Allison Cassandra Dawson
Napangisi ako ng makitang nairecord ng maayos ng cellphone ko ang di pangkaraniwang laban na nangyare kanina, mabilis akong umakyat sa’king silid pero bago ‘yon ay sinarhan ko muna ang mga bintana at pinto.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong lumapit sa table ko kung saan naroroon ang laptop ko, binuksan ko ito at itrinasfer ang video bago inilipat sa flashdrive, this is the only way para tulongan niya ako.
Habang hinihintay matapos magtransfer ang file ay bigla kong naalala ang sinabi niya kanina, bakit hindi ko nakalimutan ‘yon?nagugulohan ako pero okay na rin na hindi ko siya nakalimutan, siya ang nagligtas sa’kin 13 tyears ago, so that means nandoon siya sa incident… nakita niya ba ang mama ko?
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang nangayre 13 years ago, ‘yong mama ko na sinasabi nilang patay na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan, tapso ang papa ko, hindi ko manlang nakilala…
Sa tagal kong nakadukmo sa’king lamesa ay kinain ako ng antok kaya hinayaan ko ang sarili kong makatulog.
Blade Aeroll Blood
“Are you okay, Master?” tanong ni Madelyn sa’kin, tiningnan ko ito habang may nakakalokong ngiti. “Let’s play,” nakangising sabi ko dito, unti unting sumilay sa maganda nitong muka ang isang ngisi bago excited na tumango.
“Sinong pag lalaruan natin, Master?” nakangising tanong nito bago inilabas sa kanyang mini-bag ang mga larawan at inilapag ito isa isa sa glass table na nasa tapat ko.
“Hmm… siya na lang kaya?” nakangising sabi nito habang nakaturo sa isang larawan.
Tiningnan ko ito at lalong lumaki ang ngisi ko. “Nice choice,mady…” nakangising sabi ko dito bago tumayo. “Magpahinga ka na, bukas na natin paglalaruan ‘yan.”
Tumalikod na ako dito bago umakyat sa aking silid, naalis ang ngisi ko dahil naalala ko ang aking kapatid. Matapos mo akong abandonahin para sa babaeng ‘yan ay papatayin mo pa ako? Tsk.
Blaze Aurelios Blood
Unti unti kong ibinukas ang aking mga mata ng maramdaman ang mainit na pagdampi ng sikat ng araw sa’king balat, hanggang ngayon ay dito pa rin ako nananatili sa hotel room ko, tulad ng sinabi ko… hindi ako uuwi sa bahay ko hanggat hindi umaalis ang mga kapatid ko doon.
Oo, hindi ko sila tunay na kapatid ngunit malapit naman sila sa’kin, sad’yang ayaw ko lang na naroroon sila dahil sa ingay ng mga ito, bukod pa ton ay masyado itong makukulit.
“Mabuti naman at gising ka na.”
Agad akong napabalikwas ng upo at tiningnan kung saan nagmula ang boses na ‘yon, sa isang sulok ng aking silid ay nakaupo ang isang babae.
“Hi!” nakangiting bati niya s’akin.
“Paanong-” naputol ang sasabihin ko ng iangat nito ang card ng kwarto ko at iwinagayway pa sa’kin. “Paanong naalala mo pa ako?” pagpapatuloy ng tanong ko. Sumimangot ito sa’kin bago unti unting lumapit. “Akala ko itatanong mo paano ako nakapasok, anyway, hindi ko rin alam kung bakit naalala pa rin kita,” nakangiting sagot nito.
Napaiwas ako ng tingin, napakamoody naman ng babaeng ‘to.
“Umalis ka na dito, kung ayaw mong mamatay…” seryosong sabi ko dito. Hindi ko ito narinig na sumagot pero ramdma ko nag paglubog ng kanang bahagi ng aking kama, malamang ay naupo siya doon.
“Gusto ko lang naman makipag negosyo…” makahulogang sabi nito. “Tutulongan mo ako, kapalit ng pananahimik ko,” sabi nito. Nagugulohang tiningnan ko siya, ngumiti ito ng matamis bago iwinagayway sa harap ko ang cellphone.
Akmang kukunin ko ang cellphone nito ng bigla niya itong ilayo sa’kin, tumayo ito at mabilis na tumakbo sa balcony ng k’warto ko. Khait wlaang saplot pang itaas ay agad ko itong sinundan, kinorner ko ito ng aking dalawang braso.
Third Person
Ramdam ni Cassandra ang matinding kaba ng makita niyang wala na na siyang pupuntahan, mas’yadong mabilis ang lalaki dahil agad siyang nacorner nito.
“Give me that phone or else… I’ll kill you.” Malamig na sabi ni Aurelios dito, matapng na nilabanan ni Cassandra ang mga titig nito.
Bumwelo ito upang makaupo sa railings ng balcony ng kwarto ni Aurelios ngunit hindi niya inaasahang mawawalan siya ng balanse.
Parang nag slow motion ang lahat, unti unting nahulog si Cassandra habang ang muka ay walang emosyon, hindi niya inaasahan na sasagipin siya ni Blaze kaya ipinikit nalang niya ang kan’yang mga mata.
Blaze Aurelios Blood
Napailing nalang ako bago tumalikod at naglakad papasok sa loob ng kwarto ko pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay napamura na ako.
“Ang kulit!” inis na sabi ko bago tumalon kung saan nahulog si Cassandra, sa taas ng hotel na ‘to ay hindi malabong mamatay siya oras na siya’y bumagsak sa baba.
Habang nasa ere ay niyakap ko ito at kinontrol ang pagkahulog namin, napangisi ako at napailing ng makitang madiin itong nakapikit. Inalis ko ang pag kontrol sa pagbagsak namin nang makitang babagsak kami sa pool ng hotel. Niyakap ko ito ng malapit na kami sa tubig uapng hindi nito matanggap ang malakas na pag lapat ng tubig sa balat namin.
Third Person
SPLASH
Lahat ng taong nasa pool area ay napatingin sa malakas na bumagsak mula sa itaas, habang si Cassandra at Aurelios naman ay anantiling nasa ilalim ng tubig.
Nag alala si Aurelios ng hindi ito mag bukas ng mga mata kaya agad niyang dinala si Cassandra sa itaas, umahon ito hindi alintana ang tingin ng mga tao. Nakalimutan ni Aurelios na ang buhat buhat niyang babae ay hindi basta babae lang dahil isa itong sikat na actress at nang mapansin ni Aurelios na lalapit na sa kanila ang mga tao dala dala ang mga sarili nitong gadgets at camera napilitan itong gamitin ang kanyang kapangyarihan upang patigilin ang oras.
“Tangina, nahulog na at lahat pero ang higpit pa rin ng hawak sa cellphone.” Napapailing na sabi ni Aurelios ng makitang mahigpit pa rin ang kapit ni Cassandra sa cellphone nito, habang naglalakad papasok ng hotel ay unti unting nag mulat si Cassandra.
“You just gained my trust, Aurelios, can I trust you?” mahinang tanong ni Cassandra dito na ikinatigil niya sa pag lalakad. Nakipag titigan si Aurelios kay Cassandra at walng salitang lumabas sa bibig nito, nagpatuloy lang ito sa pag lalakad habang buhat buhat ang dalaga.
Pagkapasok na pagkapasok sa hotel room ay nag snap ng fingers si Aurelios at doon muling bumalik ang pagtakbo ng oras, ang mga tao sa hotel ay takang taka kung saan nag mula ang tubig na tila naglakad papasok, ganun pa man ay nilinis na lang nila ito.
Allison Cassandra Dawson
“Inumin mo ‘yan, pagkatapos ay umalis ka na dahil wala na ang alas mo,” seryosong sabi ni Aurelios sa’kin na ikinangisi ko, unti unti kong kinuha ang isang flashdrive na nasa bag ko na hindi nadala sa pagkahulog ko kanina.
“Nasa akin pa rin ang original copy,” nakangising sabi ko dito. Nagulat ako ng sa isang iglap ay nasa harap ko na ito, tinakpan nito ang aking dalawang mata at nagsalita. “Huwag mong subukang manakot kung wala ka namang kapangyarihan para manalo.” Seryosong sabi nito bago inalis ang pagkakatakip sa mga mata ko, nanghina ako ng imulat ko ang aking mga mata… wala akong makita.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot, nakamulat ako pero ang dilim ng mundo ko… wala akong makita, hindi ko siya makita.
Ngumiti ako ng malungkot bago nagsalita kahit hindi ako sigurado kung nasa harapan ko pa ba siya.
“Hindi kita tinatakot, you can have this flash drive, I don’t care… I’m just taking my chances, akala ko kasi you’re willing to held me your shoulders. I want to cry because I miss my mother, I want to hug and kiss her, sobrang nangungulila ako sa mama ko kaya kahit anong paraan handa akong gawin mahanap ko lang siya… dahil ramdam kong buhay siya… ramdam ko.” Malungkot na sabi ko, wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag kukuwento.
“Noong isang gabi, tingin ko pinagpala ako dahil sa kwarto mo ako hindi sinasadyang madala, dahil doon hanggang ngayon buo pa rin ako, I’m thankful that you didn’t take advantages while I was drugged.” Huminga ako ng malalim at kinapa ang sandalan ng upuan bago tumayo.
“I though you can help me, not only in my career but also in finding my mother…” ngumiti ako ng malungkot at tumongo.
Hindi pa man ako nakakatunghay ay naramdaman ko na ang malamig na kamay ang dumampi sa’king baba, unti unti niyang itiningala ang aking muka at naradaman ko ang marahang mahihip niya sa’king mga mata. Dahil doon ay napapikit ako at ng unti unti kong imulat ang aking mga mata ay muli na akong nakakakita.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, para itong hinaplos ng mainit na palad na nagparamdam sa’kin na hindi ako nag iisa.
‘Hindi nga ako nagkakamali ng nilapitan… at pinagkatiwalaan.’
Blaze Aurelios Blood
“Talaga pumayag ka?” hindi makapaniwalang tanong sa’kin Raven, the self claimed kanang kamay ko daw.
“Yes, paulit ulit, kanina mo pa itinatanong ‘yan…” naiiritang sagot ko dito bago isinubo ang isang kutsarang ice cream. Napapikit ako at ninamnam ang sarap nito na nanunuot sa dila ko.
“Hindi ko lang akalain na papayag kang tulongan ang isang tao at kamuka pa ni Lady Alliya.” Sinamaan ko ito ng tingin ng banggitin nito ang pangalan ng aking mahal, ang ayaw ko sa lahat ay nababanggit ng iba ang pangalan nito dahil naalala ko siya at bumabalik ang sakit ng nakaraan.
Kaya nga ganun nalang ang kagustohan kong lumayo s’akin at makalimutan ako ni Cassandra, nakikita ko sa kanya ang mahal ko at kung lagi ko siyang maalala… para na rin akong araw araw nasa impyerno. Mas okay sana kung siya ang reincarnated version ni Alliya, pero hindi dahil hindi ko nararamdaman sa kaniya ang aking marlka… wala din akong nakitang marka sa batok nito noong gabing naligaw ito sa silid ko. Kaya siguardo akong hindi siya si Alliya.
“Paano ‘yan, kung palagi mong makikita si Cassandra, ibig sabihin palagi mo rin makikita ang muka ni Alliya na ngayon ay pag aari ni Cassandra?” sabi nito. “Ang gulo Matser, pero sabihin mo lang sa’kin pag nagugulohan ka ha?kasi nagugulohan din ako, hehehe.” Sinamaan ko ito ng tingin at tumayo na dahil tapos na akong kainin ang ice cream ko.
Tumayo na rin naman ito. “Akala ko may maganda kang sasabihin, tsk,” asar na sabi ko dito bago naglakad papuntang counter upang magbayad.
Inabot ko lang ang aking card at hinayaan itong bawasin ang bayad sa ice cream.
“Wait, Sir, hindi po ba’t ikaw ang kasamang lalaki ni Ms. Cassandra?” tanong ng babae.
Seryoso ko itong tiningnan at ng akmang mag sasalita na ako ay sumangat si Raven.
“Nako, Miss, baka nagkakamali ka lang dahil kapag talagang guwapo ay maraming nakakamuka,” nakangiting sabi ni Raven bago kinindatan ang babae.
Namula naman ang babae at nahihiyang ibinalik ang card sa’kin.
“Sige, Sir, thank you for cumming.” Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi nito, akmang lilingonin ko na ito para parusahan ng akbayan ako ni Raven.
“Tara na, Master, masyado ka ng hot,” natatawang sabi nito at hinila na ako palabas ng ice cream parlor.
“Bunganga ‘nun, mas’yadong bastos,” inis na sabi ko. “Hahaha, hayaan mo na Master, ang mahalaga nakakakin ka na ng paborito mong ice cream, tara umuwi na tayo, may sale ngayon sa supermarket at mamimili ako doon.”Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. “Huwag mong sabihin gagamitin mo na naman ang card ko?” galit na sabi ko dito.
Tumakbo ito papalayo sa’kin at iwinagayway ang card ko.
“See ‘ya later!” malakas na sabi nito at sumakay na sa kanyang sasakyan.
“Aba’t!” galit na sabi ko at wala na akong nagawa ng makalayo na ito.
Napailing iling nalang ako bago napangiti, my snatcher friend that always claimed himself as my companion. What a pain in a ass!