Allison Cassandra Dawson “Mag iingat ka dito, Baby” Matapos kong sabihin yun ay sabay na kaming lumabas ni Aurelios, sa labas ng mansyon ay nakita ko ang isang magarang limousine na mukang hinihintay kami. Nakabukas na ang pinto nito at may isang lalaki na nasa tabi ng pinto. Maging yung lalaki ay nakapormal na kasuotan, samantalang ako ay basta ganito lamang habang si Aurelios ay tulad pa rin ng lagi niyang suot suot, isang puting long sleeve na itinupi hanggang siko at isang itim na pantalon, which is bagay naman sa kanya at talagang nag muka siyang sosyal tingnan doon, isama pa ang kanyang tindigan at malalamig na tingin. “Kung tititigan mo ako ng ganyan ay hindi ko mapipigilang makaramdam ng ilang,” seryosong sabi niya kaya agad akong nag iwas ng tingin. Dahil sa ginagawa kong pag

