teka try natin camera nitong--” naputol ang sasabihin niya ng dumating ang sales lady na kumuha ng stock. “Maam, ito na po…” sabi niya at marahan na binuksan ang kahon na nakasealed pa. Mabilis namang inilagay ni Allison ang kanyang cellphone sa bag niya at agad na kinuha ang ibinigay ng babae. “Pa-try ha?” parang bata na sabi ni Allison na tinanguan lang ng sales lady bago ngumiti.  Napailing na lang ako ng ginamit niya nga ito, nakita ko na agad niyang binuksan ang camera ng cellphone bago tumabi sa’kin.  “Bakit?” tanong ko dahil bahagya niya akong siniko, pag tingin ko sa kanya ay nakanguso siya sa screen. Tsk, mabuti na lang may kakayahan akong makita sa ganitong klaseng bagay maging sa mga salamin. “Ngumiti ka!” pangungulit ni Allison habang nakataas pa rin ang kamay niya na may hawak ng cellphone.  “Isa!” sigaw niya na may kasamang siko kaya napapangiwing ngumiti na lang ako. Nawala ang ngiti ko at napatingin sa kanya ng maramdaman ko na dumamba siya sa’kin bago ngumiti ng matamis at clinick ang camera. “Ay, ano ba yan! Bakit hindi ka tumitingin?” naiinis na sabi niya bago habang nakatingin sa picture. “Pero, in fairness ang gwapo mo rito.”Tumatango tangong sabi niya. “Sige, Miss, kukunin ko na ‘to,” diretsong sabi niya at mabilis na inihagis ang cellphone sa’kin na agad ko namang nasalo. “How much?” huling narinig kong tanong niya sa sales lady habang ako’y abala sa pagtingin ng picture na kinuhaan niya kanina.  Sa larawan ay makikita na nakasandal siya sa’kin habang may matamis na ngiti sa labi habang ako naman ay seryosong nakatingin sa kanya.   “Huwag mong idedelete ‘yan, Aurelios, binabalaan na kita!” rinig kong sabi niya habang abala sa pakikipag usap sa cashier. Ngumiti naman ako bago may pinindot, nagulat ako ng mag loading ito kaya agad ko itong pinatay at nilagay sa bulsa ko.  ‘Nadelete ko yata, s**t!’ nasabi ko na lang sa’king isipan bago lumapit sa kanila.  “Magkano?ako na ang mag babayad,” sabi ko sa dalawa. “Huwag na may cash ako dito,” sabi ni Allison at kinuha ang kanyang bag bago binuksan ang kanyang wallet. Agad ko iyong isinara, muntik ng bumalandra ang kanyang mga ID’s. “Ako na magbabayad, ilibre mo na lang ako mamaya ng lunch,” sabi ko sa kanya at hinila siya upang makipag palit ng pwesto sa kanya.  “Yay!sige sige, saan mo ba gustong kumain?” masayang tanong niya. Hindi ako agad sumagot dahil abala ako sa pag pirma.  “Sa Jollibee,” simpleng sagot ko pagkatapos damputin ang paper bag na pinaglagyan ng cellphone.  “Taraaaa!” masayang sabi niya bago ako hinila papalabas ng store.  ‘s**t!ganito ba talaga siya ka-hyper?’ nasabi ko na lang sa sarili ko habang nag papadala sa hila niya.  ‘Well, nagugustohan ko ang ka-hyperan niyang ito,’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD