Nathan Hindi ko alam kung anong ginagawa dito ni Cassandra, nakakapag taka lang din pati na hindi manlang ito nakasuot manlang ng kahit na anong pang disguised. ‘Nag bago na kaya siya?’ tanong ko sa aking sarili. “Okay ka lang, Babe?” tanong sa akin ni Tricia at tumango langa ko sa kanya ng bigla kong naalala ang mga pinag gagagawa niya sa kaibigan niyang si Andrea. “Bakit mo naman ginawa yun?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Alin, babe?” tanong niya sa aki habang nakangiti pa ng matamis na akala mo naman ay wala siyang ginagawangv kakaiba. “Yung mga pinag gagagawa mo sa kaibigan mo, bakit ganun ang trato mo sa kanya?” tanong ko kay Tricia. “Hindi naman yata tama ang mga pinagawa mo sa kanya kanina, isa pa bakit mo inalis ang katuong kong si Mary?” dagdag

