CHAPTER 12

1871 Words
Blaze Aurelios Blood "AURELIOS!"  Agad na napamulat ang aking mga mata dahil sa masamang panaginip, habol hininga akong tumingin sa aking malaking digital clock, alas- kuwatro palang ng umaga... sunod na dumako ang tingin ko sa aking malaking binatana na ngayon ay nakabukas at hinahangin ang kurtina.  Dahan dahan akong tumayo upang lumapit dito, lumabas ako ng terrace at huminga ng malalim. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot dahil muli na naman akong dinalaw ng panaginip na 'yon.  'Kailan kita mahahanap?' 'Sana'y sa oras na mahanap kita ay hindi pa huli ang lahat.' Mapait akong napangiti bago muling nag lakad papasok ng akign kwarto, tulad ng sianbi ko kay Raven ay hindi ko pa talaga alam kung babalik na ba ako sa bahay o mananatili muna dito, hindi naman ang pagpapatakbo at pag-ako ng responsibilidad ang dinayo ko sa mundo ng mga tao kundi ang paghahanap sa aking minamahal... ngunit wala akong magagawa dahil nakasulat na sa aking tadhana na marapat lang na gawin ko ang aking responsibilidad kapalit ng pagpayag ng nakatataas na muling buhayin si Alliya. DING DONG! Nabalik ako sa sarili ng marinig ko ang malakas na bell mula sa labas ng aking silid, lumapit ako sa aking laptop at mabilis itong binuksan bago nagpunta sa monitor ng CCTV sa labas. Napakunot aing aking noo ng makita na ang maagap na nang bubulabog sa'kin ay walang iba kundi si Allison.  Imbis na pagbuksan ito ay umayos lang ako ng upo at pinanuod ang gagawin nito, napailing ako ng makitang inilabas nito ang Card ng aking hotel room at unti unting isinwipe.  'Nagbell pa, may access naman pala!'  Naiiiling na sabi ko sa sarili ko bago tumayo at kinuha ang aking puting pantaas at isinuot ito. Ang aga aga ay nandito agad sa kwarto ko, I wonder kung anong kailangan ng babaeng ito.  Imbis na mamatay sa kakatanong sa sarili ay lumabas na lang ako at sinalubong ito.  "What brought you here?" seryosong tanong ko sa kan'ya. Napatigil ito sa dahan dahang paglalagay ng kanyang mga dala dala sa sofa at tumingin sa'kin. "Ang agap mo naman yata magising?huling tingin ko sa orasan ay past 3 am palang..." mahinang sabi niya sa'kin at ipinagpatuloy na ang paglagay ng kanyang dala dala sa sofa.  "Huwag mong ibahin ang usapan, bakit ang aga aga nandito ka?" seryosong tanong ko muli dito. Kakamot kamot na humarap siya sa'kin bago ngumiti ng malaki. "Naisip ko kasi na hindi ka nagluluto sa kwarto na 'to, sayang naman kung hindi magagamit ang mga gamit pang luto dito. Isa pa... gusto ko lang magpasalamat kaya hayaan mong ipagluto kita." Ramdam ko ang hiya niya habang sinasabi ang katagang 'yon, wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at hayaan na lang ito. "Sige, pero sa susunod na magpunta ka dito ng ganito kaaga..." mabilis akong lumapit sa kanya gamit ang aking pagiging bampira, itinulak ko siya at sa isang iglap ay nahulog siya sa aking malambot na kama habang nasa ibabaw niya ako. "Alam mo na ang mangyayare," seryoso habang nakatitig sa kanyang mga mata na sabi ko.  Kitang kita ko ang paglunok niya at bahagyang pagtango, napangisi na lang ako bago umalis sa ibabaw niya at naglakad papasok ng bathroom.  "Ikaw na ang bahala diyan, ayaw ko sanang paglabas ko ay nasusunog na ang paligid," simpleng sbai ko dito bago nagpatuloy sa pagpasok sa bathroom. 'Mainit, tsk!' Allison Cassandra Dawson Nanatili lang akong nakatingin sa pinto ng bathroom kung saan pumasok si Aurelios, hanggang ngayon ay nakakagulat parin ang mga kakayahan nito. Pero- 'Ang manyak niya kanina!' halos isigaw ng isipan ko bago mabilis na umalis sa malambot na kama at nag marcha palabas ng silid.  Agad akong nagtungo sa sofa kung saan ko inilagay ang mga pinamili ko kanina, actually, hindi lang talaga ako makatulog simula ng magising ako kaninang 2am, pakiramdam ko kapag hindi ako umalis ng bahay ay mapapahamak ako kahit alam kong nandodoon naman ang aking bestfriend na si Khaila.  'Pero, teka, ano bang pumasok sa isip ko at dito ako nagpunta at iniwan ko ang kaibigan ko sa bahay?' naiiling na sabi ko sa'kin sarili bago naglakad papasok sa dirty kitchen.  Namangha naman ako ng makitang napakalinis ng kanyang kusina, sabagay, halata naman na walang nagluluto at hindi siya marunong magluto. Lumapit ako sa cabinet at binuksan ito isa isa, tanging mga pinggan at baso ang laman at wala manlang kahit anong stock ng pagkain. Sunod kong nilapitan ang malaking refrigerator, halos lumuwa ang mga mata ko ng makita puro lang ice cream at alak ang laman nito, wala manlang dessert o gatas.  "Paano niya nagagawang mabuhay ng ganito?" biglang lumabas na lang sa aking labi. "Anong ibig mong sabihin?" halos mapaigtad ako ng marinig ko si Aurelios na nagsalita mula sa aking likuran. Hindi ako tumingin sa kanya pero ramdam ko ang unti unting paglapit ng kanyang katawan sa katawan ko... wala siyang pang itaas.  Napalunok ako ng maramdaman na sobrang lapit na niya sa'kin ng bigla siyang lumayo. Sa pagkakataon na 'yon ay agad na akong tumingin sa kanya ngunit tila mali yata ang nagawa ko dahil bumungad sa'kin ang katawan nitong basa basa pa, habang may tumutulo pang kaunting tubig mula sa kanyang basang buhok. Unti unting bumaba ang tingin ko sa towel na nakabalot sa kanyang -toot-.  "Nabubuhay ako sa pamamagitan nito," napaigtad ako at agad na tumingin sa kanya. Halos mapanganga ako ng makitang may iniinum itong kulay pula na nakalagay sa isang supot na mukang mamahalin dahil sa seal nito, hindi ako nakapag salita at nanatili lang nakatingin sa kanya hanggang maubos niya ang dugo na nasa supot.  Parang nag slowmotion ang paligid, unti unting may tumulong pulang likido sa gilid ng labi niya at kitang kita ko ang paglabas ng kanyang pangil at pagpula ng kanyang mga mata. Nakakatakot ngunit napakagandang tingnan.  "S-sorry..." sabi niya ng mapansin na nakatitig ako sa kanyang anyo. Bago pa man ako makapag salita ay tumalikod na ito at naglakad paalis ng kusina, siguro'y magbibihis kaya hindi na ako nag abalang sundan pa ito at nag umpisa na lang maghugas ng aking lulutuin.  'In fairness ang hot niya kanina...' sabi ng aking isipan habang patuloy lang sa paghuhugas ng aking lulutuin.  Blaze Aurelios Blood 's**t! s**t! s**t!' mura ko sa aking isipan habang nagsusuot ng damit pang itaas.  Natakot kaya siya sa'kin? Baka mamaya pag labas ko ay wala na siya.  'Ang tanga mo naman, Blaze, kailan ka ba masasanay na laging nandito ang babaen 'yon?'galit na sabi ko pa sa'kin sarili. Tsk, sarap na sarap ako sa pag inum ng dugo at hindi ko namalayang nakattig na pala siya sa'kin at dahil sa gulat ko ng makitang nakatitig siya ay hindi ko namalayan na nagbago na pala ang aking anyo, ang aking pangil ay lumabas maging ang aking mga mata ay pumula.  'Pero... ano naman kung natakot siya? mas okay 'yon dahil mawawala ang taong iistorbo sa'kin' tumatango tangong isip ko.  Matapos magbihis ay agad akong lumabas at nagtungo sa kusina. Malamang ay nakaalis na ang babaeng 'yon. Sino ba namang tao ang hindi matatakot kung makikita ako sa ganong sitwasyon?tila uhaw na uhaw ako kanina dahil sa bango ng dugo ni Allison.  "Nandiyan ka na pala, tara kain na muna tayo dahil bibili tayo ng cellphone mo, hindi kais tayo natuloy kahapon!" maktol nito habang nag hahain sa lamesa ng mga pagkain.  Halos mapanganga naman ako ng mapagtanto na nandito parin siya at tila walang nangyare kanina, hindi ko mapigilan ang pagtaas ng gilid ng aking labi, ang kamuka niya na minahal at nakilala ko noon ay kapareho ng kanyang ugali ngayon.  Sana... sana ikaw na lang siya.  "Hoy, tititig ka na lang ba diyan?lalamig ang pagkain kung hindi kakainin agad," nakasimangot na sabi niya. Naiiling na naglakad ako papalapit sa isang bangko at akmang uupo na ng bigla niya akong hilahin.  "Wala ka bang dugong gentleman?hindi mo manlang ako ipaghihila ng bangko at hayaan akong maunang maupo?" nakasimangot na sabi nito. Tila biglang bumagal ang takbo ng oras, may mga ala alang unti unting bumabalik sa'kin.  ~  "Wala ka bang dugong pagkamaginoo?ikaw bampira, dapat tinuturuan kang maging maginoo. Ngayon, ipaghila mo ako ng upuan at hayaan akong maunang maupo," nakasimangot na sabi ni Alliya.  ~ "HOY, MISTER BAMPIRA, WALA KA BANG BALAK KUMAIN!" nabalik ako sa reyalidad dahil sa ginawang pagsigaw ni Allison. Napalayo pa ako dito ng kaunti at hindi na lang nag reklamo. Ipinag hila ko ito ng bangko at sa wakas ay naupo rin siya, pagtapos nun ay naupo na ako sa katabing bangko nito.  "Ito masarap 'to, paborito namin ni mama kainin 'to noong ako'y bata pa," nakangiting sabi ni Allison habang unti unting nilalagyan ng isdang tuyo ang aking pinggan. "Ano 'yan?bakit parang ang langsa!" pag angal ko habang nakatingin sa isdang tuyo na inilagay niya sa aking pinggan.  "Anong malangsa?ano ka ba!ang tagal tagal mo ng nabubuhay sa mundong ibabaw hindi ka parin nakakatikim nito?napakalungkot naman pala ng buhay mo kung ganun!" nang aasar na sabi niya.  Tumayo si Allison at nagtimpla ng kape, habang ako naman ay nawiwierdohang nakasunod ang tingin sa kanya. Nakangiti siyang bumalik sa'kin.  "Itong kape ang masarap na kaulam niyan," nakangiting sabi niya bago unti unting sinabawan ng kape ang aking kanin na mayroong malansang isdang tuyo. "Ano ba, itigil mo nga 'yan, hindi ko kakainin 'yan, baka nilalason mo lang ako!" angal ko dito at nang akmang tatayo na ako ay agad niya akong nahila kaya mabilis din akong napaupo.  "Aya--" akmang aangal pa sana ako ng maramdaman kong may isinubo siya sa'kin na naging dahilan ng pagtigil ko sa pag sasalita. "Sige, nguyain mo at sabihin mo sa'kin na masama ang lasa," puno ng kumpyansa sa sarili na sabi niya sa'kin. Masamang tingin naman ang ipinukol ko sa kanya bago pikit matang nag umpisang nguyain ang pagkain na isinubo niya sa'kin.  Tila nag hahalo sa'kin bibig ang tamis ng kape, alat ng tuyong isda at ang sarap ng kanin. Habang tumatagal ay mas nalalasahan ko ang mga ito, nag bukas ako ng aking mga mata at nakita ko siyang nakatingin sa'kin.  "Okay ba?" nakangiting tanong niya habang nakathumbs up. Sinamaan ko siya ng tingin bago kumuha ng isang tubig ng baso, agad ko itong ininum, tsk, hindi manlang hinipang bago isinubo sa'kin.  "Huy, ano, okay ba?" pangungulet niya na hindi ko lang pinansin. Kumuha na alng ako ng isang tuyong isda at sinabawan ng marami ang kaning nasa plato ko.  'Tsss, bakit ngayon ko lang nalaman ang ganito kasarap na klase ng pagkain, makapag pabili nga bukas kay Raven ng stock nito,' isip isip ko habang tuloy tuloy lang sa pagkain.  Napansin ko naman si Allison na tila hindi na kumakain kaya tiningnan ko ito, nakatitig ito sa'kin at tila nakaawang pa ang bibig. "Ayaw mo na kumain?akin na lang 'yan!" sabi ko dito at nang akmang kukunin ko na ang pagkaing nasa pinggan niya ay agad niya itong inilayo.  "Ang takaw mo, kakain pa ako, nagulat lang ako dahil hindi ko akalaing magugustohan mo," sabi niya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy narin sa pagkain, nakita ko pa ang bahagyang pag iling niya at pag ngiti na hindi ko na lang binigyang pansin.  'Masarap siya, totoo.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD