Allison Cassandra Dawson Unti unti kong binuksan ang aking mga mata ng may maramdaman akong parang lumubog ang aking hinihigaan sa aking bandang tapat. Pero sa pag kakatanda ko naman ay nakatulog akong nakaupo sa limousine, hindi kaya ibinalik na ako ni Aurelios sa kanyang mansyon at hindi na pala kami tuloy? Mabilis akong nag bangon, at hindi inaasahang si Aurelios ang bubungad sa akin. Nakaupo siya ngayon sa tapat ko na kalevel lang ng aking tiyan, seryoso ang kanyang mga tingin na nakatingin sa akin. “H-hehehe,” naiilang na tawa ko sa kanya dahil sa aking kasalanan na natulogan ko siya. “Mabuti naman at nagising ka na, kung hindi ka nagising ay iiwanan kita dito at mauuna na ako sa inyong bahay,” nakangising sabi niya. Napasimangot naman ako dahil doon, biglang nawala ang akin

