PROLOGUE
EMERALD POV
"EMS" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ang tumatakbong babae.
Ang maalon nitong buhok ay kasing kulay ng lupa. Sumasabay sa galaw niya. Nang makalapit ay tsaka niya ako niyakap ng mahigpit. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya.
kung hindi ko lang 'to kaibigan ay itutulak ko na 'to sa kanal na malapit sa'min..
"SAAN KA BA NANGGALING HUH?! BAKIT HINDI KANA NAGPAKITA SA'MIN??" napalayo ako sakanya ng bigla siyang sumigaw sa mismong tenga ko. Dahil sa yakap niya ay hindi ko naiwasan ang mala-speaker niyang boses
Tinignan ko lang siya ng walang ka emosyon sa mga mata. "Hinanap ko lang ang aso ko"
"Eh bakit tatlong araw ka nawala kung aso mo lang pala ang hinahanap mo?" kumunot ang noo niya at nagdududang tumingin sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na sumagot
hindi niya naiintindihan dahil hindi siya pet lover..
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Rinig ko rin ang hakbang niya na sumusunod sa'kin. Kakatapos lang nang skwela namin.
Wala ako sa mood makipag-usap dahil pagod sa practice at medyo paos din ang boses ko. Isabay mo pa ang tatlong araw na walang tulog para lang mahanap ang aso ko.
Nahanap ko siya sa ibang bahay kaya galit na galit ako dahil inaalagaan ko naman siya ng maayos. Pinapakain din oras-oras. Hindi ko rin siya pinagbuhatan ng kamay kaya nagtataka ako kung bakit binalak niya pang tumakas.
Inabuso niya ang kabaitan ko, buti nalang cute siya, dahil kung hindi gagawin ko siyang adobong aso hmp..
"Hello?! Calling for Emerald Diamonda. Hello??!" napapoker face nalang ako sa kabaliwan ng katabi ko. Sayang ang ganda nito kung may sabit sa ulo. Idagdag mo pa ang mala speaker nitong boses na hindi nagpapatalo sa bangayan
"Napaka cold mo naman, Emerald. Minsan talaga naiimagine kong manika ka. Hindi naman pwedeng i-compare yang ganda mo sa robot dahil nakakainsulto" Ngiting aso nitong sabi at kumindat pa. Napangiwi nalang ako sakanya at binilisan pa ang lakad.
Gusto ko nang umuwi at mayakap ang aso ko. Tinali ko rin siya gamit ang mahabang lubid para hindi na makatakas.
Linibot ko ang paningin sa mga iba't-ibang bahay na nadaraanan namin. Mga hindi kalakihan na bahay. Sakto lang para tumira ang mga munting pamilya. Napangiti nalang ako ng madaanan namin ang mga batang naglalaro sa gilid. Hindi ko maiwasan na pagmasdan sila na may lungkot sa loob.
Hindi ko naranasan 'yan noong bata ako dahil iba ang inaatupag ko. Iba ang pinapagawa sa'kin. Kung sana nabuhay lang sila ay hindi ako lalaki sa ganitong pamumuhay. Normal sana ang buhay ko, ang buhay namin.
Iniwas ko nalang ang tingin sakanila at dumiretso ang tingin sa papasok sa madilin na eskinita. Tambayan ng mga mayayabang na tao rito kaya iwas kami para hindi mapa-away. Lalo na't hindi nagpapatalo itong katabi ko na kanina pa dada ng dada.
Hinayaan ko nalang siya mag talam-buhay sa nangyari sakanya kanina. Halos hampasin niya rin ako tuwing tumatawa siya o kinikilig. Dinaig pa ang kiti-kiti sa kulit.
"At dinig ko na malaki ang bura-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang biglang may humarang samin na mga kalalakihan.
Napataas ang kilay ko dahil sa mga porma nila. May mga naka sumbrero habang naka shades. May mga naka long socks at shorts. Ang iba naman ay naka tuck-in ang mahaba nilang T-shirt.
Rinig ko ang mahinang tawa ng katabi ko. Alam kong iniinsulto niya na 'yan dahil sa baduy nilang manamit.
"Shet, ang ganda niyo naman mga miss. Gusto niyo bang sumama sa'min? Promise mag-eenjoy kayo" nagtawanan sila at nagtinginan pa. Napangiwi ako ng makita ang mga ngipin nilang kayumanggi
Pota hindi ba sila marunong mag toothbrush.
Napatingin sila sa kaibigan ko nang bigla siyang humalaklak. Hawak hawak niya pa ang tiyan niya habang tumatawa. Namumula ang mukha at mangiyak-ngiyak na ang mata.
"Tangina, ang baduy na nga ganyan pa ang mga ngipin niyo HAHAHAHA" nainis naman ang mga unggoy na nasa harapan namin at kitang-kita ang pagpula ng mga mukha nila dahil sa galit.
Umasim ang mukha nila kaya mas lalo silang pumanget "Aba! Ang tapang mo ah, satingin niyo makakalusot pa kayo sa'min?"
Nandiri ako ng makita ang libog sa mga mata nila. Lalo na tinitigan nila ang dibdib ng kaibigan ko. Kung malaki sa'kin ay doble sa laki ang nasa kaibigan ko. Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis na naramdaman sa mga manyakis.
I really hate these type of people.
Kita ko ang pag-atras ng iba dahil sa nanlilisik kong mata. Ramdam ko rin na hindi na nagugustuhan ng kaibigan ko ang mga nasa harapan namin.
Sino ba ang matutuwa kapag makakakita ka ng maasim? Napapaasim din tuloy ang mukha ko. Geez.
"Mga hinayupak na 'to, hindi manlang bumawi sa ugali. Walang panget na ginawa sa mundo, pero mukhang aksidente ang pagkakagawa sakanila" rinig kong bulong ng katabi ko. Sumilay ang ngisi sa labi ko dahil sa mga pabiro niyang salita.
Napabuntong hininga nalang ako at tinignan siya sa mata. Pagod talaga ako at walang ganang makipag pucheran sa mga punyetang 'yan. Kuha niya ang ibig kong sabihin at tumango. Ngumiti siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang excitement.
Kaya mo na 'yan, bruha
Linapag niya ang bag niya sa baba habang ako ay tumabi para panoorin ang gagawin niya. Ngising-ngisi na humarap sa mga kalalakihan. Kung tutuosin ay walang laban ang kaibigan ko sa mga katawan nila. Pero wala rin silang laban sa lakas niya. Ang black heels nitong suot ang tanging rinig na hakbang palapit sa mga kalalakihan.
Tumingin ako sa harap at kitang-kita ang pagtataka nila. Mahina akong sumipol. Hudyat na nasisiyahan sa nakikita. Wala na rin ang ngisi sa mga labi nila
"Huwag mong sabihin na lalaban pa kayo, miss? 'Yan ang mga tipo k-" Hindi na natuloy ang sasabihin ng lalaki sa harapan ng bigla nalang gumulong ang ulo nito. Sumirit ang dugo sa leeg. Habang ang punyal naman ay tumarak sa pader. Halata ang malakas na pwersang ginamit dahil sa pagbaon nito. Nagkaroon din ng maliit na bitak
Shit talaga.
Natuod ang mga kalalakihan. Hindi makagalaw at halos hindi na humihinga habang nakatitig sa kasamahan nilang pugot ang ulo. Tulala silang nakatitig dito at kitang kita ko ang pag-nginig ng isa nilang kasamahan
Awee
"Oh, anong nangyari na sainyo?! Come to mommy babies HAHAHAHAHA" Napa poker face nalang ako sa kabaliwan niya. Kita ko ang takot nila ng mabalik sila sa ulirat. Umatras habang nanginginig katawan. Napakunot-noo ako ng makitang may tumutulong tubig sa short ng isang lalaki.
Did he just..?? What the f**k?! Disgusting
Umasim ang mukha ko nang makitang naka-ihi siya sa short niya. Napansin 'yon ng kaibigan ko at mas lalong natawa habang tinuturo ang short ng lalaki. Napaluhod pa 'to at hinampas hampas ang sariling hita.
Nang makakalma ay nagpunas muna ito ng munting luha. Sumeryoso ang tingin nito sa harap at walang sabi na nilabas ang maliit na punyat. Nakatago ito sa loob ng kanyang skirt kaya mabilis niya lang madukot. Mala professional niyan itong pinaikot sa kamay at ngising humarap sakanila
Nang humakbang ang bruha ay umatras din sila.
"P-please maawa ka a-ayaw namin mamatay" takot na sabi ng nasa pinakaharapan. Mukhang ito ang boss nila.
Paano ko nasabi? Instinct ng babae
"H-hindi na-namin sinasadyang guluhin kayo p-pakiusap maawa kayo" lumuhod ito sa harap ng kaibigan ko at nagmakaawang tumingin sa'min. Tsk these bastard.
Ganon din ginawa ng mga kasamahan niya. Lumuhod sila at nagmakaawa. Hindi iniinda ang dugo na nagkalat sa sahig. Napangisi nalang ako sa nakikita. Kita mo namang madali lang mahubog ang mga buntot nila.
Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko nang makitang tumingin siya sa'kin. Tumango nalang ako at makahulugan na tinignan siya. Saktong kailangan ng isang kaibigan namin ng tao para sa project na ginagawa niya. Human test kumbaga.
Tinignan ko sila isa-isa at masasabi kong bagay sila sa kaibigan ko. Mukhang malulusog ang pangangatawan nila kahit na baduy kung manamit. Ang problema lang ay ang mga mukha nila. Ayaw niya kasi sa mga panget kaya lahat ng mga taong nilalaro niya ay masasabi kong may magagandang lahi
Kung sino ang pinaka-gwapo ay ginagawa niyang stock sa basement niya. Ilang linggo niyang binubuhay hanggang sa mag-sawa siya. Tapos hanap ulit nang mas gwapo
Napailing nalang ako sa mga hobbies nila. Mga kakaiba talaga. Napatingin nalang ako sa kaibigan ko nang bigla niya akong tinawag
"Ems, what do you think?" tanong niya. Ang ibig niyang sabihin ay kung papasa ba sila para maging human subject ng kaibigan namin.
"Pwede naman niyang takpan ang mga mukha nila" suhestyo ko na kinatawa niya.
Anong nakakatawa eh seryoso ako..
Napabuntong hininga nalang ako sa tagal niya. Kanina ko pa gustong makita ang aso ko. Miss na miss ko na siya. Maisip ko palang siya ay gusto ko nang iwan ang kaibigan ko at umalis. Tumingin ako kay Nia na nakatingin din sa'kin
Halata ang pang aasar nito sa kanyang ngisi, marahil alam ang gusto kong gawin. Kaya niya na 'yan. Hindi na ako makapag hintay na makita ang alaga ko
"Ikaw na ang bahala dito, Goldenia" walang emosyon kong tugon sakanya na sinang-ayunan niya lang
"Alam kong miss mo na ang alaga mo, sige na chupi kana para malambing mo na siya. Baka kapag hindi kapa umuwi ay makita mo ulit siya sa ibang bahay HAHAH" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Ngumisi lang ang gaga. Napatingin ako buhok niya at hindi maiwasang mamangha sa ganda ng kulay.
Normal na kayumanggi ngunit kapag naitapat sa araw ay kumikinang at kasing kulay ng sinag ng araw. Tinanguan ko lang siya at tumalikod na.
Hindi ko na tinignan ang mga nasa harapan dahil alam kong umiiyak na sila. Nabahag ang mga buntot. Hindi ko pinansin ang dugo na dinaraan ko. Bata pa lang ako ay normal na sa'kin makakita ng dugo
Mas malala pa nga eh tsk
Binilisan ko na lamang ang paglalakad. Dumidilim na rin ang paligid kaya halos hindi ko na makita ang dinaraan ko. Ang mga iyak ng mga lalaki ay hindi ko na rinig dito. Ilang minuto ang nilakad ko bago ako makarating sa munting bahay ko.
Simpleng bahay lamang ito. Hindi kalakihang gate na kulay itim ang bumungad sakin. Mahilig ako sa halaman kaya pinalibutan ko ito sa aking gate. Napapangiti nalang ako tuwing may dumadapong paro-paro.
Hindi ko na masyadong pinansin pa ang mga nagkalat na tuyong dahon. Lilinisin ko nalang bukas. Masyado ng madilim at pagod pa ang katawan ko. Kulang na kulang talaga ako sa tulog.
Blankong tumingin ako sa puting pintuan. Pinapakiramdaman ang presensya ng alaga ko. Rinig ko kasi dito ang mabibigat niyang hininga. Napakunot-noo ako dahil sa pagkakaalam ko ay binigyan ko siya ng pagkain at tubig.
Dahan dahan kong binuksan gamit ang susi na dinukot ko sa bulsa. Madilim na kapaligiran ang bumati sa'kin. Kung hindi ko lang bahay 'to ay iisipin kong mala haunted house ang pinasukan ko.
Kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid at pinindot ito. Napapikit pa ako sa silaw na nanggagaling sa ilaw. Pag-mulat ko ay tsaka ko naman nakita ang isang binatilyong nakatingin sa'kin.
Sumilay ang ngiti ko sa labi nang makita sa mata niya ang takot habang nakatingin sa'kin. Nanginginig ang kanyang katawan. Kita ko rin ang namumula niyang leeg dahil sa lubid na nakapalibot dito.
there he is, my dog