Dinala ako ni Tatay sa taniman ng mga prutas sa lupain ng mga De Alba. Nagpapatulong ito dahil wala raw ang anak ni Mang Carlito na madalas nyang kasama sa pag aani ng mga prutas.
Kasalukuyan kaming nasa taniman ng mga lansones, marami rami na rin ang naani namin at baka matapos na rin namin ito bago mag tanghalian, maaga kasi kaming nag punta rito kanina dahil pupuntahan rin namin ang taniman ng mga peaches para maani na rin iyon.
Ibinaba ko ang isang basket sa truck na dala namin bago inayos ang pagkakatali ng aking buhok medyo nagulo kasi ito ng sumabit sa sanga kanina.
Ginawa ko ring pampunas ng pawis sa noo ang panyo na nasa bulsa ko, tirik ang araw ngayon kaya naman kahit napapaligiran kami ng mga puno ay mainit pa rin.
Medyo may ilan ilan rin kaming kasama ngayon para mas mapabilis ang pag ani namin.
Napansin ko namang may nakatingin saakin kaya kaya binaling ko ang tingin ko roon. Si Jere pala ito anak ni Aling Marites.
"Ah, tulungan na kita dyan Michaela." pag-alok nito ng makita ang isa pang basket na iaangat ko sana sa truck.
Binuhat nya ito at nilagay sa truck.
"Salamat Jere."
Kinamot nito ang likod ng batok at nahihiyang ngumiti.
"Walang anuman."
Kita ko pa ang pagpula ng pisngi nito. Hindi naman lingid saaking kaalaman na may gusto saakin si Jere, sumubok na sya dati saaking manligaw ngunit agad ko ring pinatigil dahil wala pa sa isip ko ang ganoon.
Kahit kasi babad ako sa init at alikabok sa lupain ng mga De Alba alam ko naman sa sarili na may kagandahan rin akong taglay, maayos at maganda ang kurba ng aking katawan, matangkad rin ako marahil ay namana ko sa aking tatay na 6 footer, halos kasing tangkad ko na nga si Jere e kahit 18 years old palang ako at sya ay 20 na. Dumagdag pa ang morena kong kulay na talaga namang gustong gusto ni Beth dahil kung ako ay morena sya naman ay may kaputian. Gusto rin raw nya maging morena pero ayaw nya mag bilad sa araw. Makapal rin ang kilay ko at mahaba ang pilik mata, biniyayaan rin ako ng matangos na ilong at mapuoulang labi. Sabi pa nga dati ni Beth ay kung hindi niya lang ako kilala ay mapagkakamalan niya akong anak ng isang haciendero, na tinawanan ko na lamang. Mahilig kasi iyong purihin ako kasi gustong gusto niya ring pinupuri ko siya pabalik.
"Jere halika rito nandyan ka nanaman kay Michaela. Magtrabaho ka muna!" Rinig kong sigaw ng isa sa kasamahan namin.
"Kuya Rob naman eh, tinulungan ko lang si Michaela."
"Tinulungan ang sabihin mo para paraan ka nanaman."
"Kuya Rob naman, hindi ah." Nahihiyang tumingin sakin si Jere.
"Ah sige punta muna ako doon ha? Pasensya na nga pala."
"Sige ayos lang." Tipid akong ngumiti rito ng mag paalam sya.
Muli naman akong lumapit kay tatay para tulungan sya.
"Nanliligaw nanaman ba sayo ang binatang iyon?" mahinang bulont saakin ni tatay mahabang namimitas ng mga lansones.
"Hindi po tay."
"Kung manliligaw siya ulit at ayaw mo naman sakanya sabihin mo lang saakin makakatikim talaga ang batang iyon."
Natawa naman ako sa sinabi ni tatay.
"Wala pa naman po sa isip ko iyang mga ganyan tay."
"Kahit na, baka mamaya magpumilit pa iyon manligaw. Napakakulit pa naman ng batang iyan."
Muli akong natawa ng makitang kunot na ang noo ni tatay.
"Hindi naman po siya nangungulit tay. Nung nanligaw siya at pinatigil ko tumigil naman rin po agad."
"Pinagtatanggol mo pa. At bakit gusto mo bang hindi muna siha tumigil?" Huminto na si tatay sa ginagawa at tumingin saakin.
"Bata ka pa Michaela, wag ka muna mag nonobyo kung hindi parehas tayong malalagot sa nanay mo."
Napakamot naman ako sa ulo.
"Tay, huwag po kayo mag-alala. Wala pa po akong balak mag nobyo."
"Aba dapat lang, mahaba pa ang panahon marami ka pang makikilala. Ayoko sa pasaway na anak ni Aling Marites para sayo."
"Parang di naman po siya pasaway, tay."
"Anong hindi? Napakapasaway ng batang iyan dati, mahilig makipag away iyan dati. Grabe nga mangunsimisyon si Aling Marites dati dyan."
Chismoso rin pala ang tatay ko.
"Opo tay, huwag po kayo mag alala dahil wala naman po akong gusto sakanya."
Mukha namang sapat na iyong sinabi ko dahil hindi na ito muling nagsalita at nag patuloy nalang sa trabaho.
Nailing nalang ako habang nakangiti ng muli kong buhatin ang basket para ilagay sa truck.
Muli akong napatingin sa hindi kalayuan ng marinig ko ang tunog ng mga kabayo.
Mayroong mga tao ngayon doon, hindi ko masyadong makita kung sino dahil malayo ito at ang maliliit nalang na pigura ang makikita sakanila.
Kibit balikat nalang akong bumalik sa ginagawa.
***
Kasalukuyan na kaming nandito sa taniman ng mga peaches, hindi naman ito ganoon kalayo sa sa taniman ng mga lansones mas malapit nga lang ito kung saan ang mga kabayo ng De Alba.
Kung kanina ay hindi ko mamukhaan ang mga tao roon ngayon naman ay nakikilala ko na ang mga ito, kung hindi ako nag kakamali ay ang magpipinsang De Alba ang mga ito dahil kahit malayo ay natanawa ko agad si Lucrecia. Medyo marami sila ngayon, may mga lalaki rin silang kasama pero hindi ko kilala marahil ay mga De Alba rin.
Binalik ko na lamang ang atensyon sa pagpitas ng mga peaches dahil sumasakit lamang ang mata ko sa pagpapalinaw sa mga mukha nila na nasa malayo. Parang wala kasi ang panganay na De Alba.
Tahimik lamang akong nakaupo rito may damuhan malapit sa taniman ng mga peaches. Pinag pahinga kasi muna ako ni tatay mag meryenda raw muna ako at kanina pa rin kaming walang tigil.
Gusto ko sanang tinman ang peaches na piñatas namin kaya lang ay hindi pwede baka mapagalitan pa ako o kaya naman ay pag bayarin.
Mukha pa naman itong matamis dahil ang pula nya tingnan.
Inubos ko na lamang ang tinapay na hawak at humiga sa damuhan hindi naman mainit dahil nasa ilalim ako ng puno kaya naman malilim rito sa pwesto ko.
Ang isa kong braso ay nasa ilalim ng ulo ko at ang isa naman ay nakatakip sa mga mata ko. Saglit lang, mag papahinga lang ako saglit.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog o kung nakatulog ba talaga ako naramdaman ko nalang na para bang may nakatitig saakin.
Kaya naman minulat ko ang aking mata at hindi nga ako nagkakamali.
Isang kabayo ang nakatitig sa mukha ko. Sa gulat ay mabilis akong napatayo muntik pa akong matumba dahil sa pag kataranta dahil sobrang lapit ng mukha ng kabayo sa mukha ko. Kasunod nun ay isang mabining tawa ang aking narinig na agad ring nahinto doon ko lang napansin na may nakasakay pala sa kabayong ito.
Halos maningkit ang aking mga mata ng mapagtanto kung sino ito.
"Señorita Calita, kayo po pala." Pag-bati ko rito.
Siya ba iyong narinig kong tumawa kanina? Siya iyon diba? Ngunit kung titingnan ang mukha nito ay parang hindi naman dahil seryoso lamang ang tingin niya.
"Why are you sleeping here?"
Napaayos ako ng tayo ng bigla itong magsalita.
"Ah, nagpahinga lang po saglit."
Dumapo ang tingin nito sa basket ng peaches na nasa damuhan kung saan ako nakahiga kanina at saaking likuran kung nasaan ang taniman ng kanilang mga peach.
"You should be working not sleeping." napangiwi naman ako sa sinabi nito.
"P-Pasensya napo. Sige po babalik na ako." Kinuha ko na ang basket ng peaches at aalis na sana.
"Wait."
Bumaba ito sa kabayo nya, doon ko lang napagmasdan ang suot nito.
Kung sa iba ang normal na kasuotan pag sumasakay ng kabayo ay pants sakanya ay hindi.
Ngayon lang ako nakakita ng nakadress habang nakasakay sa kabayo. Mahaba ang suot nitong white dress at nakalugay ang mahaba niyang buhok na tinatangay ng hangin. Nakita ko pa ang pag ipit niya sakanyang buhok sa likod ng kanyang tainga habang palapit ito saakin.
Dahil sa hangin ay tumama saakin ang mabango nitong amoy. Nilabanan ko ang aking sarili upang hindi mapapikit dahil sa kanyang taglay na bango.
Ang feminine at ang tamis ng amoy niya hindi ko alam kung anong pabango ito pero ang tamis sanpang amoy parang ang sarap kainin.
No, I mean basta mabango.
Napailing ako at muling napatingin sakanya, ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala ako sakanya kaya naman napatingin ako sa ibaba at doon ko napansin na nakapaa pala ito mamula-mula pa ang talampakan niyang naka-apak sa damuhan.
Seryoso ba siya? Nakapaa talaga siya ngayon. Ganyan ba outfit niya pag nangangabayo?
Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit nakapaa lamang siya ngunit para na akong nanigas sa aking kinatatayuan ng yumuko ito ng kaunti sa harapan ko kaya naman wala sa sariling napapikit ako dahil nalanghap ko nanaman ang matamis niyang pabango nahaluan pa ng amoy vanilla ng amoy ng kanyang buhok.
"Can I have one?" Doon ako muling napadilat.
Tumikhim ako at napatingin sa hawak na nitong isang peaches.
Ah kaya pala, kumuha siya ng isa sa basket na hawak ko.
Kagat labing tumango ako rito.
"Opo, sainyo naman po iyan."
Kung kailan hawak na niya saka pa siya nagtanong.
Tumango naman ito at walang pasabing kumagat sa peaches na hawak niya. Tila musika saaking pandinig ang ginawang tunog nun, napapikit pa ito habang ninanamnam ang prutas kaya naman malaya kong napagmasdan kung paano tumulo ang katas ng peach mula sakanyang labi papunta sakanyang leeg.
Wala sa sariling nilabas ko ang panyo saaking bulsa at pinunasan ang leeg nito at ang gilid ng labi niya.
Npahinto ito sakanyang pag nguya, at para akong binuhusan ng napakalamig na tubig ng mapagtanto ang aking ginawa.
"Pasensya n-napo Señorita hindi ko po sinasadya." Nakayukong wika ko rito, pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako ng malamig dahil sa sobrang kaba.
Isang kapangahasan ang aking ginawa. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon.
"Give it to me."
Napaangat ako ng tingin ng marinig itong mag salita, nakita ko ang palad nitong naka angat sa harapan ko tila ba may hinihingi.
"Handkerchief."
Tipid na wika nito, nagulat naman ako sa sinabi nito at mabilis na nilagay sakanyang palad ang panyo ko.
Muli siyang kumagat sa prutas at ako naman ay pinanood lamang siya kung paano niya ubusin ang isang peaches na hawak, sa tuwing tumutulo ang katas nun ay pinangpupunas niya ang aking panyo.
Hindi ko alam kung tama bang panoorin ko siya o dapat na umalis na ako pero para atang ang bastos kung aalis nalang ako bigla.
"A-Ahm, mauna na po ako." Mahinang wika ko tila nahihiya pa. Nakita ko kasing ubos na niya ang prutas kaya doon lang ako nag kalakas ng loob na mag paalam.
Tumango lamang ito at tinalikuran na ako.
Kunot noong pinagmasdan ko siya kung paano siya mabilis na nakaakyat sa kabayo niya.
Nang maiayos niya ang kanyang sarili ay muli itong tumingin saakin.
"Thank you." sa malambing na tono.
Huling wika nito bago pinasibat ang kabayo paalis. Wala sa sariling sinundan ko ito ng tanaw papalayo.
Tama ba iyong narinig ko? Nag thank you siya sa malambing na boses?
Iniling iling ko na lamang ang aking ulo, guni guni ko lang iyon. Oo tama, mabuti pa ay bumalik nako sa taniman at tulungan si tatay.
Ngunit parang may kulang, napatingin ako sa mga hawak ko. Doon ko lang napagtanto na hindi binalik ng señorita ang aking panyo.
Muli ko nanamang naalala ang ginawang kahihiyan at kung may mas ikakahiya pa ko ay naalala kong ang panyo na iyon pala ay pinangpunas ko rin ng pawis ko kanina.
Nakakahiya!
Naamoy kaya niya yung pawis ko doon? Nandidiri na siguro iyon ngayon, bakit sa lahat ng pwede makalimutan ay iyon pa?
Nakakahiya talaga, pinangpunas niya pa iyon sa labi niya kanina kaya imposibleng hindi niya maamoy ang pawis ko roon.
Napahilamos ako saaking mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Sana ay itapon niya nalang iyon.
Oo tama, ano namang gagawin niya sa panyo ko diba? Malamang ay itatapon niya iyon.