Blaze Aurelios Blood
I was busy eating ice cream when my brother, Blade, appeared.
“Narinig kong nakakita ka na naman daw ng kamuka niya?” nakangising sabi nito sa’kin, hindi ko ito sinagot at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
“Anong gagawin mo, Blaze?tulad pa rin ba ng dati na proprotektahan mo kahit hindi naman siya ang hinihintay mo?” nakangising tanong nito, itinigil ko ang pagkain ng ice cream bago umayos ng upo at seryoso siyang tiningnan.
“No, I’m not that pathetic, Blade,” malamig na sagot ko dito.
Kita kong kumuyom ang kamao nito at nawala ang mapaglarong ngisi sa mga labi nito, ako naman ngayon ang ngumisi bago nagsalita.
“Papatayin ko ang babaeng mahal mo at papanuorin ko kung paano maging miserable muli ang buhay mo, Blaze,” masamang tingin na sabi nito sa’kin.
“You’re pathetic, Blade, hanggang ngayon ay nagagalit ka pa rin sa’kin even if I’m not the reason why our mother and father died… it’s you Blade, you’re the reason,” malamig na sabi ko dito.
Tiningnan niya lalo ako ng masama bago biglang nawala sa harapan ko, napakuyom nalang ako ng kamao bago muling ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Siya ang dahilan bakit nawalan kami ng magulang, but I’m not mad at him. Nagulat nalang nga ako na siya pa ang galit sa’kin, hindi ako makapaniwala.
For all the sacrifices I did, siya pa ang nagalit sa’kin.
Tumingin ako sa labas ng ice cream parlor, it’s already 9 in the evening at ice cream ang pumasok sa isip ko after umalis ni Cassandra sa room ko kanina. I need to freshen up, lalo na’t kagabi pa ako ginagambala ng maganda niyang muka.
Napatingin ako sa malaking buwan na ngayon ay bilog na bilog… kaya pala nakakaramdam ako ng lakas, dahil bilog ang buwan ngayon.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Blade at ng mag sink in ito sa utak ko ay napatayo ako agad.
Shit!si Cassandra, nasa kapahamakan!
Mabilis akong tumakbo, hindi normal na takbo upang makarating ako agad sa bahay nito. Sana lang ay hindi siya saktan ni Blaze, but knowing Blade?malamang ay papatayin niya ito upang makita akong maging miserable.
Shit, hindi siya p’wedeng madamay dahil wala siyang alam dito.
‘Huwag kang magkakamaling mandamay ng inosente, Blade.’
Allison Cassandra Dawson
“Anong nangyare, bakit naroroon ka?” tanong sa’kin ni Khaila matapos naming makauwi galing sa Hotel.
Huminga ako ng malalim at humigop muna sa hawak kong matapang na kape, hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko.
“Doon ako dinala ng taohan ni Tricia kagabi, mukang nagkamali ito ng silid dahli sa pag kakaalam ko ay pinlano niya ito sa silid ni Director Dave,” mahinang paliwanag ko dito. Kita kong kumunot ang noo nito bago naglakad papalapit sa’kin at naupo sa tabi ko.
“Kung ganun, kung hindi nagkamali ang taohan ni Tricia ay malamang nadivirginized ka na ni Director Dave dahil kilala at alam naman natin ang pagkatao ‘nun!” galit na sabi nito.
Napayakap naman ako sa sarili ko, ngayon lang ako nagpasalamat na may tatanga tangang tao na katulad niya. Kung walang katulad niya, baka sirang sira na ako ngayon at hindi alam ang gagawin.
“Pero sisgurado ka bang hindi ka ginalaw ni Mr. Stranger?” nagdududang tanong nito sa’kin, inilingan ko ito at tumingin sa aking portrait. “Tingin ko naman ay hindi dahil wala naman akong naramdamang masakit s’akin pagkagising ko kanina, maliban sa ulo ko na sobrang sakit siguro’y dahil sa drugs na inilagay ni Tricia sa inumin ko.” Sagot ko dito bago muling humigop ng kape.
“So bakit bumalik ka pa doon?” mataray na tanong niya. “Kailangan kasi kakausapin ko siya tungkol sa gagawin namin ni Manager Cha, kailangan kong malinis ang issue ko, hindi pa nga tapos ang issue kay Nathan tapos ngayon ay maiissue pa ako kay Dave?”
Nakita kong sumeryoso ito bago tumikhim. “Base sa pagiging seryoso at malungkot mo ngayon ay tinanggihan ka niya ‘diba?” siguradong tanong nito na ikinasimangot ko. “Bakit masaya ka pang tinanggihan ako?” nakasimangot na tanong ko dito.
Tumawa ito ng malakas at tinapik tapik ang likod ko. “Hayaan mo, tutulongan kita, pero bukas na ha?kailangan ko ng umuwi at may pictorial kami bukas,” nakangiting paalam nito.
“Matulog ka na at magpahinga, wala dito si Manager Cha kaya wag kang basta basta lalabas ng bahay, okay?” bilin nito na tiinanguan ko lang habang nakanguso, sigurado ba itong iiwan niya ako sa ganitong kalagayan?
Wala na akong nagawa ng umalis na nga ito, para itong nag mamadali na ewan, sabagay hindi siya p’wedeng mapuyat dahil may photo shot sila bukas.
“Hayst, hindi ko akalaing magkikita pa kami…” mahinang sabi ko sasarili ko at tiningnan ang aking malaking portrait.
Ang lalaking nagligtas sa’kin 13 taon na ang nakakalipas at ang lalaking nagligtas sa’kin ngayon ay iisa, nakakapagtaka naman na hindi manlang ito tumanda.
‘Hindi tumanda?’
Napabalikwas ako ng upo at patakbong nagtungo sa silid ko sa taas, pagkabukas na pagkabukas ko dito ay lumapit ako sa part ng aking silid kung saan nakalagay ang aking mini-library na madalang ko lang gamitin dahil mas madalas ay sa main library ng bahay ako nagtutungo.
Mabilis kong pinadausdos ang kamay ko sa mga libro at ng makita ang aking pakay ay agad ko itong kinuha. This book is all about Urban Legends, binuklat ko ang page ng libro kung saan nakalagay ang topic about sa creatures na nasa isip ko.
Kung hindi sa retoke dinaan ang kabataan nito, malamang isa siya sa kanila.
Tgaumpay na nabuksan ko ang libro at mabilis itong tiningnan, napakunot ang noo bago ito binasa.
‘Vampires are evil mythological beings who roam the world at night searching for people whose blood they feed upon. They typically drain their victim’s blood using their sharp fangs, killing them and turning them into vampires.’
Nabitawan ko ang libro at agad na hinawakan ang batok na na biglang nag init, may kakaiba doon. Mabilis kong kinuha ang aking mini mirror at tiningnan kung anong meron sa bandang batok ko, wala naman akong nakitang kakaiba kundi mapula pula lang na parang namamantal.
Napalugmok ako sa malambot na carpet ng aking kwarto, napatingala ako sa bitana at nakitang bilog ang buwan. Ang gandang tanawin sana nito kung hindi ako namomroblema ngayon, hayst.
Tumayo na ako at lumabas ng aking silid, kailangan kong kumain dahil kanina pa ako nagugutom, kahit na walang gana ay kailangan kumain ako. Hindi ko p’wedeng pabayaan ang sarili ko lalo na ngayong wala namang mag aalala sa’kin kundi ako lang.
Napatigil ako sa paglalakad pababa ng hagdan ng makita ko si Khaila na naglalakad papasok, akala ko ba umalis na ‘to?
“May naiwan ka ba, Khai?” nakangiting tanong ko dito.
Patakbong lumapit ito sa’kin, ngumiti ito ng malaki bago nagsalita. “Dito na ako magpapalipas ng gabi, tara kumain muna tayo!” masayang sabi nito bago ako hinila papasok sa kusina.
Nagulat ako sa lamig ng kamay nito pero hindi ko ‘yon pinahalata, pinaupo ako nito sa isang upuan bago naglagay ng tig isa naming plato at pati narin kutsara, inilabas nito ang pagkaing drinive thru namin kanina bago naupo at nakangiting humarap s’akin.
“Kumain na tayo,” nakangiting sabi nito… weird.
“Anong nakain mo?” nagtatakang tanong ko dito, tumigil naman ito sa pagsasndok at tumingin sa’kin. “Bago pa nga lang tayong kakain, sis, sige na kumain ka na,” sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.
Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko, alam kong imposible pero mabuti na ang sigurado.
“Sino ka?”matapang na tanong ko dito, tiningnan ako nito na parang naweweirdohan sa’kin. “Ako ‘to sis, ano ba naman ‘yan nagutom ka lang nakalimutan mo na agad ako?” nakangiting sabi nito at nagpatuloy na sa pagkain.
Sigurado na ako, mabilis akong tumayo at nagpunta sa likod niya bago mabilis na itinutok ang tinidor sa kanyang leeg.
“Sino ka?” matigas kong tanong, naramdaman ko naman na natigilan ito at hindi nagsalita, tiningnan ko ito at mabilis na napabitaw sa kanya, isang manika na ang kaharap ko ngayon.
Mahigpit kong hinawakan ang tinidor na hawak ko at umatras, ngunit sa pag atras ko ay bumangga ako sa matigas.
“Ako ang papatay sa’yo…” mabilis akong humarap dito at umatras.
Ngayon ay hindi na si Khaila ang kaharap ko, ibang tao na… isang lalaki na mayroong matatalas na titig at mayroong mapaglarong ngiti sa labi.
“Mas’yado kang matalino, babae…” nakangising sabi nito bago ibinato sa’kin ang tinidor na hawak niya. Sa sobrang bilis ng pagkakabato nito ay alam kong tatama ito s’akin, ngunit nagulat ako ng tumigil ang tinidor kung saan malapit na ito sa mga mata ko, may nakahawak na kamay sa tinidor kaya unti unti kong tiningnan kung sino ‘yon.
“Aurelios…” halos pabulong na sabi ko, tumingin ito sa’kin at kumindat bago mabilis na nawala sa harap ko.
BOOGSH
Tunog ng pagtama sa dingding ng lalaking nagbato sa’kin ng tinidor, agad itong nakabawi kay Aurelios at sinugod ito. Nagpalitan ng suntok ang dalawa, hindi pangkaranbiwang laban ang nakikita ko ngayon.
Agad na napadako ang tingin ko sa’king cellphone.
“Kapag ganitong gabi na, hindi ka na dapat nagpapagala gala pa kapatid…” napatingin ako ng marinig kong magsalita si Aurelios, nakasalampak ngayon sa malamig na sahig ang lalaking nagbato sa’kin ng tinidor at naglalakad naman papalapit sa kaniya si Aurelios.
‘Kung ganun magkapatid sila?’
Natigil ako sa pag iisip at itinuloy na ang pagkuha ng aking cellphone ng makita kong nagpanlapat muli ang dalawa, huminga ako ng malalim, it’s now or never.
Blaze Aurelios Blood
“Kapag ganitong gabi na, hindi ka na dapat nagpapagala gala pa kapatid…” seryosong sabi ko kay Blade. Hindi ito sumagot sa’kin at sinugod lang ako na agad kong naiwasan.
“Nasa’an ang kaibigan niya?” matigas na tanong ko kay Blade ng ito’y mahawakan ko, pinunas nito ang dugong nagmula sa gilid ng kanyang labi bago nilabanan ng tingin nag mga titig ko.
“Bakit ba nakikialam ka?” nakangising tanong nito. “Natatakot ka bang makitang umiiyak ang kamuka ng taong minahal mo noon?hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalik siya, hahaaha!” malakas na sabi nito.
Dala ng matinding asar ko dito ay ihinagis ko ito palabas ng bahay bago mabilis na tumakbo patungo doon, inis na napapadyak ako ng makitang may lakas pa ito kaya ito’y nakatakas.
“S-sino ka ba talaga?” agad akong napatingin kay Cassandra, namumutla ito ngunit ang mga mata niya ay puno ng tapang.
“Pumasok ka na sa loob ng bahay at sarhan lahat ng binata at pinto, kababae mong tao dito ka pa nagpatayo ng bahay sa gitna ng gubat, tsk!” diretsong sabi ko dito bago ito tinalikoran upang umalis na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil naiinis ako sa kanya, paano na lang kung hindi ako dumating at napatay siya ng kapatid ko?
“Naalala na kita, naalala ko na ang nangyare 13 years ago…” naaptigil ako sa akmang pag alis ko ng sabihin niya ito.
‘Nakita niya ang nangyare kanina, should I erase her memories again?’
Humarap ako sa kanya at mabilis na nakalapit, hinawakan ko ng marahan ang baba nito at itiningala sa’kin bago tinitigan ko ang kanyang mga mata.
“Makakalimutan mo ang araw na ‘to, ang nangyare 13 years ago at ako mismo.” Diretsong sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
“Ngayon… pumasok ka na sa loob at sarhan lahat ng binata at pinto,” sabi ko pa rito bago binitawanan ang baba nito. Tulala itong pumasok sa loob ng kanyang mansyon habang ako’y nanatiling nakatingin dito hanggang sa ito’y mawala sa’king paningin.
Napahinga nalang ako ng malalim bago tinalikuran ang mansyon at naglakad na papalayo sa bahay nito. Kailangan ko ng pahinga, tsk, nakatakas pa nga ang gago kong kapatid.
‘Blade Aeroll Blood, magkakaharap din tayong muli.’