Andrea Nag patuloy lang ako sa pag kain habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko akalaing matapos ng ginawa namin ni Tricia sa kanya noon ay mapapabuti pa ang lagay niya ngayon. Kung hindi inagaw ni Tricia si Nathan mula kay Cassandra, malamang ay wala silang relasyon ni Mr Blood ngayon. “Halos lahat ng dish may carrots, so wala akong kakainin?” nakangusong sabi ni Cassandra kay Mr Blood. “Hays, kanina pa ako nagugutom…” malungkot pang sabi ni Cassandra na mukang inaartehan lamang si Mr Blood. ‘Nakakalibang silang panuorin, unlike, Nathan and Tricia,’ sabi ko sa aking isipan. “Tsk, bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi?” ramdam ko ang inis sa tono ni Mr Blood kaya mas lalong hindi ko magawang alisin ang aking atensyon sa kanilang dalawa habang ako ay tahimik na kumakain. “An

