Allison Cassandra Dawson
Ramdam ko ang sakit ng aking ulo, para itong binibiak kaya napili kong imulat na ang aking mata. Agad akong napapikit ng sumalubong sa mata ko ang init ng araw.
“Mabuti naman at gising ka na,” agad akong napamulat at napatingin sa nagsalita.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang pamilyar na lalaki, ngunit hindi ko mahanap sa aking utak kung sino nga ba ito at paano ko ito nakilala.
“B-bakit ako nandito?” kinakabahang tanong ko dito. “Bakit hindi mo itanong sa sarili mo at bakit dito ka pumasok sa kuwarto ko?” malamig na balik tanong niya sa’kin.
Doon ko lang narealize na wala ako sa aking silid na inukupa namin ni Manager, s**t!
“Kailangan ko ng umalis!” nagmamadaling sabi ko ngunit agad akong napatigil dahil naramdaman ko ang aking sarili na tila nilalamig.
Tiningnan ko ang aking katawan na nasa ilalim ng comforter, nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa katawan kong hubad bago unti unting bumalik sa alaala ko ang nangyare kagabi.
“s**t!s**t!s**t! Did I just lost my virginity?” mahinang mura ko.
“Hahahaha…” napatingin ako sa lalaking nakahubad sa harapan ko, tumayo ito at naglakad unti unti palapit sa’kin habang nakabalandra ang kanyang mala adonis na katawan.
“H-huwag kang lalapit!tapatin mo nga ako, may nangyare ba sa atin?” malakas na tanong ko dito habang kinakabahan at binabalot ang sarili sa comforter.
Ngumisi ito sa’kin at sinuklay ang kanyang bagsak na buhok. “You guess?” nakangising sabi nito bago ako tinalikuran at lumabas ng kwarto.
Halos mapanganga ako dahil iniwan lang ako nitong nangangapa sa sagot, anong klaseng lalaki ‘yon?
Huminga ako ng malalim bago iniyakap ang kumot sa’king katawan, kinuha ko ang dress na suot ko kagabi ganun din ang undergarments ko na maayos na nakatupi sa side table.
‘Mukang hindi siya wild…’ sabi ko sa isip ko ng makitang hindi napunit o ano ang damit ko.
‘Ay tanga, naisip mo pa yan Allison?’ sabi ko pa sa sarili ko at iiling iling na nagtungo sa isang pinto na naririto sa loob. Malamang ay bathroom ‘yon at hindi nga ako nag kakamali, agad kong binitawan ang comforter na nakabalot sa’kin at mabilis na pumasok sa banyo.
‘Weird, bakit walang salamin?’ tanong ko sa sarili ko at inikot ang tingin sa malawak na bathroom.
Nag iling iling nalang ako at nag hilamos, nag toothbrush narin ako gamit ang disposable toothbrush na aking nakita. Inayos ko ang buhok ko into messy bun at isinuot ang aking saplot nang matapos ay huminga ako ng malalim bago pumikit at pinakiramdaman ang sarili.
Sabi nila, masakit daw ‘yon’ kapag may nangyare at dahil wala naman akong nararamdamang sakit ay napangiti ako. Kumpirmado, walang nangyare sa’ming dalawa ng estrangherong iyon. Agad na nawala ang ngiti ko ng maalala na nakuha nito ang first kiss ko.
‘Tangina, iniingatan ko ‘yon,’ naiiling na sabi ko sa sarili ko.
Oo, iniingatan ko talaga ang first kiss ko, kahit ako’y isang actress ay nagawa ko itong ingatan sa pamamagitan ng aking ka-double. Kung sino mang available kong ka-double ay sila ang nakakasalo ng halik mula sa mga lalaking kapwa ko artista.
Iniling iling ko ang ulo ko at mahinang tinapik tapik ang magkabilang pisngi, nagawa ko pa talagang mag kwento ngayon hindi ko alam kung paano ako makakapunta sa kwarto inupahan namin ni Manager ng hindi napapansin ng iba.
Itinigil ko na ang ginawang pagtapik sa’kin pisngi at lumabas ng ng bathroom naglakad ako papalapit sa pinto kung saan lumabas ang lalaki kanina, lumabas din ako doon at naglakad lakad ng kaunti ng may maamoy akong masarap na amoy.
Dala ng pagkagutom ay wala sa sariling nasundan ko ito, dinala ako ng aking mga paa sa dirty kitchen. Doon ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng apron at tila may hinahalo.
“Tamang tama ang dating mo, kumain ka muna bago umalis,” sabi niya habang nakatalikod s’akin.
Dahil nagugutom narin ay naupo na ako sa isang upuan na nasa mesa, sa harap ko ay inihain niya ang pagkain niluluto niya kanina.
“Eat, walang lason yan,” malamig na sabi nito bago naupo at nag umpisa ng kumain. Wala na akong nagawa at kumain narin dahil gutom na ako at isa pa mukang masarap ang niluto niya.
“Ito ‘yong phone mo, nag shutdown ‘yan kagabi dahil may tumatawag,” sabi nito at may inihagis sa’kin. Muntik ko na itong hindi masalo at mag shoot sa kinakain ko, mabuti nalang naging mabilis ang aking kamay. Huminga ako ng malalim bago ito binuksan.
Nanlaki ang mga mata ko, 267 missed calls at 158 messages, agad kung iniscroll ang calls at nakita puro si manager lang ito ngunit nagkamali ako dahil nakita ko ang tatlong missed call, mula ito kay Nathan. Doon ko lang napansin na hindi ko pa pala nababago ang pangalan nito sa contacts ko, sunod kong pinuntahan ay messages, agaw pansin ang message ni Nathan.
‘Nakauwi ka na ba?’
‘Hey, I know you’re mad at me but…’
‘I’m sorry’
Tatlong magkakasunod na text na mula dito na nakapag pasira ng mood ko, nawalan na ako ng ganaang kumain kaya ako’y tumayo na. Sobra sobra na ang pag aalala ni Manager, ayaw kong nag aalala ito dahil masyado na itong matanda.
“Aalis na ako, Mister, kung sino ka man, maraming salamat because you never take advantage last night,” ngumiti ako ng matamis dito, puno ng sinseridad akong yumukod dito.
“Maraming salamat!” pagpapasalamat ko dito bago naglakad patalikod at akmang lalabas na ng may maalala ako.
“What’s your name, Mr. Stranger?” nakangiting tanong ko dito.
Ngumisi ito sa’kin. “Aurelios, I’m Aurelios,” nakangising sabi nito.
Tumango ako dito at tuluyan ng tumalikod upang maglakad paalis. Ngayon ay iispin ko nalang kung paano ako makakapunta sa room ko ng hindi napapansin ng iba.
Akmang lalabas na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, tumatawag si manager kaya agad ko itong sinagot.
“Susmiyo Cassandra, nasaan ka bang bata ka?” galit at nag aalalang tanong ni Manager sa’kin.
“Kalma, manager, naligaw lang ako ng kwarto pero safe naman ako at walang nangyare sa’kin,” mahinahong sagot ko dito.
“Tingin mo makakakalma pa ako kung dinudumog na ako dito ng mga reporters? Huwag ka ng didiretso sa hotel room natin, nandito ako sa loob at kasalukuyang dinudumog sa labas dahil may natanggap daw na mga balita ang reporters na kasama ka ni Dave na matulog sa isang kwarto.” Dire-diretsong sabi nito na naging dahilan para mapahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
“Helllo? Hello Cassandra?” nabalik ako sa kasalukuyan ng paulit ulit itong mag hello.
“Pakana ito ni Tricia, okay ka lang ba d’yan, manager?bakit hinayaan ng hotel na mangyare ‘to?” tanong ko dito.
“Mamaya ko na ipapaliwanag, kung nasaan ka man ngayon ay lumabas ka na ng hotel at umuwi sa mansyon, susunod ako,” utos nito bago ibinaba ang tawag.
“May problema ba?” nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod ko.
“W-wala, a-a-alis na ako,” nagpapanic na sabi ko bago ako mabilis na lumabas.
Tiningnan ko ang paligid at nakitang walang tao, dumaan ako sa exit dahil malamang ay marami akong makakasalubong sa elevator at baka may makasalubong pa akong reporter. Dahil nasa mataas na palapag ako ay pagod na pagod akong maingat na tumatakbo pababa ng exit. Napangiti ako ng makita ko ang pinto na lalabasan sa parking lot ng hotel.
Pagkabukas na pagkabukas ay sumalubong sa’kin ang maliwanag na flash ng camera, agad akong napatakip sa’king muka dahil sa liwanag nito, mabuti na lang at medyo malayo ito sa’kin.
Shit, hindi ko naisip na aabangan nila ako dito.
“ANDIYAN NA SI CASSANDRA!” sigaw ng isang camera man.
Nakita ko ang madaming reporters ang tumatakbo papalapit sa kinatatayuan ko, s**t.
Bago pa tuluyang makalapit ang mga ito ay may humarurot na sasakyan at tumigil sa harapan ko, naharangan ng sasakyan ang mga reporters na lalapit sa’kin.
“Sakay,” malamig na sabi ng driver.
Napangiti ako at dali daling hinagis ang bag ko sa loob ng sasakyan nito at binuksan ang pinto, naupo ako at agad na ikinabit ang seatbelt ko.
‘Okay lang maissue, huwag lang kay Dave,’ isip isip ko.
“This is the second time, Ms. Stranger,” malamig na sabi nito.
“Babawi nalang ako, mag drive ka na please!” mahinang sabi ko dito.
Kahit na nakasuot ito ng sunglasses ay alam kong nakatingin sa’kin ang malalamig nitong pares ng mata.
Nabalik ako sa reyalidad ng humarurot na ang sasakyan nito paalis, doon ko lang narealize na ang sasakyang ginagamit pala namin ay convertible at without roof ito ngayon, hayst.
“Alam mo, hindi ko alam kung tinulongan mo ba talaga ako o inilagay lalo sa bangin ang career ko,” naiiling na sabi ko dito ng kami’y nasa highway na.
Mainit na sa muka ang araw at kitang kita ako ng mga taong nakasakay sa ibang sasakyan, tsk.
“Here, wear this, actually I’m not planning to help you, it turns out that you need me again that’s why I insist,” mayabang na sabi nito habang nag mamaneho.
Di ko mapigilang iikot ang aking mga mata, napakayabang.
“Ang yabang mo, but thank you!” puno ng sinsiredad na sabi ko dito. Hindi na ito sumagot at tumango lang.
“Dito mo na lang ako ihatid,” sabi ko at ibinigay ang address ng aking mansyon.
Mabuti na lang at hindi ito nagreklamo at nagtuloy tuloy lang sa pag mamaneho, napangiti ako ng makita na papasok na kami sa kagubatan. Oo, nasa kagubatan ang mansyon ko dahil ayaw kong malaman ito ng media at ayaw kong magulo ang privacy ng buhay ko.
“Gusto mo tumuloy?” nahihiyang tanong ko dito matapos kong bumaba.
Umiling lang ito at pinatakbo na ang sasakyan paalis, napasimangot nalang ako bago naglakad papasok ng gate. Napaka-ignorante.
Blaze Aurelios Blood
Matapos ihatid ang babae ay agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa bar ni Drie, mananagot sa’kin ang kapatid nitong si Drew.
Mabilkis akong nakarating sa Bar at kahit umaga palang ay hinayaan na akong papasokin dito, kilala nga ako dito ‘diba?
“Woy, bro naparito ka?” nakangising tanong ni Drei. “Nasaan si Drew?” malamig na tanong ko dito.
Ngumisi ito at tumayo, hindi ito umimik at naghalo lang ng alak bago ibinigay sa’kin.
“Kalma ka lang, kamusta ang gabi mo?” nakangising tanong sa’kin ni Drei, sinamaan ko ito ng tingin bago sumagot. “IKaw nag may pakana ‘nun?” matigas na tanong ko dito. Tumawa ito ng malakas.
“Ayaw mo ‘nun, nabalitaan ko kasing tumutuloy ka sa hotel kung saan ginanap ang Black Night party ng mga artista, nakapingwit ka ba?” nakangising tanong nito.
Nang makumpirmang kagagawan nga niya ang nangyare s’akin ay wala pa sa segundong nakalapit ako dito at hinawakan ang kwelyo ng kanyang polo.
“Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay muntik ng may makaalam na tao ng tungkol sa atin?” malamig na tanong ko dito at ramdma ko ang pagpula ng aking mga mata.
“Okay, sorry, bro! Let me go, nasasakal na ako, baka mamatay ako niyan sa sakal mo!” natatawang sabi nito. “Papatayin talaga kita, kapag inulit mo pa ang bagay na ‘yon,” malamig na sabi ko bago pabalyang binitawan ito.
Inayos ayos nito ang kanyang polo at nakangiting humarap sa’kin.
“So, who’s the unlucky girl?” pag uusisa nito na animo’y hindi ko sinakal kanina.
Napailing nalang ako. “Para akong nasa impyerno kagabi, nag pipigil sa init, tsk.”
Tumawa naman ito ng malakas at tinapik tapik pa ang likod ko.
“Bakit kasi nagpigil ka, kung p’wede namang gawin ang gusto mo pagkatapos ay burahin ang alaala nito?” natatawang tanong nito sa’kin. “I was about to do that but I realized that she’s familiar and I’m right, kinaumagahan nakita ko ng malinaw ang muka ng babae at ito ang babaeng iniligtas ko 13 years ago.”
“Woah, really? s**t, it might be destined!” nakangiting sabi nito na ikinasama ko ng tingin sa kanya.
“Destined your face, I’m waiting for my mate to be reincarnated so stop acting like cupid!” inis na sabi ko dito.
Tumawa lang ito ng tumawa at binigyan ako ng isa pang shot ng alak, tiningnan ito ito ng may halong pag dududa.
“Don’t worry, takot pa akong mamatay sa kamay mo, hindi pa ako nakakapag palahi,” nakangising sabi nito na ikinailing ko na lang.
‘Kahit kailan talaga, napakasakit niya sa ulo maging kakilala’