CHAPTER 13

1418 Words
Blaze Aurelios Blood “Saan ba tayo pupunta?kahapon mo pa ako hinihila kung saan saan,” simpleng tanong ko dito habang nagpapadala sa kanyang paghila sa’kin.  Kasalukoyan kasi kaming naglalakad ngayon palapit sa sasakyan ko, hila hila niya ako na tila tatakasan ko siya, tsk. “Ay, s**t!” biglang tigil nito kaya napatigil din ako. “Anong nangyare?” tanong ko agad sa kanya, nakita kong tinapik nito ang kanyang noo na tila may nagawa siyang kapalpakan. “May taping kami mamayang gabi, pero ito ako at hihilahin ka papunta sa mall ke’sa mag memorize ng script,” iiling iling na sabi niya bago humarap sa’kin. “Kaya pakiusap huwag ka ng pumalag, kailangan natin makabili ng cellphone mo ngayon din!” madiin na sabi niya.  Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya, ibinigay niya ang susi ng aking sasakyan bago naunang pumasok sa sasakyan. Napapailing na sumunod ako dito at pumasok sa driver’s seat.  Tiningnan ko muna ito habang nag aayos ng seat belt, “sino ka naman kaya ngayon?” nakangising tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pag kakabit ng seat belt bago ako nginisian pabalik. “Ako ngayon si Cassy, ang iyong Cassy-ntahan, HAHAHAHA!” sabi niya bago malakas na tumawa at ipinagpatuloy ang pagkakabit ng seat belt.  Habang naiwan naman akong nakatulala sa kanya, paano niya nagagawa ito sa’kin?ang patigilin ang mundo ko sa simpleng banat niya lang.  “Huy, ano, porket bampira hindi ka na mag se-seatbelt?” tanong niya na nakapag pabalik sa’kin sa reyalidad. “Y-yeah,” nasagot ko na lang dito bago inistart ang sasakyan. “Anong yeah, tara na at ng makabili na tayo ng cellphone mo dahil mag mememorize pa ako ng aking script,” diretsang sabi niya kaya tumango na lang ako at wala sa sariling pinaandar ang sasakyan paalis ng parking lot ng hotel.  ‘Ano bang nangyayare sa’kin?’ natanong ko na lang sa’king sarili bago pasimpleng tiningnan si Allison na ngayon ay abala sa pag babasa ng kanyang script.  Hindi ko a alng ito inabala pa at nagpatuloy na lang sa pag mamaneho.  Blade Aeroll Blood “Walang kwenta ang kanang kamay mo,” sabi ko sa makasalanang hayop na nasa harapan ko. Nakayakap siya ngayon sa tela na siguro’y suot suot ng kanyang kanang kamay bago naglaho.  “Kung hindi niyo magagawang takotin si Blaze ay ako na lang ang gagawa…” sabi ko bago tumayo sa’king kinauupuan. “…total wala ka namang kwenta, dapat ka na rin mawala,” sabi ko bago tumingin kay Madelyn at tinanguan ito. Ngumisi naman siya ng malaki sa’kin kaya tinalikuran ko na ito.  Lumabas ako ng aking opisina bago kinuha ang cellphone ko, agad kong idinial ang numero ng guard na ‘yon. “Nagpunta na ba sila diyan?” tanong ko habang mayroong mapaglarong ngisi sa’kin labi. “Hindi pa rin po, pero sigurado ako na dadating sila dito mamaya o bukas,” sagot niya sa’kin na mas lalong ikinalaki ng ngisi ko. Ibinaba ko agad ang tawag at tumingin kay Madelyn na nakangiting malaki na papalabas sa aking opisina.  “Done?” nakangising tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin ako ay magiliw itong tumango tango.  “Tara, naiinip ako, balita ko may magaganap na taping na malapit dito mamaya,” nakangising akit ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagdaan ng excitement sa kanyang mga mata. “Mukang makakapag laro ako,” masayang sabi niya bago naunang maglakad papalapit sa’kin sasakyan.  “Ako na mag dri-drive, Master,”sabi niya sa’kin na tinanguan ko lang. Pumasok siya sa driver’s seat habang ako naman ay pumasok sa passenger seat. “Masarap manuod mula sa malayo habang kumakain ng pop corn,” nakangising sabi ko sa kanya. Tumango tango naman siya at nag umpisa ng mag maneho. “Bibili muna tayo, total mamayang gabi pa naman ang taping diyan, Master,” sabi niya sa’kin na tinanguan ko lang.  Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana, nawala ang aking ngiti ng makita ko ang sasakyan ni Blaze. Kitang kita ko kung sinong sakay nito dahil sa linaw ng aking mata.  ‘Hibang na talaga,’ nasabi ko na lang sa’king sarili bago inalis ang tingin sa kanila.  “Kuya… Kuya Blaze, t-tulongan mo a-ako…” bulong ko habang inililibot ang aking tingin sa nasusunog na paligid. Unti unting sinusunog ng ibang nilalang ang aming pook… ang aming tagong pook.  “Mama… Papa… Kuya, nasaan na kayo…” umiiyak na sabi ko bago tumingin sa’king likod. Doon ay nakita ko ang mga panang lumilipad patungo sa’kin, wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang.  Hinihintay ko ang pagtama ng mga pana ngunit ang naramdaman ko ay ang mainit na yakap ng dalwang tao, mabilis akong nagbukas ng aking mga mata at doon nakita ko sila Mama at Papa na nakangiti habang nakayakap sa’kin. “U-ugh!” daing nila ng tumama sa kanila ang mga pana na dapat ay sa’kin tatama.  “MAAAAA… PAAA…” malakas na sigaw ko ng makita ang unti unting paglalaho ng kanilang katawan. Unti unting nawala ang aking pakiramdam sa kanilang yakap. “Mahal na mahal namin kayo…” nakangiting bulong ni Mama bago tuloyang mawala ang kanilang mga abo at liparin ng hangin papalayo sa’kin.  “Kuya… nasaan ka ba?” “MASTER!” agad akong nabalik sa reyalidad ng sumigaw si Madelyn. Ibinaling ko sa kanya ang aking tingin, nakita kong nakasimangot ito at halata sa muka niya ang lungkot. “Bakit?” tanong ko sa kanya.  “K-kanina pa pumapatak ang luha mo, w-wala akong magawa sa sakit na nararamdaman mo…” malungkot na sabi niya kaya wala sa sariling napahawak ako sa aking pisnge. Basa nga ito. Agad ko itong pinunas upang matuyo at lumabas ng sasakyan. Dinala ako ni Madelyn sa Mall at hindi na nakakagulat na makikita ko dito ang aking kakambal.  “Gusto mo bang lumipat a lang tayo?”  Blaze Aurelios Blood “Saan ba tayo pupunta?kahapon mo pa ako hinihila kung saan saan,” simpleng tanong ko dito habang nagpapadala sa kanyang paghila sa’kin.  Kasalukoyan kasi kaming naglalakad ngayon palapit sa sasakyan ko, hila hila niya ako na tila tatakasan ko siya, tsk. “Ay, s**t!” biglang tigil nito kaya napatigil din ako. “Anong nangyare?” tanong ko agad sa kanya, nakita kong tinapik nito ang kanyang noo na tila may nagawa siyang kapalpakan. “May taping kami mamayang gabi, pero ito ako at hihilahin ka papunta sa mall ke’sa mag memorize ng script,” iiling iling na sabi niya bago humarap sa’kin. “Kaya pakiusap huwag ka nang pumalag, kailangan natin makabili ng cellphone mo ngayon din!” madiin na sabi niya.  Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya, ibinigay niya ang susi ng aking sasakyan bago naunang pumasok sa sasakyan. Napapailing na sumunod ako dito at pumasok sa driver’s seat.  Tiningnan ko muna ito habang nag aayos ng seat belt, “sino ka naman kaya ngayon?” nakangising tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pag kakabit ng seat belt bago ako nginisian pabalik. “Ako ngayon si Cassy, ang iyong Cassy-ntahan, HAHAHAHA!” sabi niya bago malakas na tumawa at ipinagpatuloy ang pagkakabit ng seat belt.  Habang naiwan naman akong nakatulala sa kanya, paano niya nagagawa ito sa’kin?ang patigilin ang mundo ko sa simpleng banat niya lang.  “Huy, ano, porket bampira hindi ka na mag se-seatbelt?” tanong niya na nakapag pabalik sa’kin sa reyalidad. “Y-yeah,” nasagot ko na lang dito bago inistart ang sasakyan. “Anong yeah, tara na at ng makabili na tayo ng cellphone mo dahil mag mememorize pa ako ng aking script,” diretsang sabi niya kaya tumango na lang ako at wala sa sariling pinaandar ang sasakyan paalis ng parking lot ng hotel.  ‘Ano bang nangyayare sa’kin?’ natanong ko na lang sa’king sarili bago pasimpleng tiningnan si Allison na ngayon ay abala sa pag babasa ng kanyang script.  Hindi ko a alng ito inabala pa at nagpatuloy na lang sa pag mamaneho. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD