CHAPTER 4

2057 Words
Allison Cassandra Dawson Nakaramdam ako ng gutom dahil mula ng umalis ako sa hotel room ni Aurelios ay ‘yon na rin ang huling kain ko ngayon araw, in short, hindi pa ako nanananghalian at nag hahaponan kaya napili kong kumain muna sa hotel restaurant.  Total wala namang makakakilala sa’kin, kailangan ko lang gawin ay ang umaktog normal at maupo sa isang table at hintayin na may lumapit sa’king waiter. Hindi pa man dumadating ang waiter ay may tumawag ng matanda sa’kin.  Naglakad ako papalapit dito dahil mukang may ipapakisuyo ito, napansin kong nahihirapan itong itaas ang lalagyan na may lamang tubig.  “Iha, p’wede mo bang ipagsalin ako ng tubig?” pakisuyo sa’kin ng matanda. Ngumiti ako dito at kinuha ang lalagyan na may tubig at akmang iikot na sa tabi nito upang salinan ng tubig ang kanyang baso pero- “HOW DARE YOU?” sigaw sa’kin ng babaeng bumangga sa’kin, iiwasan ko sana ito ngunit ito naman ang bumangga sa’kin kaya natapon sa kan’yang dress ang laman na tubig ng hawak hawak kong lalagyan. “S-sorry miss…” paghingi ko ng paumanhin kahit na labag sa loob ko. Nanlalaki ang mga mata ng babae at nandidiring tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Sorry?do you know how much my dress is?kulang pang pambayad ang buhay mo sa presyo nito!” iritang sigaw ng babae sa’kin. Tiningnan ko ang dress nito at napansin kong hindi naman ito original, pinigilan kong mapairap at pinilit na maging kalmado bago magsalita. “Look, I’m sorry okay?nag sorry na nga ‘yon tao and p’wede ba?that dress doesn’t look liked original, it’s does look like class A copy, isa pa, tubig lang ang natapon sa’yo and nothing more,” diretsong sabi ko habang pinipilit na pakalmahin ang boses ko. Ayaw kong mag eskandalo dito, lalo na ngayong masakit na ang tiyan ko sa gutom. Tsk. “YOU b***h!” dahil sa gulat ay hindi ko nagawang makailag. Hinawakan nito ang wig at akmang sasabunotan ako pero nadala ang wig na suot suot ko, kasabay ng pagkaalis ng wig ko ay ang paglugay ng mahaba at kulay gray kong buhok.  Natigilan ako, s**t!kahit naman ganitong makapal ang make up ko ay makikilala agad ako oras na lumantad ang tunay kong buhok. Napayuko ako at pilit na itinabon ang buhok ko sa muka ko upang matakpan ito. Kabang kaba na ako, rinig na rinig ko din ang maraming takbohan ng mga sapatos at ang bulongan ng mga tao. Halos magdasal na ako sa lahat ng santo na sana ay may anghel na dumating at iligtas ako sa pagkaipit sa mga reporters. “Si Ms. Cassandra!” rinig kong sigaw ng isang reporter. Mas lalo kong iniharang sa’king muka ang aking buhok.  Unti unti na akong nawalan ng pag asa, mukang mali yatang nagutom ako, pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyare. Naramdaman ko ang mabigat at matigas na bisig ang umakbay sa’kin at isinubsob ako sa kan’yang dibdib. “Marami ka ng utang…” mahinang bulong nito.  Namalayan ko nalang na hinaharangan na nito ang mga camerang nakatutok sa’min.  “Ms. Cassandra, may kaunti lang kaming katanu--” “Ms. Cassandra--” “I’m sorry to interrupt you but, my girlfriend is already tired, just wait for the announcement of press conference.” Rinig kong seryosong sabi ni Aurelios, unti unti kong sinilip ang mga babaeng reporters na halos mapanganga habang nakatingin kay Aurelios.  “Let’s go,” bulong nito at naglakad na habang nakaakbay sa’kin o sabihin ng nakayakap sa’kin. Mukang natulala ang mga reporters ng mag salita ito kaya hindi nila napansin na nakaalis na kami, miski ako ay hindi ko magawang makalakad ng maayos dahil ngayon alng ang sink in sa utak ko ang sinabi nito.  Nang kami’y makalayo na sa hotel resto.agad na akong humiwalay sa kanya, agad kong napansin na nasa harap na kami ngayon ng kan’yang Hotel Room.  Paano nangyare ‘yon? “Pumasok ka na, bago pa makasunod sa room ko ang mga ‘yon,” wala akong nagawa kundi ang tumango pero napatingin ako sa pinto. “Niloloko mo ba ako?paano ako papasok diyan kung sarado?” mataray na tanong ko dito, ngumisi ito sa’kin. “Easy, edi bukas mo gamit ang card ko na kinuha mo.” Nanlaki naman ang mga mata ko, paano niya nalaman ‘yon?siguro’y mayroong CCTV sa silid nito. “Bilisan mo, nararamdaman kong hinahanap ka na nila,” pagkasabi niya ‘nun ay bumalik ako sa reyalidad. Dali dali kong kinuha ang card nito at isinwipe, agad na nagbukas ang pinto at pumasok ako doon, naramdaman ko naman na sumunod ito sa’kin at siniguradong nakasara ang pinto. “Bakit ka pa bumalik sa hotel, alam mo namang mainit ang media sa’yo Ms. Cassandra?” mahinahong tanong nito habang nakatingin sa’kin ng seryoso.  Napalunok ako at napaiwas ng tingin, nakakalunod ang mga titig nito at tila malulusaw ako sa kinatatayuan ko ngayon din. Huminga ako ng malalim bago sinalubong ang tingin niyang nakakalunod.  “Be my boyfriend.” I’m not asking, I’m commanding him.  Ngumisi ito sa’kin bago tumayo, naglakad ito papalapit sa’kin, parang biglang bumagal ang takbo ng oras at bumagal ang pag lapit nito sa’kin. “What if… ayaw ko?” nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses nito mula sa’king likuran. Halos bulong na’yon sa aking tenga na nagdulot ng kiliti ngunit hindi ko iyon pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa sagot nito.  Hindi p’wedeng hindi siya papayag! “Get.Out.Of.Here.” Sobrang lamig at may diing sabi nito na nagdulot ng matinding kaba sa’kin, hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya.  Nginisian ko ito bago mabilis na hinarap, nginitian ko ito ng matamis bago hinawakan ang kanyang kwelyo at hinila papalapit sa’kin.  “Come with me, Aurelios, and let’s play the game together,” I’m now using my acting skills, if he want to play with me, then I’ll give him a best game kahit na nakakaramdam ako ng pangangatog ng tuhod tuwing mag tatama ang aming paningin.  Noong unang kita ko palang sa muka nito ay parang pamilyar na talaga sa’kin, hindi ko lang makumpirma dahil parang may nawawala sa aking alaala.  “Playing game with me is like committing a sin, Ms. Cassandra, but playing brave even you’re?” tumigil ito sa pag sasalita bago ngumisi sa’kin. “You, humans are pathetic.”  After niyang sabihin ‘yon ay umalis siya sa harap ko, pumasok ito sa kanyang silid at naiwan akong tulala sa labas nito. Nanghihinang napaupo ako sa single coach, paano ako nito lalabas sa hotel? Biglang pumasok sa isip ko ang aking kaibigan, tama, matutulongan ako nito. Dali dali kong kinuha ang aking cellphone at akmang ididial na ang numeor ni Khaila ng may pumasok na message sa’kin, from unknown ito kaya dali dali ko itong binuksan. ‘Want to see your mother? I know you want that’s why I message you. Go to this place @Densan  and you’ll see another clue.’ Napahigpit nag hawak ko sa’king cellphone, nitong nakaraan lang ay nakatanggap din ako ng text na ganito. Kahapon yata ‘yon, hindi ako sigurado pero ang nilalaman ng unang text na natanggap ko ay sinasabing magpunta ako sa Black Night party dahil naroroon daw ang isang clue na makakapag turo kung nasaan ang Mama ko. Alam kong baka niloloko lang ako ng texter pero hindi ko mapigilang gawin ang mga sinasabib nito, nakakatakot pero alam kong buhay si Mama at mahahanap ko siya.  Tinawagan ko na ang aking kaibigan matapos mabasa ang text, mabuti nalang at mabilis itong sumagot. “Hello, Cassy? nasaan ka, bakit wala ka dito sa mansyon?” bungad nito sa’kin.  “Wala ba diyan si Manager Cha?” nagtatakang tanong ko dito.  “Duh, wlaa ngang katao tao dito kaya tinatanong kita kung nasaan ka?” maarteng sagot nito sa’kin, napailing nalang ako at huminga ng malalim. “Ano kasi, khai, p’wede mo ba akong sunduin dito sa hotel, room 666?” nag aalangan na sabi ko dito.  Ihinanda ko na ang tenga ko sa pag sigaw nito.  “ANO? ANO BA NAMAN ‘YAN ALLISON CASSANDRA, ALAM MO NAMANG INAABANGAN KA NG MEDIA DIYAN PERO NAGAWA MO PARING BUMALIK?” halos itapon ko ang cellphone ko palayo sa’kin dahil sa lakas ng boses ni Khaila.  “Sunduin mo nalang ako, Khai, room666 ha?dalahan mo ako ng masusuot pang disguise, bye!” dire-drietsong sabi ko at agad na pinatay ang tawag upang hindi na ito makaangal pa.  “Hayst!” buntong hininga ko bago isinandal ang aking likod sa malambot na sofa.  Sa pagtingala ko ay nakita ko ang malaking portrait ng lalaki na nakasabit sa gilid, napaayos ako ng upo at tumayo. Lumapit ako dito at tiningnan ito ng mabuti. Isang lalaking nakatuxedong dark red na mayroong bagsak na itim na itim na buhok, ang mga mata nito ay itim na itim din at nakakalunod, walang emosyon ang muka at kakaiba ang tindigan.  “Sino ka?” “Hindi na mahalaga ‘yon, ang gusto ko lang malaman ay kung ikaw ba siya,”  “Huwag kang lumapit sa’kin! “Hindi ikaw, siya, makinig ka…” “Hindi nangyare ang araw na ito, inanod ka sa tabi ng pangpang at walang nag ligtas saiyo, hindi mo ako nakita.” “ARRGGHHH!” sigaw ko ng may mag flashbacks na alaala sa’king isipan, napaupo na ako sa carpet habang hawak hawak ang aking ulo, napakasakit nito, tila may pilit itong inaalalang alaala.  Agad akong tumingala at tumingin sa malaking portrait ng lalaki, napalunok ako ng mapag tanto ko na kung sino siya.  Kung anong nangayre labingtatlong taon na ang nakakalipas.  Blaze Aurelios Blood Nakatingin lang ako sa monitor ng CCTV na nakakabit kung saan naroroon si Cassandra.  Biglang pumasokn sa isip ko ang pangalan nito… Cassandra, mabuti nalang at hindi Alliya ang naging pangalan nito, dahil susumpain ko na ang tadhana kung ang kamuka ng aking mahal ay magiging kapangalan niya rin.  Napatayo ako ng makitang bigla nalang itong natumba, nakahawak ito sa ulo niya at tila nasasaktan ito. Akmang lalabas na ako ng mapansin kong kumalma na ito kaunti ngunit ang tingin nito ay tila nakalock sa isang larawan.  Mabilis kong inilipat ng angle ang tinitingnan ko sa monitor at doon ko nakitang sa portrait ko ito nakatingin, ang titig nito ay hindi niya inaalis doon. Tila may inaalala ito, malabo namang siya ang babaeng hinahanap ko, malamang ay inaalala nito ang nangyare sa isla 13 years ago na ang nakakalipas. Akala yata nito ay babalik pa ang alaalang ‘yon matapos kong burahin.  Muli akong bumalik sa’king pagkakaupo sa harap ng monitor, maya maya pa ay narinig kong may nag doorbell, nakita kong tumayo si Cassandra at sinilip muna kung sino ang pangahas na taong papasok sa teritoryo ko.  Napaayos ako ng upo ng pumasok doon ang isang babae, base sa tindigan nito ay mahinhin ito ngunit hindi ako sigurado. Pinagpatuloy ko ang pag tingin sa ginagawa ng dalawa, may ibinigay na paper bag ang babaeng bagong dating at ang sumunod na nangyare nag hindi ko inaasahan.  Naghubad ng pang itaas na damit si Cassandra kaya kusa akong napapikit at napatalikod sa monitor, hindi talaga nag iingat ang babaeng ‘yon! Paano na lang kung mayroon pang ibang nakatingin, maliban sa’kin? Pero hindi ko naman tiningan ‘diba? Hindi ko nakita… Pinakiramdaman ko ang dalawa at ng mapansing tapos na si Cassandra ay agad akong humarap sa monitor, saktong harap ko sa monitor ay papalabas na ang dalawa.  Napahinga nalang ako ng malalim, mabuti naman at mawawala na sa paningin ko si Cassandra. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD