CHAPTER 3

2029 Words
Allison Cassandra Dawson “Sigurado ako na si Tricia ang may pakana ng lahat ng ‘yon!” galit na sabi ko kay Manager ng ito’y makarating na dito sa mansyon. Mabuti nalang at ito’y ligtas sa tulong ng aking kaibigan na si Khaila, nagawa niya itong mailabas sa hotel room na inuukupa ko. “Bakit naman gagawin ni Tricia ‘yon? ‘diba’t napakabait na bata ni Tricia?” hindi makapaniwalang sabi ni Manager sa’kin. Napailing nalang ako, hindi pa ba sapat na inagawan ako nito ng nobyo para sumama sa paningin niya si Tricia. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Manager!nakakastress, ang sarap alisin ng ulo ni Tricia mula sa katawan nito!” galit na sabi ko pa bago ako huminga ng malalim. “Kumalma ka, gagawan natin ‘yan ng paraan pero umamin ka nga sa’king bata ka. Saan ka natlog kagabi at hindi ka umuwi?totoo bang nasa kuwarto ka ni Director Dave?” sunod sunod na tanong nito na kanina pa niya inuulit ulit. Hindi ko mapigilang mapairap at uminum nalang ng tubig dahil sa inis na nararamdaman ko. “Babagsak na yata ang career ko Manager Cha, mas mabuti pa yatang lumipat ka na kay Tricia,” seryosong sabi ko dito. “Ano ka ba, para ano pa’t manager mo ako kung wala kang tiwala sa kakayahan ko?” sagot nito na ikinatawa ko. “Maghintay lang sila, I will sue them!” malakas ang loob na sabi niya. Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas, kahit kailan talaga ay ayaw mawawalay ni Manager Cha sa’kin. “Anong plano natin?” tanong ko dito matapos tumawa.Tumigil na ako dahil mukang seryoso talaga si Manager Cha. “Sino ba ‘yong lalaking nakasama mo kagabi at ang sinasabi mong tumulong sa’yong makaalis sa hotel?” seryosong tanong nito kaya bumalik sa alaala ko ang nangyare kagabi. Matapos kong makaligo kanina ay lahat ng nangyare kagabi ay bumalik sa alaala ko, ang iilan doon ay malabo ngunit ang nangyare sa’ming dalawa ni Aurelios ay malinaw na malinaw, ang maiinit nitong palad na dahan dahang inihahaplos sa aking katawan, ang dila nitong mayroong kakaibang tamis na inikot ang aking loob ng bibig, at ang aking unang halik na aming pinagsaluhan. “Cassandra!” “Ay pinagsaluhan!” gulat na sabi ko at napatingin kay Manager Cha na biglang sumimangot at seryosong tinitigan ako. “Ang lalaking kinukwento mo ba sa’kin kanina ay nakasiping mo sa kama?” seryosong tanong nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata at umiling dito ng mabilis, hindi kami nagsiping ng mala adonis na lalaking ‘yon. “Hindi, manager Cha!pasalamat na nga lang ako at hindi ako pinagsamantalahan ng ignoranteng lalaking ‘yon!” inis na sabi ko at todo tanggi parin, naalala ko kasi bigla ang ginawa nito kanina, hindi manlang ako nakapag pasalamat dahil napakabastos nito at nilayasan na lang ako bigla. “Kung ganun magpapaschedule ako ng press conference, kapag tinatanong ka doon kung totoo bang nanggaling ka sa hotel room ni Director Dave, sabihin mo nalang ang totoo. Kapag tinanong ka kung sino ang lalaking kasama mo, dito sa mga pictures na ito, sabihin mo boyfriend mo para makawala ka na rin sa issue na bitter ka pa rin sa nangyareng pang iiwan sa’yo ni Nathan,” seryosong paliwanag sa’kin ni Manager Cha. “Ang problema lang ay kung papayag ba ang lalaking kasama mo sa mga pictures na ‘to?” nag iisip na sabi nito, napaisip din ako sa sinabi ni Manager Cha. Maayos naman ang plano ni Manager Cha, it’s like hitting two birds with one stone ang kaso… papayag ba si Aurelios?paano ko naman ito makikita ulit ni hindi ko manlang nakuha ang number nito? “Kailangan mahanap ko si Aurelios,” mahinang sabi ko bago tumingin kay Manager Cha. “Aalis ako, manager, hintayin mo ako at pagbalik ko dala ko na ang balita.” Tumayo na ako at umakyat sa taas, kailangan kong mag suot ng damit na hindi ako makikilala ng ibang tao para makaiwas sa eskandalo. Binuksan ko ang isang closet na madalas kong pinag kukunan ng gamit kapag gusto kong umalis at mapag isa. Pagpasok sa closet ay kumuha ako ng isang blond na wig, isinuot ko ito at nag make up ng makapal upang hindi ako makilala. Napangiti ako ng makita ang aking repleksyon, medyo tinanned ko ang kulay ko at naglagay ako ng malaking nunal sa’king pisnge. “Saan ka pupunta?” tanong ni maanger Cha ng makasalubong ko ito. “Hahanapin ko si Aurelios, kailangan mapapayag ko siya dahil hindi p’wedeng masira ang career ko dahil sa babaeng ‘yon, hindi p’wede hanggat hindi ko pa nakikita ang mama ko!” disedidong sagot ko dito. Wala ng nagawa pa si Manager Cha at hinayaahn nalang akong umalis, kinuha ko ang susi ng aking isang sasakyan na ipinangalan ko pa sa ibang tao upang hindi malaman ng media na ako ang laman ng sasakyan na ‘to. “MAG IINGAT KA!” rinig kong sigaw ni Manager Cha bago ko tuluyang maisara ang pinto ng aking sasakyan. Napangiti nalang ako bago pinatakbo ang sasakyan, ngayon ay ang proproblemahin ko nalang ay kung saan ko ito hahanapin. Inaalala ko kung saan kami unang nagkita, sa hotel room? Tama, doon ko nalang siya pupuntahan total gabi narin naman at siguradong naroroon na siya. Napangisi ako at kinuha ang aking bag, nakapa ko sa bulsa nito ang card na kinuha ko noong ako’y nasa kwarto ni Aurelios. Minsan naiisip ko na may silbi rin pala ang pagiging pakialamera ko. Nakangising nagpatuloy ako sa pagmamaneho pabalik sa hotel na kanina lang ay tinakasan ko pa, tiwala akong hindi nila ako makikilala dahil nakatago ang aking natural na kulay gray na buhok. Mula pa ng ako’y bata pa, gray na ang kulay ng aking buhok at hindi ko hinahayaang papalitan ito ng kahit na sinong director, kaya ang ginagawa nila ay pagsuotin nalang ako ng wig. Ayaw ko talagang may ibang gumagalaw sa buhok ko kaya ganun nalang ang pag iingat ko dito ay dahil si Mommy lang ang hinahayaan kong magputol at mag ayos nito. Natigil ako sa pag iisip ng mapansin kong malapit na ako sa hotel, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kaya panandalian akong tumabi sa tabi ng kalsada. What if makilala ako?another issue nanaman ‘yon sigurado. Anong ginagawa ng isang Cassandra Dawson sa hotel kahit na mayroong maraming reporter dito at ang hotel pa ay pag aari ni Dave? “Kaya mo ‘yan, Allison, for your career, for your future, and for your mother dapat kayanin mo!” pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili bago nagmaneho papasok sa parking lot ng hotel. Napansin ko naman na hanggang ngayon ay dagsa parin ang reporters, malamang ay inaabangan ng mga ito ang paglabas ni Dave upang mainterview. Panandaliang nag isip muna ako sa loob ng aking sasakyan, iniisip ko ang plano dahil malamang ay magtatanong ang mga ito sa’kin kung nakita ko ba si Cassandra which is ako o si Dave na magkasama. Tricia “HAHAHA, you did it well, Leonard, ngayon ay hihintayin ko nalang na lumabas ang news at unti unting masira ang career ni Cassandra! HAHAHA!” masayang sabi ko habang nasa harap ko ngayon si Leonard. Si Leonard ay ang aking baguhang tauhan, bago palang ay pinapakitaan na ako ng kagalingan! “Ikaw ba ang may pakana nito?” nagulat ako ng biglang pumasok sa opisina ko si Nathan. Mabilis kong naitago ang sobreng may laman na pera na dapat ay iaabot ko na kay Leonard. “No, babe, paano ko naman magagawa ang bagay na ‘yon, hindi ba’t magkasama tayo, isa pa it’s not my fault na may tinatagong kalandian si Cassandra, I wonder kung noong kayo pa ay mayroon ng sila ni Dave,” sabi ko dito bago ito inirapan. Nagulat ako ng ngumisi ito. “I knew it!” galit na sabi nito bago pabagsak na inilagay sa lamesa ko ang kanyang tablet. Nakaramdam naman ako ng kaba, anong ibig sabihin nitong alam na niya? “Dave huh?” nakangising sabi nito. “Look at the news, it seems like your plan didn’t go well.” Pagkatapos sabihin ni Nathan ‘yon ay tumalikod na ito at umalis, kinakabahang tiningnan ko si Leonard na tahimik lang at nakatingin sa tablet. Agad kong kinuha ang tablet at tiningnan ang balita doon. BREAKING NEWS: Ms. Cassandra Dawson, the most outstanding actress is caught dating someone with luxurious car and it’s not Director Dave the false alert that the reporters received lead them to found out that Ms. Cassandra Dawson already moved on. Nanginginig na pinindot ko ang show pictures at halos mabitawan ko ang tablet ng makita kong hindi si Director Dave ang kasama nito, sigurado ako doon dahil hindi kakayaning bumili ng ganito kamahal na sasakyan si Director Dave. Sino siya? Blaze Aurelios Blood Unti unti akong nagmulat ng aking mga mata ng maramdaman na lumalamig na ang paligid, agad na bumungad sa’king paningin ang liwanag ng syudad. Nakatulog na pala ako dito sa ilalim ng malaking puno na naririto sa taas ng burol. “Aish!” inis na sabi ko ng maramdaman ang sakit ng aking leeg dala ng hindi maayos na tayo ng pag tulog. Hinimas himas ko ito ng kaunti bago dahan dahang tumayo. Sana pala dito na lang ako nag patayo ng bahay, para hindi na ako araw araw mag abala na magtungo dito upang dumayo ng tulog. Iiling iling akong naglakad patungo sa aking sasakyan habang dala dala ang aking itim na payong, hindi ko akalaing makakatulog ako dito ng matagal. Sabagay, sobra sobrang puyat ang dinanas ko kagabi dahil sa babaeng ‘yon, dahil sa kanya nagkandapuyat puyat ako at kinailangan ko pang pigilan ang uhaw at init na nararamdaman ko. Hindi ako p’wedeng magpadalos dalos, hindi porket iniligtas ko siya noon ay babawiin ko na ang buhay niya ngayon. Baka sakaling mapakinabangan ko pa siya pagdating ng panahon. Sumakay na ako ng aking sasakyan upang magtungo sa hotel, ayaw ko pang umuwi sa aking mansyon dahil naroroon ang bunso at panganay kong kapatid. Sakit lang sa ulo ang tatamasahin ko sa mga ito kaya mas pinili ko nalang na mag check in sa hotel ng panandalian, hanggat hindi sila umaalis sa mansyon ko. Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho pauwi ay nakaramdam naman ako ng gutom, tinatamad akong magluto dahil tinatamad ako at balak kong matulog nalang pag dating sa’king kuwarto. Biglang pumasok sa isip ko ang restaurant ng hotel, siguradong masasarap ang pagkain doon, mas mabuti pang doon nalang ako mag haponan ke’sa maghanap ako ng hayop na hahaponanin. Mbailis akong dumeretso sa parking lot dahil ramdam ko na talaga ang gutom, hindi ko napansin na mayroon palang mga reporters at mabuti nalang nagawa kong makatakbo ng mabilis at magtago. “Nasa’n na ‘yon?” “Hindi ba’t ‘yan ang sasakyan ginamit ni Ms. Cassandra kanina?” “Ang bilis naman yatang nakaalis ng nag dridrive nito?” Rinig kong tanong ng mga reporter ng makalapit sila sa sasakyan ko, napangisi nalang ako bago mabilis na tumakbo at pumasok sa hotel. Dumeretso agad ako sa Hotel Resto. upang kumain. “HOW DARE YOU?” napatigil naman ako ng biglang may maamoy na pamilyar at nagmumula ito sa babaeng nag eeskandalo. “S-sorry miss…” it’s her. The girl I saved 3 times already. Dahan dahan at pasimple akong lumapit sa mga ito. “Sorry?do you know how much my dress is?kulang pang pambayad ang buhay mo sa presyo nito!” iritang sigaw ng babae. Tiningnan ko ito at mukang natapunan ng tubig ang suot nitong designer dress, tss, mas mahal pa kamo sa dress niya ang buhay niya tsk. “Look, I’m sorry okay?nag sorry na nga ‘yon tao and p’wede ba?that dress doesn’t look liked original, it’s does look like class A copy, isa pa, tubig lang ang natapon sa’yo and nothing more,” ramdam ko ang inis ng babaeng tinulungan ko. Yes, nakilala ko ito kahit na nakasuot ito ng blond wig at nakamake up, I known her scents and it’s addicting. “YOU b***h!” sigaw ng babaeng nakasuot ng class A copy ng designer dress bago sinabunotan ang babaeng tinulongan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang naalis ang wig nito at lumugay ang buhok nito, dahil sa’king kakayahan ay rinig na rinig ko ang malakas na t***k ng puso ng babaeng tinulongan ko, rinig na rinig ko rin ang mahina nitong mura kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit sa dalawa. Napapailing na inakbayan ko ito, ramdam kong ito’y nagulat ngunit binulongan ko lang ito. “Marami ka ng utang…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD